Ang Kahulugan NG Ideolohiya
Ang Kahulugan NG Ideolohiya
Ang Kahulugan NG Ideolohiya
Ang ideolohiya ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan nanaglalayong magpaliwanag tungkol
sa daigdig at pagbabago nito. Galing ito sasalitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.Si
Desttuff de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga
kaisipan o ideya.
IDEOLOHIYA
May Iba’t ibang Kategorya ang Ideolohiya. Ito ay ang mga Sumusunod:
Ideolohiyang Pangkabuhayan.
- Nakasentro ito sa mga patakarang pangekonomiyang bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan
nito para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang ang mga karapatang makapagnegosyo,
mamasukan,makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang kapitalista at
mgamanggagawa.
Ideolohiyang Pampulitika.
- Naasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa
pamamahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong pulitikal at batayan ng kapangyarihang pulitikal.
Karapatan ng bawatmamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin.
Ideolohiyang Panlipunan.
- Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mgamamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay ngmga mamamayan.
Ang Iba’t Ibang Ideolohiya
Anu-ano ang mga ideolohiyang laganap ngayon sa daigdig? Isa-isahin natin ang mgaito:
Kapitalismo.
–
ito ay tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon, at
kalakalan ay kontrolado ng mga pribadongmangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang
papel ng pamahalaan samga patakarang pangkabuhayan.
Monarkiya.
- Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isangtao. Ang pinuno ng sistemang
monarkiya ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.Ang kapangyarihan niya ay maaring natatakdaan o
di-natatakdaan. Sa monarkiyangnatatakdaan, ang kapangyarihan ng monarko ay natatakdaan ng Saligang-
Batas.Batay sa Saligang-Batas ng Thailand, halimbawa ang hari nila ay isa lamang simbolong pagkakaisa
ng mga Thai. Sa kaso ng Hapon, ang monarko nito ay tinatawag naemperador, at tulad ng sa Thailand,
siya man ay panseremonyang pinuno lamang.Samantala, sa monarkiyang di-natatakdaan ay hawak ng
monarkiya ang buhay atkamatayan ng kanyang mga nasasakupan. Naghahari siya ayon sa
kanyangkagustuhan.
Demokrasya.
–
Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sademokrasya ay maaaring makilahok ang
mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran.Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung
ibinoboto ng mamamayanang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao,
sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa
ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative okinatawang demokrasya. Maaari rin
namang di-tuwiran ang demokrasya kung angibinoboto ng mamamayan ay ang mga kinatawan nila sa
pamahalaan na siyang pipiling mga pinuno sa pamahalaan.Mayroon ding uri ng demokrasya na nagiging
diktadura. Ito ay nagaganap kapagang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam
ngkapangyarihan at isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktador aynamumuno batay sa
kanyang kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao.
Totalitaryanismo.
- Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuanng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong
nagpapatupad nito. Natatakdaan ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita,
at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusangsinasang-ayunan, ngunit
hindi rin naman tahasang ipinagbabawal.Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa
kamay din ngisang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga
lupain,kayamanan ng bansa, at mga industriya. Ang halimbawa nito ay ang pamahalaan niHitler sa
Alemanya at ni Mussolini sa Italya bago at habang may IkalawangDigmaang Pandaigdig. Isang uri ng
pamahalaang totalitaryan ang sistemangdiktatoryal. Unang ginamit ang sistemang ito noong sinaunang
panahon tuwing maymga kagipitan o labanan kung kailan mag pangangailangang magtakda ng
isang punong militar na may kapangyarihang diktatoryal. Subalit, matapos ang kagipitan,ang
katungkulang ito ay inaalis. Sa sinaunang panahong, maraming mga bansa angyumakap sa sistemang ito,
kung saan ang pinuno ay isang diktador. Naging palasak ito sa mga bansa sa Timog Amerika at iba pang
lugar sa Asya at Aprika. Higit namakapangyarihan kaysa sinaunang mga diktador ang makabagong
diktadurya. Napananatili ang kapangyarihan sa diktador sa pamamagitan ng paghawak at pagkontrol sa
pamahalaan, ekonomiya, mass media o mga uri ng pamamahayag,simbahan, at pati kaisipan ng mga
mamamayan.
Awtoritaryanismo.
- Isang uri pa rin ng pamahalaan ang awtoritaryanismo kungsaan ang namumunong tao ay may
lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno
ng relihiyon ngestado, ang Islam. Ang namumuno ay may napakalawak nakapangyarihan nasinusunod ng
mga mamamayan.Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan
angkapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas. Ito ang itinawag ngdating Pangulong
Marcos sa kanyang pamamahala sa ilaim ng Batas Militar noong1972 hanggang sa mapatalsik siya noong
Pebrero 1986.
