Summative Test in Esp 4 Quarter 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN ESP 4

Name:_______________________________________ Score:____________
Grade & Section:_____________________________ Date: ____________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ito ay tumutukoy sa mga kultura o kaugalian na may kinalaman sa paniniwala, tradisyon o nakagawian na walang
kinalaman sa materyal na bagay. Ito ay tinatawag na .
A. Konkreto C. Materyal
B. Di-konkreto D. Di-Materyal
______2. Bakit kailangang basahin o pakinggan ang mga kuwentong bayan, alamat, o epiko nang may kawilihan?
A. para may maikuwento rin sa kapwa
B. upang may matutuhan na bahagi ng ating lahi
C. dahil ang mga ito ay makapagpapatatag sa atin
D. sapagkat ito ang nakasaad sa ating mga tungkulin bilang isang Pilipino
_______3. Alin ang mga sumusunod ang halimbawa ng kuwentong bayan?
A. Biag ni Lam-ang C. Subli ng Batangas
B. Kesong Puti D. Pamulinawen
________4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang
material at di-materyal?
A. Magalit sa tuwing napagsasabihan tungkol sa mga pagpapahalagang dapat taglayin.
B Ang pakikinig ng mga katutubong awiting Pilipino ay hindi na naaayon sa modernong panahon dahil hindi naman ito
nakakatulong sa kaunlaran ng ating bansa.
C. Ang tanging kailangan natin ay ang mga makabagong kwento tungkol sa kinakaharap ng mga mamamayan sa
modernong panahon.
D. Ang pagbabasa ng mga kwentong bayan, alamat, at epiko ay kasiya-siyang gawin dahil may nalalaman ka na bahagi
ng iyong kultura.
_______5. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Pilipino?
A. sa pag-aaral ng mga pagpapahalaga ng ibang lahi
B. sa pagsali sa pagtipun-tipon laban sa pamahalaan
C. sa pakikilahok sa iba’t ibang Samahan pangmatanda
D. sa pagsasabuhay ng mga ito sa pang-araw-araw na Gawain
_______6. Tinutukso ni Ben ang bago mong kapitbahay na isang Ivatan dahil sa suot niyang sombrero na gawa sa hinabing
dahon ng Palmera. Ano ang gagawin mo?
A. Gagayahin ko siya sa paghalakhak
B. Sasawayin ko siya dahil nakakaawa naman ang bago kong kapitbahay.
C. Sasawayin ko siya dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang nakasanayan niya.
D. Wala sa nabanggit.
________7. Bumisita kayo ng nanay mo sa mga kamag-anak ninyo sa Quezon. Nagsasanay ng sayaw na Tinikling ang mga
pinsan mo at niyaya ka nilang sumali.
A. Sasali ako pero sandali lang.
B. Sasali ako dahil kailangan ko ring matutunan ang katutubong sayaw mula sa lugar na iyon.
C. Hindi ako sasali dahil hindi ako marunong at baka maipit ang paa ko sa buho.
D. Wala sa Nabanggit.
________8. Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang dapat ipasunod sa
ilog na malinis?
A. Huwag magtapon ng basura
B. Tumawid sa tamang tawiran
C. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
D. Wala sa nabanggit.
_______9. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalaki o pagpapahalaga sa kultura ng pangkat etniko?
A. Pinagtawanan ni Khail ang mga batang nakabahag habang naglalaro ng basketbol.
B. Kahit hindi isang Subanen, nagsanay si Dang upang matutunan ang paghahabi ng basket gamit ang rattan.
C. Itinapon ni Chelsey ang Bakol na ibinigay ng kaniyang kaibigang Ivatan.
D. Hindi bumili si Charles ng Piyaya na gawang Ilonggo dahil iba ang lasa nito.
________10. Isinama ka sa Bikol ng iyong kuya na nagbalik bayan mula sa America. Sa isang parke roon, may isang food stand
na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang ipinagmamalaking Bicol Express.
A. Hindi ako papayag dahil ayaw ko ng maanghang na pagkain.
B. Papayag ako dahil libre naman.
C. Papayag ako dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na iyon ang tuklasin anuman ang kultura nila.
D. Wala sa nabanggit.
_______11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?
A. Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.
B. Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.
C. Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.
D. Pagsunog nang mga plastic na nakakasira ng ozone layer.
_______12. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran MALIBAN sa isa.
A. Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.
B. Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.
C. Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
D. Pagsama sa mga programa pagtatanim nang halamang puno.
_________13. Ang mga halimbawa ng mga basurang nabubulok ay mga tirang pagkain, tuyong
dahon at _________________.
A. plastik C. babasaging bote
B. balat ng prutas at gulay D. styrofoam
________14. _____________________ ang kailangan sa wastong pagtatapon ng basura at upang
makatulong na maisalba ang Inang kalikasan.
A. Disiplina B. Kagandahan C. Kaibigan D. Kasamaan
________15. Napansin mong maraming nakatambak na mga boteng plastik sa likuran ng inyong bahay. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Hahayaan lamang ang mga ito na nakatambak sa likod- bahay.
B. Gagawin ang mga ito na plastik na paso.
C. Itatapon ko ang mga ito sa compost pit.
D. Susunugin ko ang mga ito.
________16. Napapansin mong marami pa ring nagsusunog ng basura sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lang ang pagsusunog ng basura.
B. Magsusunog na rin ng basura.
C. Hindi gagayahin ang kanilang ginagawa.
D. Ipapasabay na sa kanila ang mga basura namin.
_______17. Pinupulot ko ang mga kalat na aking nadadaanan sa paligid at itinatapon ko ito sa tamang tapunan.
A. Ginagawa C. Minsan
B. Hindi Ginagawa D. Wala sa Nabanggit.
_______18. Alin sa mga barangay ang HINDI nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?
A. Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
B. Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran para sa paghahanda tuwing tag-ulan
C. Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.
D. Barangay Sulit na namumulot nang basura sa tabing dagat.
________19. Dapat ba nating ikahiya ang ating kultura?
A. Oo B. Hindi C. Marahil D. Wala sa Nabanggit
_______20. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong segregasyon?
A. pagtapon ng sirang bombilya sa basurahan ng mga nabubulok
B. paglagay ng tinik ng isda sa basurahan ng di-nabubulok
C. paglagay ng plastik kasama ang mga buto ng mangga
D. pagtapon ng balat ng saging kasama ng mga tuyong dahon

You might also like