Ang Karaniwang Paraan NG Pagbibigay Komunyon Sa May Sakit

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG KARANIWANG PARAAN NG

PAGPAPAKOMUNYON SA MAY SAKIT

I . Pagbati
Ministro: Ang kapayapaan ng Panginoon ay mapasatahanan nawa at sa
ating lahat na naririto.
Lahat: Amen.

II. Pagsisi sa kasalanan


Ministro: Mga kapatid, bilang paghahanda natin sa pagtanggap kay
Hesukristo, magsisi tayo’t humingi ng kapatawaran sa ating mga
kasalanan.
Lahat: Ako ay nangungumpisal sa Diyos na makapangyarihan at sa inyo
mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa wika, sa gawa at sa
aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko kay Sta. Mariang Birhen, sa lahat
ng mga anghel at mga santo at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipinalangin
sa Panginoon nating Diyos.
Ministro: Kaawaan nawa tayo ng makapangyarinang Diyos, patawarin ang
ating mga kasalanan, at patnubayan tayo hanggang sa buhay na walang
hanggan
Lahat: Amen.
Ministro: Panginoong Jesus, iniligtas mo kami sa pamamagitan ng iyong
kamatayan at muling pagkabuhay, Panginoon maawa ka.
Lahat: Panginoon maawa ka.
Ministro: Panginoon Jesus, binigyan mo kami ng pag-asa bagong buhay
at lakas bilang bunga ng iyong hirap at dusa. Kristo maawa ka.
Lahat: Kristo maawa ka.
Ministro: Panginoong Jesus, ipinagkaloob mo sa amin ang iyong katawan
upang kami’y iyong makaisa sa muling pagkabuhay, Panginoon maawa ka.
Lahat: Panginoon maawa ka.
III. Pagbasa sa Salita ng Diyos
Ministro: Mga Kapatid, buksan natin ang ating mga puso, upang
makatagpo tayo ng liwanag at lakas sa mga banal na Salita ng Diyos.
-Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay ______________
-Ito ang mabuting balita ng Panginoon.
-Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo
IV. Banal na Komunyon
Ministro: Manalangin tayo ngayon sa Ama katulad ng itinuro sa atin ng
Panginoong Hesukristo
Lahat: frgAma namin.
Ministro: Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan. Pinagpala ang mga inaanyayahan sa kanyang hapag.
Lahat: Panginoon hindi ako karapat-dapat na ikaw ay tanggapin, ngunit
sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. Pagsanggalang nawa tayo
ni kristo hangang sa buhay na walang hangganan Amen.
Ministro: Katawan ni Kristo.
Maysakit: Amen.
Mimistro: Manalangin tayo. O Diyos na aming Ama, makapangyarihan at
walang hanggan, buong pananalig kaming dumudulong sa iyo. Ang amin
nawang kapatid (na si ___________) na tumanggap ng katawan at dugo ni
Kristo ay magkamit ng kalusugan ng kaluluwa. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Lahat: Amen.
Ministro: Makapangyarihang Diyos, Binibigyan mo kami ng panibagong
buhay sa pamamagitan ng iyong mga sakramento. Tulungan mo kaming
mapasalamatan ka sa pamamagitan ng aming buhay na tapat sa
paglilingkod sa inyo. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristo na aming
Panginoon.
Pagpalain at patnubayan nawa tayo ng makapangyarihan at maawaing
Diyos, Ama, Anak at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

You might also like