Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan - Modyul 3: Mga Hamong Pangkabuhayan Sa Tugon NG Pamahalaan Ay Mapagtatagumpayan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

4

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Mga Hamong Pangkabuhayan; sa
Tugon ng Pamahalaan ay
Mapagtatagumpayan

CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Hamong Pangkabuhayan; sa Tugon ng
Pamahalaan ay Mapagtatagumpayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jason H. Hadap
Editor: Ma. Leilani R. Lorico, Mary Roselyn Berja
Tagasuri: Ana N. Calisura, Jerry P. Ramirez
Tagaguhit:
Tagalapat: Edsel D. Doctama, John Paul T. Dacillo
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad : Regional Director
Francisco B. Bulalacao Jr. : CLMD Chief
Grace U. Rabelas : Regional EPS In-Charge of LRMS
Ma. Leilani R. Lorico : Regional ADM Coordinator
Marites B. Tongco : Division EPS In-Charge of LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City

Telefax: 09171781288
E-mail Address: [email protected]
4
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Mga Hamong Pangkabuhayan; sa
Tugon ng Pamahalaan ay
Mapagtatagumpayan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na it ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratihiyang
magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan
naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat din ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makakaranas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mga mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa nakaraang aralin, napag-alaman mo ang kahalagahan ng


pangangasiwa at pangangalaga ng mga likas na yaman ng ating bansa
na nagsisilbing gabay sa atin upang mapangalagaan ng maayos ang
ating likas na yaman.

Ngayon naman, ay mapag-aaralan mo ang mga hamon at


oportunidad sa kabuhayan ng mga tao sa bansa.

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa mga hamong pangkabuhayan


sa bansa at ang tugon ng pamahalaan sa paglutas nito.

Pamantayang sa Pagganap

Ang mag-aaral ay matutukoy ang mga hamon ng mga gawaing


pangkabuhayan at oportunidad na kaugnay nito.

Pamantayan sa Pagkatuto

Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa mga gawaing


pangkabuhayan sa bansa.

Ano ang mga hamong pangkabuhayan na


kinakaharap ng ating bansa? May ginagawa kayang
paraan ang pamahalaan upang matugunan ang
mga ito?
Iyong malalaman ang mga kasagutan sa
pamamagitan ng pagbabasa at pagsagot sa mga
gawain sa modyul na ito.

1 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Subukin

Maramihang Pagpipili

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Gawin sa loob
ng 10 minuto.

1. Kadalasang ito ay nararanasan tuwing tag-init na nagiging sanhi ng


pagkatuyo ng mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka.
A. Kaingin
B. La Niña
C. El Niño
D. Climate Change

2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan kung bakit hindi


nakakarating ng sariwa sa palengke ang mga isda at iba pang
produkto sa pangingisda?
A. Kakulangan sa pondo ng mga kooperatiba
B. Maliit na bilang ng mga nagtitinda sa palengke
C. Kawalan ng pamasahe sa pagdadala ng mga produkto
D. Sira-sira o hindi maayos na daanan na nagpapabagal ng
transportasyon papuntang merkado o palengke

3. Ang _______ ay ang pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga


pangyayari tulad ng mga kalamidad na nakaaapekto sa kabuhayan
ng mga tao.
A. Deforestation
B. Blue Revolution
C. Climate Change
D. Green House Effect

2 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
4. Paano magkakaroon ng magandang edukasyon tungkol sa
pangkabuhayan sa pangingisda?
A. Hikayatin na walang mag-aral sa kolehiyo
B. Pagtuunan lamang ang mga kursong medikal
C. Gumawa ng hakbang na gawing opsyonal ang pag-aaral sa
kolehiyo
D. Gumawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa
marine at fishing

5. Kung ikaw ay isang Overseas Filipino Worker (OFW), ano kaya ang
iyong magandang pagtuunan ng pansin kung ikaw ay may lupang
pansakahan?
A. Magtayo ng kainan o karenderya
B. Mamuhunan ng Buy and Sale
C. Mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain
D. Ibenta ang lupa para gawing mall o department store

6. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay maaring magdulot ng


___.
A. Pagdami ng bilang ng isda sa karagatan
B. Pagdami ng mahuhuling isda
C. Pagkasira ng mga tahanan ng isda
D. Pagpadali ng panghuhuli ng isda

7. Anong paraan ang dapat gawin upang maparami ang ani?


A. Pag- aaral ng paraan sa pagpaparami ng ani
B. Pagtatanim ng mga hybrid na pananim
C. Paggamit ng mga natural na pataba sa lupa
D. Lahat ng nabanggit

