Esp2 q3 Mod2 KarapatanMoKarapatanKo Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Karapatan Mo, Karapatan Ko

CO_Q3_EsP 2_ Module 2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2 Karapatan Mo, Karapatan Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Melicyn T. Hupana

Editor: Rosalinda S. Ibarra, Lordennis T. Leonardo

Tagasuri: Marissa B. Allas

Tagaguhit: Sheila Marie S. Esteban

Tagalapat: Marlon R. Quiba

Tagapamahala:

Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas

Nestor P. Nuesca, Veronica B. Paraguison, Sheralyn M. Allas,

Sierma R. Corpuz

Inilimbag sa Pilipinas ng__________________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Region III


Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Karapatan Mo, Karapatan Ko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa
paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at isinulat na


isinasaalang –alang ang iyong kasanayan bilang isang
mag-aaral. Nakatutulong ito sa iyo upang matutunan
mong mabuti ang aralin at mga gawaing inihanda.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakatutukoy
ng mga karapatang maaaring ibigay ng pamilya o mga kaanak
(EsP2PPP-IIIc-7).

Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ang pangungusap ay tumutukoy


sa mga karapatan na dapat tamasahin ng batang tulad mo at ekis ( x )
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Binigyan ako ng pangalan ng aking mga magulang.


2. Hinahayaan akong matulog nang marumi.
3. Dinadala ako sa doktor kung ako ay may sakit.
4. Masaya akong naglalaro at naglilibang.
5. Iniiwan akong mag-isa sa bahay.

1 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
Aralin
Karapatan Mo, Karapatan Ko
1
Ang bawat bata ay dapat makaranas at mabigyan ng mga
pangunahing kailangan tulad ng pagkain, damit at tirahan. Kung ang
mga ito ay iyong nararanasan, masasabing ikaw ay nagtataglay ng
karapatang kailangan ng isang batang tulad mo.

Balikan

Panuto: Gumuhit ng puso ( ) kung ang mga sitwasyon ay


nagpapakita ng paraan ng pasasalamat sa mga karapatang tinatamasa
at bilog ( ) naman kung hindi . Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tumutulong si Mila na maghugas ng plato matapos


kumain.
2. Niyayakap ni Julie ang kaniyang ina tuwing
binibigyan siya ng regalo sa kaniyang kaarawan.
3. Inuutusan si Jean upang mamalimos para may
pambili sila ng pagkain.
4. Gumagawa ng takdang aralin si Marlon upang
tumaas ang kaniyang marka.
5. Inaaksaya ni Lito ang kaniyang mga krayola, papel
at lapis.

2 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay nagpapakita ng
pagtukoy sa mga karapatan na maaaring
ibigay ng mag-anak. Masusukat kung gaano
na kalawak ang sariling pang-unawa hinggil
sa araling ito.

Tuklasin

Ang Batang Masayahin


ni Melicyn T. Hupana

Si Sara ay masayahing bata. Gumigising siya


na may ngiti sa labi. Tuwang-tuwa siya sa mga
kinakain niyang masustansiyang almusal tulad ng
itlog, fried chicken at gatas. “Wow! ang sarap,
salamat nanay sa masarap na almusal” sabi ni
Sara. Nagiging masigla at masayahin siya dahil sa
mga iniluluto ng kaniyang ina na paborito niyang
pagkain. Ugali niyang yakapin at pasalamatan ang
kaniyang mga magulang. Dahil dito, maraming natutuwa sa kaniya.

Kung ihahalintulad mo ang iyong sarili kay Sara, taglay mo rin


ba ang karapatang mayroon siya?

3 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung nararanasan mo ang mga
sitwasyon sa ibaba at buwan ( ) kung hindi. Ilagay ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ipinagluluto ako ng nanay ko tuwing umaga.
2. Binibigyan ako ng maayos na tirahan at pagkain.
3. Masaya ako kapag niyayakap ako ni nanay.
4. Pinagagamot ako kapag may sakit.
5. Hinahayaan akong lumabas ng bahay sa panahon ng
pandemya.

Suriin

Lahat tayo ay may mga karapatan na dapat tamasahin lalo na sa


batang tulad mo. Ito ay ibinibigay ng ating mga magulang. Ang mga
larawan na makikita ay nagsasaad ng mga karapatan ng bata.

karapatang mag-aral karapatang maglaro


at maglibang

karapatang bigyan karapatang magkaroon ng


ng pangalan maayos na tirahan

4 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
Pagyamanin

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na sagot sa bawat sitwasyon.


