Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG MGA IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA o KOMENTARYO
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marianne L. Lucas
Tagasuri: Adela S. Cruz, MT I
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

!
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 3 para sa Sariling Pagkatuto
IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG
MGA IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA o
KOMENTARYO
Manunulat: Marianne L. Lucas
Tagasuri: Adela S. Cruz, MT I /Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul para sa
araling IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG MGA IDEYA SA
PAGSULAT NG BALITA o KOMENTARYO !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul ukol sa IBA’T IBANG


ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG MGA IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA o
KOMENTARYO !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto:

• Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik

• Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa


pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa

Layuning Pampagkatuto:

1. Nailalahad ang mga gabay sa wastong pagpili ng mapagkakatiwalaang mga


website sa pananaliksik

2. Naiisa-isa ang mga maaaring pagkuhanan ng mga ideya at datos (Internet,


Aklat, Survey, Videos, atbp)

3. Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng balita at komentaryo upang


makasulat ng alinman sa mga ito hinggil sa napapanahong isyu ng lipunan
gamit ang mga nakalap na ideya

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin sa kahon ng pagpipilian ang salitang tinutukoy sa


bawat bilang.

Balita Telebisyon Aklat Dagli

Sarvey Kuro-kuro Komentaryo Internet

_____ 1. Isang pandaigdigang network ng kompiyuter na nagbibigay ng iba’t


ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon.
_____ 2. Ito ay pagsisiyasat upang kumalap ng mga opinyon at karanasan sa
pamamagitan ng pagtatanong.
_____ 3. Nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na naglalaman ng
mga impormasyon o mga datos.
_____ 4. Ito ay anomang pangyayaring hindi karaniwan hinggil sa lipunan na
naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.
_____ 5. Pasulat na pagpapahayag ng mapanuring opinyon o pagpapaliwanag
tungkol sa partikular na pangyayari o paksa.

6
BALIK-ARAL
"

Panuto: Piliin ang titik ng katumbas na Popular na Babasahin na tinutukoy sa


bawat bilang.

A. Tabloid B. Magasin C. Komiks D. Dagli

1. Ang babasahin na ito ay mas kakaunti ang mga salita ngunit ito ang may
pinakamaraming ang mga larawan/piktyur.

2. Nagtataglay ng pormal na salita ang babasahing ito, mayroon din itong


seryosong tono dahil tungkol ito sa mga balita.

3. Ang mga pangungusap sa popular na babasahin na ito ay nasa anyong


pasalaysay dahil ito ay pinaikling kuwento.

4. Mayroong pinagsamang ginuhit na mga larawan at lobo ng diyalogo ang


babasahing ito.

5. Ang babasahing ito ang may pinakamagandang kalidad ng papel sa lahat


ng popular na babasahin, makulay, makapal at matibay.

ARALIN

Iba’t ibang Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya sa Pagsulat ng


Balita o Komentaryo

Sa simula ng araling ito, mahalagang malaman mo muna kung ano ang


kahulugan at katangian ng Balita at Komentaryo.

Ano ang Balita?

Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap,


nagaganap, o magaganap pa lamang tungkol sa lipunan. Ang mahahalagang salik
ng balita ay (a)mga pangayayari o detalye nito, (b)kawilihan, at (c)mambabasa. Ito
rin ay may katangiang (a)may ganap na kawastuhan paktual o tunay na
pangyayari, (b)napapanahon at may diin sa katotohanan, (c)walang kinikilingan,
(d)maikli, at (e)malinaw.

7
Basahin ang halimbawang balita na ito:

“GCQ pa more, hirit ng Metro Manila mayors”


Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am

Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro  Manila sa kanilang rekomendasyon