8. Ang ____ ay dahilan ng pagkalason ng isda at pagiging marumi ng


tubig dagat.
A. Pagtatanim ng mga bakawan
B. Pagtatapon ng basura sa mga karagatan
C. Pagtatanim ng mga artipisyal na korales
D. Pangingisda nang naaayon sa regulasyon

3 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
9. Sa anong paraan makatutulong ang pamahalaan upang magkaroon
ng puhunan ang mga tao sa kanilang gawaing pangkabuhayan?
A. Pagpapasara sa mga kooperatiba
B. Pagsasawalang kibo sa mga pangangailangan ng mga tao
C. Pagpapautang ng may napakataas na interes sa mga tao
D. Pagpapahiram ng puhunan ng mga kooperatiba sa mga
magsasaka at mangingisda

10. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakalugi ng mga


magsasaka at mangingisda sa pagbebenta ng kanilang produkto?
A. Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto
B. Kawalan ng puhunan sa kanilang pagnenegosyo
C. Hindi maayos na daanan o sistema ng transportasyon
D. Hindi maayos na kagamitan sa pagsasaka at pangingisda

4 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Aralin Mga Hamong Pangkabuhayan;

1 sa Tugon ng Pamahalaan ay
Mapagtatagumpayan

Balikan

Lagyan ng tsek ( / ) ang pahayag na nagpapakita ng tamang


pangangasiwa ng likas na yaman at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel. Gawin sa loob ng 10 minuto.

1. Pagsusunog ng mga punong kahoy sa lupang pagtataniman o


pagkakaingin.

2. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan para sa mga mababangis


na hayop.

3. Pagtatapon ng mga basura sa mga anyong-tubig gaya ng ilog at


dagat.

4. Pagtatanim ng mga punong kahoy sa mga bakanteng lupa.

5. Pagwawalang bahala sa mga batas pangkalikasan.

6. Pangongolekta ng mga endangered species o malapit ng maubos


na uri ng hayop.

7. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

8. Pagsunod sa programang 5R’s o Refuse, Reduce, Reuse,


Repurpose, Recycle.

9. Paggamit ng mga organikong pataba para sa pananim.

10. Pagtatanim ng puno bilang kapalit sa mga pinutol.

5 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Tuklasin

HANAP SALITA

Hanapin sa lupon ng mga titik ang tatlong salitang may


kaugnayan sa aralin. Isulat ang mga ito sa iyong sagutang papel.
Gawin sa loob ng 3 minuto.

H S D E L J O I G D A
I A E T H T L O A H E
O P O R T U N I D A D
H A E O P G T U N M I
N R T D T O L O P O L
K E U D S N E H J N M
O T O D S H Q G A S G
I A S D F S A A S O T

May mga nabuo ka bang mga salita?


Kung Oo ang iyong sagot, magaling!
Magpatuloy sa iyong pagbabasa at
alamin ang ating aralin.
Handa ka na ba? Tara na!

6 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Suriin

Basahin at unawain ang teksto at ang kaisipang makikita sa grapikong


presentasyon. Gawin sa loob ng 10 minuto.

Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Kung kaya,


ang isa sa pangunahing gawaing pangkabuhayan sa bansa ay
pagsasaka. Sadyang malawak ang taniman dito. Tinatayang nasa
tatlumpu’t limang bahagdan ang sinasakang lupain sa Pilipinas.

Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa ang


mga produkto na pangunahing pangangailangan ng tao para patuloy na
mabuhay. Kung liliit ang produksiyon, maaapektuhan ang taong bayan at
ang bansa. Ayon sa maraming magsasaka, ang uri ng kanilang
pamumuhay ay isang tuloy-tuloy na pakikipaglaban sa mga hamong
kaakibat ng kanilang hanapbuhay.

PAGSASAKA

HAMON TUGON/OPORTUNIDAD
1. lumalaking bilang ng mga
angkat na produktong
agrikultural
1. impormasyon sa mga bagong pag-
2. kahirapang dulot ng aaral at saliksik upang gumanda ang
mababang kita ng mga ani at dumami ang produksiyon;
magsasaka
2. paggamit ng mga makabagong
3.limitadong pondo na teknolohiya para mapabilis ang
pinagkakaloob ng pamahalaan produksiyon;
bilang tulong sa maliliit na
3. paghihikayat sa mga OFW na
magsasaka
mamuhunan sa pagsasaka at
4. suliranin sa irigasyon, linangin ang mga lupain sa kani-
kanilang mga probinsiya;
5. kawalan ng kontrol sa presyo
4. pagbibigay ng pagkakataon para
6. suliraning dala ng kalamidad, sa magsasaka na makapag-aral ng
7. pagkasira ng kalikasan tamang paraan ng pagsasaka.

