Mga Uri NG Teksto at Kahulugan at Mga Bahagi NG Pananaliksik
Mga Uri NG Teksto at Kahulugan at Mga Bahagi NG Pananaliksik
Mga Uri NG Teksto at Kahulugan at Mga Bahagi NG Pananaliksik
2. Sayantifik
-kung ito ay nag-uugnay sa mga konsepto sa isang tiyak na sistema ng karunungan at pag-iisip upang ang
kinalabasang proposisyon ay ma-verify
Mga Layunin:
-hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng
makatwirang pagpapahayag.
Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna.
Gumagamit ito ng ebidensya mula sa sariling karanasan, nabasa mula sa ibang teksto o akda.
ARGUMENTATIBO
Anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o taga-pakinig.
3. Paraang Lohikal
~ Nagsasagawa ng estilo na paghambingin ang dalawang bagay na magkatulad.
~ Sa paraang lohikal, isinasaalang alang ang maayos na siholismo.
Argumentum ad Hominem
(Argumento laban sa karakter)
Lihis ang ganitong uri ng argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang kredibilidad.
Hal. Bakit ko sasagutin ang alegasyon ng isang abogadong hindi magaling at tatlong umuulit ng bar exam?
Argumentum ad Bacculum
(Paggamit ng pwersa o pananakot)
Argumentum ad Misericordiam
(Paghingi ng awa o simpatya)
Ang pangagatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at simpatya ng kausap.
Hal: Ako po ang inyong tanggapin sa trabaho, dahil ako po ang pinakamahirap sa amin."
Argumentum ad Numeram
( Batay sa dami ng naniniwala sa argumento)
Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito.
Hal: Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama kung magsinungaling paminsan minsan."
Argumentum ad Ignorantiam
(Batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya )
Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na
patunay kung mali o tama ang pahayag.
Hal. Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam na alam na nila ang aralin at handa na sila sa
mahabang pagsusulit.
Hal. Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging mataas ang benta ko.
Non Sequitur
(Walang Kaugnayan )
Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag.
Hal. Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy raw manamit ang bokalista.
Hal. Masarap magluto ang kusinera naming Bisaya. Magagaling talagang magluto ang mga Bisaya.
Ayon kay Pilosopong Aristotle, may tatlong (3) elemento ang panghihikayat;
1. Ethos-ang karakter,imahe,o reputasyon ng manunulat/tagapagsalita -hango sa salitang
Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na angkop ngayon sa salitang
imahe.
Ethos ang magpapasya kung kapani- paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang
tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.
Ang tektong naratibo ay nagsasaad ng isang pagsasalaysay. Maaaring ilahad sa ganitong uri ng teksto ang mga personal
na karanasan ng manunulat gayundin ang isang natatanging tao o pangyayari sa nakalipas.
1. Ang textong narativ ay isang inpormal na pagsasalaysay. Para ka lang nagkuwento ng isang
bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan
3. Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong narativ at ng isang
matibay na kongklusyon.
5. Deskriptiv/Deskriptibo- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pampanitikan
Halimbawa:
1. Paglalarawan ng tao
a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.
b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa teknolohiya.
c. Di pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.
2. Paglalarawan ng Lugar
a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon, itinuturing itong “higante” sa Asya.
b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay di – gaanong
maunlad kung ihahambing sa mga karatig – bansa na may kakaunting likas na yaman.
c. papaunlad ang mga bansa sa Asya na ang ikinabubuhay ay agrikultura at industriya.
3. Paglalarawan ng Bagay
a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang Asyano.
b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano sa ilang
karatig-bansa sa Asya.
c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.
4. Paglalarawan ng Pangyayari
1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan - layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon
sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang
pisikal o konkretong katangian. Higit na bibinibigyang-diin sa paglalarawang ito kung ano ang nakikita at hindi ang
nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.
2. Masining o abstraktong Paglalarawan - naglalayong pukawin ang guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit
na nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng imahinasyon.
Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang patalinghaga.
6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang ng
malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang
sa paggawa ng isang bagay.
