Fil1 SLM Q3M4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

1

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Pagbibigay ng Paksa sa
Talata at Tula at Pagtukoy ng
Ugnayan sa Teksto at Larawan
Fiipino – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikatlong Markahan-Module 4: Naibibigay ang Paksa ng Tula at Talata at Natutukoy ang
Ugnayan ng Teksto at Larawan

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lisette A. Billoga, Donna Mae A. Costales
Editor: Edsubaina K. Angeles, Jackie A. Ochinang, Ronald A. Pelitro
Tagasuri: Mary Ann C. Umadhay
Tagaguhit:
Tagalapat: Ronald A. Pelitro
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, CESO V – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Diosdado F. ABlanido, CPA- Asst Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente – OIC-LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. - Division ADM Coordinator
Mary Ann C. Umadhay – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]
1

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Pagbibigay ng Paksa sa
Talata at Tula at Pagtukoy ng
Ugnayan sa Teksto at Larawan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng Self-
Learning Module (SLM) para sa araling Naibibigay ang Paksa
ng Talata at Tula at Natutukoy ang Ugnayan ng Teksto at Larawan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral


sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 1 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Naibibigay ang Paksa
ng Talata at Tula at Natutukoy ang Ugnayan ng Teksto at Larawan!

1
At larawan Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

2
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

3
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong


kaisipan o kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging
bihasa sa araling itinakda para sa Unang Baitang na may
pamagat na:

Naibibigay ang paksa ng talata at tula; Natutukoy ang


ugnayan ng teksto at larawan
Ang kabuuan ng modyul na ito ay nagpapahintulot na
gamitin sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral. Ang diyalekto
o lengguahe ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng
bokabularyo ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay
inayos ayon sa pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang
pamantayan na iyong binabasa ngayon ay maaaring
magbago para tumugma sa batayang aklat na
gagamitin ng isang mag-aaral.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin lamang.


Ito ay ang:

Aralin - Naibibigay ang paksa ng talata at tula;


Natutukoy ang ugnayan ng teksto at larawan
Pagkatapos balangkasin ng modyul, inaasahan ang
isang mag-aaral na natutuhan ang araling ito.

1. Naibibigay ang paksa ng talata at tula;


Natutukoy ang ugnayan ng teksto at larawan

5
Subukin

Panuto sa magulang: Basahin ang direksyon at mga


tanong sa iyong anak at hayaan mo siyang sumagot sa
mga gawain. Huwag ibigay ang tamang sagot upang
malaman ang kanyang kaalaman sa bagong aralin
ngayong araw.

Sabihin sa bata: Ngayon, subukin natin ang iyong


kaalaman. Makinig ng mabuti sa babasahin kong
kuwento at sagutin ang mga tanong.

Si Tatay Caloy
Lisette Billoga
Si Tatay Caloy ay masipag na tao. Maaga pa siyang
gumigising para pakainin ang kanyang alagang manok, pato at
baboy. Marami din siyang mga tanim na prutas at gulay gaya ng
santol, mangga, ampalaya, kalabasa at talong. Tuwang tuwa si
Tatay Caloy sa kanyang mga tanim at mga alagang hayop dahil
ang mga ito ay nakakatulong ng malaki sa kanilang pang araw-
araw na pamumuhay.

6
Mga Tanong:

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot


1. Sino ang tauhan sa kuwento?
a. Tatay Ramon
b. Tatay Caloy
c. Tatay Inso
d. Tatay Felix

2. Anong katangian meron si Tatay Caloy?


a. tamad
b. magalang
c. masipag
d. sinungaling

3. Ano-ano ang mga alagang hayop ni Tatay Caloy?


a. manok, pato at baboy
b. gansa at baboy
c. baka at kambing
d. manok at aso

Balikan

Panuto sa magulang: Sa bahaging ito balikan ng bata


kung ano ang kanyang natutunan sa nakaraang leksyon.

Panuto: Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

ako ikaw siya kami tayo sila

_____________1. Ginagamit na pamalit sa ngalan ng


taong kinakausap.

7
_____________2. Ginagamit sa ngalan ng taong
nagsasalita.
_____________3. Ginagamit na pamalit sa ngalan ng
taong pinag-uusapan.
_____________4. Ginagamit na pamalit sa ngalan ng
nagsasalita at ng kanyang kasama.
_____________5. Ginagamit na pamalit sa ngalan ng
dalawang tao o higit pa na kausap.