Sosyalismo.
- Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-ekonomiya kungsaan ang pamamalakad ng
pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Anggrupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-
ari, at sa pangangasiwa ng lupa,kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng
mga kailangansa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng
pamahalaan.Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitanng pantay na
distribusyon ng produksyon ng bansa. Binibigyang diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang
industriya ay pag-aari ng pamahalaan.Halimbawa ng ganitong pamahalaan ay ang Tsina at ang dating
Unyong Sobyet, kungsaan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan.
Komunismo.
- Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang Alemang pilosopo, at pinayabong naman ni
Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni MaoZedong ng Tsina. Ayon kay Karl Marx, ang pinakamataas at
huling hantungan mulakapitalismo patungong sosyalismo ay ang komunismo. Ang komunismo
aynaghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o pag-uuri-uri (classlesssociety) kung saan ang
mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan.Sa sistemang ito, tinatayang darating ang panahon na
hindi na kailangan angestado kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng produksyon ng
lahatng negosyo ng bansa. Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad, kailangang pairalin ang
diktadurya. Ito ang huling kalagayang mahirap matamo o maabotkailanman. Ang Taumbayang Republika
ng Tsina at ang Unyong Sobyet ay mga pamahalaang sosyalista na naghahangad matamo ang estadong
komunista dahiltinatalunton nila ang ideolohiyang pinalaganap ni Karl Marx noong ika-19 nadantaon.
Ang Pagsilang ng Komunismo sa Rusya
Nag-uagat ang deolohiyang komunismo sa Rusya noong panahon ng mga Tsar.Ayon sa nasusulat sa
kasaysayan, sa ilalim ng Tsar, ang Rusya ay nagingmakapangyarihan. Subalit ang mga namumuno ay
naging despotic. Noong Marso1917, ang Dinastiyang Romanov ay bumagsak bunga ng hindi
maiwasanghimagsikan. Ang mga dahilan ng kaguluhan ay ang mga sumusunod:
Pulitikal
- Ang pamahalaan ay awtokratiko, bulagsak at mahina. Hindi nagbibigayng pantay-pantay na karapatan
sa mga tao.
Pangkabuhayan
- Mahirap at makaluma ang mga kalagayan at pamamaraan ng pagsasaka. Walang kalayaan at maliliit ang
sahod ng mga manggagawa.
Sosyal
- Kakaunti lamang ang mga kalayaang sosyal. Lahat ay pinipilit na sumunodsa pananampalatayang
Orthodox. Sapilitang pinalalaganap ang wikang Ruso sa mgaminoryang kultural tulad ng mga Poles,
Hudeo, taga-Finland at mga taga-Baltic.Dumating sa Petrograd ang ilan sa mga lider na Bolshevik. Dito
ay kabilangsina Nicolai Lenin, Leon Trotsky at Joseph Stalin. Nakuha ni Lenin ang pagtitiwalang mga tao
dahil sa kanyang programang nagsasaad ng pag-aangkin ng pamahalaansa lahat ng mga pagawaan. Ang
kanyang panawagan, "Kapayapaan, lupain, attinapay". Sa tulong nina Trotsky at Stalin, binalak ni Lenin
na magkaroon ngPamahalaang Komunismo base sa mga prinsipyo ni Karl Marx. Noong Nobyembre1917,
naghimagsik ang mga Bolshevik sa Petrograd at bumagsak ang pansamantalang pamahalaan ni
Kerensky. Tumakas itong huli at pagkatapos ayitinatag na ni Lenin ang pamahalaang Komunismo na siya
ang unang Puno.
Ang Paglaganap ng KomunismoJoseph Stalin
Mula 1917 hanggang 1920, nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng mga RedArmy ng mga Bolshevik at
ng mga White Army ng mga konserbatibo na dating21tagasunod ng Tsar. Dala ng galit sa dating
pamahalaan, nasupil ng mga Red Armyang mga White Army. Noong 1920, napasailalim ng Komunista
ang buong Rusya.Ipinalalagay ni Lenin na kailangan ang dahas at pananakop para maitatag
ang"Diktadurya ng mga Manggagawa." Ang estadong naitatag nila ay tinawag na UnionSoviet Socialist
Republic o USSR o base sa mga sumusunod na prinsipyo ngkomunismo:1. Pagtatatag ng diktadurya ng
mga manggagawa. Ang manggagawa ang siyangsupremo sa pamahalaan.2. Ang sistema ng produksyon at
distribusyon ng pag-aari ay pinangangasiwaan ng pamahalaan.3. Pagwawaksi sa kapitalismo4. Pagtatwa
ng kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado at ngsimbahan.5. Pagsuporta, paghikayat
at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa buongdaigdig.
Highlight
Add Note
Share Quote
Pagsilang ng Fascismo sa Italya
Sa Italya, ibang ideolohiya naman ang namayani. Tinawag itong fascismo. Angmga kondisyong
nagbibigay daan sa fascismo sa Italya ay ang mga sumusunod:
Nasyonalismo
- Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa mga resulta ng UnangDigmaang Pandaigdig gayong nabigyan
naman ito ng bahagi sa mga pabuya ngdigmaan. Natanggap niya ang Trieste at Trentino (Italia Irredenta)
na nasiyahansapagkat hindi kabilang dito ang Fiume at ibang kolonya ng Alemanya at Turkey.
Paghihirap sa Kabuhayan
- Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, , nagkaroon ngkakulangan sa pagkain at
maraming pangangailangan sa Italya. Tumaas ang halagang mga bilihin. Iginawad ng pamahalaan ang
mataas na buwis upang mabayaran angmalaking pagkakautang ng bansa bunga ng digmaan. Marami ang
nawalan ngtrabaho sapagkat nasira ng digmaan ang mga sakahan at pagawaan.
Kahinaan ng Pamahalaan
- Hindi nakayanan ng pamahalaang lutasin ang mgasuliranin ng bansa. Ito ay pinalala pa ng pagkakaroon
ng mga mahinang opisyal sa pamahalaan. Sa ilalim ng ganitong mga pangyayari, nawalan ng saysay ang
mgatradisyong demokratiko at nawalan din ng tiwala ang mga tao sa kanilangdemokratikong institusyon.
Noong 1920, inagaw ng mga manggagawa at mgatradisyong demokratiko. Nawalan din ng
tiwala ang mga magsasaka laban sa mgamay-ari ng lupa kaya't inagaw ang kanilang mga lupain. Ang
kapayapaan ay naibalik ng mga Fascista, isang samahang itinatag ni Benito Mussolini, isang dating
sosyalistaat editor ng pahayagan.
Benito Mussolini
Ang mga tagasunod na ito ni Mussolini ay bumuo ng mga pangkat militar natinawag na Black Shirts na
nagsagawa ng mga pagpupulong ng mga grupongsosyalista at komunista. Ipinangangako nilang
pangalagaan ang mga pribadongariarian. Noong Oktubre, 1922 ay naganap ang dakilang Pagmamartsa sa
Roma.Pinilit ni Mussolini at ng mga Black Shirts na buwagin ang kabinete. Si HaringVictor Emmanuel
ay napilitang magtatag ng bagong kabinete na si Mussolini angPunong Ministro. Ang Parlyamento ay
napilitang maggawad ng mga kapangyarihangdiktatoryal kay Mussolini. Ayon sa paniniwala ni
Mussolini, ang demokrasya,kapitalismo at sosyalismo ay bigo. Sa halip, itinatag niya ang tinatawag
niyangCorporate State. Dito ay pinagsama-sama niya ang kapitalismo, sosyalismo at angsistemang guild
ng Panahong Medyibal. Ang Corporate State ay isang diktadoryangtotalitarian. Ang mga prinsipyong
sinusunod ng Fascismo ay ang mga sumusunod:1. Ang tao ay gumagawa lamang sa kapakanan ng estado.
Ang demokrasya aymahina at walang saysay at ang lakas ay kinakailangang pangibabawin.2. Lahat na
bibitiwang opinyon, sa pagbigkas man o pagsulat ay kailangang naaayonsa pamahalaan.3. Ang buong
sistema ng edukasyon ay kinukontrol upang ang mamamayan aymakapagsilbi sa estado at makatulong sa
paghahanda para sa digmaan.Dinodominahan ng fascistang propaganda ang mga paaralan.4. Maingat na
sinesensor ang lahat ng mga pahayagan at publikasyon.5. Lahat ng uri ng libangan ay sinusuri ng
pamahalaan.6. Hindi kinikilala ang kalayaang sibil.7. Binibigyan ng bonus ang malalaking pamilya.8.
Hindi binibigyan ng karapatang sosyal, pulitikal at pangkabuhayan ang mga babae.