Ang mga tekstong prosidyural ay kahalintulad ng isang manwal. Naglalaman ito ng mga hakbang na kailangang sundin
upang makamit ang ninanais na resulta. Ito ay isang maliit na aklat na makakatulong sa mga nangangailangan ng gabay
upang maisagawa ang isang bagay.
Ito a isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta. Ang
tekstong prosidyural ay nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pagkakasunod-sunod ng isang gawain. Mula umpisa
hanggang sa wakas.
Halimbawa, kung pagluluto ang gagawin, may tamang posesong dapat na sundin upang maging sarap ang gagawin, may
tamang prosesong dapat na sundin upang maging masarap ang pagkain ihahanda.
Halimbawa:
Kung nais kong magluto ng Adobo, kailangan kong sumangguni sa isang tekstong prosidyural.
Kahulugan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang
bigyan ng kalutasan.
Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na
kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang
teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang
sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang
maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyonng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya
sa isa pang esensyal na gawain – ang paghahanda ng kanyang ulat-pampananaliksik.
Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel: 1976).
Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o
imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W. Trece (1973) na nagsasaad na ang pananaliksik ay
isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng
mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap,
pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan
sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.
Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga
proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik
kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin
sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay
nakaplano.
Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o
pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika.
Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga
bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng sapat na panahong
paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari
itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng
uri ng pananaliksik ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nina Good at Scates (1972), The purpose of research is to serve
man, and the goal of research is the good life.
Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman
2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang mga element
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang mga elemento
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
7. Matugunan ang kuryosidad ng mananaliksik.
8. Mapalawak o mapatotohanan ang mga umiiral na kaalaman.
Mga Katangian ng Mabuting Mananaliksik
Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi ng liksyong ito ay mahahango na natin ang mga
sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na pagpapaliwanag sa mga kasunod na talataan:
1. Sistematiko. May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa’mang nilalayon sa pananaliksik.
2. Kontrolado. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat
baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa paksang pinag-aaralan ay maiuugnay sa
eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalong-lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik.
3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga
datos na nakalap.
4. Mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang
mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap,
5. Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling. Lahat ng natuklasan at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa
mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik
6. Gumagamit ng mga Kwantetibo o Estadistikal na Metodo. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang
numerikal at masuri sa pamamagitan ng estadistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
7. Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon. Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang
maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga siyentipikong paglalahat.
8. Matiyaga at Hindi Minamadali. Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang
bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa
mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.
9. Pinagsisikapan. Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon,
talino at sipag upang maging matagumpay.
10. Nangangailangan ng Tapang. Kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maaari siyang dumanas ng di-pagsang-
ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.
11. Maingat na Pagtatala at Pag-uulat. Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na
pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik.
Tandaan:
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Nilalahad dito ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino
ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano
ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
SAKLAW AT LIMITASYON
Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang parameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa
bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pagaaral. Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang talata ay
naglalaman ng saklaw ng pag aaral, habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limutasyon ng pananaliksik.
Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin sa pag aaral. Ipinapakita sa bahaging ito ang lawak
ng sangkop ng ginagawang pag-aaral. Ipinapaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng
mga datos na kakailanganin. Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na
lugar at ang hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.
Ang teoretikal na balangkas na ito ay bumubuo ng pundasyon ng iyong pananaliksik. Nililimitahan nito ang saklaw ng iyong
pag-aaral sa nauugnay na data at ginagawang mas makabuluhan ang iyong mga obserbasyon at iniisip. Ito ay dinisenyo
upang madagdagan ang pag-unawa at makabuo ng bagong kaalaman.Ang balangkas na ito, na binubuo ng isang pormal
na teorya at nagsisilbing batayan para sa pananaliksik. Ito ay nagsisilbing reference point para sa iyong proseso ng
pananaliksik. Ito ang batayan ng lahat ng pananaliksik
Konseptwal/Teoretikal na Balangkas
Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na
ang teoretikal o konseptwal na
balangkas na kailangan sa isang
sulating pananaliksik ay tumutukoy sa
set ng magkakaugnay na konsepto,
teorya, kahulugan at
proporsyon na nagpapakita sa
sistematikong pananaw ng penomena sa
pamamagitan ng pagtukoy sa
relasyon o kaugnayan ng mga baryabol
sa paksang pag-aaralan.
