Paggamit NG Tamang Salitang Kilos: Modyul NG Mag-Aaral Sa Filipino 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

3

Paggamit ng Tamang
Salitang Kilos
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 3
Ikatlong Markahan ● Modyul 1

BRENDA F. QUILLADAS
Developer
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN:________________________ Baitang at Seksiyon: ____________


GURO: ____________________________ ISKOR: ________________________
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Administratibong Kordilyera
DIBISYON NG LUNGSOD NG BAGUIO
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibong Kordilyera
Dibisyon ng Lungsod ng Baguio

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


(COPYRIGHT NOTICE)

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary
for exploitation of such work for profit.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa pamamagitan ng


Curriculum Implementation Division (CID)-Learning Resource Management and Development
System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang-edukasyon at maaring hilingin ang
pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang panghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay
lamang ang karapatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng
anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division lalo na ng Learning


Resource Management and Development Unit, Department of Education, Schools Division of CAR
bilang tugon sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.

Ang modyul na ito ay pag –aari ng Department of Education- CID, Schools Division of CAR.
Layunin nito na mapabuti ang mga kasanayan ng mga mag –aaral sa Filipino 3.

Petsa ng Pagkakagawa : Pebrero 2021


Lokasyon : DepEd Schools Division of Baguio City
Asignatura : Filipino

Baitang :3
Uri ng Materyal : Modyul
Wika : Filipino

Markahan/Linggo : Ikatlong Markahan/Unang Linggo


Kasanayang Pampagkatuto : Nagagamit ang mga salitang kilos/pandiwa sa
pagsasalaysay ng mga personal na karanasan
F3WG-III-f-5
INAASAHANG MATUTUHAN
Nagagamit ang tamang salitang kilos/pandiwa sa pagsasalaysay ng mga
personal na karanasan
F3WG-IIIe-f-5

BALIKAN
Balikan natin ang tungkol sa salitang kilos na inyong napag-aralan
noong kayo’y nasa ikalawang baitang. Ano ang ginagawa ng mga nasa
larawan?

Ang nagbabasa, nakikinig, naglalakad, natutuwa at tumatalon ay ilan


sa mga halimbawa ng pandiwa. Ang pandiwa o salitang kilos ay
nagpapahiwatig ng kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Ang bawat
pandiwa ay binubuo ng salitang ugat na dinagdagan o dinugtungan ng
pantig o panlapi.

Halimbawa:
Salitang ugat Pantig/panlapi Pandiwa
um tumalon
1. talon ta tatalon
ta at um tumatalon
nag nagluto
2. luto mag at lu magluluto
nag at lu nagluluto
sa sasayaw
3. sayaw um sumayaw
um at sa sumasayaw
TUKLASIN
Basahin ang talata at sagutin ang kasunod na mga tanong ng pasalita.

Ang mag-anak ay nakaugalian ng sabay-sabay na kumakain tuwing


hapunan. Hihintayin nila ang isa’t isa na uuwi bago kakain, maliban lang
kung may pupuntahan o hindi uuwi sa takdang oras si tatay o nanay. Ito kasi
ang pagkakataon nilang nag-uusap o nagkukuwentuhan sa isa’t sa. Isa
itong gawi nila tungo sa matibay at masayang samahan ng kanilang
pamilya.

Tanong:
1. Ano ang nakaugaliang ginagawa ng mag-anak?
2. Bakit nila ito ginagawa?
3. Magandang huwaran ba ang kanilang pamilya? Bakit?
4. Ano ang masasabi ninyo sa mga salitang may salungguhit?

Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pandiwa o salitang


kilos na ginagamit sa tamang panahunan ng mga ito.
SURIIN
Ang bawat pandiwa ay may angkop na gamit sa pagsasalaysay ng
mga pangyayari. Naayon dapat sa panahunan nito. Halimbawa ang
pandiwang kumain, kumakain, at kakain ay iba’t iba ang gamit ng bawat
isa.
Pag-aralan natin kung paano ginamit sa pangungusap ang mga
nasabing pandiwa.

1. Si bunso ay kumain na kanina bago dumating ang kanilang ama.


⮚ Ang pandiwang kumain ay nagpapahiwatig na tapos na o
naisagawa na itong kilos. Sinamahan pa ng salitang kanina na
nakatutulong sa pagpapaintindi na ginawa na ang kilos.

2. Ang mag-anak ay nakaugaliang sabay-sabay kumakain tuwing


hapunan.
⮚ Ang pandiwang kumakain ay nasa kasalukuyan na kilos. Ang
salitang tuwing ay ginagamit sa paulit-ulit na isinasagawa ang
kilos at ito’y nasa panahunang ginagawa ang kilos.