Tuklasin
Panuto sa magulang: Sa bahaging ito ay tutuklasin ng
iyong anak ang bagong aralin tungkol sa pagsabi ng
paksa.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang pinapakita sa larawan?
a. mga batang naglalaro
b. masayang pamilya
c. Larawan ng bahay
d. magulong pamilya

8
2. Ano ang napapansin mo sa larawan?
a. buo ang pamilya
b. malungkot ang pamilya
c. walang tatay at nanay
d. umiiyak ang mga bata
3. Sino-sino ang mga nasa larawan?
a. Ate,Kuya at Bunso
b.Tatay at Nanay
c.Lolo,Lola,Nanay,Tatay,Kuya,Ate at Bunso
d.Tatay,Nanay,Ate at Kuya

Suriin
Panuto sa magulang: Sa bahaging ito ay bibigyan ang
bata ng maikling pagtalakay ukol sa aralin gamit ang
tahasang pagtuturo.

Sabihin sa bata: Ang paksa ay nagsasabi kung tungkol


saan ang isang talata o tula. Maaari itong matagpuan sa
unahan, gitna o hulihan ng isang talata o tula.

Basahin at ibigay ang paksa ng maikling kuwento

Si Mara
Kristina Gamueta

Si Mara ay masipag na mag-aaral sa unang baitang.


Hindi na siya inuutusan pa ng kanyang mga magulang.
Kusa niyang ginagawa ang paglilinis at pghuhugas ng
pinggan. Maging sa paaralan ay puring-puri siya ng

9
kanyang guro sa pagiging masipag sa pag-aaral at mga
gawain sa loob ng silid-aralan.

Mga Tanong:

1. Ano ang paksa ng kuwentong ating binasa?


a. Si Mara ay isang mag-aaral sa unang baitang
b. Siya ay masipag na bata.
c. Kusa niyang ginagawa ang paglilinis.
d. Puring-puri siya ng kanyang guro.

2. Paano mo nasabi na ito ang paksang tinutukoy sa


talata?

a. tinutukoy sa talata ang kulay ni Mara


b. tinutukoy sa talata ang paborito ni Mara.
c. tinutukoy sa talata ang mga gawain ni Mara
d. tinutukoy sa talata ang alaga ni Mara.

3. Saang bahagi ng kuwento makikita ang paksa?


a. sa ilalim
b. sa gitna
c. sa hulihan
d. sa unahan

10
Pagyamanin
Panuto sa magulang: Ang bahaging ito ay binubuo ng
mga gawain para sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang kaalaman at
kasanayan ng inyong anak sa aralin. Sa tulong mo,
gabayan ang iyong anak upang maisagawa ang mga
sumusunod na gawain.

Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga


tanong tungkol dito.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ang Kubo
Angelica Cruz

May Kubo si Tata Hugo. Nasa tabi ng sapa ang


kubo. May puno sa tabi ng kubo. Dalawa ang puno.
Buko at suha ang mga puno. May kalabasa at patola pa
sa tabi ng kubo. Masaya si Tata Hugo sa Kubo nya.

1. Sino ang may kubo?__________________


2. Ang kubo ay nasa tabi ng?___________
3. Ano ang nasa tabi ng kubo?__________
4. Anu-ano ang mga puno sa tabi ng kubo?____________
5. Bakit masaya si Tata Hugo sa kubo niya?_____________

11
Isaisip

Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

1. Ano ang paksa?


a. ito ay nagsasabi kung tungkol saan ang talata o
tula
b. nagsasabi tungkol sa kung kanino ang talata o tula
c. nagsasabi tungkol sa tauhan ng talata o tula
d. nagsasabi kung paano gawin ang talata o tula

2. Saan makikita ang paksa ng talata o tula?


a. gitna lamang
b. sa unahan , gitna at hulihan
c. hulihan lamang
d. unahan lamang

Isagawa

Panuto sa magulang: Ipagawa sa bata ang mga


sumusunod na gawain.

