Panulaan 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO POLYTECHNIC STATE COLLEGE


NIPSC Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
[email protected]

Reg. No. 97Q19783

COLLEGE OF EDUCATION

Panulaang Filipino

Modyul 1- Aralin 2
Ang Kasaysayan ng Tulang Pilipino- (Panahon ng Hapon, Panahon ng Amerikano at sa
Kasalukuyan)

Modyul para sa BSEd Fil. 2-A/B WENDELLENE V. HUERVAS


3 Oras/ 3 Linggo Guro sa Filipino

Introduksyon
Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi salimang
importanteng mga panahon. Una, ang Panahon ng Katutubo. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng
mga Negrito o Aeta hanggang sa taong1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521
hanggang sa taong1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat,
ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sapagkatapos ng panahon ng digmaan. At
ang huli’y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis.

Bunga ng Pagkatuto
1. Natalunton ang kasaysayan ng Tulang Pilipino mula sa Panahon ng Hapon, Panahon ng Amerikano at
sa Kasalukuyan.
2. Nakaguhit ng imahe na tumatalakay sa Tulang Pilipino sa Panahon ng Hapon, Panahon ng Amerikano
at sa Kasalukuyan.
3. Napahalagahan ang Tulang Pilipino sa Panahon ng Hapon, Panahon ng Amerikano at sa Kasalukuyan
pamamagitan nagpopost ng iginuhit sa messenger.

