Limang Dimensyon NG Pagbasa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Limang Dimensyon ng Pagbasa

“Bangkang Papel”

Pag-unawang Literal
Ang pangunahing tauhan sa maikling kwento ay ang batang mahilig gumawa ng
bangkang papel, isinasama nito ang kaniyang kapatid na si Miling sa paglaro ng pagpaanod kung
umuulan ang panahon. Ang ama ng pangunahing tauhan ay isang sundalo, kaya sa hindi
inaasahang pangyayari, hindi na nakabalik ang ama nito dahil sa pagpaslang. Nagsimula ang
kwento tungkol sa tagapagsalaysay na naalala nito ang batang may bangkang papel. At ang
masamang panahon sa lugar ng mga tauhan. Hinihintay ang ama na bumalik at gumagaan ang
loob o sumasaya pag binabanggit ang bangkang papel. Nang dahil sa kinabibilangan ng setting
ang mga tauhan sa maikling kwento, may trahedya na natanggap ang mga tauhan. Nalungkot ang
bata sa pangyayari at hindi nito malaman ang sagot sa kun ano talaga ang nangyari sa kaniyang
ama.

Interpretasyon
Ang pamagat ng kwento ay bangkang papel, kung saan ginagamit lanag ito kun may
tubig o pagpalutas sa daloy ng tubig. At ito ay ang ginagamit ng pangunahing tauhan para
makapaglaro sa panahon na walang tigil na ulan. Dahil sa paglarawan ng tagapagsalaysay ng
pag-ulan, nadadama nito ang pagbuhos ng ulan at kung ano ang nangyayari sa parte ng kwentong
iyon. Masasabi kong nagsisimbolo ang panahon sa paglakbay ng kaniyang ama na nasa digmaan.
Naibahagi ng tagapagsalaysay ang:
“Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong
ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit,
nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.”
Marahil ito ay ipnipapahiwatig ang kasamaang pangyayari sa digmaan na sinapit ng
kaniyang ama. Bago matulog ang bata, nabanggit nito na pagkabukas ay pwede siyang maglaro
ulit ng bangkang papel marahil maipakita nito sa kaniyang ama na lumulutang sa tubig. Nang
umaliwalas na ang panahon, hindi nagging payapa ang isipan ng bata at ng kaniyang ina.
Sapagkat hindi nila masagot ang kanilang katanungan kung ano ang nangyari sa kaniyang ama at
asawa. Dito, ang pagdaloy ng tubig ay maaring naglalarawan sa pagdaloy ng dugo ng kaniyang
ama. Dahil sa natigil na ang ulan, wala nang umaagos na tubig, kung saan umabot na sa kanila
ang balitang kasama ang kaniyang ama sa pagkasawi. Wala ng agos, hindi na mapalutang ng
bata at nalungkot ito na hindi na rin maipapakita sa kaniyang ama ang tatlog bangkang papel na
ginawa niya. Gulong-gulo ang bata sapagkat bata pa lamang ito at hindi pa malawak ang
kaalaman na nangyayari sa paligid, kundi ang kaniyang bangkang papel na nilalaruan.

Kritikal na Pag-unawa
Sa unang pagbasa ko ng maikling kwentong ito, hindi ko buong maintindihan ang aking
binasa dahil parang may mga pangyayari na hindi naitala ng tagapagsalaysay. Mas lalo kong
naunawaan ang kwento sa pauli-ulit na pagbasa para mas maunawaan at doon ko naramadaman
ang koneksyon ng maikling kwento. Masyadong malawak ang pagkakasalaysay, hindi detalyado.
Ngunit, maganda ang pagkakabuo ng simbolo o pandama sa paglalarawan ng nagaganap sa loob
ng kwento. Tungo nito ay nagkakamayroon ng ideya at sariling interpretasyon ang mambabasa.
Paglapat/ Pag-unawang Integratibo
Nakakalungkot ang maikling kwento ng Bangkang Papel. Sapagkat, ang pangunahing
tauhan sa kwentong ito ay isang bata na ang kasiyahan ay ang pagpapalutang ng bangkang papel
kasama ang kaniyang kapatid. Madaling mailarawan at madama ang mga pangyayari sa maikling
kwento marahil sa ito ay isang sundalo ang ama ng bata. Bilang isang pamilya, mabigat at
masakit sa ating kaooloban na may mahal natin sa buhay ay nawala o nasawi. Nahahalintulad ko
ang pangyayaring ito sa aking buhay, dahil nawalan na rin ako ng ama. Hindi dahil sa
pakikipaglaban nito sa giyera kundi sa pakikipaglaban sa stroke at komplikasyon ng katawan ng
aking ama. Hindi man maipakita ang mga nagawang nakapagpapasaya sa atin, ngunit ito ang
katotohanan na may mga bagay na hindi natin inaasahan. Malungkot man ang karanasang iyon
pero gaya ng panahon, lilipas din ang masalimuot na panahon.

Pagpapahalaga
Sa maikling kwentong Bangkang Papel ni Genoveva Matute, mailalarawan nito ang
pagpapahalaga sa pamilya at pagmamahal sa kapwa. Sa kwento, ipinakita rin ang kahalagahan
ng pamilya at pagmamahal sa kapwa. Ang bata ay nagpakita ng malasakit sa kanyang mga
magulang at kapatid, at ang komunidad sap ag papalikas at pagprotekta sa mga napapabilang sa
komunidad nila. At ang ama ng bata na lumalaban para sa bayan, isang sundalo na sumali sa
bakbakan ng giyera. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtulong-tulong, at
pagmamahal sa kapwa. Kasama na rin ditto ang pagtangkilik sa lokal na kultura at tradisyon.
Ang Bangkang Papel ay nagpapakita rin ng pagtangkilik sa lokal na kultura at tradisyon,
partikular sa paglalaro ng bangkang papel na isa sa mga tradisyunal na larong Pilipino.
Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kultura at tradisyon
bilang bahagi ng ating identidad bilang mga Pilipino.

You might also like