AP4 Course Guide - Q4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Moodle Course Guide

IKAAPAT NA MARKAHAN

ARALING
PANLIPUNAN
Ako sa Pag-unlad ng Aking Bansa
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

INTRODUCTION TO THE COURSE


A. COURSE DESCRIPTION
Ang pangunahing yaman ng bansa ay ang tao o mamamayan dahil dito
nakasalalay ang kaniyang kinabukasan at pag-unlad. Kaya, nararapat lamang na
malaman ng bawat isa ang kanilang kahalagahan bilang mamamayan, ang kanilang
mga karapatan, mga tungkulin, at kung paano sila makatutulong sa pag-unlad ng
bansa.
Sa yunit na ito, tatalakayin ang mga batayan ng pagkamamamayang Pilipino,
ang mga karapatan na kailangan nilang matamasa at pangalagaan, at ang mga
tungkuling kaakibat nito.
Kasunod nito ay tatalakayin din ang kahulugan at mga halimbawa ng gawaing
pansibiko at ang kabutihang dulot nito sa mga mamamayan at sa bayan.
Bilang panghuli, pag-uusapan ang mga katangian ng isang produktibong
mamamayan sa loob at labas ng bansa.
Inaasahan na sa yunit na ito ay maipakikita ng mag-aaral ang kahalagahan
ng kaniyang pagiging bahagi ng isang bansa bilang isang mamamayang may
karapatan at tungkuling sumusuporta sa pamahalaan. Dagdag dito, naipamamalas
din niya ang pagiging produktibong mamamayan na makatutulong sa pag-unlad ng
bansa.

B. CONTENT STANDARD
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pang-unawa at
pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang
Pilipino

C. PERFORMANCE STANDARDS
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng
kanyang karapatan.

2
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

D. LEARNING OUTCOMES

ARALIN MOST ESSENTIAL DURASYON LEARNING TASK


LEARNING
COMPETENCIES

Aralin 1: Ang ⚫ NOYPI o YANDAYU


Pagkamamamayang *Natatalakay ang konsepto ⚫ Bandila o Araw
Pilipino at prinsipyo ng Week 1 ⚫ Matching Type
pagkamamamayan ⚫ o

Aralin 2: Ang Tungkulin ng *Natatalakay ang konsepto ⚫ Matching Type


isang Mamamayang ng karapatan at tungkulin Week 2 ⚫ Tsek o Ekis
Pilipino ⚫ Ipaliwanag mo!
⚫ Isaisip mo!

Aralin 3: Ang Karapatan ng Week 3 ⚫ Matching Type


isang Mamamayang ⚫ Tama o Mali
Pilipino ⚫ Linangin mo!
⚫ Venn Diagram

➢ Aralin 4: mga gawaing *Naipaliliwanag ang mga ⚫ Ipaliwanag mo!


lumilinang sa kagalingan gawaing lumilinang sa Week 4-5 ⚫ Tsek o Ekis
pansibiko kagalingan ⚫ Wasto o Di Wasto
Pansibiko ⚫ Linangin mo!

➢ Aralin 5: Mga Gawain at *Napahahalagahan ang Week 6 ⚫ Tsek o Ekis


Epekto ng Gawaing kagalinang pansibiko ⚫ PS o DS
Pansibiko ⚫ Tukuyin mo!
⚫ Tayahin
➢ Aralin 6: Bahaging *Nasusuri ang bahaging Week 7-8 ⚫ Tsek o Ekis
Ginagampanan ng mga ginagampanan ng mga ⚫ Bituin o Buwan
Mamamayan sa mamamayan sa ⚫ Hooray o Hephep
Pagtataguyod ng pagtataguyod ng ⚫ Isaisip mo!
Kaunlaran ng Bansa kaunlaran ng bansa

3
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

ABOUT THE CONTENT CREATOR

4
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Week 1

Sa huling aralin, natutuhan mo ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang


pangalagaan ang katiwasayan at itaguyod ang ang mga pangangailangan at karapatan ng
mga mamamayan.
Sa araling ito tatalakayin natin ang isa sa pinakamahalagang yaman ng ating bansa –
IKAW bilang isang mamamayan Pilipino.
Kaya bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga batayang ng pagkamamamayang Pilipino.
b. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkamamamayang Pilipino.
c. Napahahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino.