Nilalaman

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON


Kaligirang Kasaysayan
Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas mula
1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kalian nilusob ng Imperyo ng Hapon
ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong
Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga
Hapones ang Pearl Harbour sa Hawaii. Pagkaraaan ng mga lingo, umatras sina Heneral Douglas
McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo
ng Pilipinas. Pinasok ng military ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942.
Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila ang kanilangpropaganda na ang mga
hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na siyangmagpapalaya sa mga Pilipino. Ngunit taliwas ang
propagandang kanilangpinangangalandakan sapagkat laganap noon ang pagmamaltratong inabot ng
mgaPilipino sa kamay ng mga hapon. Pinatunayan ito ng mga salaysay ng mgadumanas ng karahasan---
pagmamaltrato, pambubugbog, pagpatay ng mga kaanakat panggagahasa.
Mayroong pinaniniwalaang tatlong pangunahing dahilan para sakupin ngmga Hapones ang
Pilipinas. Una, para maprotektahan ang imperyo ng mga haponmula sa mga US military bases.
Kinailangan nilang pigilin ito sa pamamgitan ngpagsakop sa Pilipinas na lumalabas na isang teritoryo ng
Amerika sa panahongiyon. Ikalawa, ang Pilipinas ay nasa tugmang posisyon sa Timog-Silangang Asyana
kinakailangan ng mga Hapon sa kanilang pag-abante sa katimugan.Makakatulong din ng malaki ito sa
pagprotekta ng kanilang mga supply lines atpara palakasin ang depensa ng hukbong hapon. At ikatlo, sa
Pilipinas matatgpuanang mga hilaw na materyales na kailangan ng bansang hapon para sa
digmaan. Ang lahat ng ito ay para sa itatagauyod ng depensang pangmilitar ng mgahaon at siyang
kumukontrol sa pamamahala ng Pilipinas.
Ninais din ng mga hapon na makuha ang respeto nga Pilipino gaya ngrespetong binigay ng mga ito sa
mga Amerikano. Ngunit nahirapan silang makuhaang simpatya ng mga Pilipino. Sinasabing gawa ng
mahabang panahon ngpagkababad sa kulturang kanluranin ang mga Pilipino ay nakalimot na sa
kanyangpagiging Asyano. Gayundin, ang pagiging highly literate ng mga Pilipino aynagsilbing sagabal sa
pagsakop ng hindi lamang bansa gayundin ng kamalayan ngmga Pilipino. Ang problemang ito ang
nagbunsod sa pagkabuo ng isang culturalpolicy sa panahon ng pananakop ng Japanese Invasion Army.
Nakapaloob sa cultural policy na ito ang paglalatag ng mga programa namakakatulong sa
ikabubuti ng pagsasamahang Pilipino-Hapon. Kabilang sa mgapolisiyang ito ang pagpapatuloy ng
pamahahala ng mga Pilipino ng sarilinggobyerno ngunit kumikilala sa hapon bilang bagong mananakop.
At bilangpampalubag-loob ay idineklara ni Prime Minister Hideki Tojo na ibabalik angkasarinlang hinihiling
ng mga Pilipino kung makikipagtulungan na ng lubusan angmga Pilipino sa mga Hapon. Kabilang din sa
polisiyang ito ang pagtatatag ngBagong Pilipinas o New Philippines. Ang unang hakbang na
kinakailangan ay angpaglalatag ng mga pundasyong ispirituwal na siyang sentro ng kultura at
siyangtanging sandigan ng politika, ekonomiya, industriya at edukasyon ng bansa.
Upang mapabilis ang pagpapasunod sa mga Pilipino sa mga polisiyang ito,ninais ng mga Hapon
na makontrol ang kaisipan ng mga Pilipino at ito’y sapamamagitan ng pagmanipula sa edukasyon. Ang
Ang AdministrasyongPangmilitar ay nag-isyu ng Order No. 2 noong 1942 na naglalayong na baguhin
ang edukasyon sa Pilipinas para sa kanilang kapakinabangan. Kasama sa mgakautusang ito ang
pagtuturo ng wikang Hapon sa Pilipinas sa pag-asang maaaripang mabura sa isipan ng mga Pilipino ang
Ingles. Nais ng mga Hapon namadebelop sa mga Pilipino ang ideyang ang mga Hapon ang siyang
makapangyarihang lider sa Asya. Noong panahong iyon ay idineklarang opisyal nawika ang Niponggo
kasama ng Tagalog at idinagdag sa mga curriculum sa mgapaaralan.
Malaki ang ipinakitang suporta ng mga Hapon sa pagdebelop ng mgaPilipino ng kaisipang maka-
Pilipino at maka-Asyano. Nagagawa ng mgakampanya na sumusuporta sa paggamit ng Tagalog bilang
pamansang wika. Angwikang Ingles ay tinanggal bilang opisyal na wika at ang mga aklat o
anumangnagpapakita ng suporta sa Amerika ay sinesensor.
Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang Hapon sa panitikan sapanahong iyon. Sa sobrang
higpit nito ay maraming mga literary periodicals angnapahinto sa paglalathala. Dahil sa pagliit ng bilang
ng mga peryodiko aynagkaroon ng kakulangan sa espasyo para sa mga akdang pampanitikan sa
Ingles.Taliwas naman ito sa lubos na pagyabong ng mga akdang pampanitikang Tagalog.Mas lamang
ang mga akdang pampanitikan sa Tagalog sapagkat suportado ito ngmga Hapon. Walang puwang sa
paglalathala ang mga akdang pampanitikan sa Ingles kung kaya’t maraming mga manunulat sa Ingles
ang lumipat sa pagsusulatsa Tagalog para lamang makapagpalathala.
Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagpasok ng mga Hollywood movies saPilipinas. Tanging mga
lumang pelikulang Ingles at Tagalog lamang ang paulit-ulitna ipinapalabas. Nagpalabas din ng mga
Pelikulang Hapon. Samantala angindustriya ng pelikula sa panahong iyon ay baldado mula sa paggawa
ng mgabagong pelikula. Ang kakulangang ito ng mga pelikula ang nagbigay-daan sapagyabong ng
Dulaang Pilipino. Ang okupasyon ito ng mga Hapon ay nagbunsodsa masiglang panahon ng Tanghalang
Pilipino.

