GMRC 7 26 30 Final
GMRC 7 26 30 Final
GMRC 7 26 30 Final
MODYUL #26
Basahin ang maikling kuwentong ito at alamin ang naging magandang bunga rjg mapanagutang
kalayaan sa pagpili ng dapat gawin sa buhay gamit ang mga kaloob na kakayahan.
Ang aking ama ay isang karpintero. Kailanman, hindi niya ninais na magsuot ng terno na maganda.
Subalit nang mamatay ang aking ina, bumili ang aking ama ng napakagandang terno at bihis na bihis na
pumunta sa punerarya bagama't masakit ang Ioob.
Pagkaraan ng mahigit isang taon, nang nasa tindahan ako ng mga damit, nakakita ako ng isang terno na
katulad na katulad ng ternong suot ng aking ama sa punerarya nang namatay ang aking ina. Nakakuwentuhan ko
ang tindero tungkol sa walang pagkahilig ng aking ama sa pananamit. Sinabi ng tindero sa akin na kilala niya
ang aking ama at nasabi niya na madalas pumupunta sa tindahan nila ang aking ama at hangang-hanga sa mga
damit sa tindahan subalit hindi kailanman bumili. Nasabi niyang mas kailangan ninyong mga anak niya ang
mga gamit nang higit pa sa kaniyang pangangailangan. Napaluha ako nang marinig ko iyon. "Nasabi ng iyong
ama na pakiramdam niya ay nakabihis na rin siya ng maayos at naniniwala ako sa kaniya," ang patuloy ng
tindero. "Nakangiti siya na para bang nakasuot na siya ng napakagandang terno sa puso niya.”
SAQ #1. Bakit laging pumupunta ang ama sa tindahan ng mga damit? (10%)
SAQ #2. Ano ang nakita mong pagpapahalaga ng ama sa kaniyang mga anak? (10%)
V. EBALWASYON
Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Paano nasasalamin sa kuwento ang makatuturang paggamit ng kalayaan? (10%)
2. Paano mo masasabing ang iyong gawa ay naaayon sa tunay na kahulugan ng kalayaan? Ipaliwanag
kung bakit maituturing na isang kalayaan ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga. (20%)
V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp. 96-99.
MODULE #27
Maliban sa talino at kakayahan na nagtatangi sa tao mula sa mga hayop, may isa pa siyang katangian na
sumasaklaw sa kaniyang pagkatao mula sa simula ng buhay hanggang sa kamatayan, ang dignidad. Ito ay isang
batayan ng kahalagahan at pagkakapantay-pantay ng bawat tao, na ipinagtatanggol ng batas moral at batas na
likha ng tao. Saan ka man sa mundo, anuman ang iyong katayuan sa buhay, may pinagaralan ka man o wala, isa
itong katangian mo na hindi mawawala.
V. EBALWASYON
Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa iyong kwaderno.
1. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng dignidad sa sarili? Bakit? (10%)
2. Paano mo mapapanatili ang dignidad sa sarili mo? Bakit? (10%)
V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 100-102.
MODULE #28
IV. EBALWASYON
Sa iyong palagay, paano mapaglalabanan o maiiwasan ang paghamak o pagyurak sa dignidad ng tao?
Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng paggawa ng video habang sinasalaysay ang iyongsagot. (50%)
V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 103.
MODULE #29
Basahin ang artikulong ibinahagi ng isang mongheng Buddhist tungkol sa pagkapare-pareho ng lahat ng tao.
LAHAT TAYO AY MAGKAKATULAD
Kahit saang panig ng mundo ka galing, tayong lahat ay magkakatulad. Naghahanap tayo ng kaligayahan
at iniiwasan ang pagdurusa. lisa ang ating pangangailangan at mga Pinagka_ kaabalahan. Lahat tayo ay
naghahangad ng kalayaan at ng karapatang pamahalaan ang ating buhay bilang isang pribadong tao o bilang
mga nagkakaisang mamamayan. Ito ay likas sa ating mga tao.