Ang Mamamayang Pilipino


Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang
bansa ayon sa itinatakda ng batas.Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay
mamamayan nito. Dahil may mgadayuhang nakatiraditona maaaringhindi kasapi nito.
Madalas na ang pagkamamamayan ng isang tao ay naihahalintulad sa kaniyang
nasyonalidad. Marami ang nag-aakala na ang dalawang salita ay magkasingkahulugan. Iba
ang pagkakamamamayan ng isang tao sa kaniyang nasyonalidad.
Ang isang taong ipinanganak sa Pilipinas ay nagtataglay ng Pilipinong nasyonalidad at
walang maaaring makapagbago noon. Ngunit maari naman siyang magkaroon ng ibang
pagkakamamamayan sa bansa ayon sa batas ng naturalisasyon. Samakatuwid ang
nasyonalidad ng isang tao ay hindi napapalitan. Ang tanging nababago ay ang
pagkakamamamayan.
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na
mamamayang Pilipino ang sumusunod:
1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero
2, 1987

5
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino


3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino
na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang
4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalisasyon
Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas
na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang
kung pinili niyang sundin ang A. Department of Labor and Employment, (DOLE) B.
Department of National Defense, (DND) C. Department of the Interior and Local Government
(DILG) D. Department of Trade and Industry, (DTI) E. Department of Environment and
Natural Resources , (DENR) Pagkamamamayang Pilipino pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.
Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling
maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual
citizenship). Kailangan lamang na aplayan niya ito at patunayan sa pamamagitan ng
kaniyang sertipiko ng kapanganakan mula sa Philippine Statistics Authority (National
Statistics Office) na ang kaniyang mga magulang o isa man sa kanila ay mamamayang
Pilipino saan man siya ipinanganak.
Paraan sa Pagkakamit ng Pagkamamamayan
May dalawang kinikilalang pangkahalahatang paraan sa pagkamit ng
pagkamamamayang una sa pamamagitan ng kapanganakan at ikalawa ay sa pamamagitan
ng naturalisasyon.
Pagkamamamayan sa Pamamagitan ng Kapanganakan
Sa pamamagitan ng kapanganakan, ang isang bata ay nagkakaroon ng tiyak na
pagkamamamayan sa ilalim ng dalawang prinsipyo ang Jus sanguinis at Jus soli.
Jus sanguinis ang pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng
mga magulang o isa man sa kanila. Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng
kanilang mga magulang saan mang bansa sila ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod
ng Pilipinas dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon ng 1987. Ang pagkamamamayang Jus
soli itinatadhana ng prinsipyong ito ang pagkamamamayan ng isang bata ay naaayon sa
bansa kung saan siya ipinanganak kahit pa iba ang pagkamamamayan ng kaniyang mga
magulang. Dahil dito, ang isang bata na ipinanganak sa Amerika ngunit kapwa Pilipino ang
mga magulang ay magiging mamamayan ng Amerika dahil ito ang nakasaad sa
Konstitusyon ng Amerika.
Uri ng Mamamayang Pilipino
May dalawang uri ng mamamayang Pilipino. Ito ay ang likas o katutubo at naturalisado.
Likas o Katutubong Mamamayan. Ang likas na mamamayan ay anak ng isang Pilipino.
Maaaring isa lamang sa kaniyang mga magulang o pareho ang Pilipino.
Naturalisadong Mamamayan. Ang naturalisadong Pilipino ay mga dating dayuhan na
naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.Ayon sa Commonwealth

6
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa
pamamagitan ng naturalisasyon.

Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais
maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.
Kapag nabigyan na pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang
sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Matatamasa rin niya ang mga karapatan ng
isang mamamayang Pilipino maliban sa mahalal siya sa matataas na posisyon sa
pamahalaan ng bansa. Ang pagbibigay ng pagkamamamayan ay isang pribilehiyong
ipinagkakaloob ng ating bansa sa isang dayuhan kaya masusi itong pinagaaralan ng korte
bago igawad.
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o sapilitan.
Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga ito:
1.Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
2.Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
3.Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21
taong gulang.
4.Nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong pagkama- mamayang Pilipino
5.Napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa at kumampi sa
kaaway sa panahon ng digmaan
6.Itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayan at nag-angkin ng pagkamamamayan
ng ibang bansa (expatriation)
Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino
Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
ay maaaring maging Pilipino muli sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:
1.Muling naturalisasyon
2.Aksiyon ng Kongreso
3.Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang
Lakas
Ang mga malalaking pangkat ng etniko tulad ng mga Tagalog, Ilokano, Bikolano,
Kapampangan, Cebuano, Ilonggo at Waray kasama ang mga maliliit na pangkat etniko na
matatagpuan sa ibat-ibang panig ng bansa ay pawang mga lehitimong mamamayan ng
Pilipinas.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng pagkamamamayan?
2. Ano-ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino?

7
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

3. Sa anong mga paraan makakamit ang isang pagkamamamayan?


4. Kailan nawawala ang pagkamamamayang Pilipino?
5. Bilang isang, mag-aaral paano mo pahahalagahan ang pagiging isang mamamayang
Pilipino?
Matapos mong masagutan ang mga katanungan ngayon naman ay iyong sukatin ang
iyong mga natutunan sa pamamagitan sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: NOYPI O YANDAYU
Panuto: Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Isulat ang NOYPI kung ang
nakasalungguhit na pangalan ay mamamayang Pilipino o YANDAYU naman kung hindi
batay sa sitwasyon.
_____1. Si Deku ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.
_____2. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Levi na isang
Australyano.
_____3. Si Zeke na isang Amerikano ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya
sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas.
_____4. Si Tanjiro ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang
kaniyang ina ay Hapones.
_____5. Si Kapitan Hinata ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao.
Nang sumiklab ang labanan ng Abu Sayaf at militar, siya ay tumakas kasama ang kaniyang
pamilya.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bandila o Araw

Panuto: Iguhit ang bandila kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagka Pilipino ayon
sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987 at araw kung hindi. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.
______ 1. Ang batayan ng pagiging isang Pilipino ay ang Saligang Batas ng 1987 Art. IV
Sek.1
______ 2. Sa Amerika ipinanganak si Jose. Ang kaniyang mga magulang ay pinanganak sa
Amerika.
______ 3. Anak ng isang Mangyan at isang Ilokano si Pablo. Naninirahan sila sa
Pampanga.
______ 4. May magulang na parehong Pilipino.
______ 5. Si Letecia ay isang Tsino at nakapag-asawa ng Amerikano.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Matching Type

8
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Panuto: Pagtugmain ang mga pahayag sa hanay A at hanay B. Isulat sa notbuk ang titik ng
tamang sagot.
A B
_____1. Pagkamamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng magulang A. Dual
citizenship
_____2. Proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas B. Jus
sanguinis
_____3. Pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan C. Jus soli
_____4. May dalawang pagka- mamamayan D. Naturalisasyon mamamayan
_____5. Kasulatan kung saan nakasaad E. Saligang Batas
ang pagkamamamayang Pilipino F. Pagkamamamayan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: o

Panuto: Isulat ang kung ang pahayag ay tumutugon sa pagkamamamayang Pilipino


ayon sa batas at kung hindi.

______1. Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino.

______2. Ang mga dating dayuhan na dumaan sa proseso ng naturalisasyon ay


mamamayang Pilipino.

______3. Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas bago


Pebrero 2007.

______4. Ang isang Pilipinong nakapag-asawa ng isang dayuhan ay hindi na maaaring


maging mamamayang Pilipino.

______5. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang isang dating Pilipino na
piniling maging naturalisadongmamamayan ng ibang bansa

References:
PIVOT Learners Packet Araling Panlipunan 4 Quarter 4

9
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Week 2

Sa araling ito ay matutunan mo ang kahulugan ng tungkulin. Ang mga pagsasanay at


mga halimbawa na ibibigay ay makatutulong sa iyong higit na pagkaunawa sa aralin.
Marapat lamang na pag-aralang mabuti ito at sagutin ang mga gawain nang may pagsuri.
Kung magagawa mo ito, matapos ang aralin ikaw ay inaasahang:
a. nasasabi ang kahulugan ng tungkulin;
b. nailalarawan ang mga tungkulin ng isang mamamayang Pilipino;
c. napahahalagahan ang mga tungkulin ng isang mamamayang Pilipino.
Iyong natutunan sa nakaraang aralin ang mga karapatang taglay ng isang mamamayang
Pilipino. Ang mga karapatang ito ang nagbibigay sa atin nang malaya at may dignidad na
pamumuhay sa lipunan.

