Kasaysayan NG Pagkakasulat
Kasaysayan NG Pagkakasulat
Kasaysayan NG Pagkakasulat
Sinimulang isulat ito ni Rizal noong siya ay 24 na taong gulang at natapos niya ito sa
edad na 26. Sa loob ng dalawang taon ay natapos ni Rizal ang pagsulat ng kanyang
walang kamatayang obra.
Inumpisahan ni Rizal ang unang bahagi ng nobela sa Madrid, Spain nong 1884 at
natapos ang unang kalahati. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa nobela sa Paris,
France kung saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang kalahati ng nobela. Pebrero
21, 1887, tinapos ni Rizal ang nobela sa Germany.
Nang dahil sa pagkagipit at pagtitipid ni Rizal, inalis niya ang isang kabanata sa Noli.
Inalis niya ang “Elias at Salome”.
Inilaan ni Vicente Blasco Ibañez, isang bantog na manunulat, ang kanyang serbisyo
bilang tagapayo at tagabasa ng nobela ni Rizal bago ito maimprenta.
Marso 21, 1887, Inilabas na ang nobelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa wikang
Kastila.
Bilang pasasalamat ibinigay kay Dr. Viola ang orihinal na manuskrito at ang plumang
ginamit sa pagsulat ng nobela.
Inihahandog ang aklat sa Inang Bayan, bilang sagisag ng pag-ibig sa tinubuang lupa.
Layunin sa Pagsulat
Ating isa-isahin ang mga naging layunin ni Rizal sa pagsulat ng kanyang obra maestra.
Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser
ng lipunan na nangyayari sa bansa. Naihalintulad ni Rizal sa sakit na kanser ang
sitwasyon ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga kastila sapagkat tila ito’y
wala ng kalunasan.
Inilarawan din niya ang kalagayan ng lipunan at ang ayos ng pamumuhay roon, ang
mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin, mga karaingan, mga pagdadalamhati.
Ipinakilala rin niya ang kaibahan ng tunay sa di-tunay na relihiyon sa relihiyong ang
kinakalakal ay ang Banal na Kasulatan upang mapagsalapi, upang papaniwalain sa mga
kahangalang sukat ikahiya ng Katolisismo kung ito lamang ay malalaman.
Inangat ni Rizal ang tabing upang ipakita kung ano yaong nasa likod ng mga madaya at
nakasisilaw na pangako ng pamahalaang Kastila.
Inilahad rin ni Rizal sa Nobela kung ano-ano ang mga kapintasan, ang mga bisyo, ang
pagwawalang-bahala sa mga pagdaralita roon na nagpapakilala ng karuwagan at tunay
na masisisi sa kanyang mga kababayan.
Sa sarili niyang bayan, sa Calamba, unti-unting namulat ang kanyang mata sa kaawa-
awang kalagayan ng mga Pilipino. Naligalig siya sa pang-araw-araw na kalupitan ng
mga Espanyol. Nasaksihan niya kung paanong ang matatandang lalaki ay hinahagupit
ng mga guardia civil kung hindi wasto ang pagsaludo sa kanila, kung hindi nag-aalis ng
sombrero kung sila’y mapapadaan sa harapan nila; ang pagmamalupit sa mga babae at
maging sa mga bata. Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang katarungan ang
pinakamamahal niyang ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo siya sa maling paratang na
kasabwat ng kapatid na si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa nitong huli.
Hindi pa napapawi ang kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa pagkabilanggo ni
Donya Teodora ay nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite na ibinintang kina Padre Burgos,
Gomez, at Zamora, kasama ang ibang lider na Pilipino. Ang tatlong paring martir ay
binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan. Ang mga pangyayaring ito’y
nagpakilala kay Rizal na nangangailangan ng malaking pagbabago ang kaniyang
bayan-pagbabagong sa pamamagitan lamang ng karunungan at ng edukasyon
matatamo.
Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya’t pagkatapos lamang ng ilang
araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa
Malacañang at nabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli.
“Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto
nila akong gawing excommunicado dahil doon… pinagbibintangan akong espiya ng
mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang
salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng
plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng
dilim …
Librong naging Inspirasyon ni Rizal
Mula sa panulat ni Eugene Sue, ito ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus
habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na
maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
BIBLIYA
Ang pamagat na ” Noli Me Tangere” ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang
Filipino ay ” huwag mo akong salingin” na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan.
Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso
Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay
hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero,
kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura,
musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.
May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo
Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong
siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga
Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).
Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang
magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino.
Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang
mangangalakal.
Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo
ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni
Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.
Kabataan
Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at
lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga
kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.
Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang
naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at
paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa
Edukasyon
Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga
kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano
Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at
doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng
Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya
sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17
taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878,
pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon
mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de
Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang
Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang
ekselente.
Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim
ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na
ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological
ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya mismo nanggaling), kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang
talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay
bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon,
Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng kaniyang buhay.
Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na kumukunekta sa ibang mga Pilipino na nagnanais
ng reporma. Isinulat din niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The Social Cancer), isang aklat
tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas, partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga
Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal sa Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang
ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.
Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya ang kanyang sumunod na nobela, ang El
Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, isang
pahayagan na nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni Rizal ay hindi kasama ang kalayaan ng
Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga
Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan siya ng bansa para sa pagbabago. Kahit na
itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado ni Rizal ang di-marahas na aksyon. Ngunit hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga
Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan, sa isla ng Mindanao.
Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor. Ang kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit
noong Agosto 1896, ang Katipunan, isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon.
Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang marahas na pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong.
Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing
squad. Isinagawa ang pampublikong pagpatay kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35 taong gulang.
Ang kanyang kamatayan ay nagbunsod ng higit pang mga pagsalungat sa mga panuntunan ng Espanya at naging hakbang upang
KAPATID NI RIZAL
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda - Ipinanganak noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna at
namatay noong December 30, 1896 sa edad na 35 sa Bagumbayan, Manila. -Sya ay tinatawag ding “Pepe”,
“Jose” -Ang kaniyang mga magulang ay sina Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y
Quintos
Teodora Alonzo Realonda y Quintos -Ina ni dr. Jose Rizal - Ipinanganak noong November 9, 1827 sa Santa Cruz,
Manila at namatay noong August 16, 1911 sa edad na 84. -Sya ang pangalwang anak nina Lorenzo Alberto
Alonso at Brijida de Quintos. -Asawa ni Francisco Rizal Mercado.
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro -Ama ni dr. Jose Rizal - Ipinanganak noong May 11, 1818 sa
Biñan, Laguna at namatay noong January 5, 1898 sa edad na 79. -Sya ay isa sa mga anak nina Juan Monica
Mercado at Cirila Alejandro. -Asawa ni Teodora Alonso Realonda
Saturnina Rizal Mercado y Alonso Realonda - Ipinanganak noong June 4, 1850 sa Calamba, Laguna at namatay
noong September 14, 1913 sa edad na 63. - Siya ay kilala din sa pangalang “Neneng” - Asawa ni Manuel T.
Hidalgo (Saturnina Rizal Mercado de Hidalgo) - Siya ang panganay sa magkakapatid.
Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda - Ipinanganak noong March 9, 1851 sa Calamba, Laguna at namatay
noong April 13, 1930 sa edad na 79. -Sya ay pangalwa sa magkakapatid. - Siya ang nag-iisang kapatid na lalaki
ni dr. Jose Rizal
Narcisa Rizal (Mercado) - Ipinanganak noong October 29, 1852 sa Calamba, Laguna at namatay noong June 24,
1939 sa edad na 86. -Sya ay ang pangatlo sa magkakapatid. -Asawa ni Antonio Lopez at sya ang
pinakamatulunging kapatid na babae ni dr. Jose Rizal -Sya ay tinatawag ding “Sisa”
Olympia Rizal (Mercado) -Ang ika-apat na anak sa pamilya Rizal. -Sya ay ipinanganak noong taong 1855 at
namatay noong August 1887 sa edad na 31/32. -Sya ay tintawag ding “Ypia” -Asawa ni Silvestre Ubaldo
Lucia Rizal (Mercado) -Panglima sa magkakapatid - Ipinanganak noong 1857 sa Biñan, Laguna at namatay
noong December 25, 1919 sa edad na 61/62. -Kahati sa paghihirap ng bayani. -Asawa ni Mariano Herbosa
Maria Rizal (Mercado) -Pang anim sya sa magkakaptid. - Ipinanganak noong taong 1859 at namatay noong
1945 sa edad na 85. -Asawa ni Daniel Faustino Cruz - Siya ay tinatawag ding “Biang”
Concepcion Rizal (Mercado) -Pangwalo sa magkakapatid - Ipinanganak noong taong 1862 at namatay noong
taong 1865 sa edad na 3 dahil may sa lubhang sakit. -Sya ay paborito ni dr Jose Rizal - Siya ay tinatawag ding
“Concha”
Josefa Rizal (Mercado) -Ika-siyam sa magkakapatid - Ipinanganak noong 1865 at namatay noong 1945 -Sya ay
hindi na nakapag asawa at may sakit na epilepsy - Sya ay tinatawag ding “Panggoy”
Trinidad Rizal (Mercado) - Pangsampu sa magkakapatid - Ipinanganak noong June 6, 1868 sa Calamba, Laguna
at namatay noong May 9, 1951 sa edad na 82. -Sya ang katiwala ng pinasikat na tula ni dr. Jose Rizal
Soledad Rizal (Mercado) -Bunso sa magkakapatid - Ipinanganak noong 1870 at namatay noong 1929. -Sya ay
tinatawag ding “Choleng”
Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal? José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda José Protasio
Mercado Rizal y Alonso Realonda José Protasio Alonso Rizal y Mercado Realonda José Protasio Mercado Rizal y
Alonzo Realonda
Saturnina Rizal Sya ay kilala sa pangalang “Neneng” at panganay sa magkakapatid. Soledad Rizal Maria Rizal
Lucia Rizal
June 19, 1863 Kailan ipinanganak si Dr Jose Rizal? June 19, 1861 June 19, 1864 June 19, 1862
Saturnina Rizal Sya ay kilala sa pangalang “Choleng” at bunso sa magkakapatid. Soledad Rizal Maria Rizal
Lucia Rizal
Soledad Rizal Saturnina Rizal Sya ay kilala sa pangalang “Biang” at pang-anim sa magkakapatid. Maria Rizal
Lucia Rizal
Segunda Katigbak • Ang unang babaing naging kasintahan ni Rizal. • Isang Batangueñia na taga Lipa.
Miss L. • Taga Calamba, tinawag niya itong simpleng dalagang L. • Maganda at may kaakit-akit na mata. •
Niligawan ni Rizal matapos nawala sa kanya si Segunda Katigbak.
L eonor Valenzuela • Kilala din sa tawag na “Orang”. • Halos kasing taas ni Rizal. • Nagpapadala dito si Rizal ng
mga love notes na ginagamitan ng ibang tinta (tabulasyon ng asin at tubig).
