Ang Guimaras Ay Itinuturing Na Isa Sa Pinakamagandang Isla Sa Pilipinas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Guimaras ay itinuturing na isa sa pinakamagandang isla sa Pilipinas.

Tahanan ng mga
nakakamanghang white beaches at kilala sa buong mundo na may pinakamatamis na
manga. Ano nga ba ang kwento at kasaysayan ng probinsyang islang ito? Paano nga ba nito
nakuha ang kanyang pangalan?
Isang misteryosong araw mga KaMisterio. Sa bagong video na ito, pag-uusapan natin ang
Guimaras. Dito lang sa Misterio.
(Intro)
Ang Probinsya ng Guimaras ay isang islang probinsya na sakop ng Kanlurang Visayas. Sentro
ng probinsyang ito ang Jordan. Ito ay matatagpuan sa Gulpo ng Panay sa pagitan ng mga isla
ng Panay at Negros. Ito ay binubuo ng limang mga bayan, ang Buenavista, Jordan, Nueva
Valencia, San Lorenzo at Sibunag.
Noon pa man, ang lugar na ito ay nakakuha ng atensyon ng mga banyaga. Si R. Morales,
isang may-akda ng aklat na “The Augustinians in Panay” na inilathala noong 1987, ay
naniniwala na ang mga Espanyol ay tiyak na naglakbay malapit sa timog na baybayin ng
Negros at Panay, ang ngayong isla ng Guimaras. May isang marinong Portuges noon ang
syang posibleng nagbigay ng pangalan sa isla hango sa kanyang lugar ng kapanakan sa
Portugal ang Guimaraez.
Ang orihinal na pangalan nito ay "Himal-us" ngunit kalaunan ay pinalitan ito ng "Guimaras".
Ayon naman sa kwentong bayan o alamat, nakuha ng isla ang pangalan nito sa mga
pangalan ng dalawang magkasintahan, si Prinsesa Guima at ang aliping si Aras, na
sumalungat sa tradisyon sa kanilang pag-iibigan. Ayon sa kwento, naligo ang dalawa sa
katubigan ng isla at hindi na raw nakabalik pa at tuluyang naglaho.
Alam nyo ba KaMisterio na ang Guimaras ay dating sub-province ng Iloilo? Ngunit sa bisa ng
R.A. 7160, idineklara itong isang regular na lalawigan noong Mayo 22, 1992.
Ang lalawigan ng Guimaras ay binubuo ng isang mainland at mga kumpol ng maliliit na isla.
Ang Guimaras ay napapaligiran ng anyong tubig kung saan ang Guimaras Strait ay binubuo
ang pinakamalaking kanlurang bahagi ng isla. Ito ang pinakamahalagang anyong tubig na
ginagamit para sa nabigasyon. Ang malalaki at maliliit na bangka na papasok at palabas ng
mga lalawigan ng Iloilo at Guimaras ay dumadaan dito, na nagpapadali sa mga aktibidad sa
ekonomiya para sa parehong mga lalawigan.
Ang probinsya ay isang agrikultural na lugar kung saan ang mga palay, niyog, pag-aalaga ng
hayop at pangingisda ang pangunahing produkto nito. Maganda rin ang turismo dito. Higit
sa lahat, dito lang naman matatagpuan ang pinakamatamis na mangga sa buong bansa. Sa
katunayan, naihain na rin ang mangga mula sa isla sa White House o ang tirahan ng pangulo
ng United States of America at sa Buckingham Palace sa United Kingdom. Taon-taon sa
buwan ng Mayo ay ipinagdiriwang sa probinsya ng Guimaras ang Manggahan Festival.
Dinadayo rin ang isla dahil sa nagagandahang mga lugar, katulad ng Taklong Island
Taklong Island
Naapektuhan ang lugar na ito ng Oil Spill noong 2006. Ito ay isang marine biological station
na pinapatakbo ng University of the Philippines Visayas.
Nandiyan din ang Guisi Beach and Lighthouse. Ang Guisi Lighthouse ay isang 18th century
Spanish-colonial lighthouse na itinayo sa tabi ng beach. Itinayo ito upang gabayan ang mga
marinero na dumaraan sa kipot ng Iloilo at Guimaras. Bagama't luma na ang kalagayan ng
parola ay ipinagmamalaki ng mga Guimarasnon ang pagkakaroon ng pangalawang
pinakamatandang parola, pangalawa sa lumang parola sa Aparri, Cagayan.
Makikita rin sa Guimaras ang mga white beaches na napakasarap paligu-an, ang Alubihod
Beach, Tatlong Pulo Beach, at marami pa.
Maaari ding puntahan dito ang Roca Encantada. Ito ay isa sa pinakasikat na landmarks sa
Guimaras. Isa itong summer house ng Pamilyang Lopez, na tinawag na Roca Encantada o
Enchanted Rock. Itinayo ito noong 1910 para kay Dona Presentacion Hofilena Lopez.
Isa ring atraksyon dito ay ang San Lorenzo Windfarm. Ito ay isang proyekto ng Trans-Asia
Renewable Energy Corporation na matatagpuan sa Suclaran, San Lorenzo. Ang 27 wind
turbine generators ay nakatayo sa apat na barangay ng Cabano, M. Chavez, Cabungahan at
Suclaran. Bawat wind turbine ay nakakabuo ng 2 megawatts o nasa kabuuan na 54
megawatts.
Pag-usapan naman natin ang Balaan Bukid sa Guimaras o sa literal translation ang Holy
Mountain. Ito ay isang pilgrimage site ng mga katoliko tuwing Holy Week. Paakyat sa
bundok na ito ay makikita rin ang 14 na estasyon na tinawatag naman na Way of the Cross
na nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa buhay ni Hesukristo.
Maliban sa mga nabanggit na mga atraksyon, marami pang mga lugar ang naghihintay
mapuntahan at mabisita sa isla ng Guimaras. Sa lupa man o sa tubig, maging sa paglambitin
ng mga mangga sa hangin, tunay na napakaganda at nakakahalina ang Guimaras bilang isang
isla at probinsya.
Bago tayo magtapos shout out sa ating mga KaMisterio.
Jhon Clear Aboy Borlado
Shine Min Lee
Sa nagrequest ng video na ito, Happs Zkie
Sa ating Top Fan na si Ci Kent
Sa ating Star Sender na si Carina DC Zitro II.
Hanggang dito na lamang ang ating kwento tungkol sa isla at probinsya ng Guimaras. Kung
meron kang katanungan, suhestiyon, maling narinig, magpa shout out, mag-iwan lamang ng
komento sa ating video. Hanggang sa muli, lagging tandaan ang buhay ay isang
napakagandang misteryo.

You might also like