8. El Niño phenomenon o
mahabang panahon ng tag-init

7 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Bilang isang kapuluan, ang Pilipinas ay napalilibutan ng tubig kung
kaya’t napakayaman nito sa mga pagkaing dagat at halamang dagat.
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda
sa buong mundo.

PANGINGISDA

HAMON

1. Maituturing na pinakamalaking hamon sa pangingisda ang


climate change o pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga
pangyayari tulad ng mga kalamidad.

2. Kabilang din sa mga hamon sa gawaing pangkabuhayang ito ay


ang mga kalsada, tulay, at iba pang imprastrakturang nagiging
dahilan ng mabagal na transportasyon ng mga produktong dagat
kung kaya’t hindi na sariwa ang mga isdang dumarating sa
merkado.

3. Hamon ding maituturing ang pagkasira ng mga tahanan ng mga


isda sa ilalim ng dagat at hindi epektibong pangangalaga sa mga
yamang dagat lalo na sa mga protektadong lugar.

TUGON/OPORTUNIDAD

1. Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) o


mas kilala ngayon sa tawag na Philippine Fisheries Development
Authority (PFDA). Ang PFDA ay ahensya ng pamahalaan na
naglalayong mapaunlad ang industriya ng pagbibili ng isda sa
pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang daungan o pantalan
sa mga istratehikong lugar upang mapalago ang kita at produksiyon.

2. Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda;

3. Paglalaan ng mga sasakyang gamit sa pangingisda;

8 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
4. Pagbili ng mga modernong kagamitan sa
pangingisda tulad ng underwater sonars at radars, na mga
kagamitang nakatutulong upang mas madaling mahanap ang
mga isda sa ilalim ng dagat sa pamamagitan ng tunog.

5.Paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa


marine at fishing. Ito ay programa ng paaralan sa kolehiyo na
magpapalawak sa kaalaman at kakayahan na mapanatili at
mapaunlad pa ang paggamit ng yamang dagat. Ang
makabagong karunungan ay makatutulong sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa.

6. Paglulunsad ng mga programang makatutulong sa


pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda tulad ng Blue
Revolution o Biyayang Dagat na naglalayong matulungan ang
mga mangingisda sa pamamagitan ng pagpapautang ng
puhunan na maari nilang gamitin sa kanilang hanapbuhay
Kasama rin sa programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik
at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng
palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng
huling isda at pagpapalawak ng pamilihan.

7. Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong


masuportahan ang maliliit na mangingisda sa pamamagitan
ng pagpapahiram ng pera bilang puhunan sa kanilang
hanapbuhay.

Pinagkunan: Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter


F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S.
Magsino, Maria Lucia L. Manalo, Jose B. Nabaza, Evelyn P. Naval, Araling Panlipunan –
Ikaapat na Baitang, Unang Edisyon 2015 Kagamitan ng Mag-aaral, Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), pp.164-170

9 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Pagyamanin

GAWAIN 1: # FILL IT UP. Unawain ang hinihinging kasagutan sa


graphic organizer. Kopyahin ito sa sagutang papel at isulat ang titik ng
tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa loob ng kahon. Gawin sa loob
ng 7 minuto.

A. mga sakuna sa dagat


B. pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng
underwater sonars at radars
C. suliranin sa irigasyon
D. El Niño phenomenon
E. pagpapatayo ng mga bagong pantalan
F. makabagong teknolohiya sa pagsasaka
G. pagdami ng mga angkat na produktong agrikultural
H. bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
I. pagkasira ng tahanan ng isda
J. programang Blue Revolution at Biyayang Dagat
K. paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka
L. pagkasira ng mga korales sa dagat

Isulat sa ugat ng puno ang mga Isulat sa itaas na bahagi na tinik ng


HAMON sa pangkabuhayang isda ang mga HAMON sa
pagsasaka at sa dahon naman para sa pangkabuhayang pangingisda at sa
oportunidad o tugon ng pamahalaan. ibabang bahagi naman para sa
Hanapin ang iyong sagot sa kahon na oportunidad o tugon ng pamahalaan.
nasa itaas. Hanapin ang iyong sagot sa kahon na
nasa itaas.