Kalagayan Ng Panitikan
Namahingang tuluyan ang Panitikang Filipino at Kastila sa Panahon ng Hapon. Sa kabila nito,
nagpatuloy ang pagsulat sa mga wikang Tagalog at ingles nataglay ang diwang makabansa, bagama’t
hindi nakararating lahat sa mga mambabasang Pilipino. Masasabing iilang akda lamang sa loob ng
mahigit na taltlong taon ang naisulat mula 1945 hanggang 1944. Tahasang ipinagamit ang Filipino sa
mga paaralan bilang Wikang Pambansa, at ang Ingles na wikang panturo sa mga batang nag-aaral.
Ngunit nagkaroon ng kautusan na bawal ang pagturo ng mga bagay na may kinalaman sa Demokrasya
at Estados Unidos. Upang maiwasan ang hinggil dito ay pinilas o tinakpan ang mga aklat pampaaralan
na kababasahan ng mga bahaging ipinagbabawal ng mga Hapones.
Kung maituturing na may buting nagawa ang Hapon sa Pilipinas, iyon ay ang pagpapahalaga sa
wikang sarili. Nailagay sa mataas na anta sang wikang Filipino na gawin itong wikang opisyal. Dahilan sa
pinamamahalaan ng Hapon angpaglalathala ng mga babasahing nasusulat sa wikang katutubo o Ingles,
hindi na gaanong nabigyang-pansin ng mga publisista ang pagkita ng salapi, at kinalimutan
na pansamantala ang patakarang pampanitikan.
Ang ilang kwentong nakilala sa panahon ng pananakop ng Hapon ay isinulatsa wikang Ingles na
kababakasan ng kabihasnang pamana ng Amerikano, lalo na ang ilang mahilig sa pagsulat sa wikang
Ingles.
Nakilala sa larangan ng sanaysay sina Juan Cabreros Laya, Maria Luna Lopez, at Maria Kalaw
Katigbak, na pawing sa Ingles unang nagsisulat. Si Laya aysumulat ng isang dula na batay sa nobelang
Ingles na His Native Soil (Sa Sariling Lupa).
Sa bahaging pampanitikan, walang gaanong pag-unlad sa dulang Tagalog, ngunit maituturing na
ang pagsasalin sa wikang sariling dulang banyaga, tulad ng Cyrano de Bergerac ni Edmond Rostand na
isinalin ni Francisco ‘’Soc’’ Rodrigo, ay isang pasimula ng tunay na pagkaunawa sa sa pamaraang
pandulaan pinangunahan nina Francisco ‘’Soc’’ Rodrigo, Epifanio G. Matute, at ilan pa ang pagsasalin sa
wikang Tagalog ng mga dula sa wikang Ingles.
Dahilan sa kahirapan ng buhay dulot ng digmaan, ang tao ay nahilig sa panonood ng dula upang
mapagkalibangan. Natigil ang pagsasapelikula dahilan sa giyera, kaya’t ang malalaki’t maliliit na teatro ay
nakilala at kinalugdan ng tao.
Ang Dramatic Philippines na isang samahan ng mga mandudulang Pilipino ay itinatag nina
Narciso Pimentel, Jr., Francisco “Soc” Rodrigo, Alberto Canio, at iba pa. Sa pagkatatag nito, isa sa
nakilala ang dulang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco“Soc” Rodrigo na tunay na kinagiliwan ng marami.
Ang ilang dulang natanghal sa Metropolitan Theatre at sa ilang tanghalan ayang sumusunod:
Ang Palabas ni Suwan, Dahil sa Anak, Higanti ng Patay, Sino ba Kayo, at Libingan ng mga Bayani, na
pawang sinulat ni Julian Cruz Balmaceda.
Bukod sa mga tula at sanaysay, ang maikling kathang Tagalog ay nakilala rinat napalathala sa
Liwayway at Haligi. Ang Philippine Publication ay naglabas ng Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang
Pilipino ng 1943. Ang ilan sa mga ito ay Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes; Uhaw ang Tigang na
Lupa ni Liwayway A. Arceo at Lunsod, at Nayon at Dagat-Dagatan ni N.V.M Gonzalez. Sina Reyes at
Gonzalez ay dating manunulat sa Ingles na nakilala ring may kakayahan sa pagsulat sa wikang Tagalog
Sa mga nobelang nasulat sa wikang sarili noong panahon ng Hapon, nakilalaang mga
sumusunod na akda: Dalisay ni Gervasio Santiago; Pamela ni Adriano P. Laudico at A.E. Litiaco; Tatlong
Maria ni Jose Esperanza; Zenaida ni Adriano P. Laudico; Ako’y Maghihintay ni Gervasio Santiago; at
Lumubog ang Bituin ni IsidraZarraga-Castillo.

