Quarter Exam AP8 - A

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Schools Division Office- Biliran
Biliran Science High School
Biliran, Biliran
FIRST QUARTER EXAM IN ARAL PAN 8
Prepared by: MAIME L SABORNIDO, T-III
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel bago ang numero. No erasures!
1. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?
A. Ehipto B. Mesopotamia C. Indus D. Tsino
2. Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan?
A. Ehipto B. Mesopotamia C. Indus D. Tsino
3. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa ekonomiya ng bansang Ehipto?
A. magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain
B. maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o di kaya ay subdivision
C. gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang mapalago ang ekonomiya
D. gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng pangangaso at camping
4. Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Ilog Indus?
A. Hindu Kush B. Karakuram C. Himalayas D. Khyber Pass
5. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?
A. walang likas na hangganan ang lupaing ito. C. madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates
B. hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito D. walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigmaan
6. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkadian B. Aryan C. Assyrian D. Chaldean
7. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
B. madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban
C. nagiging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya
D. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan
8. Ano ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at
panrelihiyon sa Mesopotamia?
A. nilisan ng mga tao ang Mesopotamia C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan D. humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan
9. Ano ang tawag sa isang kaisipan na humubog sa kamalayan ng mga Tsino na naglalayong magkaroon ng isang tahimik at
organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan?
A. Confucianism B. Legalism C. Daoism D. Taoism
10. Ito ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga taga Ehipto.
A. Caligraphy B. Cuneiform C. Hieroglyphics D. Pictogram
11. Ano ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain at mga salaysay ng mga
Hindu?
A. Bibliya B. Koran C. Ritwal D. Vedas
12. Ang tawag sa relihiyon na tinangkilik ng Dinastiyang Tang na naniniwala sa “Apat na Dakilang Katotohanan” ay_____.
A. Budhismo B. Hinduismo C. Kattolisismo D. Sikhismo
13. Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim ng langit at lupa?
A. hari B. pangulo C. pari D. paraon
14. Ito ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga taga Mesopotamia.
A. Caligraphy B. Hieroglyphics C. Cuneiform D. Pictogram
15. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Egyptians na gumagamit ng pagsasagisag sa isang larawan na
inuukit sa mga luwad at mga moog?
A. Alpabeto B. Cuneiform C. Calligraphy D. Hieroglyphics
16. Anong mahalagang estruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito idinadaos ang
pagsamba sa kanilang diyos?
A. Templo ni Babel C. Templo ni Hammurabi
B. Templong Ziggurat D. Templo ng mega Paraon
17. Bakit itinayo ang Great Wall of China?
A. Depensa sa bagyo C. Depensa sa mga kalaban
B. Pananggalang sa baha D. Harang sa anumang kalamidad
18. Alin sa sumusunod na estruktura ang naitayo sa panahon ng dinastiyang Qin o Ch’in?
A. Ziggurat B. Great Wall C. Piramide D. Templo
19. Sa anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na mummification?
A. Egypt B. India C. China D. Mesopotamia
20. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.

21. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan?
A. Egypt B. Mesopotamia C. Indus D. Tsino
22. Saang mga pook sumibol ang kabihasnang Indus?
A. Mohenjo-Daro at India C. India at Harappa
B. Mohenjo-Daro at Harappa D. Indiana at Harappa
23. no ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga
sinaunang tao sa Mesopotamia?
24. A. Kodigo ni Moses B. Kodigo ni Kalantiyaw C. Kodigo ni Hammurabi D. Kodigo ng mga ParaonAno
ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa pang polo?
A. Parallel B. Longhitud C. Latitud D. Meridian
25. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig?
A. Indian B. Atlantic C. Mediterranean D. Pacific
26. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig?
A. Aprica B. Europa C. Asya D. Hilagang Amerika
27. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa?
A. Kabuhayan B. Panlipunan C. Pulitika D. Pangkabuhayan
28. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?
A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.
D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy nang maayos ang buhay ng tao.
29. Anong relihiyon ang sinasamba ng mga Arabo?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Judaismo
30. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na tagasunod?
A. Budismo B. Islam C. Hinduismo D. Kristiyanismo
31. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan. C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.
B. Sisikat ang tao kung marami ang wika. D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.
32. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India?
A. Budhismo B. Hinduismo C. Islam D. Shintoismo
33. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang
pangkat? A. lahi B. pangkat etniko C. relihiyon D. wika
34. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa________.
A. klima B. pinagmulan C. relihiyon D. wika
35. Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?
A. Ice Age B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko
36. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao?
A. Mesolitiko B. Neolitiko C. Metal D. Paleolitiko
37. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko?
A. Natutunan na ang pagmimina. C. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
B. Takot silang mabihag ng ibang tribu. D. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na
hayop.
38. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?
A. Historiko B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Prehistoriko
39. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko?
A. Agrikultura B. Irigasyon C. Apoy D. Metal
40. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse
B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal
41. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng
Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato C. panahon ng bagong bato
B. panahon ng lumang bato D. gitnang panahon ng bronse
42. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?
A. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
B. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
C. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
D. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy
43. Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Ehipto?
A. Himalayas B. Mediterranean Sea C. Libyan Desert D. Red Sea
44. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?
A. napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino
B. naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha
C. hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko
D. mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog
45. Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?
A. Bundok B. Kapatagan C. Kabundukan D. Lambak

You might also like