POSITION PAPER in ESP - ALKOHOLISMO

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan : Khezia Daniella P.

Bahea
GRADE 10 - IOLITE

POSITION PAPER in ESP


I. Title Page – “ Alkoholismo ”

II. Panimula

A. Ang alkoholismo o alkoholiko ay ang pagkakahilig at pagkaroon ng mga tao ng


kawalan ng kakayahan na tumigil sa pag-inom ng kahit anong mga alak. Ang
alkoholismo ay maihahambing mo na rin sa paggamit ng ipinagbabawal na mga
gamot sa kadahilanang ito’y nakakasama sa kalusugan ng karamihan. Maaaring
masira ang ating kalusugan kapag tayo’y madalas uminom ng alkohol. Ang
pagkalulong ng isang tao sa alkohol ay maaaring magdulot ng hindi magandang
bunga sapagkat hindi natin maiiwasan ang pagkawala natin sa ating tamang
katinuan. Dahil dito, tayo ay pupuwedeng makagawa ng isang bagay na ating
hindi naman ginustong gawin.

B. Para sa akin, ang alkoholismo ay ang pang-aabuso natin sa ating katawan sa


pamamagitan ng pag-inom ng kahit anong inumin na talagang nakakasama sa
ating kalusugan. Ito ay isang bagay o isyu na ating hindi mapigilan na hindi gawin
dahil sa aking napansin, kapag uminom ang isang tao ng alak, tila ba’y mayroon
itong side effect sa ating katawan kung kaya’t nawawalan tayo ng kakayahan na
tumigil kaagad sa pagtungga ng alkohol.

III. Mga Argumento sa Isyu

A. May mga pabor sa isyu na ito dahil sa kanilang pananaw, ang pag-inom ng alak
ay ang nakakapagpawala ng kanilang stress o stress. Marami rin ang umiinom nito
upang maglabas ng kanilang saloobin na hindi nila makayanang ilabas kapag sila’y
nasa tamang katinuan. Sa tingin nila’y malaya nilang nagagawa ang mga bagay-
bagay at dahil na rin sa nakakapagpagaan ito ng kanilang nararamdaman. Siguro
ang kanilang naiisip ay kapag umiinom sila ng alak ay mawawala ang sakit na
nararamdaman nila kapag may mga problemang dumarating sa kanilang buhay,
na para bang ito ang nakakapag pakalma sa kanila upang makapag-isip nang
matino sa mga panahong pagod na silang manatili pa.

B. May mga taong hindi pabor sa isyu na ito sapagkat marami sa kanilang pamilya
ay nawawala sa tamang pag-iisip kapag sila ay naiimpluwensiyahan ng alkohol.
Hindi rin mawawala sa atin ang mga taong may sakit sa puso o kahit anong sakit
na maaaring mapunta agad sa kamatayan ngunit umiinom pa rin ng alak.
Malaking panganib din ang maidudulot ng alak sa mga organ ng ating katawan
kapag nadadalas ang pag-inom ng alak. Ang mga puwedeng maapektuhan nito ay
ang ating utak, puso, at atay. Maaaring magdulot ito ng pagtaas ng ating high
blood pressure, madalas na pagsakit ng ating dibdib, kahirapan sa paghinga nang
maayos, heart failure, stroke, at pagkasira ng kidney.

IV. Pabor o Hindi Pabor? - Ako’y hindi pabor sa isyung ito. Wala man ako sa
kanilang ikinatatayuan ngunit sa aking opinyon, hindi ang alkohol ang
makakatulong sa atin sa mga panahong may problema tayo, ang makakatulog
lamang sa atin ay ang ating mga sarili. Kung inyong tatanungin kung bakit ako
hindi sumang-ayon dito, ito’y dahil akin munang iniisip ang aking kalusugan. Mas
pipiliin ko pang hindi na lamang uminom kung alam ko naman sa sarili ko na
makakapagdulot ito ng hindi maganda sa aking pansariling kalusugan. Na baka
pati ang aking pamilya ay mamwerwisyo kapag ako ay nagkasakit gawa lamang
nito.

V. Konklusyon
A. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa
paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa kabila ng mga
negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa pagiging
maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at maging sa kawalan ng
abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-inom ng alak.

B. Maaari nating mapigilan ang sarili natin na uminom ng mga alkohol sa


pamamagitan ng mga sumusunod :

• Pag-iwas sa mga barkadang nang iimpluwensiya sayo na uminom nito.

• Mag ehersiyo at matulog sa tamang oras upang hindi mai-stress at uminom


ng alak.

• Kumain ng maraming masusustansiyang pagkain.

VI. Sanggunian

Ako ay nakakuha ng ideya patungkol sa alkoholismo gamit itong mga link na ito.
Akin lamang na dinagdagan ang mga nakasulat dito upang ilagay sa aking position
paper.

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo

https://www.jw.org/tl/library/serye/iba-pang-paksa/kontrol-pag-inom-ng-alak/

You might also like