Maikling Katha
Naging maunlad ang maikling kuwento sa panahon ng Hapon.
Hindi makapagmalaki ang mga mambabasa na di bibili ng magasin sapagkatiilan lamang ang
ganitong uri ng babasahin.
Nakilala sa pamagat na Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 ang
pinakamahusay na kathang Pilipino. Ito ay naipalimbag sa panlukbutang laki ng papel, at peryodikong
malutong at marupok. Nagkaroon ng kakapusan ng mapaglilimbagan sa panahong ito kaya ginamitan ng
tipong maliliit ang limbag sa mga magasin upang maging marami ang mapasama sa babasahin.
Tama lamang tawaging “Panahon ng Pamumulaklak” ang Panahon ng Hapon sa panitikang
Filipino. Ayon sa mga istoryador at kritiko ay tumpak tawaginitong “Gintong Panahon.”
Maraming manunulat na Pilipino ang nahikayat sumulat sa panahong ito dahil sa mahigpit ang
mga Hapones sa paglalathala sa Ingles. Ito ang panahong nagpataas sa uri ng mga pamumunang
pampanitikan, mga sanaysay, at mga maikling kuwento.
Utang sa maawaing pamumuno ni Kinichi Isakawa ang pamumulaklak ng sariling panitikan sa
panahong ito. Naging popular ang Liwayway, at mga babasahing Pilipino.
Napiling pinakamahusay ang maikling katha ang mga akda ni Macario Pineda, Brigido
Batungbakal, Serafin Guinigundo, at iba pa.
Ang mga itinaguyod ng mga pasanayang pangwika sa panahong ito sa larangan ng panulatan ay
nakatulong nang Malaki sa mga manunulat sa pangunguna ni Lope K. Santos.
Naging bunga ng mga pasanayang ito ang mga kakilalang manunulat tulad nina Liwayway A.
Arceo, Alicia Lopez-Lim, Ligaya D. Perez at Gloria Villaraza-Guzman.
Pinatunayan ng panitikan na sa panahon ng kaligayahan ay maaring sumilang ang lalong
matatayog na gunam-gunam, pagkaapi, pagkabusabos, at pagsikil sa gipit na kalagayan ng mga tao. Sa
gayon ding panahon isinulat ang mapaghimagsik na akda nina Francisco Baltazar, Jose Rizal at Marcelo
H. Del Pilar.
Sa Panahon ng Hapon isinilang ang mga manunulat na ngayon ay matibay
na haligi sa sariling panitikan.

Mga Katangian ng Maikling Katha:


1. Matimpi ang pagpapahayag ng paksa
2. Nagsasalaysay ng madudulang pangyayari
3. Walang balangkas ang kuwento
4. Ang paksa ay nauukol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng tao
5. Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya madaling maunawaan

DULA
Isa sa naging libangan ng mga tao ang panonood ng dula. Ang mga teatrong malalaki at maliliit
ay nagsipagtanghal ng dulang iisahing yugto o maiikli. Kinalugdan ng mga tao ang mga pagtatanghal sa
malalaking dulaan tulad ng Avenue, Life, Manila Grand Opera Hous, at iba pa. Nagkaroon din ng
pagtatanghalng mga mahuhusay na dula sa Metropolitan Theatre, ngunit ang naging suliranin
ay ang kawalan ng kalayaan sa pananalita.
Kadalasang mga paksa sa pagtatanghal ang pagmamahal ng ina sa anak, ng kasuyo sa
kasintahan, at pag-ibig sa tinubuang lupa.
Sa mga dula, karaniwang nilalarawan ang buhay-Pilipino, buhay lungsod o nayon, at karaniwang
ugali ng mga Pilipino. Maraming pagtatanghal amg may mgapaksang katawa-tawa upang ikubli ang mga
kapintasan ng mga Hapones tulad ng pangunguha ng mga ari-arian sa mga pilipnong nabibihag o
pangungurakot.
Nagtanghal ang samahang Dramatic Philippines ng ilang dula ni Wilfredo Guerrero sa
Metropilitan Theatre.
Naglathala naman ng isang dula sa Liwayway sina Clodualdo Del Mundo at Matteo Cruz
Cornelio, ang Bulaga noong ika-23 ng Pebrero 1943. Nalathala rin ang Sangkwaltang Abaka ni Alfredo
Pacifico Lopez. Itinanghal din and dulang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” Rodrigo.