Sabihin sa bata: Ngayon sagutin mo ang gawain nang


buong husay

12
Panuto: Basahin at alamin ang paksa ng awitin. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

Maliit na Gagamba
Traditional

Ang maliit na gagamba


Umakyat sa sanga
Dumating ang ulan
Itinapon siya.
Sumikat ang araw
Natuyo ang lupa.
Ang munting gagamba.
Ay laging masaya.
1. Ano ang paksa ng kuwento?
a. Ang maliit na gagamba
b. Umakyat sa sanga.
c. Laging masaya.
d. Natuyo ang lupa

2. Paano mo nasabi na ito ang paksang tinutukoy sa


talata?
a. dahil tinutukoy sa talata ang gawain ni gagamba
b. dahil tinutukoy sa talata ang anyo ni l gagamba
c. dahil tinutukoy sa talata ang hitsura ni gagamba
d. dahil tinutukoy sa talata ang kulay ni gagamba
3. Saang bahagi ng kuwento makikita ang paksa?
a. sa gitna ng kuwento
b. sa unahan ng kuwento

13
c. sa hulihan ng kuwento
d. sa ilalim
4. Ang gagamba sa awit ay________?
a. malaki
b. malusog
c. maliit
d. mataba
5.Ano ang naramdaman ni gagamba pagkatapos ng
ulan?
a. malungkot
b. masaya
c. malungkot
d. matamlay

Tayahin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito ay susukatin ang
antas ng pagkatuto ng iyong anak ukol sa aralin. Basahin
ang mga sumusunod na pangungusap sa bata.

Sabihin sa bata: Basahin at unawain ang tula.

Magtulungan Tayo
Jemmuel Cator

Tayo ng maglinis ng ating bakuran.


Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ang lagging magtutulungan

Kaya nga kumilos, bata man matanda


Huwag hintayin sakit ay mapala

14
Lagging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Tungkol saan ang binasang tula?
a. tungkol sa batang malusog
b. maruming paligid
c. pagtutulungan
d. matandang may sakit
2. Ano ang sinasabi ng unang bahagi ng tula?
a. Ang Pagtutulungan
b. Ang maging pabaya sa kapaligiran
c. pagkalat ng basura
d. pagkain
3. Ano ang epekto ng sama-samang paglinis ng
kapaligiran?
a. naging marumi ang kapaligiran
b. laging binabaha ang lugar
c. magiging maaliwalas ang paligid at malayo sa sakit
d. madaling magakasakit ang mga nakatira dito
4. Sino ang hinihikayat na tumulong sa paglilinis?
a. lolo at lola
b. ate at kuya
c. nanay at tatay
d. tayong lahat

5.Ano ang sinasabi ng pangalawang taludtod?


a. kumilos
b. maglinis sa tuwina
c. itapon ang basura kahit saan
d. hintayin magkasakit bago kumilos

15
Karagdagang Gawain
Panuto sa magulang: Sa bahaging ito ay pagyayamanin
ang kaalaman o kasanayang natutunan ng iyong anak
ukol sa aralin na natutunan

Panuto: Isulat sa guhit ang paksa ng talata

Si Nino ay batang maaksaya sa lahat ng bagay. Kahit maaari


pang gamitin pang gamitin ang kaniyang gamit gaya ng lapis at
krayola at itinatapon na niya ito o iniiwan kung saan.Minsan ay
nagkasakit ang kaniyang ama at malaking pera ang gugugulin sa
gamutan.

16
17
Tayahin
1.c
2.a
3.c
4.d
5.b
Isagawa Isaisip Suriin
1.a 1.a 1.a
2.a 2.b 2.c
3.a 3.d
4.c
5.b
Tuklasin Balikan Subukin
1.b 1.ikaw 1.b
2.a 2.ako 2.c
3.c 3.siya 3.a
4.kami
5.sila
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Textbook
Bumasa at Sumulat 1 LM , pah. 119-121
Filipino Teachers Guide, pah.79-83
Wikang Sarili, pah.313

Online
https://www.pinterest.ph/pin/746119863264511390/
https://www.pngwing.com/en/free-png-yshhd
http://clipart-
library.com/clipart/1752113.htm=GCpN8l_sWKQ
https://images.app.goo.gl/TWtvtsiUvaG1mLq28
https://www.shutterstock.com/image-vector/nipa-hut-
bahay-kubo-cartoon-1310793203
Coconut palm tree on a white background. Accessed on
February 02, 2021 from
https://www.123rf.com/photo_14645030_coconut-palm-
tree-on-a-white-background.html
Squash. Accessed on February 02, 2021 from
https://www.pinterest.ph/pin/556687203918194442/
River Scene. Accessed on February 02, 2021 from
https://www.youtube.com/watch?v=pEgVjfSSELs

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: [email protected]

You might also like