Math2 - Quarter3 - Mod12 - Arranges Similar Fractions in Increasing or Decreasing Order - v2 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

2

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 12:
Arranging Similar Fractions in
Increasing or Decreasing Order
Mathematics– Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 12: Arranging Similar Fraction in Increasing or
Decreasing Order
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Divine Grace GC. Tarnate


Editors: Nestor P. Nuesca EdD
Jocelyn A. Manalaysay PhD Nenita J. Barro
Cindy D. Oliva PhD Bryan R. Capangpangan
Paolo D. Estores Ederlinda A. Capangpangan
Realyn B. Tanabe Ma. Cecilia R. Ortega
Tagasuri: Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria
Tagaguhit: Divine Grace GC. Tarnate
Tagalapat: Mauryl P. Maulawin

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V


Librada M. Rubio PhD
Ma.Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Dominador M. Cabrera PhD
Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
2

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 12:
Arranging Similar Fractions in
Increasing or Decreasing Order
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Matematics sa
Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa araling Arranging Similar Fractions in Increasing or
Decreasing Order.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,


makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics sa Ikalawang


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
araling Arranging Similar Fractions in Increasing or Decreasing
Order.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain
na makakatulong sa iyo upang maiayos ang mga similar
fraction ayon sa pataas o increasing order at pababa o
decreasing order na pagkakaayos nito.

Sa katapusan ng araling ito, ikaw ay inaasahang


1. napagsusunod-sunod ang similar fraction ayon sa
pataas o pababang pagkakaayos nito;
2. natutukoy ang pinakamataas at pinakamababang
similar fraction; at
3. natutukoy kung ang set ng fraction ay nasa pababa
o decreasing order at nasa pataas o increasing
order na pagkakaayos.

1
Subukin
Kopyahin at isulat ang sumusunod na set ng fraction
sa iyong sagutang papel. Bilugan (O) ang pinakamataas
na similar fraction sa bawat bilang at ikahon (󠇯 ) naman
ang pinakamababa.

3 4 2 1
1. , , ,
6 6 6 6

8 9 7 10
2. , , ,
11 11 11 11

4 5 3 1
3. , , ,
9 9 9 9

5 6 4 7
4. , , ,
7 7 7 7

6 7 1 5
5. , , ,
8 8 8 8

2
Lesson Arranging Similar Fractions in
Increasing or Decreasing
1 Order

Balikan
Pagkumparahin ang mga similar fractions gamit ang
relation symbols na >, < at =. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

4 3 4 7 3 3
1. 2. 3.
6 6 8 8 9 9

3 1 6 8
4. 5.
5 5 10 10

Tuklasin
Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Basahin at
intindihin ang sumusunod na talata.

3
May sampung (10) magkaparehong slice ng tinapay
ang nasa plato. Si Juan ay nakakain ng tatlong (3) piraso
habang si Rosa naman ay naka dalawa (2) lamang.
Nang dumating si Toni, kumain siya ng apat (4) na
pirasong tinapay at ang natirang isa (1) ay ibinigay kay
Gigi.
Kung isusulat sa fraction ang naging partihan ng
3
tinapay, maaari nating sabihin na si Juan ay naka na
10
2 4
tinapay, si Rosa ay naka , habang si Toni ay naka at
10 10
1
ang kay Gigi ay .
10

Suriin

Base sa nabasang impormasyon, ang tinapay ay


nahati sa mga sumusunod na fraction.

3 2 4 1
10 10 10 10
Sino ang nakakain ng pinakamaraming parte?
pangalawa? pangatlo? at pinakakaunti?
Kung aayusin ang sumusunod na fraction mula
pinakamataas hanggang pinakamababa, paano mo ito
isusulat?