sa Inter-Agency Task Force  for the Management of Emerging Infectious Diseases 
na  mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ)  sa National Capital
Region (NCR).
Sinabi ni Metro Manila Council  (MMC) chair at Parañaque Mayor Edwin
Olivarez  na napagkasunduan ng 17 mayors sa ginanap nilang pulong  na
pinagbatayan sa kanilang rekomendasyon sa  IATF  na kailangang mabalanse ang
‘health’ at ‘economy’ .
“Ang pinagbasehan po nyan yung pagbubukas natin ng ekonomiya na
dahan-dahan, na hindi pwedeng i-compromise ang ating health protocol, hirap na
hirap na po ang ating mga kababayan,” ani Olivarez.
Inaasahan namang ito rin ang irerekomenda ng IATF kay Pangulong Rodrigo
Duterte na magdedesisyon kung anong quarantine status ang ipatutupad ngayong
Setyembre 1.
Napag-usapan din aniya, sa pulong ng MMC na paikliin na lamang ang
curfew hours na mula sa alas- 8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw ay
gagawing alas- 10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
Patuloy din aniya ang gagawing pagpapaigting sa critical care capacity sa
pamamagitan ng pagtatayo pa ng mga isolation facilities para sa may mga mild
cases at suspected cases ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19).
Itutuloy din ang pagpapatupad ng localized lockdown sa ilang lugar na matutukoy
na may clustering cases dahil sa pagkakahawaan.

Ano ang Komentaryo?

Ang komentaryo ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig sa isang


usapin o isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o maging sa mga
isyung matagal nang umiiral. Depende sa uri ng komentaryo na gagawin, 
maaaring masusing komentaryo o mapanira.  

Kung minsan kasi ay hindi maiwasang pumanig ang isang komentarista sa


mga isyung pinag-uusapan.  At kung nangyari ang bagay na ito,  maaring hindi
balanse ang mga komento niya sa isyu.  

Kadalasang naisasagawa ang komentaryo sa tv, sa radyo, pahayagan, at


ngayon ay sa mga social media sa internet.

Basahin ang halimbawang komentaryo na ito:

“Mga Bagong Bayani ang Heath Frontliners”


BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am (Bahagi lamang)

Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging tampok
sa lahat ng programa ng mga local government units ang pagbibigay parangal sa
medical frontliners. Malaki ang naging ambag ng mga doctors, nurses, medical
staff at iba pa para sagipin ang buhay ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19.
Kabilang din sa frontliners ang mga pulis at sundalo. Halos walang oras
silang naka-deployed sa lansangan para proteksiyunan ang sambayanan. Kaya

8
pinupuri ko sina Philippine National Police Deputy Director for Operation Lt. Gen.
Guillermo Eleazar at National Capital Region Police Office chief MGen. Debold
Sinas sa sakripisyong ipinamalas nila sa sambayanan.
Halos hindi na sila natutulog upang masiguro na naipatutupad ang health
protocol ng IATF. Ang masama lang dito, mukhang sila pa ang pinupuntirya ng
ilang ambisyosong PNP officials na naghahangad sa puwesto ni PNP chief Gen.
Archie Gamboa na magreretiro ngayong buwan.

Karapat-dapat talagang bigyan ng pagpapahalaga ang serbisyo ng ating


medical team sa lahat ng dako ng bansa. Sila ang mga bagong bayani ng bansa sa
panahon ng pandemya. May mga doctor, nurses at medical staff ang nanawagan
ng “time out” dahil pagod na sila sa pag-asikaso sa mga tinamaan ng sakit. Kaya
panawagan nila sa sambayanan na sumunod sa health protocol upang maiwasan
ang hawahan. Kaya mga suki, palaging magsuot ng face mask, face shield at
pairalin ang social distancing para makaiwas sa sakit.
Ang mga darating na OFWs at LSIs ay susunduin ng mga provincial medical
team at isasakay sa ambulansiya na magdadala sa kanila sa quarantine facilities.
Kaya wala munang kaanak na makakahalubilo ang mga ito upang maiwasan ang
physical contact. Kaya may panawagan ako kina Contreras at Dadivas na pag-
usapan na lang ninyo nang maayos ang gusot upang ang kaayusan at kaligtasan
ng Capiz ay masiguro.

