Isahang Gawain Sa Pandiwa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

ARALIN 2: WIKA: GAMIT AT POKUS NG PANDIWA

PAGLALARAWAN SA SABJEK

Ang sabjek na ito ay naglalayong mapunan ng kaalaman, pag-unawa at mahalagang


pangkatauhan ang bawat mag-aaral. Ito rin ay magiging daluyan ng pagpapalitan ng karunungan
sa pagpapaunlad ng kamalayan sa gramatika at panitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
interaktibong pamamaraan upang mahubog ang kanilang kakayahan sa kasanayang
pangkomunikatibo.

PAGLALARAWAN SA PAKSA

Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng aksiyon, kilos, o galaw, proseso o pangyayaring


karaniwang sadya o di-sadya, likas o di-likas, at karanasan o damdamin. Magiging makulay,
malinaw at mabisa ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na pandiwa.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

     Naipamamalas ng mag-aaral  ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang


Mediterranean.

 PAMANTAYANG PAGGANAP

     Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique sa


alinmang akdang  pampanitikang Mediterranean.

 MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

 1. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.

2. Nagagamit ang pokus ng pandiwa bilang tagaganap, layon sa pagsulat ng paghahambing,


pinaglalaanan at sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa,
tagaganap at layon sa    isunulat na sariling kuwento.  

MGA LAYUNIN

1. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.

2. Nagagamit ang pokus ng pandiwa bilang tagaganap, layon sa pagsulat ng paghahambing,


pinaglalaanan at sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang, at
tagaganap at layon sa isinulat na sariling akda.

3. Nakagagawa ng isang halimbawa gamit ang pokus at gamit ng Pandiwa

GAMIT NG PANDIWA

Panuto: Pipili lamang ng isa sa nagustuhan na gawain na nakaatas sa ibaba.

PAGGAWA NG TULA

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela


IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

• Ang gagawing tula ay angkop sa tema na: “Filipino at mga Wikang Katutubo sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
• Ang tula ay binubuo ng apat na taludturan na may apat hanggang limang saknong.

PAMANTAYAN:
• Nilalaman at Pamamaraan………………....45%
• Kaugnayan sa Tema.....…………………..……30%
• Orihinalidad…………………….…………..........25%
KABUUAN…………............………….……...…..100%

PAGGAWA NG POSTER
• Dapat angkop sa tema ng Buwan ng Wika ang iguguhit – “Filipino at mga Katutubong
Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”
• Gumamit ng kahit anong materyales sa paggawa ng poster maaaring bond paper,
illustration board at iba pa.

PAMANTAYAN:
• Sining ng Pagkakabuo……….30%
• Kaugnayan sa Paksa………….25%
• Pagpapakahulugan……………20%
• Pangkalahatang Biswal………10%
• Orihinalidad……….......………..15%
KABUUAN………………..........100%

PAGGAWA NG ISLOGAN
• Kailangan angkop sa tema ng Buwan ng Wika ang gagawing islogan – “Filipino at mga
Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”
• Gumamit ng kahit anong materyales sa paggawa ng poster maaaring bond paper,
illustration board at iba pa.

PAMANTAYAN:
• Kaugnayan sa Paksa………..30%
• Pagkamalikhain…………….....25%
• Pangkalahatang Anyo……….15%
• Orihinalidad……………….........20%
KABUUAN……………….............100%
Pangalan: _______________________ Baitang at Seksyon: _____________
Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

________________________________________________

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

You might also like