Lakbay Sanaysay Kahulugan at Hakbang Sa Pagsulat NG Lakbay Sanaysay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

 

Lakbay-Sanaysay
Kahulugan:
“It’s more fun in the Philippines”
-Islogan na isinulong ng Kagawaran ng Turismo.

Gabay na tanong: Tungkol nga ba kanino o saan ang lalakbay-sanaysay?


 Mula sa Artikulo ni Patti Marxsen, “The Art of the Travel Essay”, ang isang
mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdudulot hindi lamang ng mga
impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay. Magiging matagumpay
lamang ang paglalakbay kapag ito ay nag-iiwan sa mga mambabasa ng sariwa at
malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.
 Ang paksa ng lakbay-sanaysay:
1. Tao o mamamayan ng lugar. (Pokus: gawi, katangian, ugali o tradisyon ng mga
mamamayan sa isang partikular na komunidad).
2. Kasaysayan ng lugar. (Pokus: Uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo, at
iba pa).
 Sa Pagsulat, kailangang gamitin ang pagtatangi at Paghahambing sa napiling paksa
upang wastong matimbang ang mga ideya. (Maaaring maganda o hindi kanais-nais,
kapaki-pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi katanggap-
tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri).
 Pinakaimportante ang tungkol sa sariling karanasan mula sa paglalakbay.
 Tila ito ay pagsulat ng isang magandang pangako ng lugar para sa mambabasa.
Hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay:
1.Masusing pumili ng isang ideya na nais talakayin o isulat.
2. Mag-umpisang gumawa ng "draft" o listahan ng mga naiisip na paksa o nilalaman ng
sanaysay. Maaring ito ay mga petsa ng paglalakbay, mga katangian at magagandang
bagay na matatagpuan sa lugar na pinuntahan.
3. Gamitin ang mga impormasyong nailista upang magsimula sa pagsusulat at upang
masusing maisaad lahat ang mga detalye ng paglalakbay, paglalarawan at mahahalagang
impormasyon.
4. Sikaping gumamit ng mga salitang naaangkop sa pagsasalarawan ng mga lugar at
makakatulong upang mapasabik ang damdamin ng mga mambabasa.
5. Gumawa ng mga karagdagang pagsasaliksik na maaaring makatulong sa mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa mga lugar na nais isulat.
6. Gumamit ng wastong pangwakas na mga salita na makapagbibigay ng damdaming
nakakapagpanatag na dulot ng nagawang paglalakbay.
5 at 6.Karagdagang Impormasyon.
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
Pagtatasa (Lakbay-Sanaysay o Sanaysay)
Pangkat: Petsa:
Miyembro: Puntos

1 2 3 4 5
Hindi Hindi buong Natugunan Lumampas pa Sobra pang
natutugunan natugunan nang kaonti sa natugunan
Inaasahan
Nilalaman o Limitado sa Hindi malinaw. May ugnayan May pokus. Malinaw.
Ideya datos, walang Maraming ang mga May mga May pokus.
tema. dapat sagutin. ideya. detalye. Nakatutulong
May ilang ang mga
detalye. detalye.
Organisasyon Magulo ang Di malinaw at Maayos May malakas Malakas ang
pagkasulat walang pokus . na simula, simula, gitna at
Walang mga Malinaw gitna at wakas. wakas.
transisyon. Malinaw ang
pokus at may
mga
transisyon.
Bokabularyo Di-angkop ang Di-konsistent Nakakukuha Makabuluhan Mabisa at
ginamit na sa gamit ng ng atensiyon ang ginamit na angkop ang
mga salita. salita. ang mga mga salita. mga salitang
salitang ginamit.
ginamit.
Pananaw o Di-malinaw Di malinaw Malinaw ang Malinaw ang Mahusay ang
Punto de-bista ang puonto de kung sino ang pinatungkulang pakikipag- pagkasulat
bista. pinatutungkulan mambabasa. komunika sa kung kaya’t
Para kanino? ng akda. mambabasa. nakakaugnay
sa
mambabasa.
Pangungusap Hindi kompleto May ibang Gumagamit ng Madalas na Maraming iba-
ang mga kompletong payak, iba-iba ang ibang anyo ng
pangungusap. pangungusap. tambalan, at anyo ng pangungusap
Di pinag-iiba- Kakaonti ang hugnayang pangungusap na ginamit.
iba ang anyo barayti ng mga pangungusap. na ginamit.
ng anyo ng
pangungusap. pangungusap.
Kumbensiyon Maraming May mga May ilan lang Tama ang Tama ang
maling baybay maling baybay mali. baybay at baybay,
at bahagi ng at bahagi ng May ugnayan gamit ng mga angkop at
pananalita. pananalita. ang mga bahagi ng malikhain ang
Walang pag- bahagi ng panalita. pagkasulat.
uugnay ang pananalita.
mga nahagi ng
pananalita.
Pamagat Di-makatawag Maaari pang Medyo na Nakakatawag Lubos na
Simula pansin ayusin katatawa pansin nakatatawag
Wakas pansin pansin

40-45 – Napakahusay
30-39 -Mahusay
20-29 – Konting Praktis pa!
9-19- Paghandaan at Seryosohin!

You might also like