Ang Nazing Alemanya
Bilang isang ideolohiya, ang Nazismo sa Alemanya ay naitatag noong 1930. Itoay isa sa pinakamalupit na
diktaduryang totalitaryan sa makabagong panahon. Ito aynakakahawig ng fascismo sa Italya at ng
komunismo sa Rusya.
Adolf Hitler
Ang mga pangyayaring tumulong sa pagkakatatag ng diktaduryang Nazismo ayang mga sumusunod:1.
Ang kahinaan ng Weimar Republic
- Ang Republikang itinatag sa Alemanya pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga
pinakademokratikong pamahalaan sa buong mundo. Ngunit hindi nito taglay ang pagtitiwala ng mga
tao.2.
Kasunduan ng Versailles
- Nasaktan ang makanasyonalismong damdamin ngmga Aleman dahil sa mga itinatalaga ng Kasunduang
Versailles. Ang mga masugidna makabayan ay nakahandang tumulong sa pamahalaan upang maiwasto
ang sa palagay nila ay mga pagkakamali upang mabawi ang pagkapahiya ng Alemanya.3.
Ang paghihirap sa kabuhayan
- Pagkatapos ng digmaan, ito ang talagangnagbigay-daan sa pagbagsak ng Republikang Weimar. Dahil sa
mga pinsalang dulotng digmaan sa malaking pagkakautang ng Alemanya at mga
reparasyong pagbabayaran, ay nagkaroon ng inflation. Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihanng
pinunong Nazi. Siya ay isinilang sa Austria. Isa siyang panatikong nasyonalista. Pagkatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig, binuo niyaang National Socialist Party na tinawag na Nazi. Ang mga prinsipyo ng
Nazismo nanapapaloob sa Mein Kampf, Ang Aking Labanan ni Adolf Hitler ay ang mgasumusunod:1.
Ang kapangyarihang racial
- Ang paniniwala ng mga Aleman, sila angnangungunang lahi sa daigdig na nanggaling sa
mga makalumang tribung Germanicna tinatawag nating Nordic o Aryano 2.
Anti-Semitism
- Sinasabi ng mga Nazista na ang mga Hudyo na naninirahan saAlemanya ay hindi mga Aleman at sila
ang sanhi ng maraming suliranin at kabiguanng Alemanya kayat kinakailangang mawala sila sa daigdig.
Ito ang naging dahilan ngholocaust o pagpapapatay sa mga Hudyo.3.
Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles
- Binigyang-sisi ng mga Nazista angKasunduan sa Versailles na siyang sanhi ng mga suliranin ng
Alemanya.4.
Pan-Germanism
- Ayon kay Hitler, ang isang pinalawak ng Alemanya aykailangang maitatag, kasama na ang mga
teritoryong nawala sa kanila noong UnangDigmaang Pandaigdig.5.
Ang pagwasak sa Demokrasya
- Laban ang Nazismo sa demokrasya at pamahalaang Parlyamentaryo. Nanawagan silang wasakin ang
Republika at itatagang Third Reich na siyang estadong totalitaryan ng Nazismo. Noong 1932, ang Nazi
ang pinakamalaking partido sa Alemanya. Iniluklok ng
noo’y pangulo si Paul Von Hindenberg si Hitler bilang Chancellor ng Aleman noong
Enero, 1933. Sa ilalim ng Third Reich, ang Alemanya ay naging totalitaryan. AngThird Reich ang
pumalit sa Republika ng Weimar. Pagkaraang mamatay siHindenberg noong 1934, ang puwesto ng
Pangulo at Chancellor ay pinagsama. Lahatng kapangyarihan ng gobyerno ay napasakamay ni Hitler, Der
Fuehrer (The Leader).Lahat ng nasa oposisyon sa rehimen ni Hitler, gayundin ang mga HudyongAleman
ay pinarusahan, ipinabitay, ipinadala sa mga concentration camps oikinulong sa tulong ng Gestapo
(Sekretong Pulisya) o Storm Troopers at ng mgagwardiya ni Hitler. Isa sa pinakamaraming biktima
ni Hitler ay ang mga Hudyo nakanyang ipinapatay. Tinatayang may anim na milyong Hudyo ang pinatay
ng mga Nazi. Isa sa sikat na Hudyong Aleman na umalis sa Aleman ay si Albert Einstein.Ang Pilipinas at
ang Ideolohiya nito. Ang paglaya ng mga bansa mula sa kanilangmga mananakop ay nakatulong sa
pagpapahalaga sa iba't ibang uri ng sistema lalo nasa pamamahala at kabuhayan ng mga bansang ito. May
mga bansang yumakap saideolohiyang demokrasya tulad ng bansang Pilipinas, Hapon, Malaysia, at
TimogKorea, samantalang may mga bansang sumunod sa diwa ng komunismo tulad ngTsina, Hilagang
Korea, dating Unyong Sobyet, at Vietman. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mga pagbabago sa mga
ideolohiyang gumagabay sa pamamahalaat pamumuhay ng mga bansa sa daigdig. Patutunayan natin ng
pansin ang ideolohiyang ating bansa, ang Pilipinas.