Leonor Rivera •Pinsan niya sa Camiling, kilalang marupok at magandang babae. •Taga Camiling, Tarlac.
•Maituturing na tunay na pag-ibig ni Rizal.
CONSUELO ORTIGA Y PEREZ • Pag-ibig ni Rizal sa Madrid. • Anak ng dating gobernador Sibil ng Maynila.
NELLY BOUSTED • Pag-ibig ni Rizal sa Paris. • Nakahikayat sa kaibigan ni Rizal na si Antonio Luna.
Seiko Usui • Kilala din sa tawag na O-sei-san • Anak ng may-ari na pamilihan sa Yokohama, Japan.
Pastora Necesssario Carreon • Kilala din sa pangalang “Torak”. • Nakilala ni Rizal sa Dapitan, Mindanao nang
siya ay mapiit doon ng apat na taon. • Isa syang mang-hahabi.
Josephine Bracken • Nakilala ni Rizal sa Dapitan. •Huling naging pag-big ni Rizal. • Anak-anakan ni G. George
Taufor. • Silang dalawa lamang ang gumawa ng ritwal na pag-papakasal dahil sa tutol ang marami sa kanilang
dalawa.
Editor's Notes
UnangPag-ibig
TagaCalamba, tinawagniyaitongsimplengdaagang L.
Leonor Valenzuela
Leonor Rivera
Pag-ibigni Rizal sa Madrid.
Kilala din satawagna O-sei-sanAnakng may-arinapamilihansa Yokohama, Japan.
(Belgium)
Kilala din sapangalang “Torak”.Nakilalani Rizal saDapitan, Mindanao nangsiya ay
mapiitdoonngapatnataon.Isa syangmang-hahabi.
(Dapitan)
- [email protected]
Malaki ang papel ng mga akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal sa pagmulat ng kamalayan ng mga Pilipino noon.
Kilala si Rizal sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ngunit mula pagkabata, marami
na siyang naisulat na mga tula, liham, at sanaysay na naging inspirasyon ng mga Pilipino para simulan ang
rebolusyon at labanan ang pagmamalupit ng mga banyaga.
Sa Aking mga Kabata Isang tula tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa sariling wika. Sinulat nya ito noong
sya’s walong taong gulang ngunit walang ebidensyang nagpapatunay nito. Pinaniniwalaan nila na ang
sumulat nito ay si Gabriel Beato Francisco o si Herminigildo Cruz.
Mi Primera Inspiracion/ Ang Una Kong Salamisim Ang unang tula na isinulat ni Dr. Jose Rizal sa panahon
ng kanyang ikatlong taong akademiko sa Ateneo de Municipal. Iniaalay nya ang tulang ito sa kanyang ina.
Ito ay nakasulat sa wikang Español. Ito ay tungkol sa pag-ibig sa pagitan ng Ina at ng anak Sinabi nya rito
na ang Ina ang unang guro at unang insipirasyon ng isang anak
La Tragedia de San Eustaquio (Ang Kasawian ni San Eustaquio) Dulang patula na nakasulat sa Italyano na
isinatuluyang Kastila. Ito ang pinakamahabang tulang sinulat ni Rizal (2414 berso) Si San Eustaquio ay
isang Christian Martyr at Soldier Saint Ito ay tungkol sa isang Roman General na nagngangalang Placidus.
Sinasabing nakita nya si Jesus habang siya ay nangangaso ng usa sa Tivoli malapit sa Roma.
Memorias De Un Estudiante de Manila Aklat kung saan tinipon ni Rizal ang alaala ng kanyang pinagdaanan sa
buhay gamit ang sagisag na P. Jacinto (sa katapusan, pinirma rin ang pangalan)
A La Juventud Filipino "A La Juventud Filipina" ay isinulat ni Rizal noong siya ay labing- walong taong
gulang lamang, at ito ay nakatuon sa Kabataang Pilipino Nakapaloob sa tulang ito na ang mga Kabataang
Pilipino ang bida, matatalino at napaka henyo. Sa pamamagitan ng edukasyon, kaya nilang hulmahin ang
kanilang kinabukasan
A Filipinas The first stanza speaks of the beauty of the pearl of the orient, the Philippines, the country where
Rizal was born and eventually executed. While the second stanza reflects the radiance of the seas and shores of
the country; the waves that makes symphony of music that resonates the sound of nature that attracts the
people from the west. the third stanza lets the readers understand and emphatically feel the passion and
dedication of the national hero to his motherland, that he is ready to sacrifice his freedom, his wealth and even
his life for the beloved country. Lastly, the last stanza gives a glimpse of the women of the Philippines and the
talents the country has to rejoice of, symbolized by the different colors of flowers that serve as the crown of the
Philippines.
Noli Me Tangere at El Filibusterismo Nobelang naglantad ng tunay na kalagayan ng Pilipino noong panahon
ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at humawan sa landas para sa himagsikang Pilipino na nagbigay-daan
upang mawakasan ang mapaniil na paghahari ng Kastila sa Pilipinas.