Ano ang Isang Konseptwal na
Balangkas?
Ang konseptwal na balangkas ay mas
tiyak tungkol sa ugnayan sa pagitan ng
mga variable, at ito ay naiiba
sa tradisyonal na teoretikal na
balangkas.
Ito ay maaaring nakatuon sa sanhi at
epekto ng mga relasyon sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga
variable. Maaari mo ring suriin ang
kaugnayan sa pagitan ng mga umaasa o
independiyenteng mga
variable. Nakakatulong ito sa pagbuo ng
iyong pananaliksik.
Naglalaman ito ng konsepto ng
mananaliksik hinggil sa pag-aaral na
isinasagawa. Ito ang pangunahing
tema at panuntunan ng pagsisiyasat.
Ang nasabing balangkas ay ipinakikita
sa isang presentasyon ng
paradigma ng pananaliksik na kailangan
maipaliwanag nang maayos. Ito ay
binubuo ng Paghahanda
(input), Proseso (process) at
Kinalabasan (Output)
Konseptwal/Teoretikal na Balangkas
Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na
ang teoretikal o konseptwal na
balangkas na kailangan sa isang
sulating pananaliksik ay tumutukoy sa
set ng magkakaugnay na konsepto,
teorya, kahulugan at
proporsyon na nagpapakita sa
sistematikong pananaw ng penomena sa
pamamagitan ng pagtukoy sa
relasyon o kaugnayan ng mga baryabol
sa paksang pag-aaralan.
Ano ang Isang Konseptwal na
Balangkas?
Ang konseptwal na balangkas ay mas
tiyak tungkol sa ugnayan sa pagitan ng
mga variable, at ito ay naiiba
sa tradisyonal na teoretikal na
balangkas.
Ito ay maaaring nakatuon sa sanhi at
epekto ng mga relasyon sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga
variable. Maaari mo ring suriin ang
kaugnayan sa pagitan ng mga umaasa o
independiyenteng mga
variable. Nakakatulong ito sa pagbuo ng
iyong pananaliksik.
Naglalaman ito ng konsepto ng
mananaliksik hinggil sa pag-aaral na
isinasagawa. Ito ang pangunahing
tema at panuntunan ng pagsisiyasat.
Ang nasabing balangkas ay ipinakikita
sa isang presentasyon ng
paradigma ng pananaliksik na kailangan
maipaliwanag nang maayos. Ito ay
binubuo ng Paghahanda
(input), Proseso (process) at
Kinalabasan (Output)
Konseptwal na Balangkas
Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na ang teoretikal o konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik
ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong
pananaw ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa paksang pag-
aaralan.Ano ang Isang Konseptwal na Balangkas?Ang konseptwal na balangkas ay mas tiyak tungkol sa ugnayan sa
pagitan ng mga variable, at ito ay naiiba sa tradisyonal na teoretikal na balangkas. Ito ay maaaring nakatuon sa sanhi at
epekto ng mga relasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga variable. Maaari mo ring suriin ang kaugnayan sa pagitan
ng mga umaasa o independiyenteng mga variable. Nakakatulong ito sa pagbuo ng iyong pananaliksik. Naglalaman ito ng
konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat.
Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang presentasyon ng paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag
nang maayos. Ito ay binubuo ng Paghahanda (input), Proseso (process) at Kinalabasan (Output)
KAUGNAY NA LITERATURA
Binubuo ng mga diskusyon ng mga impormasyon, prinsipyo at katotohanan na kaugnay sa pag-aaral na
isinasagawa.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Pag-aaral, pag-iimbestiga o imbestigasyon na isinagawa na at may kaugnayan o pagkakatulad sa paksa ng
pananaliksik na isinasagawa.
Ang BIBLIOGRAPI ay talaan ng mga libro, magasin, peryodiko at iba pang sanggunian na ginagamit sa pag-aaral.
Nararapat lamang na ipakita ng nagsaliksik ang pasasalamat sa mga awtor ng libro at iba pang sangguniang ginamit at
nakatulong sa ginawa nyang pag-aaral.
APENDIKS – Sa bahaging ito ay maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng
interbyu,sampol ng sarbey-kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa