Pagbasa at Pagsusuri NG Iba't Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik Modyul 1: Pagkilala Sa Iba't Ibang Uri NG Teksto
Pagbasa at Pagsusuri NG Iba't Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik Modyul 1: Pagkilala Sa Iba't Ibang Uri NG Teksto
Pagbasa at Pagsusuri NG Iba't Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik Modyul 1: Pagkilala Sa Iba't Ibang Uri NG Teksto
Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga
impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na
maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat
marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala
ang mga mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa
kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng
mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari at kapaki-pakinabang ang mga impormasyong
inilalahad nito.
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang
iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at
pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng
balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp.
Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na
paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit
ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat
ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw
nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari,
karanasan, bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.
Tekstong Persuweysib
Ay may layuning maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahikayat ng mga
mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa.
Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon
ito ay maging kapani-paniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at
sanaysay.
Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:
1. Ethos – hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o
personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-
paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos – salitang Griyego na tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat
o tagapagsalita.
3. Pathos – tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
Tekstong Naratibo
Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda o mula sa sarili niyang
karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon).
Ang tekstong naratibo ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay
nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling
karanasan, totoong pangyayari o di-piksyon, maaari ring likhang-isip lamang ng manunulat o piksyon.
Layunin nitong ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratibo
ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela.
Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay.
Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin
nito na makapagbigay ng malinaw na instruksyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at
mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pagbuo ng bagay
o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp.
Tekstong Argumentatibo
Tekstong argumentatibo ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na
kaugnay ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 2: Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang salitang Ginamit
ng Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Binasa
Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging
mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang
kahulugan ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran
tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya’y maaaring mula sa mga diksyunaryo,
aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan.
Halimbawa: Pambihira – katangi-tangi
2. Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad na
kahulugan
Halimbawa: Mahal – sinta – irog – pangga – palangga
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa:
a) Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan
ay nakararanas tayo ng hirap at minsan naman ay nakararanas ng ginhawa.
b) Ang gulay ay masustansiyang pagkain na nagtataglay ng iba’t ibang bitamina; tulad ng carrots
na may taglay na bitamina C at ng patatas na may B1, B3 at B6.
Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao,
sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya
mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito.
A. Pormal na Wika – Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.
2. Pampanitikan o Panretorika - Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay
karaniwang malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa: kabiyak ng puso, bunga ng pag-ibig, pusod ng pagmamahalan
B. Impormal na Wika – Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pang-arawaraw. Madalas itong
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawiganin - Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na) Nakain ka na? (Kumain ka na?)
2. Kolokyal - Pang-araw-araw na salita, maaaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong
maging pino ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa
salita.
Halimbawa:
Meron – mayroon nasan – nasaan sakin – sa akin
3. Balbal - Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa
antas bulgar.
Halimbawa:
Erpat (tatay) orange (bente pesos) Pinoy (Pilipino)
4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Anong sinabi? – ansabe? Malay ko at pakialam ko. – ma at pa
Anong nangyari? – anyare?
5. Pagbabaliktad
Halimbawa:
Petmalu- malupet etneb- bente werpa- power
Lodi- idol
6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
COVID-19-Corona Virus Disease 2019 PTP- Permission To Post
OOTD- Outfit Of The Day
7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Juntis -buntis shofo-gwapo shondemic- pandemic
char- joke -kalokohan
8. Paghahalo ng Salita
Halimbawa:
Spectacular! Anong bet mo? pa-beauty (nagmamaganda)
Mag-MU (mutual understanding)
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 – Baril 143 – I love you 50/50 – naghihingalo
10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Gora – gorabels – tayo na itey – ito Saanchi ka ngayonchi? – saan ka ngayon?
Nalulurkey- naloloko
1. Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag na ekspositori, ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing
layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan
sa tunay na daigdig.
Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa
mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga
impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel-pananaliksik, sa mga journal,
siyentipikong ulat at mga balita sa radyo at telebisyon.
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napapaunlad nito ang
iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan ng impormasyon.
2. Tekstong Deskriptibo
➢ May layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, karanasan at iba pa o May malinaw at pangunahing
impresyon na iniiwan sa mga mambabasa o Ito ay maaring Obhetibo o Subhetibo
3. Tekstong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula
simula hanggang katapusan.
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng
kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging
mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay
nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo at nagiging
saksi sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento,
nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng
kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba pa. Iba’t ibang uri subalit may iisang pagkakapareho:
ang bawat isa’y nagkukuwento.
May Iba’t Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo
a) Unang Panauhan - Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako, tayo, akin, at kami.
b) Ikalawang Panauhan - Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa
kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi
ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
c) Ikatlong Panauhan - Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kay’a ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang
ganitong uri ng pananaw:
d) Kombinasyong Pananaw o Paningin - Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela
kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala sa bawat kabanata.
a. Pangunahing Tauhan
Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa
katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa
tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.
b. Katunggaling Tauhan
Tauhan Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa pagitan nila,
nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing
tauhan.
c. Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasftna o kasangga ng
pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o
kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
d. Ang May-akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng akda.
Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita
sa isang tekstong naratibo tulad ng:
• Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at
damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa, ay
maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at
pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at lumutang ang nararapat na emosyon o
damdamin.
• Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang
mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina,
tinedyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang
katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.
Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa tekstong naratibo.
Bagama’t madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi niya iminumungkahi ang pagtatanggal
sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang masalamin pa rinnito ang tunay na kalakaran ng mga
tauhan sa ating mundo.
2) Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi
gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang
mga pangyayari tulad ng kasayahang daM. Ng pagdiriwang sa isang kaarawan, tffl(ot na umiiral dahil sa
malakas na hampas ng hangin at ulang 61a ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng maliwanag na buwang
nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin, matinding p4od ng magsasakang nag-aararo
sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling
hantungan ang isang minamahal, at iba pa.
3) Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
4) Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang
malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang
mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at
pakikisalamuha sa kapwa.
4. Tekstong Prosidyural
o Isang espesyal na uri ng tekstong expository (nagpapaliwanag)
o Naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan
5. Tekstong Persuweysib
o pagpapahayag na may layuning mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng
manunulat.
o ito ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na paniwalaan ang
kaniyang mga sinasabi sa isang partikular na paksa.
o Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang
isang manunulat.
o Layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at magpakilos ito tungo sa isang layunin.
6. Tekstong Argumentatibo
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto kung saan kailangan ipagtanggol ng manunulat
ang kanyang posisyon patungkol sa isang paksa, isyu o usapin. Ang posisyon ng manunulat ay nakabatay sa
sa mga ebidensya na maaaring hango mula sa personal na karanasan, mga literatura, pag-aaral o pananaliksik.
Ang isang mahusay na tekstong argumentatibo ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatibo:
Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang
paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa
pagpapaliwanag.
Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang
pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang
akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
Sa halimbawang ito:
“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira
siyang magalit sa akin at kung magkakaganyon ay maikli ang kaniyang pananalita: Lumigpit ka!... at
kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kaniyang mga
mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang di ko na makita ang
panginginig ng kaniyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang
ipinagbabawal.
Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha. Manila: Pioneer Press,1968.
“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na
uhaw…”
Sa halimbawang ito mauunawaan sa kaisipang nakapaloob sa teksto na ang ina ay inilarawan bilang
isang tahimik at hindi palakibo na kung magalit ay tiyak na nakatatakot ang kaniyang nagiging itsura.
Masasalamin sa teksto ang pananabik ng bata sa pagmamahal ng kaniyang ina. Mapapansin na ang mga
salitang matingkad at may salungguhit ay may higit na malalim na kahulugan kaysa sa karaniwang kahulugan
nito.
Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga sumusunod:
1. Inaasahan o Target na Awtput – tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng
proyekto.
2. Mga Kagamitan – Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng isang bagay
o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung
susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung alin ang gagamitin.
Maaaring hindi Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng
anomang kagamitan.
3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon – Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
pagsasagawa.
Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay mga
pagtataya kung nakamit ang kaayusan ng layunin ng pagsasagawa.
Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang maging mas
malinaw ang pagpapahayag ng hakbang.
Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung
anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural.
1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa pamamaraan.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkasunod-sunod
at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay, dami, at iba pa.
Pag-aralan ang teksto sa ibaba na naglalaman ng isang plano para sa pagpapaunlad ng isang negosyo.
Hakbang sa Pagpaplano:
Una, isipin mo kung paano mo ito sisimulan, pababa o pataas? O gusto mong simulan ito sa itaas
kaagad.
Ikalawa, ano ba ang layunin mo sa itatayo mong negosyo? Nais mo ba agad na kumita at mabawi ang
iyong ipinuhunan o nais mo munang mapalago ito hanggang sa tuluyan na itong makilala?
Ikatlo, sino ang makakatuwang mo sa iyong planong negosyo? Napagpasyahan mo ba kung ikaw lang
ang mamamahala o may iba ka pang nais makasama sa iyong plano? Kaya mo bang mag-isa o kinakailangan
mo ang tulong ng iyong kamag-anak bilang sekretarya, manananggol, at iba pang sasalo sa ibang tungkulin
sa negosyo mo? Sa iyong palagay, kakayanin mo bang magtagumpay magisa sa negosyo o talagang
kakailanganin mo ang tulong nila?
Ikaapat, napagpasyahan mo na rin ba kung ano ang iyong nais unahin o dapat pagtuunan ng pokus sa
iyong negosyo? Ang pangangailangan ng kostumer, ang lokasyon ng iyong negosyo, ang iyong kasanayan o
kahusayan, ang iyong kapital.
Ikalima, isipin mo ang paghahanap ng mga taong maaari mong pagkatiwalaan, may kakayahan at
karunungan, at may responsibilidad habang ikaw ay namamahala ng ibang trabaho? Iayos mo ang mga
patakarang dapat sundin ng iyong tauhan upang maging matagumpay ang operasyon ng iyong negosyo.
1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng
paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Tinutukoy nito ang anapora at katapora.
2. Substitusyon - Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
4. Pang-ugnay - Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala
sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.
Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal - Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. May
dalawang uri ito.
b. Pag-iisa-isa
Halimbawa: Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa, at ampalaya.
c. Pagbibigay Kahulugan
Halimbawa: Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap
sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.