El Amor Patrio (Ang Pagmamahal sa Bayan) tulang sinulat sa 2 wika sa Barcelona upang bigyang-daan ang
kanyang kasabikan sa sariling bayan gamit ang ngalang Laong-Laan. Me Piden Versos (They Ask Me for Verses)
Sinulat nya ito dahil sya ay pinatutula at inaalala ang kanyang pagkabata. A Las Flores de Heidelberg (Sa Mga
Bulaklak ng Heidelberg) Sinulat nya ito dahil sa pananabik na makabalik sa Calamba. Awit ni Maria Clara. Ang
Awit ni Maria Clara ay parte ng nobelang Noli Me Tangere. Isinulat ito para sa tauhan na si Maria Clara. Sa tulang
ito, kitang kita ang pagmamahal ni Rizal sa bayan atang kanyang paghahangad na kung siya’y mamamatay,
ito’y para sa kanyang bayan. Mga akda ni Rizal na nagpapakita ng paghahangad na makabalik sa kanyang
Inang Bayan
La Vision de Fray Rodriguez (Ang Pangitain ni Pari Rodriguez) Sinulat bilang sagot sa sinulat ni P. Rodriguez
(ang mga babasa ng nobela ni Rizal ay magkakasala) na nilimbag sa isang maliit na librito gamit ang ngalang
Dimasalang
.
Mga Sinulat sa Hong- Kong
“Ang Mga Karapatan Ng Tao” (The Rights Of Man) This was Rizal’s Tagalog translation of “The Rights of Man”
which was proclaimed by the French Revolution in 1789. “A La Nacion Espanola” (To The Spanish Nation)
Written in 1891, this was Rizal’s appeal to Spain to rectify the wrongs which the Spanish government and clergy
had done to the Calamba tenants. “Sa Mga Kababayan” (To My Countrymen) This writing written in December
1891 explained the Calamba agrarian situation.
“Una Visita A La Victoria Gaol” (A Visit To Victoria Gaol), March 2, 1892 On March 2, 1892,Rizal wrote this
account of his visit to the colonial prison of Hong Kong. He contrasted in the article the harsh Spanish prison
system with the modern and more humane British prison system. “Colonisation Du British North Borneo, Par
De Familles De Iles Philippines” (Colonization Of British North Borneo By Families From The Philippine Islands)
This was Rizal’s elucidation of his pet North Borneo colonization project. “Proyecto De Colonization Del British
North Borneo Por Los Filipinos” (Project Of The Colonization Of British North Borneo By The Filipinos) In this
writing, Rizal further discussed the ideas he presented in “Colonization of British North Borneo by Families from
the Philippine Islands.”
Articles for Trubner’s Record Due to the request of Rizal’s friend Dr. Reinhold Rost, the editor of Trubner’s
Record (a journal devoted to Asian Studies), Rizal submitted two articles:
Specimens of Tagalog Folklore Artikulong ipinagkaloob kay Dr. Rost, patnugot ng Trubner’s Record kung saan
ito nalathala Artikulong Pilipino na naglalaman ng mga kasabihan at palaisipan
Two Eastern Fables It was a comparative study of the Japanese and Philippine folklore. In this essay, Jose Rizal
compared the Filipino fable, “The Tortoise and the Monkey” to the Japanese fable “Saru Kani Kassen” (Battle of
the Monkey and the Crab).
La Verdad Para Todos (Ang Katotohanan para sa Lahat) Ang pagtatanggol ni Rizal sa panunuligsa ng mga
Espanyol sa mga katutubong local na opisyal Veradades Nuevas (Mga Bagon Katotohanan) Ito ang kasagutan ni
Rizal sa liham ni Vicente Belloc Sanchez na nagsasabing ang reporma para sa Pilipinas ay bubuwag sa
mapayapa at mapgkalingang pamamahala ng mga prayle. Una Profanacion (Isang Paglalapastangan) Ito ang
panunuligsa ni Rizal sa mga prayle bilang ganti sa pagtanggi nila ng Krisstiyaong libing kay Mariano Herbosa na
bayaw ni Rizal, asawa ni Lucia. Vicente Barrantes’ Teatro Tagalo Ang pagbubunyag ni Rizal ng pagkaignorante
ni Barrantes tungkol sa sining panteatro ng mga Tagalog. Crueldad (Mga Kalupitan) Pagtatanggol ni Rizal kay
Blumentritt sa panunuligsa ng mga kaaway nito. Inconcsequencias (Mga Walang Halaga) Pagtatanggol ni Rizal
kay Antonio Luna laban sa panunuligsa ni Pablo Mir Deas. Diferencias (Mga DiPagkakasundo) “Old Truths”
Kinutya ang mga pilipino na humihingi ng reporma
“Filipinas Dentro De Cien Anos” (Ang Pilipinas Makalipas ang Isang Siglo) History does not record in its annals
any lasting domination by one people over another, of different races, of diverse usages and customs, of
opposite and divergent ideas. One of the two had to yield and succumb.” The Philippines had regained its long-
awaited democracy and liberty some years after Rizal’s death. This was the realization of what the hero
envisioned in this essay. “Llanto Y Risas” (Luha at Katatawanan) Artikulong pagkundena nga mga Español sa
mga Kayumanggi ang balat. Kinuwento nya rito ang hindi pagpalak pag ng mga Español sa kanya dahil isang
Pilipino ang nagwagi sa patimpalak Ingratitudes (Kawalang Utang na Loob) Ang artikulong ito ay tugon kay
gobernador heneral na si Wyler na nagsabi sa mga tao sa Calamba na hindi dapat nilang payagan ang kanilang
mga sarili na malinlang ng mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utan na loob na anak na
lalaki
Other Writings
“Pensamientos De Un Filipino” (Reflections of A Filipino) Jose Rizal wrote this in Madrid, Spain from 1883-
1885. It spoke of a liberal minded and anti-friar Filipino who bears penalties such as an exile.
Por Telefono (Sa pamamagitan ng Telepono) Dalawang paring naguusap tungkol sa plano sa Pilipinas na
gamitin ang telepono
“La Instruccion” (The Town Schools In The Philippines) Using his penname “Laong Laan”, Rizal assessed in this
essay the elementary educational system in the Philippines during his time. Having observed the educational
systems in Europe, Rizal found the Spanish-administered education in his country poor and futile. The hero
thus proposed reforms and suggeted a more significant and engaging system. Rizal for instance pointed out
that there was a problem in the mandated medium of instruction— the colonizers’ language (Spanish) which
was not perfectly understood by the natives. Rizal thus favored Philippine languages for workbooks and
instructions.