4
Kung aayusin naman ang sumusunod na fraction
mula pinakamababa hanggang pinakamataas, paano
mo ito isusulat?

Kung ang denominator ng fraction ay


magkakamukha, ito ay tinatawag na Similar Fraction.
Mas madaling iayos ang mga fractions kung ito ay
Similar Fraction. Kung aayusin ito ng mula pinakamataas
pababa o decreasing order, unahin muna ang may
mataas na bilang na numerator pababa.
Tingnan ang halimbawa.
3 2 4 1
10 10 10 10

4 3 2 1
> > >
10 10 10 10

Ganoon din kung mula pinakamababa pataas o


increasing order, unahin muna ang may
pinakamababang bilang na numerator pataas.
Tingnan ang halimbawa.
3 2 4 1
10 10 10 10

1 2 3 4
< < <
10 10 10 10
5
Pagyamanin
A. Ayusin ang mga similar fractions mula pinakamataas
pababa o decreasing order. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

3 6 4 7 1
7 7 7 7 7

> > > >


____ ____ ____ ____ ____

B. Ayusin ang mga similar fractions mula pinakambaba


pataas o increasing order. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1 7 11 5 2
12 12 12 12 12

< < < <


____ ____ ____ ____ ____

C. Isulat ang mga fractions sa iyong sagutang papel.


Ayusin ito mula pinakamataas pababa o decreasing
order sa pamamagitan ng pagsulat ang 1-5 sa ibaba
nito. 1 ang pinakamataas at 5 ang pinakamababa.

8 9 10 2 5
10 10 10 10 10

____ ____ ____ ____ ____

6
D. Isulat ang mga fractions sa iyong sagutang papel.
Ayusin ito mula pinakamababa pataas o increasing
order sa pamamagitan ng pagsulat ang 1-5 sa ibaba
nito. 1 ang pinakamababa at 5 ang pinakamataas.

5 3 7 2 6
9 9 9 9 9

____ ____ ____ ____ ____

E. Isulat ang tsek (√ ) kung ang mga sumusunod na


similar fractions ay nakaayos mula pinakamataas
pababa o decreasing order at ekis (X) naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

8 6 4 2 1
_____ 1. , , , ,
9 9 9 9 9

5 6 4 2 1
_____ 2. , , , ,
6 6 6 6 6

7 6 4 3 2
_____ 3. , , , ,
8 8 8 8 8

9 8 4 3 2
_____ 4. , , , ,
10 10 10 10 10

11 9 7 8 6
_____ 5. , , , ,
12 12 12 12 12

7
F. Isulat ang fraction ng mga sumusunod na hugis.
Kopyahin at ihanay ng pinakamataas pababa o
decreasing order. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. ______ 2. ______

3. ______ 4. ______

5. ______

____ , ____ , ____ , ____ , ____

8
G. Iguhit ang tatsulok kung ang mga set ng similar
fractions ay nakaayos mula pinakamababa pataas
o increasing order at bilog naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

2 4 6 8 10
_____ 1. , , , ,
10 10 10 10 10

1 3 4 6 7
_____ 2. , , , ,
8 8 8 8 8

5 4 3 1 2
_____ 3. , , , ,
6 6 6 6 6

5 7 9 8 6
_____ 4. , , , ,
12 12 12 12 12

3 5 6 9 10
_____ 5. , , , ,
9 9 9 9 9

9
H. Isulat ang fraction ng mga sumusunod na hugis.
Kopyahin at ihanay ng pinakamababa pataas o
increasing order. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. ______ 2. ______

3. ______ 4. ______

5. ______

____ , ____ , ____ , ____ , ____

10
Isaisip

Piliin ang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kung ang denominator ng fraction ay


magkakamukha, ito ay tinatawag na (Similar
Fraction, Dissimilar Fraction).

2. Kapag ang fraction ay nakaayos mula


pinakamataas pababa, ito ay nasa (decreasing
order, increasing order).

3. Kapag ang fraction ay nakaayos mula


pinakamababa pataas, ito ay nasa (decreasing
order, increasing order).

2 4 6 8 10
4. Ang set ng fraction na , , , , ay nasa
12 12 12 12 12
(decreasing order, increasing order).

7 5 3 2 1
5. Ang set ng fraction na , , , , ay nasa
11 11 11 11 11
(decreasing order, increasing order).

11
Isagawa
Makikita sa larawan ang haba ng linyang nagawa
ng mga bata sa ikalawang baitang sa larong Longest
Line. Sagutan ang bawat tanong at isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Isulat ang katumbas na fraction ng sumusunod na


larawan sa patlang.