Mga dulang nasa wikang Pilipino( karamihan ay mula sa orihinal sa ingles at isinalin sa Pilipino at iba
naman ayorihinal na akda)
 Paa ng Kuwago – adaptasyon ni Francisco Soc Rodrigo mula sa TheMonkey’s Paw ni W.W.
Jacobs
 Sino ba kayo? – isang yugtong dula sa panulat ni Julian Balmaseda sa Inglesat isinalin sa
Tagalog ni Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso PimentelJr.
 Ang Asawa ng Abogado – isang adaptasyon ng orihinal na dula ni F.Liongson sa Espanyol at
isinalin sa Tagalog
 Sa Pula, Sa Puti – isang yugtong dula sa panulat ni Francisco Soc Rodrigo saTagalog na
orihinal sa Ingles. Sa panahon ng Hapon ito ay itinanghal sa direksyonni Narciso Pimentel Jr. ng
Dramatic Philippines
 Martir sa Golgota – isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo sa Tagalogmula sa Pasyon sa
Ingles ng Ateneo sa panulat ni Rev. Hunter Guthrie at Rev.Joseph A. Mulrey sa Ingles.
 Ang Kahapong Nagbalik- isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo mulasa orihinal nito sa
Espanyol ang El Pasada Que Vuelve ni Francisco Liongson
 Tia Upeng – salin mula sa Ingles ang Charley’s Aunt
 Ulilang Tahanan –orihinal sa Ingles ni Wilfrido Ma. Guerrero noong 1940 atisinalin sa Pilipino ni
Juan C. Laya. Isinapelikula ng Premiere Productions sadireksyon ni Gerardo de Leon at
ipinalabas noong Hunyo 1994 sa Capitol Theatersa pamagat na House For Sale, The Foresaken
House. Itinanghal sa MetropolitanTheater noong Enero 1944 sa Tagalog

TULA
Mga katangian ng Tula
1. Maikli, lalo na ang mga nalathala sa Liwayway noong 1943
2. Maraming gumagad sa Haiku
3. May talinhaga
4. Namayani ang malayang taludturan- walang sukat at wala ring tugma

Sa tula ay namalasak ang Haiku,isang tulang binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong


taludtud. Ang una ay may limang pantig, ang ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlo ay may limang
pantig. Maikling-maikli ang Haiku, ngunit nagtataglay ng malawak na kahulugan, kagandahan at
damdamin.
Isa pang uri ng tulang namalasak sa Panahaon ng Hapon ay ang Tanaga. Binubuo ito ng apat na
taludtod na bawat isa ay may pitong pantig. Ito ay maikli ngunit may sukat at tugma sa hulihang pantig.
Ang Singkian naman ay binubuo ng isang pangalan o pangngalan sa unang taludtod; dalawang
pang-uri sa ikalawa; tatlong pandiwa sa ikatlo; isang parirala saikaapat; at isang pangalan o pangngalan
sa ikalimang taludtod.

Ang Ating Panitikang Filipino


Ang mga pahayagang pinahintulutang lumabas ay ang The Tribune, Philippine Review, Pillars, Free
Philippines at Filipiniana.

MGA URI NG LIBANGAN PAGKATAPOS NG LIBERASYON


1. Pelikula – Silent Movies tampok si Charlie Chaplin
Jose Nepomuceno – Ama ng Pelikulang Pilipino
Ang Punyal na Ginto – gawa ng Malayan Studios: unang pelikulang Tagalog
2. Stage Show – drama/musical
3. Bodabil – awit, tugtog at sayaw

Panahon ng Amerikano

Sauco
  Ang Panahon ng amerikano sa panitikang pilipino ay sumasakaw mula sa taong 1903-1941.
  Sa ikalabinsyam na dantaon ay dumating sa pilipinas ang mga amerikano, na inakala ng mga pilipino ay
magbibigay sa kanila ng bagong pag asa, bagamat nakadama ng bahagyang kalayaan ng mga pilipino sa panahong ito.