Indolence of the Filipino Isa uling sanaysay ni Dr. Jose Rizal tungkol sa katamaran ng mga Pilipino. Isinulat
itoupang bigyang liwanag at pagsusuri ang katamaran ng mga Pilipino. Dito ipinaliwanag ni Rizal na ang
dahilan ng pagiging tamad ng mga Pilipino ay kanilang pagkakasangkot sa giyera ng mga Espanyol at ang turo
ng mga prayle na kapag mahirap ay madaling mapupunta sa langit. Binigyang-diin pa niya na ang kulang at
mali-maling edukasyon ang dahilan upang isipin ng mga Pilipino na sila ay mababang lahi kumpara sa iba at
hindi nanaghangad na umangat pa.
Mi Ultimo Adios/Huling Paalam Huling tulang sinulat ni Rizal na nagsasaad ng kanyang marubdob na pag-ibig
sa bayan at kapwa
Isinilang si Padre Gomez sa Santa Cruz, Maynila noong Agosto 2, 1799.
Itinuturing siyang isang tornatrás o torna atrás o iyong may
magkahalong dugo na Indio, Intsik at Kastila; karaniwang ang ama ay
Kastila at ang ina ay mestisang Intsik. Ang kanyang mga magulang ay
sina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodio.
Pumasok siya sa mga paaralang Letran at UST. Naghanda naman siya sa
pagpapari sa Seminaryo ng Maynila na ngayon ay San Carlos.
Taong 1824 nang maging parish priest si Fr Gomes ng Bacoor, Cavite.
Nakakitaan siya ng kasipagan sa pag-aalaga sa espirituwal na kabutihan
ng mga tao, gayundin sa pagtuturo sa kanila ng kabuhayan at ng
agrikultura. May maganda siyang pakikitungo sa mga kapwa pari.
Kabilang siya sa mga nasyonalistang pari na nakikipagbuno para sa
pantay na karapatan at pagkilala sa mga paring secular (o iyong hindi
miyembro ng mga religious order tulad ng Dominicans, Franciscans,
Augustinians - tinatawag ding prayle – at mga Jesuit na noon ay siyang
namumuno sa mga simbahan sa Pilipinas at sa mga paaralan).
Ang mga paring secular (ngayon ay tinatawag na diocesan na) ay
kinabibilangan ng mga mestisong Kastila (na tinatawag na Filipino dahil
dito isinilang sa bansa) at mga katutubong Pilipino. Ipinapalagay noon
ng mga Kastilang pari at mga opisyal ng pamahalaan na hindi karapat-
dapat ang mga paring secular na magpalakad ng mga parokya bilang
mga parish priest.
Subalit ang katotohanang si Fr Gomes ay naghawak ng isang malaking
parokya sa Cavite ay patunay na pinagkatiwalaan siya at itinuring na
karapat-dapat.
Bagamat isinilang na Gomez, pinalitan niya ang baybay (spelling) ng
kanyang pangalan sa Gomes nang malaman niyang may mga
kapangalan pa siyang mga paring prayle sa Laguna at Cavite. Aktibo si
Padre Gomes sa lathalaing La Verdad, isang pahayagan.
Isinakdal si Padre Gomes sa hinalang pag-aalsa at pagtataksil sa
Espanya dahil sa naudlot na Cavite mutiny o pag-aalsa sa Fort San
Felipe Neri. Hindi napatunayan ang mga paratang sa kanya subalit
hinatulan pa rin siya ng kamatayan kasama ang mga paring sina Padre
Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Pinatay sila sa pamamagitan ng
garrote, isang uri ng pagpatay sa pamamagitan ng pagsakal o pagbasag
ng spinal cord habang nakaupo ang papatayin.
Pinatay ang tatlong paring martir na Pilipino noong Pebrero 17, 1972,
150 taon ang nakalilipas sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta). Si Padre
Gomes ang pinakamatanda at sinasabing pinaka-kalmado sa tatlo dahil
na din dignidad ng kanyang edad at dahil alam niyang wala siyang
kasalanan. Ang huli niyang mga salita ay: Pupunta ako sa isang lugar
kung saan maging ang paglaglag ng mga dahon mula sa puno ay hindi
mangyayari kundi sa kalooban ng Diyos.”
PADRE JOSE BURGOS
Tubong Ilocos Sur, isinilang si Padre Jose Burgos noong Pebrero 9, 1837
sa pamilya nina Jose Tiburcio Burgos, isang opisyal na Kastila at
Florencia Garcia, isang mestisang Pilipina. Nag-aral siya sa Letran at
UST at doon din naghanda sa pagpapari. Kilala sa katalinuhan at
kasipagan, nakapagtapos siya ng tatlong kurso, dalawang Master’s
degree at dalawang Doctorate degree.