Ang Kahulugan ng Tungkulin


Maraming paglilingkod ang ginagawa ng pamahalaan para sa mga mamamayan
nito. Sinisikap nitong matugunan ang ating mga pangangailangan. Sa kabilang banda, may
mga tungkulin ang bawat mamamayan na dapat gampanan kapalit ng karapatang
itinadhana ng batas para sa kaniya. Ang tungkulin ay mga gampanin o responsibilidad na
dapat isagawa o magampanan bilang mamamayang Pilipino. Kabilang sa ating mga
tungkulin ang pagmamahal sa bayan tulad halimbawa ng pagtangkilik ng sarili produkto,
pagpapayaman ng ating kultura at pagpapanatili ng ating mga tradisyon at pagkakakilanlan
bilang Pilipino. Ang pagtatanggol sa bansa laban sa mga nais magsamantala at maaring
magdulot ng panganib sa ating pambansang kapayapaan at kasarinlan ay isa rin sa mga
tungkulin natin bilang mamamayan ng Pilipinas. Isa pa sa ating tungkulin ay ang pgggalang
sa watawat. Ang watawat ay isa sa mga sagisag ng ating bansa, kung kaya’t tungkulin natin
na ipakita ang paggalang dito sa lahat ng pagkakataon. Tungkulin din natin ang igalang sa
batas at sumunod sa may kapangyarihan. Tayo ay dapat sumusunod sa batas na
ipinatutupad sa ating lipunanan nang sagayon ay di natin maabuso ang ating karapatan at
kalayaan na maaring makasama sa ating kapwa. Kung wala ang mga alagad ng batas,
maaring mawala ang kapanatagan at kapayapaan ng pamayanan. Tungkulin natin na

10
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

tulungan sila sa pagsasakatuparan ng batas. Ipagbigay-alam natin sa kinauukulan ang mga


pulis at iba pang lingkod-bayan na lumalabag sa batas.
Ang paggalang sa karapatan ng iba ay mahalagang gampanin din ng bawat isa sa
atin. Hindi tamang abusihin ang karapatan at kalayaan natin, mahalagang igalang din natin
ang karapatan at kalayaan ng iba. Ang pagtulong sa nangangailangan ay isang tungkuling
panlipunan at pansibiko nang ayon sa abot ng ating kakayahan. Ang makatarungang
paggamit ng karapatan tulad ng pagtigil kung kinakailangan sa paghahanapbuhay na
nakapipinsala sa iba ay tungkulin din natin na dapat laging tuparin Hindi din natin maaaring
tirhan ang pag-aari ng iba ng walang pahintulot sa may-ari o pamahalaan at hindi din natin
pwedeng pilitin ang ating kapwa-tao na sumanib sa isang relihiyon o samahang
kinabibilangan natin kung ito ay labag sa kanilang kagustuhan. Tungkulin din natin ang
maayos na paggamit ng mga ari-ariang pampubliko. Ang mga gamit pampubliko gaya ng
paaralan, parke o liwasan ay tungkulin nating ingatan at alagaan para magamit ng mga
mamamayan sa hinaharap.
Mahalaga din makipagtulungan tayo sa pamahalaan sa pamamagitan ng pakikiisa sa
mga ipinatutupad nitong programa at patakaran. Ang maagap na pagbabayad ng buwis ay
isang pang mahalagang tungkulin natin. Ang buwis na ibinabayad ng bawat isa sa atin na
may hanapbuhay at may ari-arian sa bansa ay ginugugol ng pamahalaan para sa mga
proyektong nagtataguyod sa kapakanan natin. Kung nagbabayad tayo ng tamang buwis at
maagap sa itinakdang panahon ng pagbabayad, natitiyak natin ang tuloy tuloy na
pagpaparating sa mga mamamayan ng kailangang serbisyo at paglilingkod. Ang matapat na
paglilingkod ng mga manggagawang pampubliko at pampribado ay tungkulin din ng bawat
Pilipino. Maipapakita ito sa pamamagitan ng pagpasok sa takdang oras, pagkakaroon ng
mabuting saloobin sa paggawa at pakikipagkapwa at pakikisama sa mabubuting gawain.
Malaki din ang ating pananagutan sa pangangalaga sa mga likas na yaman gaya ng
dagat, bundok, ilog at ang pangunahing sangkap ng kalikasan na nagbibigay buhay at lakas
sa tao, hayop at halaman. Kasabay ng pangangalaga sa ating kalikasan ay ang
pagpapaunlad sa sarili upang maging kapaki-pakinabang tayo sa bansa. Mahalagang tayo
ay maging yaman ng bansa kung kaya’t kailangan nating mag-aral nang mabuti, kumain
nang sapat, at magpahinga sa takdang oras. Ibahagi natin sa iba ang ating kaalaman,
kasanayan, at talino.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng tungkulin?
2. Isa-isahin ang mga tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at ipaliwanag ito.
3. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan kung nagagampanan natin nang maayos
ang ating mga tungkulin?
4. Bilang batang mamamayang Pilipino, paano mo gagampanan ang iyong mga
tungkulin para sa ikauunlad ng
iyong sarili at bansa?
5. Bakit may katapat na tungkulin ang bawat karapatang taglay natin?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Matching Type
Panuto: Isulat sa notbuk ang letra ng tungkuling ipinapahayag ng sitwasyon.
A. Pagmamahal sa bayan