BATAS SEDISYON
  Ang batas ito ay tumukoy sa pagbabawal sa kanilang sumulat o pumaksa ng may kinalaman sa
pamamahala ng mga amerikano na maaring magpaalab ng damdaming makabayan ng mga pilipino.  Ang mga akdang
amerikano na sapilitang ipinabasa ay siyang nagkintal ng diwang kolonyal sa isipang pilipino. Sa halip na ipabasa
ang buhay ng mga lider na pilipino, ipinilit ang pagpapabsa at pag-aaral ng mga talambuhay nina
L i n c o l n ,W a s h i n g t o , R o o s e v e l t , at iba pang lider ng mga amerikano. Ipinakita at ikinintal sa
kaisipang pilipino sa pamamagitan ng panitikan ang kagandahan ng amerika. Sumakituwid, ang katangian ng
panahong ito ay ang pababagong anyo at diwa ng panitikan at impluwensya at kaisipang demokratiko.

LOPE K. SANTOS
  Ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, Bukod sa pagiging
manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.
Siya ay sumulat ng mga artikulong makabayan sa El Renacimiento at Muling Pagsilang. Tulad ng:
 B a l a r i l a n g W i k a n g P a m b a n s a - ay isang aklat hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng
wikang Tagalog.
B a n a a g a t S i k a t - isang nobela, ito ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan.

El Renacimiento/ Muling Pagsilang


Itinatag ni Rafael Palma noong 1900, Ang journalismong Tagalog sa pahayagang Renacimiento Filipino (1910-1913) ay
maituturing na isa sa mga panimulang pagpupunla ng makabayang sanaysay sa panitikan ng Pilipinas.

JUAN ABAD at AURELIO TOLENTINO


Sila ay sumulat at nagtanghal ng mga dulang nagpapakita ng damdaming makabayan.
Tanikalang Ginto (Juan Abad)- ang mga tauhan, bagay, at kaganapan rito ay may kanya-kanyang sinisimbolo na kapag sinuri
mo pang mabuti ay naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyal na pananakop ng mga Amerikano.

Kahapon, Ngayun, at Bukas (Aurelio Tolentino)- ay humahango sa kasaysayan ng pilipinas.Naipapakita dito ang
kahalagahan ng pakamit ng kalayaan.Naipapakita rin dito ang mga pilipinong nagtaksil at handang labanan ang kapwa
pilipino dahil sa salapi.

Panahong Ginto ng Nobelang Tagalog


  Ang panahong amerikano ay tinawag na panahong ginto ng nobelang tagalog sapagkat dito pinasok ng
mga pilipino ang ibat-ibang larangan ng panitikan tulad ng dula, tula, talumpati, sanaysay, kwento, at nobela. Sapagkat dito
mas kinilala at naging masigla ang pasulat ng mga nobela,kayat binanasagan ang panahong ito. Dahil sa ang kanilang akda
ay kasisinagan ng pagmamahal sa bayan at pagtutol sa kolonyalismo.

 
Ilan sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito ay, kasasaliman ng romantisismo, mga gawi, ugali,
at simulain ng mga gurong amerikano. Nasisinag din sa mga akda ang mga damdaming kimi, maromansa, at mga
pangyayaring puno ng pantasya. Ang karaniwang paksa tungkol sa pag-ibig o pakasintahan at mga akdang may pangangara
at mga himig ng pagdurusa at pagpapakasakit.

1992 -1934
  Ang panahong ito ay, panahon ng ilaw at panitik sa kasaysayn ng panitikang pilipino.
 Magasing Lingguhan Liwayway- ang unang nakilala sa tawag na PHOTO NEWS (1922). Ang Liwaywáy ang
pinakamatandang lingguhang magasin na nakasulat sa wikang Filipino. Pinangalanan itong Liwayway, na
nangangahulugang “pagsikat ng araw,” dahil inasahan ng may-ari at tagapaglathala na si Don Ramos Roces, na ito ay
magiging bagong simula ng isang matagumpay na publikasyon.