Tulad ni Padre Gomes, si Padre Burgos ay isang nasyonalista na
humingi ng reporma sa simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay
karapatan sa mga paring Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga
isinulat. Nabasa ito ng mga opisyal na Kastila na nagsimulang mag-
alinlangan sa kanyang mga adhikain at nag-akala na siya ay
sumusuporta sa pagsasarili ng Pilipinas mula sa Espanya.
Isang estudyante at kakilala ni Padre Burgos, si Felipe Buencamino ay
nasakdal sa paratang na pagpapalaganap ng damdaming nasyonalista
sa pamamagitan ng mga pulyeto na ikinalat sa kaniyang paaralan na
humihingi ng kalayaang akademiko. Nakulong si Buencamino at iba pa
dahil dito. Sa tulong ni Padre Burgos, nakalaya din siya matapos ang
apat na buwan at kinailangan niya ng isang guro na tutulong upang
makahabol siya sa mga naiwang aralin sa paaralan. Pinili ni
Buencamino si Padre Burgos upang maging guro niya.
Tagapagtanggol ng mga karapatan ng mga paring Filipino si Padre
Burgos at ito ay makikita sa kanyang mga debateng sinalihan tungkol sa
usapin ng lahi at nasyonalismo. Ang reputasyong ito ang magiging
mitsa ng kanyang pagkakasangkot sa pag-aalsa sa Cavite. Kasapi din si
Padre Burgos sa isang kilusang nagpupulong noon sa tahanan sa Santa
Cruz ni Padre Mariano. Pinangungunahan ito ni Jose Maria Basa at
kinabibilangan ng iba pa tulad nina Agustin Mendoza, Maximo Paterno,
at Ambrosio Rianzares Bautista. Pakay ng kilusang ito ang paghingi ng
reporma.
Matapos ang pag-aalsa sa Cavite noong Enero 20, 1872, nabanggit sa
paglilitis ng isang kasama sa pag-aalsa na si Bonifacio Octavo na isang
taong nagngangalang Zaldua ang siyang nanguna sa pagkalap ng mga
kasapi para sa pag-aalsa. Nabanggit ding si Padre Burgos ang nag-utos
kay Zaldua na gawin ito. Hindi napatunayan ang paratang na ito dahil
sa magulong salaysay at mga detalye. Subalit ipinahayag ni Gobernador
Heneral Rafael Izquierdo sa Madrid na ang pagsaksing ito ang patotoo
sa kanyang mga hinala, at pilit niyang ipinataw ang sala kay Padre
Burgos, at dalawa pa, sina Padre Mariano Gomes at Padre Jacinto
Zamora bilang utak ng sedisyon. Magkakasama silang ginarote sa
Bagumbayan noong Pebrero 17, 1872. Hanggang sa huling pananalita
bago ang pag-garote, idiniin ni Padre Burgos na wala siyang kasalanan.
Kaibigan ni Padre Burgos si Paciano, ang kuya ni Jose Rizal. Siya ang
nagkuwento kay Jose sa mga naganap sa tatlong pari. Isusulat ni Jose
Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo bilang parangal sa ala-ala
ng mga pari. At kaya nga tinawag na GomBurZa ang tatlong martir ay
dahil sa ganitong pagkakasunod-sunod binanggit ni Rizal ang kanilang
mga apelyido sa kanyang dedikasyon sa aklat – Gomez, Burgos,
Zamora.
PADRE JACINTO ZAMORA
Anak nina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario, ipinanganak si Padre
Jacinto Zamora noong Agosto 14, 1835. Sinasabing siya ay isang
mestisong Kastila. Nag-aral muna siya sa Pandacan at pagkatapos ay sa
Letran at nang lumaon ay lumipat sa UST. Nagtapos siya ng kurso sa
Canon at Civil Law sa doon. Naghanda naman siya sa pagpapari sa
Seminaryo ng Maynila tulad ni Padre Mariano Gomes.
Nadestino siya sa mga parokya sa Marikina, Pasig at Batangas matapos
siyang maordenahan bilang pari. Tulad ni Padre Burgos, nadestino din
siya sa Katedral ng Maynila. Isa rin siyang tagapagtaguyod ng reporma
para sa karapatan ng mga paring Pilipino.
Dahil sa kanyang libangan na paglalaro ng baraha matapos ang Misa,
nasangkot siya sa pag-aalsa sa Cavite. Ayon sa kuwento, may ugali ang
mga magkakalaro ng baraha na magsabi ng salitang “armas at pulbura”
bilang lihim na code tungkol sa perang isusugal. Nakitaan si Padre
Zamora ng isang paanyaya para sa laro ng baraha na may nakasulat na
“dalhin na ang mga armas at pulbura” noong gabi na maganap ang pag-
aalsa. Ipinakahulugan na ito ay isang pahiwatig tungkol sa rebolusyon
at ginamit itong ebidensya laban sa pari. Kasama sina Padre Gomes at
Padre Burgos, pinatawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng
garrote si Padre Zamora. Nang araw na iyon, walang naiwang huling
salita ang pari dahil siya ay tulala at tila nilayasan na siya ng kanyang
katinuan sa mga naganap na pangyayari sa kanyang buhay.
ANG TUNAY NA NAGANAP SA CAVITE MUTINY O PAG-AALSA SA FORT
SAN FELIPE NERI SA CAVITE
Ayon sa mga unang akda, ang Cavite Mutiny ay pinamunuan ng isang
sundalo, si Francisco La Madrid dahil sa hindi pagsu-suweldo sa mga
sundalo doon. Subalit ayon sa mga bagong tuklas na dokumento, may
isang nabuong pagkakampi-kampi ng mga malalakas na tao sa lipunan
para sa isang sabay-sabay na pag-aalsa at pagkalas mula sa Espanya.
