0% found this document useful (0 votes)
496 views

ST ESP 9 wk1-2

Ang dokumento ay isang summative test tungkol sa katarungan at katarungang panlipunan. Naglalaman ito ng mga tanong tungkol sa kahulugan ng katarungan, mga halimbawa ng katarungan, at kung paano nagsisimula ang pagiging makatarungan mula sa pamilya. Ang test ay may iba't ibang uri ng mga tanong tulad ng piliin ang tamang sagot, tunay o hindi, at iba pa.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
496 views

ST ESP 9 wk1-2

Ang dokumento ay isang summative test tungkol sa katarungan at katarungang panlipunan. Naglalaman ito ng mga tanong tungkol sa kahulugan ng katarungan, mga halimbawa ng katarungan, at kung paano nagsisimula ang pagiging makatarungan mula sa pamilya. Ang test ay may iba't ibang uri ng mga tanong tulad ng piliin ang tamang sagot, tunay o hindi, at iba pa.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 4

Quarter 3

SUMMATIVE TEST 2
WEEK 1-2
ESP 9
Name: ________________________________________ LRN: _________________________
Teacher: ______________________________________ Section: ______________________
Score: _________
MELC/S:
● Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
● Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na Ibigay sa kapwa ang nararapat sa
kanya.
I.Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ano ang isang makatarungang tao?


A. Isa kang makatarungang tao kung patas ang pagtingin mo sa iba
B. Kapag mayroon kang makatarungang ugnayan sa iyong kapitbahay.
C. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa.
D. Kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng ibang tao.
_____2. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay
nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:
A. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
C. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
_____3. “Walang iwanan.” Sa anong-anong sitwasyon o konteksto mo narinig ang pahayag na ito?
A. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa, lalo na sa mga
kritikal na sitwasyon sa buhay.
B. Tayo ay umiiral na kasama ang ibang tao
C. No man is an island
D. Magtulungan at walang iwanan sa panahon ng kalamidad
_____4. Ano ang katarungan?
A. Pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya
B. Ito ay panloob na kalayaan
C. Isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang
D. Ang mabuting ugnayan sa kapuwa
_____5. Ano ang mangyayari kung nilalabag ang karapatan ng tao?
A. Mabuhay ng malungkot
B. Mawalan ng katarungan
C. Magbunga ng gulo
D. Hindi nila ito magustuhan
_____6. Bakit mahalagang mauunawan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
A. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
C. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging
makatarungan sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit
_____7. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
_____8. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.

More downloads: https://www.depedtrends.com


D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungang sa
lipunan.
_____9. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nilang sundin lahat ng mga
ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na
batas.
D. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito
ang kaniyang buhay.
_____10. Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-anal na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw.
_____11. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na
sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. May bimibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
_____12. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
B. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
C. Binisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kaniyang
mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng
hapon upang maglaro ng basketball.
_____13. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
B. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
C. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
D. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
_____14. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natutulong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
_____15. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungang sa
lipunan.
_____16. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nilang sundin lahat ng mga
ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na
batas.
D. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito
ang kaniyang buhay.
_____17. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
B Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
C. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan, at simbahan.
More downloads: https://www.depedtrends.com
_____18. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan.
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
C. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
D. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
_____19. Ang sumusunod ay mabisang ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-anal na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw.
_____20.Bakit mahalagang mauunawan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
A. malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
C. mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging
makatarungan sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit

II.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama kung sa
palagay mo ay makatotohanan ito at isulat naman ang salitang Mali kung hindi ito
nagsasabi ng katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

______1. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa trabaho, sa aming
barangay, o sa bansa.
______2. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban dahil sa katotohanang
mahirap kalabanin ang mismong sarili.
______3. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi hinahadlangan o
pinanghihimasukan ng iba.
______4. Ang taong masipag ay umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaaatang sa kaniya.
______5. Pagsuhol upang hindi malaman ang katotohanan.
______6. Kahit alam mo kung ano ang nararapat para sa iyo ay maaari kang magparaya alang-alang sa
mas nangangailangan.
______7. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa.
______8. Pagdakip sa isang tao nang walang warrant of arrest.
______9. Dahan- dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay.
______10. Magiging makatarungan ka kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng iba.
______11. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay hindi kumilala sa dignidad ng tao.
______12. Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal.
______13. Sa paghahanay mo sa katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuhan ng isang Sitwasyon.
______14. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay hindi nakadepende sa kanyang
sitwasyon.
______15. Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa Kaniyang
kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan.
______16. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan.
______17. Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga nakamit
sa buhay
______18. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay. Umiiral ito kung
hinahayaan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo.
______19. Ang tuon ng katarungan ay ang loob sa sarili. Nangangailangan ito ng labas na kalayaan.
______20. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa.

More downloads: https://www.depedtrends.com


ANSWER KEY
I.
1. C
2. D
3. A
4. A
5. B
6. C
7. D
8. B
9. C
10. A
11. C
12. C
13. B
14. D
15. A
16. D
17. D
18. C
19. A
20. D
II.
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. TAMA
10. TAMA
11. MALI
12. TAMA
13. TAMA
14. MALI
15. TAMA
16. TAMA
17. MALI
18. MALI
19. MALI
20. TAMA

More downloads: https://www.depedtrends.com

You might also like