Jomel Mika Jane Randy Rey

______ ______ ______ ______ ______

2. Sino ang may pinakamahabang bilang ng metrong


nagawa sa Longest Line? __________

3. Sino ang may pinakamababang bilang ng metrong


nagawa sa Longest Line? ________________

12
4. Pagsunod-sunurin ang mga fractions sa bilang 1
mula sa pinakamataas pababa o decreasing order.

____ , ____ , ____ , ____ , ____

5. Pagsunod-sunurin ang mga fraction sa bilang 1 mula


sa pinakamababa pataas o increasing order.

_____ _____ _____ _____


____ , ____ , ____ , ____ , ____

13
Tayahin
Tukuyin kung ang mga sumusunod na set ng fractions
ay nakaayos ng pataas (increasing order) o pababa
(decreasing order). Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
6 9 11 12
_____ 1. , , ,
14 14 14 14

1 3 4 5
_____ 2. , , ,
6 6 6 6

7 4 2 1
_____ 3. , , ,
9 9 9 9

3 4 7 10
_____ 4. , , ,
11 11 11 11

5 4 3 1
_____ 5. , , ,
8 8 8 8

14
Karagdagang Gawain
A. Iguhit ang hugis sa ibaba. Kulayan ang bahagi na
ipinapakita ng similar fraction. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

5 2
8 8
1. 4.

1 3
8 8
2. 5.

6
8
3.

B. Isulat ang nasa Gawain A mula sa pinakamataas


pababa o decreasing order sa iyong sagutang
papel.

____ , ____ , ____ , ____ , ____

C.Isulat ang nasa Gawain A mula sa pinakamababa


pataas o increasing order sa iyong sagutang papel.

____ , ____ , ____ , ____ , ____

15
16
Karagdagang Tayahin Tsagawa
Gawain 4 3 5 6 2
1. , , , ,
A. Depende sa 6 6 6 6 6
1.
pagkakakulay ng 2. Randy
bata 2.
B. 3. Rey
6 5 3 2 1 3.
, , , , 6 5 4 3 2
8 8 8 8 8 4. , , , ,
4. 6 6 6 6 6
C.
1 2 3 5 6 2 3 4 5 6
, , , , 5. 5. , , , ,
8 8 8 8 8 6 6 6 6 6
Isaisip H F
5 1
5 7 1. 2.
1. similar 1. 2. G 6 6
8 8
2. decreasing
1. △ 3 2
3. increasing 2 3 3. 4.
3. 4. 6 6
4. increasing 8 8 2. △
3. O 4
5. decreasing 4 5.
5. 4. O 6
8
5. △ 5 4 3 2 1
2 3 4 5 7 , , , ,
, , , , 6 6 6 6 6
8 8 8 8 8
E D C
10 B
2 1. 10
1. √ 1. 9
2. X 9
1 2 5
3
< < <
3. √ 2. 9
2. 10 12 12 12
4. √ 8
5. X 5 3. 10
3. 9
5
7 11
6 4. <
4. 10 12 12
9
2
7 5. 10
5.
9
Pagyamanin Suriin Balikan Subukin
A
Mula pinaka mataas, O X
7 6 4 pababa 1. >
> > > 1. 4/6 1/6
7 7 7 4 3 2 1
, , , 2. <
10 10 10 10 2. 10/11 7/11
3 1
>
7 7 3. =
3. 5/9 1/9
Mula pinaka
4. >
mababa, pataas 4. 7/7 4/7
1 2 3 4
, , , 5. <
10 10 10 10 5. 7/8 1/8
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Home School Math.net. “Comparing/ Ordering Fractions


Worksheets.” Accessed July 30, 2020.
https://www.homeschoolmath.net/worksheets/comp
aring_fractions.php

MATH Worksheets 4 Kids. “Ordering Fractions Worksheets.”


Accessed July 30, 2020.
https://www.mathworksheets4kids.com/ordering-
fractions.php

Mathematics - Grade 2 Teacher’s Guide. Department of


Education, 2013. pp. 232-235.

Mathematics - Ikalawang Baitang Kagamitan ng Mag-


aaral: Tagalog. Department of Education, 2013. pp.
172-173.

Most Essential Learning Competencies Matrix K to 12


Curriculum Mathematics (󠇯Kindergarten to Grade 12)”,
Department of Education, May, 2020, page
169-170.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like