Dahil may nagbunyag ang plano, nakarating ito sa kaalaman ng mga
awtoridad na Kastila. Napigilan ang iba na sumama at tanging ang mga
taga-Cavite lamang ang nagpatuloy.
Nang malaman ng Gobernador Heneral Izquierdo na ang mga nag-
plano ng malawakang pagkalas na ito ay mga Mason at mga kapatid
niya sa samahang ito, ipinadakip ang mga ito subalit iniligtas sa
parusang kamatayan. Ipinatapon lamang ang mga tunay na utak ng
pag-aalsa sa Cavite – sina Maximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at
Enrique Paraiso - sa malayong lugar lugar. Ito ay isang pagtatakip ng
kapwa Mason sa kapwa Mason. Inutusan ang isang Francisco Zaldua na
inutusan upang magsinungaling at iparatang ang sala kay Padre Burgos
at sa mga pari.
Alam ng mga tao na kasinungalingan ang mga sakdal sa tatlong pari.
Maging ang Arsobispo ng Maynila na si Arsobispo Gregorio Meliton
Martinez ay tumangging hubaran ng abito (alisin sa pagkapari) ang
Gomburza bago sila patayin, kahit ito ang hiling ng Gobernador
Heneral. Iniutos pa nga ng Arsobispo na patugtugin ang mga kampana
ng lahat ng simbahan sa lungsod sa oras ng pagbitay sa mga pari bilang
parangal sa kanila. Nagpugay ang mga tao sa mga pari nang araw ng
kanilang kamatayan. Inilibing ang mga pari sa sementeryo ng Paco.
Hindi lamang si Jose Rizal ang humugot ng inspirasyon sa pag-aalay ng
buhay ng Gomburza. Maging si Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ay
tahasang binanggit ang kanilang paghanga at hangad na paghihiganti sa
ginawa sa mga ito ng mga Kastila. Sa mga dokumento ng Katipunan,
may isang salaysay si Jacinto tungkol sa tatlong pari na walang
kasalanan subalit binitay ng mga Kastila.
Ang Gomburza ang nagsilbing ilaw ng paghahangad ng mga bayani ng
bansa upang mag-asam ng kalayaan para sa ating bayan. Ganito
kahalaga ang Gomburza.
Pagbitay sa Tatlong Paring Martir
Ito ang bunga ng pagbitay sa tatlong paring martir:
Ang mga Pilipino ay nakadama nang mas matindi pang galit sa mga Espanyol.
Nagbigay lakas sa mga Pilipino na magkaroon ng reporma sa pamamahala sa
sariling bayan.
Ito ang inspirasyon ni Jose Rizal upang maisulat ang kaniyang mga nobela.
PABALAT NG NOLI
Noli Me Tangere Simbolismo ng Pabalat
Pagpapakilala ng Pabalat
Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang nobela.
Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang naging
konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo. Pagkatapos mong mabasa ang pagsusuring ito sa
disenyo ng pabalat ng nobela ay maaring maituring na ito ang siyang pinakamahusay sa lahat ng mga likhang
guhit ni Rizal
Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na ni Rizal na magkaroon kaagad ng paunang
pagkaunawa ang kaniyang mga mambabasa ukol sa nilalaman ng nobela. Dahilan sa ang mga nakapaloob sa
pabalat nito ay matatagpuan at tatalakayin sa loob ng kaniyang sinulat.
Pansinin ang mga sumusunod Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana
na ang kahulugan sa Filipino ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN. Nagbababala kaya si Rizal
sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan.
Itaas na Bahagi Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiwalay na bahagi.
Ibabang bahagi
Sa kabilang dako, ang paghahati ay hindi itaas at ibaba – mayroon tayong mapapansin na hugis. Ang kanang
triangulo na malapad ang paanan,subalit papakitid ang ulunan. Ang kaliwang triangulo na makitid ang
paanan,subalit lumalapad sa ulunan.
PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA ITAAS/KALIWANG BAHAGI Ang krus Simetrikal na sulo Dahon ng laurel
Bulaklak ng sunflower Supang ng kalamansi Ulo ng babae Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me
tangere
PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA IBABA O KANANG BAHAGI Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli
Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa Penitensiya Latigo capacete ng guardia sibil
Paa ng prayle na labas ang balahibo
PAGBALIKAN NATIN NG PANSIN ANG SIMBOLISMO PARA SA GAGAWIN NATING PAGBIBIGAY PAKAHULUGAN
Bahagi ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa penitensiya
Latigo ng alperes capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo
MGA KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na
bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.
KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Paa ng prayle Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paa
ng prayle. Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa
kaniyang kapanahunan. At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad
ng bayan.
Sapatos Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging
maluho ng mga prayle sa Pilipinas. Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa
kaniyang mga tunay na alagad. Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang
bihisan, kahit panyapak , o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang ikabubuhay.
Mateo 10:10
Nakalabas na binti sa ibaba ng abito. Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa
Pilipinas na kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela. O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa
balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal
sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng “putris” at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt
(Peb. 2, 1890)
Latigo ng alperes. Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay
personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na
hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan.
Pansinin na inilagay ni Rizal ang latigo sa ilalim ng paanan ng prayle.
Kadena Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga Pilipino
sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.