PANITIKAN-
isang samahang itinuring na sakdalista at aritokrista sa panulaang pilipino. Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala
ng mga pagbabago sa panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gaya ng malayang taludturan (sa
mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay).

1935-1945 
Saksi ang mga pamahalaan ng kommowelt sa isang mahahalagang yugtong nagpasigla sa kilusang pampanitikan.
Ang manunulat sa diwa ng pag-uunawa at kooperasyon sa pamamgitan ng Philippine Writer’s League ay nagbubuklod sa
tatlong pangunahing bansa Ingles, Kastila, tagalog.
  Ang Philippine Writer’s League ay laging kauganayng timpalak timpalak-pampanitikan ng masaraling
pamahalaan o Commonwelt Literary Award. Itinatag ni Pangulong Manue L. Quezon noong Marso 25, 1939 bilang tugon sa
mga hakbanghin ng League na magkaroon ng kaganapan ang isinasaad ng. Konstistusyon tungkol sa pagpapasigla ng
panitikang pilipino .

Panitikan sa Kasalukuyan

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng
may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-
25 nito ay namayani ang tinatawag na ―PEOPLE‘S POWER‖ o LAKAS NG BAYAN.

Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan na


tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-kamay
at balikat sa balikat na Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng mga ngiti, pagmamakaawa,
pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana sa pinararatangang
dalawang ―rebelde‖-ENRILE-RAMOS, ‗pagkat sumama na sa pangkat ni Aquino.

Muling naipamalas ng mga Pilipino ang samahang bayanihan tulad ng pagbabahagi ng


mga pagkain at inumin. Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang
pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin, pagmamahal sa
bayan, pagsunod sa batas, pag-unawa sa kapwa, pananalig sa Panginoon at marami pang iba na
iisa ang tibok ng puso, iisa ang pulso, walang relihiyon, walang rehiyon, marunong man o
mangmang, mayan o mahirap.

Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO..ang mga Pilipinong marunong
magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa sa salita man o sa
gawa.
At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na bagong
Republika – ―ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas.‖

A.KALAGAYAN NG PANITIKAN

Bagama‘t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas


ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay
madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN, sa mga
SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA TELEBISYON.

1.PANULAAN SA KASALUKUYAN
Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag
ng tunay na damdamin ng mga makata:
a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawin
b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan.

Halimbawa:

Giting ng Bayanni Francisco Soc. Rodrigo


I
Akala ni Marcos, ay pampalagiang
Kaniyang mabobola‘t mapaglalaruan
Ang dating maamo at sunud-sunurang
Mga matiisin nating taong bayan.

II
Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising
Itong baying dati‘y waring nahihimbing
Salamat at ngayo‘y sumiklab ang giting Nitong
Bayang dati ay inaalipin.

III
Kaya nama‘t ngayon ay taas noo
Nating Pilipinoo sa harap ng mundo
Pagkat tayo‘y laang magsakripisyo
Sa ngalan ng laya ng tama‘t totoo.

Himala ni Bathala ni Francisco Rodrigo


Walang bahid alinlangan, yaring aking paniwala
Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala
Yaong mga pangyayaring hindi inakala Na
nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya
Para sa ‗ting inalipin at inaping Inang Bansa!

At dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak at tuwa
sa kanilang mga puso ay mababakas na nag-uumapaw. Walang pakundangan nilang naipahayag
ngayon ang kanilang nais ipahayag.

2.AWITING PILIPINO
Ang Magkaisanina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena, ang Handog ng Pilipino sa
Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong naganap sa
sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan.
Ang binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose
Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At
dahil sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi
ngayon sa ―Constitutional Commission‖ na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng
Pilipinas.

3.SANAYSAY
Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa
nakamit sa bagong kalayaan.

4.MAIKLING KWENTO
Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa naging nakagawiang
pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hapon. Noong panahon na iyon ay ipinagbawal
ang paggamit ng ibang salita maliban sa kanilang wika. Kayat nailimbag sa gintong pahina ng
panitikang Filipino ang maikling kwento. Bagamat sa panahong ito ay naging masigasig ang mga
manunulat sa kanilang katha, nanumbalik, nag-ala-dagliang kawalan ng banghay ng kwento.
Nagkaroon ng iba‘t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi
naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang sa pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy.
Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito‘y tinawag na
kontemporaryong maikling kwento.