Mga Gabay at Maaaring Pagkuhanan ng Ideya o Datos sa Pagsulat ng


Balita o Komentaryo

1. Internet - ito ay isang pandaigdigang network ng kompiyuter na nagbibigay ng


iba’t ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon. Ang google at yahoo
ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa pagsasaliksik ng mga impormasyon
na nais nilang malaman. Ang mga ito ay naka-konekta sa iba’t ibang platforms ng
internet na maaari sayong makapagbigay ng mga kaalaman mula sa iba’t ibang
panig ng mundo. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng
kredibilidad at awtensidad ng mga nakalagay na impormasyon dito. Kinakailangan
na ito ay mula sa pinagkakatiwalaang ahensya, grupo, o indibidwal na espesyalista
o dalubhasa sa paksa o larang.
2. Aklat- Ang aklat ay isa sa mga pinaka-una at batayang pinagkukuhanan ng
impormasyon noon hanggang ngayon. Ito ay nakalimbag o nakasulat sa mga
pahinang pinagsama na naglalaman ng mga impormasyon o mga datos.
Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi obsolete o masyado nang luma.
Hangga’t maaari ay hindi lalampas 10-20 taon ang tagal mula sa pagkakalimbag
nito. Kasama ng mga aklat ang iba pang mga printed sources gaya ng dyornal o
pahayagan.

3. Sarvey - Isa itong talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko na


naglalayong makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao. Madalas
itong ginagamit sa pananaliksik upang bigyan ng interpretasyon ang mga numero
mula rito. Ngunit may mga sarvey din naman na ang mga sagot na pahayag ang
binibigyan ng diin dito.

9
4. Panayam o Intervyu - Ito naman ay ang tahasang pagtatanong sa isang
indibidwal o grupo na dalubhasa o may sapat na kaalaman sa isang paksa.
Maaaring isulat o di kaya’y i-rekord sa pamamagitan ng video o audio ang
pagtatanong ng tagapanayam at ang sagot ng kinakapanayam, ngunit huwag
kalimutang humingi ng pahintulot.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo


1. Pumili ng napapanahong paksa - Mahalaga na ikaw ay magmasid sa iyong
paligid, mula sa iyong mga nababasa, naririnig, nakikita, at napapanood. Anong
suliranin o pangyayari sa lipunan ang tumawag ng iyong pansin at sa tingin mo
ay matutuwa kang malaman ang mga impormasyon at katotohanan tungkol
dito?

2. Magsaliksik - Sa bahagi namang ito ay maaari kang magsaliksik sa iba’t ibang


pagkukuhanan ng ideya o datos tulad ng internet, aklat, dyornal, pahayagan,
sarvey, o intervyu. Basahing mabuti ang iyong pinagkukuhanan at isulat ang
mahahalagang impormasyon na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong balita o
komentaryo. Mahalagang makuha mo ang mga sagot sa tanong na ANO, SINO,
SAAN, KAILAN, at BAKIT.

3. Lumikha ng iyong burador -Ang lahat ng manunulat ay gumagamit ng burador


o scratch paper. Mula sa mga detalye na iyong nasaliksik. Lagyan mo ng bilang o
numero kung ano ang pinaka-importante hanggang sa di-gaanong mahalaga.
Ang balita at komentaryo ay nagtataglay ng tinatawag na PAMATBUNAY o Lead.

Pamatnubay - ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay


unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay ang
buod. Ngunit maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga salitang
panghihikayat ng interes ng mambabasa, o isang parapo o talata.

Halimbawa:

“Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro  Manila sa kanilang


rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force  for the Management of Emerging
Infectious Diseases  na  mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ)  sa
National Capital Region (NCR).” (Pamatnubay sa Balita)

“Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging tampok
sa lahat ng programa ng mga local government units ang pagbibigay parangal sa
medical frontliners.” (Pamatnubay sa Komentaryo)

4. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo - Ang mga bahaging ito ay ay simula
(pamatnubay), katawan, at wakas. Tandaan na sa pagsulat ng balita, iwasan ang
masyadong mahabang talata. Maaari itong putolin upang bumuo ng bagong talata.
“Isang ideya = isang talata.” Gumamit ng mga transitional devices upang mapag-
ugnay-ugnay ang mga talata gaya ng mga salitang: una, ikalawa, sumunod, sa
kabilang banda, gayunpaman, bilang pagwawakas, at iba pa.

10
5. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa - Mahalaga na basahin mo ang sarili
mong gawa upang makita mo ang ilang mga kamalian sa ispeling, pagbabantas, o
nilalaman na sa tingin mo ay kailangang alisin o dagdagan. Maaari din na ipabasa
mo ito sa iyong magulang, kapatid, o kasama sa bahay na may kakayahang
sumuri ng kalakasan at kahinaan ng iyong gawang balita o komentaryo.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1: Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag sa bawat bilang.