Suplina Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga
sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawang kasalanan. Para kay
Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga Pilipino at
kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
Lagda ni Rizal Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kaniyang
kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan.
Isang mataas ngunit malambot na puno. Ang pangunahing katangian nito ay ang pagkakaroon nito ng
malaking kahalagahan sa paggawa ng bahay at maraming mga mahahalagang kagamitan at kasangkapan sa
kapanahunan ni Rizal. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa
pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang lipunan.
Halamang kawayan
Makikita na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang taong 1887. Paiitaas sa taong
1887 ang malaking bahagi ng manuskrito paghahandog ng nobela. Pansinin sana na pagkatapos ng
paghahandog ay unti-unti ng lumiliit ang panig ng tatsulok. Isa kaya itong paraan ng pagpapahiwatig ni Rizal
na nakikini-kinita na niya ang paglalaho ng kolonyal na lipunan, bilang resulta ng kaniyang nobela.
Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ng Noli Me Tangere
Pansining mabuti ang relasyon ng liwanag ng sulo at ng oryentasyon ng sunflower. Mapapansin na ang
sunflower ay nakatingala sa liwanag ng sulo, na sa panahon ng kadiliman ng panunupil ng kaisipan ay simbolo
ng preserbasyon ng kaalaman ng tao.
Mapapansin ninyo ang salitang “Berlin” – ang lugar kung saan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere. Subalit
ang paglalagay ni Rizal ng “Berlin” sa pabalat ay mayroon din layunin na ipaalam sa kaniyang mga mambabasa
ang mayamang koleksiyon ng lungsod sa mga materyales ukol sa Pilipinas. Ang bagay na ito ay sinabi mismo ni
Rizal sa kaniyang kaibigang si Blumentritt.
Pansining mabuti na ang sulo ay nag-ooverlap sa manuskrito ng paghahandog ni Rizal ng kaniyang nobela. Ito
ay dahilan sa layunin ni Rizal na ang kaniyang sinulat na nobela ay magsilbing liwanag ng bayan, upang makita
natin ang ating mga kahinaan na siyang nagiging dahilan ng ating pagiging huli sa karera ng kaunlaran. O
maaring ang mga taong mayroong maliwanag na isipan lamang ang makakatuklas ng tunay na kahulugan ng
nobela. Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ni Rizal.
Ulo ng babae Sino ang babaeng ito? Pansining mabuti ang kasagutan Ipinakilala ni Rizal ang babae sa
pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ito ay walang iba
kundi ang INANG BAYAN
Ang krus ang siyang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang Pilipino. >Mapapansin
na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. Nakakataas o nakapaghahari sa isipan
ng Inang Bayan at ng mga Pilipino. Krus
Teka, bakit inilagay ni Rizal ang krus sa pinakamataas na lugar sa pabalat ng nobela? </li></ul><ul><li>Hindi ba
siya kontra sa kolonyal na simbahan? Krus
Siguro ay optical illusion lamang kaya maaring sabihing ang krus ang pinakamataas na elemento sa pabalat.
Krus Ang pinakamataas na elemento sa pabalat ay ang dulo ng triangulo na hindi pa nagtatapos at patuloy na
lumalapad ayon sa takbo ng panahon.
Pansinin sana na tila isang padalisdis ang direksiyon ng triangulo. Parang napanhik ka sa isang bundok.
Na bago ang krus ay makikita ang supang ng kalamansi. Pansining Mabuti Ano ang kahalagahan ng supang ng
kalamansi at isinama ito ni Rizal bilang elemento sa pabalat ng kaniyang nobela?
Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis. Ito ang dahilan, kung
bakit mayroon pang mga produktong panlaba at panlinis ng plato na ipinagmamalaki na mayroong halong
sangkap ng kalamansi,
Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni Rizal supang nga kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na
anyo kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan. Walang pinag-
iwan sa isang tao na alam mong hindi naliligo at naamoy mo na ang pagiging mabaho. Pagkatapos mong
makita at maamoy ang baho ay saka mo ilalagay sa kaniyang tabi ang isang sabong pampaligo. Ganyang mang-
insulto si Rizal sa kaniyang sining. Masasabi ko ito, dahilan sa halos maraming mga sining si Rizal na kaniyang
nilikha bilang isang anyo ng protesta.
Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ginagawang korona para sa
kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mga mamamayan.
Mamimili ang krus, kung siya magpapakalinis at makiki-agapay sa pagtalino ng bayan. O sa pagdating ng
panahon ay matatabunan lamang siya ng paglilinis at katalinuhan ng bayan na hindi na bulag sa panatisismo.
Ang katotohanan ay pinagtabi ni Rizal ang krus at supang nga kalamansi at mga dahong laurel. Dahilan sa
mayroong dalawang uri ng konsensiya ang nais na ilarawan ni Rizal sa kaniyang nobela. Una ay ang sinasabi ni
Ibarra na “bulag na konsensiya ng bayan”. At ang pangalawa ay ang isang “PAMBANSANG KONSENSIYA” na nais
ni Rizal na sumibol para sa sambayanang Pilipino na hinahadlangan lamang noon ng mga makapangyarihang
alagad ng kolonyal na simbahan.
Maaring mapagbintangan ako sa pagiging mapagmalabis sa aking ginawang pagpapakahulugan. Subalit wala
akong takot na ipaalam na ang mga kahulugang aking binanggit ay nakapalaman sa loob mismo ng nobela na
ating pag-aaralan. At sa marami niyang mga artikulo at personal na sulat sa kaniyang mga kamag-anak at mga
kasamahan sa kilusang propaganda.