Drey - Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 8 Format..

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga
pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay:
nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa
kasalukuyan at sa susunod na henerasyon
Pamantayan sa Pagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay:
nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

I. Mga Layunin

a. Naipapaliwanag ang iba’t- ibang anyong tubig na makikita sa iba’t ibang


lugar
b. Natatalakay ang mga katangian ng iba’t- ibang anyong tubig
c. Nabibigyang-halaga ang anyong tubig sa pamumuhay ng tao
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Ang mga Rehiyon sa Asya
B. Babasahin: KAYAMANAN 8 “Kasaysayan ng Daigdig” pahina 14-16, ni
Celia D. Soriano
C. Kagamitan: Manila Paper, Panulat, Mga Larawan at Pandikit

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Pagpapaalala sa mga estudyante
 Panalangin
 Pagtala ng mga lumiban
 Pagkolekta ng takdang aralin

a) Pagsasanay: “SUNDAN AKO”


Panuto: Sundan o gayahin ang salitang bibigkasin.
MARIANA TRENCH
ILOG
KARAGATAN
LAWA
ILOG
LOOK
GOLPO
PASIPIKO
b) Balik-aral
1. Ano nga ba ang anyong lupa?
2. Bakit mahalaga ang anyong lupa?
3. Paano nagkaron ng mga kontinente sa mundo?
c) Pagganyak: Magpapakita ng mga Larawan

d) Pagtalakay sa Aralin
Karagatan – Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong
tubig.
Lawa – Anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Look – Nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat. Maalat
ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa dagat o karagatan.
Golpo – Isang bahagi ng karagatan na makikita sa pagbubukas ng
dagat. Ito ang tawag sa malaking look.
Ilog– Mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungo sa
dagat.
Ang yamang tubig ay nag bibigay ng hanapbuhay sa mga
taong nakatira malapit dito, ang mga yamang tubig din ay mahalaga
sa ating kapaligiran kaya dapat natin silang alagaan.

B. Panlinang na Gawain
a) Gawain
 Papangkatin ang klase sa tatlo
 Bibigyan ng paksang iuulat

 Pangkat Una - Mga Pangunahing Karagatan Sa Daigdig


 Pangkat Dalawa - Mga Pangunahing Lawa sa Daigdig
 Pangkat Tatlo – Mga Pangunahiing Ilog sa Daigdig

 Bawat pangkat ay pipili ng representateng taga-sulat at taga-


ulat
 Bawat pangkat ay bibigyan ng limang (5) minuto sa
paghahanda at tatlong (3) minuto sa pag-uulat.
PAMANTAYAN
Nilalaman 15 puntos
Presentasyon 10 puntos
Kooperasyon 5 puntos
KABUUAN 30 puntos
b) Pagsusuri
1. Anu-anong mga katangian mayroon ang mga anyong tubig?
2. Paano natin dapat maipreserba ang kasalukuyang yamang tubig
para sa susunod na henerasyon?
3. Bakit kailangan o mahalaga na ipreserba ang likas na yamang
tubig?

c) Paglalahat sa Aralin
1. Bakit tinagurian na “Hari ng Karagatan” ang Pacific ocean?
2. Ano pa sa palagay ninyo ang isa ring uri ng anyong tubig?
3. Paano nakakatulong sa mamamayan ang yamang likas na tubig?

d) Aplikasyon (Kuha ko, Sagot Mo)


Panuto: Ang mapipili ay s`yang sasagot sa katanungan.

Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga ang anyong tubig sa ating


lipunan? At anu-ano ang inyong gagawin upang ang mga ito ay
mapangangalagaan?

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin at isulat ang tamang sagot. Isulat sa isang kalahating papel.

Pacific Ocean 1. Ito ang tinagurang “Hari ng Karagatan”


Karagatan 2. Ito ang pinakamalawak na saklaw ng anyong tubig
Look 3. Anyong tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan sa
karugtong ng karagatan.
Lawa 4. Malawak na yamang tubig na napapalibutan ng lupa.
Ilog 5. Tubig na dumadaloy mula sa mataas tungo sa mababang lebel
ng lupa.
Golpo 6. Isang uri ng anyong tubig. Ito ay maliit na bahagi ng karagatan
na naguugnay sa bahagi ng lupa.
Mariana Trench 7. Malalim na bahagi ng Pacific Ocean
Arctic Ocean 8. Pinakamaliit na karagatan
Africa 9. Matatagpuan ang Nile River
Dead Sea 10. Pinakamaalat na katubigan o lawa

V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng collage tungkol sa mga anyong tubig. Gumupit ng mga
larawan mula sa pahayagan o magasin at idikit ang mga ito sa isang kalahating
ilustrasyon.

Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Presentasyon 10
Malikhaing Pagbuo 10
Kabuuan 30

LAVERNE AUDREY S.ARENDAIN


Nagpapakitang Turo

You might also like