10 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
GAWAIN 2: TAMA O MALI

Basahin at unawain ang mga pahayag at isulat ang TAMA kung may
katotohanan ang sinasabi nito at MALI naman kung hindi. Gawin sa loob
ng 5 minuto.

______1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago kung kaya’t isa sa


pangunahing hanap-buhay ng mga tao ay ang pangingisda.

______2. Ang mga Pilipino ay walang suliraning pangkabuhayan.

______3. Dahil sa pagkasira ng mga korales, nababawasan ang huling


isda sa bansa.

______4. Hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga suliraning


pangkabuhayan ng mga tao.

______5. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mapaparami ang ani ng mga


magsasaka.

GAWAIN 3: WORD COMPLETION

Punan ang kahon ng nawawalang titik upang mabuo ang inaasahang


sagot sa bawat bilang. Gawin sa loob ng 5 minuto.

1. Ito ang pangunahing hanap-buhay ng mga taong malapit sa dagat.

P N G G I D

2. Ito ay mahabang panahon ng tag-init kaya natutuyo ang mga


sakahan.

E - Ñ

3. Ito ang pangunahing hanapbuhay sa bansa na patunay na isang


agrikultural na bansa ang Pilipinas.

G A S K

11 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
4. Ito ang kinakaharap na isyu sa gawaing pangkabuhayan ng bansa.

A O

5. Ito ang tulong ng pamahalaan upang makatugon sa suliraning


pangkabuhayan.

O P R U I A D

Nagustuhan mo ba ang iyong mga ginawa


sa bahaging Pagyamanin?
Ngayon naman ay gawin ang susunod na gawain
sa ibaba. Handa ka na ba? Magsimula ka na!

Isaisip

Kumpletuhin ang talata sa pamamagitan ng pagsuplay ng salitang


nawawala. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin sa loob ng 5
minuto.

Kilala ang ______ bilang isang _______________ na bansa.

Dalawa sa pangunahing gawaing pangkabuhayan ng bansa, ang


___________ at ___________.

Ang mga gawaing ________ ito ay nakararanas ng iba’t ibang


_____ na dapat malagpasan at mga ________ na makatutulong para
higit na mapaunlad ang _____ ng bansa.

12 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Isagawa

Ngayon naman ay subukin ang iyong


galing sa pamamagitan ng pagbigay ng
suhestiyon upang matugunan ang mga
hamong pangkabuhayan sa Pilipinas.
Paghusayan mo!

Punan ang talahanayan ng mga posibleng solusyon sa mga hamong


pangkabuhayang kinakaharap ng ating bansa. Gawin sa loob ng 10
minuto.

Mga Hamon Posibleng Solusyon

Tagtuyot sa Panahon ng
Pagtatanim

Pagdating ng hindi sariwang isda


sa mga palengke

Climate Change

Kaunting inaaning palay

Kawalan ng puhunan ng mga


magsasaka at mangingisda

13 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Tayahin

GAWAIN A

Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat ito sa iyong sagutang papel. Gawin sa loob ng 5 minuto.

1. Paano matutugunan ang suliranin sa patubig ng mga sakahan sa


bansa?
A. Umasa sa tubig ulan para makapapagtanim.
B. Magtanim lamang sa lugar na may suplay ng tubig
C. Pagpapatayo ng pamahalaan ng mga irigasyon para sa mga
lupang sakahan.
D. Hikayatin ang mga magsasaka na magtayo ng sariling patubig
para sa sakahan.
2. Ano ang dahilan sa pagkakaantala ng pagdating ng mga isda sa
palengke na dahilan ng pagiging bilasa nito?
A. Mahabang panahon ng tagtuyo
B. Paggamit ng tamang paraan ng pangingisda
C. Walang masasakyan ang mga mangingisda
D. Kawalan ng maayos na daanan o imprastraktura upang
makarating ng maayos at maaga ang mga isda sa palengke
3. Anong paraan ang maaaring gawin upang maparami ang ani ng
mga magsasaka?
A. pagpapatayo ng mga kooperatiba
B. pagpapautang ng puhunan sa mga magsasaka
C. pagsunod sa programa tungkol sa pagtatanim
D. pagbibigay ng impormasyon at pag-aaral sa tamang paraan
ng pagsasaka

