Anak Script (Josie's Monologue)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Anak (2000) By Rory Quintos

Josie’s Monologue (Confrontation Scene)

Josie: Dahil mahal ko kayo *sobbing*

- Ngayon sabihin mo sa akin, sinasabi mo hindi kita


naiintindihan bakit carla ako ba inintindi mo kahit minsan?
Hindi, dahil Sarili mo lang ang iniintindi mo. Sana kahit
minsan binigyan mo ng halaga lahat ng paghihirap ko sa inyo
lahat ng sakripisyo ko sa inyo

- Sana tuwing umiinom ka ng alak…habang hinihitit mo ang


sigarilyo mo at habang nilulustay mo ang perang pinadala ko!
Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi
kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito.

- Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo, natutulog, sana


maisip mo rn kung ilang taon kong tiniis matulog mag-isa
habang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko.

- Sana maisip mo kahit kaunti, kung gaano kasakit sa akin ang


mag-alaga ng mga batang hindi ko kaano ano samantalang kayo,
kayong mga anak ko hindi ko man lang maalagaan.

- Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo bang


gaano kasakit iyon?

- Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respetuhin


mo man lang ako bilang isang tao. Yung lang Carla, ‘yun man
lang.”

(Cut)

You might also like