Isulat ito sa sagutang papel.

1. Si Aling Mely ay nanganak sa ospital. Carlo ang ipinangalan


niya sa anak. Ang karapatang ibinigay sa batang sanggol ay?
a. isilang at bigyang pangalan
b. mag-aral
c. maging ligtas
d. maglaro

2. Sina Marlon at Dennis ay masayang naglalaro sa labas ng bahay


nila. Sila ay may karapatang?
a. isilang at bigyang pangalan
b. mag-aral
c. maging ligtas
d. maglaro at maglibang

3. Ito ang karapatang tinatamasa ng batang pumapasok sa paaralan


araw-araw.
a. isilang at bigyang pangalan
b. mag-aral
c. maglaro
d. maglibang

4. Isinugod sa ospital ang batang nahulog mula sa puno. Anong


karapatan ang kaniyang naranasan?
a. mag-aral

5 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
b. maging ligtas
c. maglaro
d. walang karapatan

5. Bilang isang bata, paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat


sa nararanasan mong karapatan?
a. magiging masunurin
b. maglalaro sa labas
c. magsusulat lang ako
d. manonood ng telebisyon

Isaisip

Bawat bata ay may mga karapatang dapat tamasahin. Ang iyong


pamilya at pamahalaan ang may tungkulin na ibigay sa iyo ang mga
karapatang gaya ng mga sumusunod:
● bigyan ng pangalan
● maglaro at maglibang
● maging ligtas
● mag-aral
● mahalin at alagaan
● magkaroon ng maayos na tirahan, pagkain at pananamit

Isagawa

6 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
Panuto: Piliin ang limang (5) mga karapatan na dapat tamasahin ng
isang bata. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. maisilang at magkaroon ng pangalan


b. mamasyal mag-isa
c. mabigyan ng sapat na edukasyon
d. magkaroon ng sapat na pagkain, tirahan, malusog at aktibong
katawan
e. huminto sa pag-aaral
f. mabigyan ng proteksiyon laban sa panganib
g. manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang karapatang ipinahahayag ng bawat larawan.


Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. karapatang mag-aral
b. karapatang bigyan ng pangalan
c. karapatang maglaro

7 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
d. karapatang mahalin at alagaan
e. karapatang bigyan ng maayos na tirahan at
pagkain.

1. 2.

3. 4.

5.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng iyong


karapatan. Ilagay sa sagutang papel.

8 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
CO_Q3_EsP 2_ Module 2 9
Subukin Pagyamanin Tayahin
a c
x d d
b e
b b
x a a
Balikan
Isagawa Karagdagang Gawain
(Ang sagot ay hindi sunod – *Batay sa iginuhit ng bata
sunod)
a
c
Tuklasin
d
f
g
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Agonoy, Teresita, Rosella Golloso, Gloria Peralta, EdD, and Zenaida
Ylarde. 2014. Edukayson Sa Pagpapakatao K to 12, Mabuting
Asal, Magandang Buhay, Ikalawang Baitang. Vibal Group, Inc.
Department of Education, 2020. Deped Order No.12, S 2020,
Adoption of The Basic Education Learning Continuity Plan for
School Year 2020-2021 In The Light of The COVID-19 Public
Health Emergency.
Guia-Biglete, Victoria, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan
Baldonado Catapang, and Isabel Monterozo Gonzales.
2013. Edukasyon Sa Pagpapakatao –Ikalawang Baitang,
Kagamitan ng Mag-aaral. 1st ed. Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS).
Guia-Biglete, Victoria, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan
Baldonado Catapang, and Isabel Monterozo-Gonzales.
2013. Edukasyon Sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang,
Patnubay Ng Guro. 1st ed. Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS).
Pontigon, Harriet, Guadalupe Cristobal, Rebecca Watson, and
Aladdin De Guzman. 2018. Batayan at Sanayang Aklat Sa
Edukasyon Sa Pagpapakatao, Gintong Butil 4. Rex Book Store,
Inc.

10 CO_Q3_EsP 2_ Module 2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] *


[email protected]

You might also like