14 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
4. Ang mga sumusunod ay paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat.
Isa sa mga ito ay ang dahilan ng pagkasira ng tahanan ng mga isda
sa ilalim ng dagat. Alin ito?
A. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda
B. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda
C. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli
D. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng
isda
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng katotohanan
tungkol sa gawaing pangkabuhayan ng Pilipinas?
A. Mayayaman ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
B. Hindi natutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng
mga mamamayan.
C. May kinakaharap na hamon sa gawaing pangkabuhayan ang
bansa, may tugon dito ang pamahalaan at may ibinibigay na
oportunidad.
D. Nangunguna ang Pilipinas sa pangkabuhayang pangingisda
at pagsasaka sa buong Asya kaya’t walang hamong
nararanasan ang mga mamamayan.

15 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
GAWAIN B

Pagtapatin ang Hanay A (HAMON sa gawaing pangkabuhayan) sa Hanay


B (TUGON / OPORTUNIDAD na ibinibigay ng pamahalaan). Gawin sa
loob ng 5 minuto.

A. HAMON B. TUGON/OPORTUNIDAD

1. kawalan ng puhunan A. pagbabantay ng mga Bantay-


Dagat

2. kaunting huling isda B. pagpapatayo ng irigasyon na


magbibigay patubig sa mga
sakahan

3. kawalan ng kaalaman sa C. pagpapautang ng mga


tamang pagtatanim kooperatiba na may mababang
interes

4. pagkasira ng tahanan ng isda D. paggamit ng Underwater Sonar


at Radars sa pangigisda

5. di sapat na patubig sa sakahan E. pag-aaral at pananaliksik sa


tamang paraan ng pagsasaka

16 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Karagdagang Gawain

Kumusta ang iyong nakuhang iskor sa


Pagtataya? Nasiyahan ka ba sa iyong mga
ginawa sa araling ito?
Narito ang inihandang gawain para
mapaunlad pa ang iyong kaalaman tungkol sa
aralin.

Ano ang pangunahing hanapbuhay sa inyong


pamayanan?
Ito ba ay pagsasaka o pangingisda?
Kung ano man ang iyong sagot, gawin itong
gabay sa pagsagot sa susunod na gawain.

Magtanong sa inyong magulang o tao sa inyong komunidad tungkol


sa HAMON o SULIRANIN sa kanilang kabuhayan at ang naging tugon
nila o tulong na naibigay sa kanila ng pamahalaan upang sila ay
matulungan.

Punan ang talahanayan na nasa ibaba. Gawin sa loob ng 10 minuto.


GAWAING PANGKABUHAYAN (PAGSASAKA o PANGINGISDA)
HAMON TUGON/OPORTUNIDAD

17 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3 18
ISAGAWA Pagyamanin SUBUKIN
Answers may Vary GAWAIN 2 1. C 6. C
2. D 7. D
1. TAMA 3. C 8. B
2. MALI 4. D 9. D
TAYAHIN
3. TAMA 5. C 10. A
GAWAIN A GAWAIN B 4. MALI
1. C 1. C 5. TAMA
2. D 2. D
3. D 3. E GAWAIN 3 BALIKAN
4. C 4. A 1. PANGINGISDA 1. EKIS (X) 6. EKIS (X)
5. C 5. B 2. EL NIÑO 2. TSEK (/) 7. EKIS (X)
3. PAGSASAKA 3. EKIS (X) 8. TSEK (/)
4. HAMON 4. TSEK (/) 9. TSEK (/)
KARAGDAGANG
5. OPORTUNIDAD 5. EKIS (X) 10. TSEK
GAWAIN
(/)
Answers may Vary ISAISIP
Kilala ang Pilipinas
bilang isang TUKLASIN
agrikultural na bansa.
HAMON
Dalawa sa TUGON
pangunahing gawaing OPORTUNIDAD
pangkabuhayan ng
bansa ang pagsasaka at
pangingisda.
Pagyamanin
Ang mga gawaing GAWAIN 1
pangkabuhayang ito
ay nakararanas ng DAHON - FHK
iba’t ibang hamon na UGAT – CDG
dapat malagpasan at
mga oportunidad na ITAAS NA TINIK
makatutulong para - AIL
higit na mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa. IBABANG TINIK
- BEJ
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A.


Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R.
Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino,
Maria Lucia L. Manalo, Jose B. Nabaza, Evelyn P. Naval,
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang, Unang Edisyon
2015 Kagamitan ng Mag-aaral, Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS),
pp.164-170

19 CO_Q2_AralingPanlipunan4_Modyul3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like