Sistemang Presidensyal
Batay sa organisasyon ng Pamahalaan ang sistemang presidensyal ay tulad saPilipinas at Estados Unidos
at ang sistemang Parlyamentaryo naman ay tulad sa pamahalaan ng Gran Britanya, Hapon at India. Sa
ilalim ng sistemang presidensyal,ang pangulo o presidente ang kinilalang pinuno ng isang bansa. Siya
angtagapagpaganap ng pamahalaan (executive) at panseremonyang pinuno ng bansa.Maaari siyang ihalal
nang tuwiran ng sambayanan o sa pamamagitan ng ElectoralCollege (EC) tulad ng sa Estados
Unidos. Ang EC ay pangkat ng mga taong hinirangng taong-bayan sa bawat teritoryo at inatasang
maghalal ng pangulo o presidente.Ang nahalal na pinuno ay kailangang magsilbi ayon sa itinakda ng
Saligang-Batas oPambansang Batas na umiiral. Ang pangulo ay may karapatan ding pumili ngkanyang
mga kalihim sa bawat kagawaran o mga tanggapan ng pamahalaan bilangtagapayo at katulong sa
pagpapatupad ng mga programa at mga batas sa pamahalaan.Samantala, ang mga kasapi sa sangay ng
tagapagbatas o lehislatura (Legislative) aytuwirang inihahalal ng mga mamamayan at inaasahang gagawa
ng mga batas atalituntunin para sa bansa na naaayon sa Saligang-batas na umiiral. Ang
sangay panghukuman, na tinatawag ding Tagapagbatas o Hudikatura (Judicial) ay hinihirangng
Pangulo. Sa Pilipinas ito ay tinatawag na Korte Suprema (Supreme Court) nasiyang namamahala sa mga
gawain ng iba't ibang hukuman sa bansa at nagsisilbinghuling dulugan sa mga usaping may kaugnayan sa
paglilitis at mga batas.
Sistemang Parlyamentaryo
Sa sistemang parlyamentaryo, ang tagapagpaganap ng batas ay iba sakinikilalang pinunong
panseremonya ng bansa. Ang panseremonyang pinuno aymaaaring isang pangulo, hari o
reyna. Samantala, ang mga kinatawan satagapagbatas ang siyang pumipili ng punong ministro mula sa
lupon ng mgakinatawan. Ang nahalal na punong ministro ang siyang magiging tagapagpaganap ngmga
batas. Siya rin ay tuwirang nananagot sa mga tagapagbatas at hindi tuwiran samga mamamayan. Ang
Pamahalaan ng Pilipinas at ang Ideolohiya Nito. AngPilipinas bilang isang Republika ay nagtataguyod ng
demokrasya. Ito ay maydemokratikong pamahalaan. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang
pangulona tuwirang ihinalal ng mamamayan.Ang katangian ng pamahalaan ay alinsunod sa Saligang-
Batas 1987 na umiiral sa bansa. Nakasaad dito ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng Pamahalaan -
Tagapagpaganap, Tagapagbatas at Tagapaghukom. Naninindigan ang bawat sangayng pamahalaan tungo
sa demokratikong pamamahala at paglilingkod. Mayroon dingCheck and Balance sa bawat sangay na
gumaganap sa iba't ibang tungkulin. Noong ang bansa ay nasa ilalim ng Batas Militar sa panunungkulan
ni PangulongFerdinand Marcos ay umiral ang malaparlyamentaryong pamahalaan na ayon saitinakda ng
Saligang-Batas ng 1973. Ngunit sa katotohanan ang pamamaraang ito niPangulong Marcos ay diktatoryal.
Ito ay nagwakas noong maganap ang PeoplePowersa Edsa noong 1986 at muling naibalik ang kalayaan at
demokrasya sa bansa.Hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na mapanatili ang diwang
kalayaan at Demokrasya sa Pilipinas na siyang ideolohiyang umiiral sa bansa.Isinulong ng pamahalaan
at ng mga mamamayan ang pantay sa karapatang pantao,kasama na ang karapatan sa pagkakaroon ng
tinig sa pag-ugit ng pamahalaan