Ang mga malalaking pagbabago na nangyayari sa mundo, mula sa Silangang Europa hanggang Africa
ay maliwanag na senyales nito. Bilang isang mongheng Buddhist, ang aking pag-aalala ay para sa lahat ng
taong nagdurusa. Ako ay naniniwala na ang pagdurusa ay naguugat sa kawalan ng kaalaman, sa pagiging
ignorante. Maraming tao ang nananakit ng ibang tao dahil sa mga makasariling dahilan, upang makamit ang
pansariling kaligayahan. Ngunit ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa kalayaan, ang pagiging kontento na
nakakamit sa pamamagitan ng pagbabago ng pag-unawa sa iba, pagmamahal, pagpuksa ng kamangmangan,
pagiging ganid at pagkamakasarili.
Ang mga suliranin na ating dinaranas ngayon, mapamuksang hidwaan, pagkasira ng kalikasan,
kahirapan, gutom at iba pa, ay mga gawa ng mismong tao. Ang mga ito ay malulutas din sa pamamagitan natin,
sa pamamagitan ng pag-unawa, at ang pagpapaunlad ng kapatiran.
Kailangan nating palaguin ang pangkalahatang pananagutan para sa ating lahat. Para sa isang Buddhist,
malaking tulong sa pagpapalaganap ng pagmamahal at pakikipagkapuwa ang pagiging mapanagutan. Ako ay
naniniwala na lahat ay may busilak na puso na naghahangad ng kabutihan para sa lahat, may paniniwala man sa
Diyos o kay Buddha o sa iba.
Ngayong tayo ay papasok sa huling dekada ng siglong ito, ako ay nananalig na ang mga pagpapahalaga
noon na tumulong sa sangkatauhan ay muling magisnan ngayon nang tayo ay makapaghanda para sa isang mas
masayang ikadalawampu't isang siglo. Ako ay nananalangin para sa lahat, mang-aapi man o kaibigan, na tayo
ay magkasamang maging matagumpay sa pagbuo ng isang mas mainam na mundo sa pamamagitan ng pag-
unawa at pagmamahal, at nang sa ating pagsagawa nito, maibsan ang pagdurusa ng sangkatauhan.
IV. EBALWASYON
Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa iyong kwaderno.
1. Saan nagmumula ang tunay na kaligayahan ng bawat tao? (10%)
2. Bakit ang lahat ng tao ba ay magkakatulad? Bakit? (10%)
V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Vibal
Group, Inc. pp 104-105.
MODULE #30
Tunghayan ang kuwento ng isang guro na bagama't mahirap at may di-maikakailang pangangailangan sa
pera, ay nanindigan sa kaniyang iniingatang dignidad at sa pagiging matapat.
Si Marilyn Biengiad ay isang guro sa mababang paaralan ng Harubay, Bicol. Isang araw ng suweldo,
nagtungo siya ng bangko sa Naga. Nang tingnan niya ang laman ng kaniyang ATM account, natuklasan niyang
may 6,000,000.00 Inaasahan niyang 6,000.00 lamang ang nasa ATM account niya. Sa halip na magkaroon ng
interes sa malaking halagang iyon, inisip niya kung paano mababawi sa kaniyang account ang pagkakamaling
iyon. Bagama't nang panahong iyon ay gipit siya sa pera at mahigpit ang pangangailangan dahilan sa may sakit
na anak, naisip pa rin niya ang maging tapat at totoo. Nagtungo siya sa Maynila at iniulat ang pangyayari sa
dating Kalihim Raul Roco ng DepEd. Dahil sa kaniyang kalinisang-puri, pagiging tapat, umani siya ng papuri at
parangal. "Siya ang magandang halimbawa ng kamaharlikaan at dangal ng guro sa bansa," ayon sa kalihim.
IV. EBALWASYON
Bisitahin ang Facebook page ng Bicol Assembly. Manood ng JLS Online Worship Service sa darating
na Linggo (9:00 AM). Gumawa ng REFLECTION sa iyong kuwaderno patungkol sa iyong natutunan mula sa
preaching sa online service. Paano mo maikokonekta ang mga tinuro at natutunan mo sa iyong personal na
buhay- bilang kristiyano, estudyante at anak? Isulat ang iyong pangalan, grado/seksiyon sa comment section
upang malaman ko kung kayo ay nanonood. (70%)
V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp. 105.