5.Radyo at Telebisyon
Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nang walang
takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.

Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at telebisyon kung saan
pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa
pwesto.

6.Pahayagan, magasin, at iba pang babasahin


Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat na rin ito ng pagpapanumbalik sa
karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa pamamahayag.

Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito.


 Inquirer
 Manila Bulletin
 Manila Times
 Philippine Standard

B.PANITIKAN SA COMPUTER AGE


Chat, FB, twit, blog, jejemon, unli, website, usb, e-mail, download, wifi, connect, burn,
scan, cd….

Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika at masasabing dulot
ng teknolohiya. At dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang pagbabagong
idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago sa papel na ginagampanan ng
impormasyon sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip. Ang mabilis na pagbabagong naganap sa
buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng teknolohiya – ang kompyuter, cellphone, at internet.

Naging biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa internet, ng pamamahayag ang


blogging—isang anyo ng pagsusulat sa espasyo sa Internet na nagbibigay ng kakayahan sa
sinumang may Internet akses na magsulat ng kanyang nais isulat, at ―ipalimbag‖ ito sa isang
pandaigdigang saklaw. Ang presensya ng mabilisang input at feedback sa impormasyon ay
isang katangiang hindi pa kayang lubos na gayahin ng isang print-based system.

Kasunod nitong ang pagsulpot ng mga networking sites gaya ng friendster at facebook,
naging madali ang pagpapahayag ng mga tao sa kanilang saloobin hinggil sa isang bagay.
Sa libro (at minsan sa internet na rin), ay nakakakita ako ng mga akda na naisulat sa
pamamagitan ng naghaharing paraan ng pagtetext – ang Hu-U-ismo. Kung saan ang
karakterisasyon ng ganitong klase ng texting ay gumaGmit U bilng tXter ng mga kRakter n ms
pNaikli at pNaarte ang dTing. Sila ang mga Pinoy na nagagawang ibahin ang Wikang Ingles sa
punto na hindi na ito maunawaan.

Samantala, ganito din ang pangyayari sa isang nabuong paraan ng pamamahayag, ang
jejemonismo- kung saan !tÖ Ñm@n @¥ p@gp@p@l!t pÖwww Ñg k@r@kter n@ g@met zHa
p@gtetetxt.

Cellphone – nabago nito ang pang-araw-araw na komunikasyon; dito nabuo ang Hu-Uismo at
jejemonismo.

Computer- Lol, BRB

Internet-dito naglipana ang mga blogging sites kung saan hayagan ang pagpapahayag ng
saloobin ng sinuman na nais makisawsaw sa isyu.

Pagsasanay Blg. 2

Mga Katanungan (Isang buong yellow pad paper)


1. Kailan sinasabing nabawi na ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na
kalayaan? (10 puntos)
2. Ipaliwanang ang kalagayan ng panitikang Filipino sa bawat panahon.
(30 puntos)
3. Sa kabuuan, ano sa palagay mo ang maaaring maging kalagayan ng
Panitikang Filipino sa darating pang bukas? (10 puntos)

Sanggunian

Arrogante, Jose A. et. al. Panitikang Filipino-Pampanahong Elektroniko (Binagong


Edisyon). Quezon City: National Bookstore, Inc., 2001
Ong, Bob. Stainless Longganisa, Pasay City: Visprint, Inc., 2005
Santiago, Erlinda M. et al. Panitikang Filipino-Kasaysayan at Pag-unlad, Navotas City:
National Bookstore, Inc., 2009
Caro, Jimmy – Mula sa kanyang hand-out ng Sawikaan 2010
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-antique/bs-accountancy/panitikan-sa-panahon-ng-
mga-hapon-pre-final/11843615
https://www.academia.edu/41689958/Panahon_ng_Amerikano_Sauco
https://pdfcoffee.com/106123308-ang-panitikan-sa-panahong-kasalukuyan-pdf-free.html

You might also like