3. Kakain ang mag-anak kapag nakauwi na lahat ang bawat miyembro


ng pamilya.
⮚ Ang kakain naman ay hindi pa naisagawa at ito’y gagawin pa
lamang ang kilos.

Ang kilos ay nagbabago tuwing ginagamit sa iba’t ibang panahunan


nito. Pag-aralan pa ang iba pang mga halimbawa na nasa tsart.

Mga ilang salita na


may kaugnayan sa
Panahunan ng Pandiwa Halimbawa
panahunan ng
pandiwa
1. Natapos na nagsikap kahapon
Tapos na o nagawa naligo noong _ _ _
na ang kilos
uminom kamakalawa
tumawa kanina, kagabi
2. Ginagawa pa nagsisikap ngayon
Ang kilos ay naliligo sa kasalukuyan
nagaganap o nagyayari sa
umiinom tuwing
kasalukuyan
tumatawa araw-araw

3. Gagawin pa magsisikap bukas


Ang kilos ay hindi pa maliligo mamaya
nasisimulan o isasagawa pa
iinom sa susunod na _ _ _
lamang
tatawa sa darating na _ _ _

PAGYAMANIN (Formative Assessment)


A. Alin sa mga sumusunod na pandiwa ang bubuo sa bawat pangungusap.
Piliin at isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. _________________ kami mamaya ng librong binili ni ate.


2. _________________ kami kahapon tungkol sa aking
leksiyon.
Nagbasa
3. Kasama ko ang aking tatay na _________________ ng
nagbabasa
kuwento gabi-gabi.
Magbabasa

4. _________________kami sa darating na Linggo sabay


tutugtog ng mga instrumento.
5. _________________ ngayon ang mga bata habang
Umawit tumutugtog ng mga instrumento.
Umaawit 6. _________________ na ang mga bata kanina kaya sila’y
Aawit tumutugtog lang ng mga instrumento.

B. Ayusin ang mga salita sa bawat hanay para buuin ang pangungusap na
nagsasalaysay sa bawat kilos na nasa larawan.
2. paghalo ng bunso si Tumulong sa harina
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. mamaya ate si sahig ng Maglilinis


__________________________________________________
__________________________________________________

TAYAHIN (Written Work)

Piliin sa panaklong ang tamang salitang kilos na angkop gamitin para


mabuo ang pangungusap. Salungguhitan ang tamang sagot.

1. Ako ay (nagising, nagigising, magigising) tuwing tumutunog ang “alarm


clock”.

2. (Inayos, Inaayos, Aayusin) ko ang aking higaan ngayon din.

3. (Tinulungan, Tinutulungan, Tutulungan) ko si nanay sa gawaing bahay


noong isang araw.

4. (Naglaba, Naglalaba, Maglalaba) naman kami sa susunod na Sabado.

5. (Sinagot, Sinasagot, Sasagutin) ko na ngayong araw ang aking modyul.

ISAGAWA (Performance Task)

A. Gamitin sa pangungusap ang salitang kilos na ipinapakita ng bawat


larawan. Gamiting gabay ang bawat tanong. Isaalang-alang ang wastong
gamit ng bantas at ang malaking titik.
Ano ang ginagawa ng batang nasa gitna?

1.________________________________________________

Ano ang ginawa ni bunso noong umalis sila ni kuya?


2.________________________________________________

_________________________________________________

Ano ang gagawin ng mga magkaibigan sa darating


na sabado?

3.________________________________________________

__________________________________________________

Anong ginagawa nila tuwing may okasyon sa kanilang


barangay?

4.________________________________________________

__________________________________________________
Anong gagawin niya pagkatapos niyang magbike?

5.________________________________________________

__________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Isagawa

Tayahin

3. Maglilinis si ate ng sahig mamaya./Maglilinis mamaya si ate ng sahig.


2. Tumulong si bunso sa paghalo ng harina.
B. 1. Si nanay ay nagluluto ng aming agahan.

6. Umawit 5. Umaawit

4. Aawit 2. Nagbasa 3. nagbabasa A. 1. Magbabasa


Pagyamanin

Mga Sanggunian
Department of Education. 2016. K to 12 Curriculum Guide Filipino - Grade 3. (MELC)

Alde, Amaflor et.al. 2017. Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino. Pilipinas: Studio Corparation

Cardinoza, Florenda et.al. 2017. Gabay ng Guro sa Filipino. Pilipinas: REX Bookstore, Inc.

Mojica, Beatriz at Pranda, Avelina 2002. Sanayang Aklat sa Filipino. Quezon City: Cultural Publisher

[All images] Available at: Clipart-library.com [Accessed 01 February. 2021].

You might also like