1. Ang balita ay kinakailangang napapanahon, makatotohanan,


at walang kinikilingan.
2. Ang komentaryo naman ay nagtataglay ng saloobin hinggil sa
isang paksa na kinakailangang mapanira lamang.
3. Sa pagsasagawa ng intervyu, kahit sinong tao ay maaari
mong tanungin o kapanayamin hinggil sa paksang iyong napili.
4. Kahit anong aklat ay maaari mong gamitin sa iyong pagsulat.
5. Ang sarvey ay isa sa mga mapagkakatiwalaang puwedeng
pagkuhanan ng detalye.
PAGSASANAY 2: Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsulat ng balita o
komentaryo sa pamamagitan ng paglalagay ng bilag 1 hanggang 5 sa patlang
bago ang titik.

A. Lumikha ng burador

B. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa

C. Pumili ng napapanahong paksa

D. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo

E. Magsaliksik

PAGSASANAY 3: Bumuo ng sariling gawang balita o komentaryo hinggil sa


napapanahong balita sa iyong kapaligiran. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

PRODUKTO SA PAGGANAP – Pagsulat ng Balita o Komentaryo

GRASP

Naglunsad ng patimpalak sa pagsulat ng balita at komentaryo sa Filipino


ang GMA NEWS Department sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon
(DepEd). Bukas ito sa lahat ng mag-aaral sa ika-8 baitang.

11
Layunin ng patimpalak na ito na tumuklas ng mga batang may angking
husay sa pagsulat ng balita at komentaryo sa Filipino.

Ang magwawagi ay magiging bahagi ng ilulunsad na programang balitaan para


sa mga kabataan sa platform ng Facebook.
Ang unang antas ng paligsahan ay sa paaralan isasagawa kaya ikaw at ang
iyong mga kaklase ay lalahok dito. Ang iyong gawa ay huhusgahan ayon sa rubrik
na nakalahad sa ibaba:

KAILANGAN
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN NG
PAGSASANAY

Anyo (May
Simula, Gitna, at 5 4.5 4 2
Wakas)

Nilalaman ng
Balita/ 4.5 4 2
5
Komentaryo ayon
sa Nasaliksik
Daloy ng mga
5 4.5 4 2
impormasyon

Makatotohanan 5 4.5 4 2

5 4.5 4 2
Napapanahon

PAGLALAHAT

Alam kong marami kang natutuhan sa pagtatapos ng araling ito. Ano ang sa
tingin mong pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa araling ito?

PAGPAPAHALAGA

Ano sa tingin mo ang gampanin at kahalagahan ng pagsulat ng balita sa


paghubog ng kaasalan ng mga kabataang tulad mo?

12
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain at mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Ang ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita


salig sa isang usapin o isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko
o maging sa mga isyung matagal nang umiiral.
A. balita B. komentaryo C. pamatnubay D. burador

2. Ang ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat


ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa
dahil ito ay ang buod.
A. komentaryo B. balita C. burador D. pamatnubay

3. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi o masyado


nang luma.
A. obsolete B. makabago C. makapal D. legit

4. Ang ay talatanungan na nakalimbag o maaaring


elektroniko na naglalayong makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo
ng mga tao.

A. internet B. aklat C. sarvey D. panayam

5. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng


ng mga nakalagay na impormasyon sa internet.

A. awtentisidad B. kahusayan C. kasamaan D. daloy

13
14
2020/09/01/2039155/mga-bagong-bayani-ang-health-frontliners
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/
https://rb.gy/kvh9w3
mula sa internet
City: Rex Book Store, Inc., 2003
Ceciliano-Jose Cruz. Pamahayagang Pangkampusa sa Bagong Milenyo. Manila
Sanggunian
Pagsasanay 3
Gawing Gabay ang Rubriks sa pagwawasto ng iyong gawain.
Maaaring magtanong sa guro sa kung paano ang pagwawasto sa gawaing ito gamit
ang rubriks
Pagsasanay 2 Pagsasanay 1 Balik-aral Paunang
A. 3
 1. Tama 1. B Pagsubok
2. A 1. Internet
B. 5 2. Mali
3. D 2. sarvey
C. 1 3. Mali 4. C 3. aklat
D. 4 4. Mali 5. B 4. balita
5. komentaryo
E. 2 5. Tama
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like