11
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

B. Pagtatanggol sa bansa
C. Paggalang sa watawat
D. Pagsunod sa batas
E. Paggalang sa karapatan ng iba
F. Pakikipagtulungan sa pamahalaan
___1. Masayang nakilahok si Asta sa paglilinis sa harap ng kanilang bahay dahil sa
panawagan ng programang barangay na “Tapat Ko, Linis Ko.”
___2. Pilit na kinukumbinsi ng kaniyang mga kaibigan si Gojo na mangupit sa tindahan ng
kaniyang tiyuhin. Hindi siya pumayag kahit nagalit ang mga ito sa kaniya.
___3. Tuwing Lunes, nagkakaroon ng pagtataas ng watawat sa paaralan nina Megumi.
Habang umaawit, Iniiwasan niyang sagutin ang kaniyang mga kamag-aaral na nais
makipagkuwentuhan sa kaniya bagkus ay buong pagmamalaki siyang tumatayo nang
matuwid at umaawit nang malakas.
___4. Sa tuwing bibili ng sapatos si Kiyoko, lagi niyang pinipili ang mga gawa sa Marikina
kaysa sa mga yari sa Korea dahil ayon sa kanya, bukod sa magaganda at matitibay ang
mga ito ay nakatutulong pa siya sa mga kapuwa kababayan.
___5. Sumama si Kenma sa kaniyang mga magulang sa Hongkong. Nakihalubilo siya sa
mga batang naroon at narinig niyang sinasabi ng isa rito na nakakatakot pumunta sa
Pilipinas. Nilapitan niya ang bata at sinabi niyang hindi totoo ito at may pagmamalaki
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tsek o Ekis
Panuto: Basahin nag bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay tungkulin ng isang
mamamayang Pilipino o hindi. Isulat ang tsek (√) sagutang papel kung tungkulin at ekis
naman (X) kung hindi.
___1. Pagtatanggol sa bansa laban sa naninira dito.
___2. Hindi pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan.
___3. Pakikilahok sa mga programang naglalayong makatulong sa nakararami.
___4. Pagsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas.
___5. Pagsasawalang-bahala sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ipaliwanag mo!


Panuto: Iplaiwanag sa pamamagitan ng maikling talata ang maari mong gawin upang
maipakita ang iyong tungkulin bilang mamamayang Pilipino sa mga sumusunod na
sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Namamasyal kayo ng kaibigan mo sa pampublikong parke sa inyong bayan.
2. Nasunugan ang iyong kapitbahay, walang natira sa kanilang mga gamit.

12
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

3. Nagkaroon ng proyekto ang inyong barangay tungkol sa kalinisan ng kapaligiran.


4. Binigyan ka ng iyong guro ng mga bagong modyul na pag-aaralan at sasagutan.
5. Nagpatupad ng curfew sa inyong barangay upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Gawain sa Pagkatuto 4: Isaisip mo!


Panuto: Talakayin ang kaakibat na tungkulin sa bawat karapatan nasa unang kolum. Isulat
nag iyong sagot sa sagutang papel.

References:
PIVOT Learners Packet Araling Panlipunan 4 Quarter 4

13
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Week 3

Sa araling ito ay matutunan mo ang kahulugan ng karapatan. Ang mga pagsasanay at


halimbawa na ibibigay ay makakatulong sayo sa higit na pagkaunawa sa araling ito. Kaya
pag-aralang mabuti ang bawat aralin at gawin ang bawat gawain.
Kung magagawa mo ito, pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
a. Nasasabi ang kahulugan ng karapatan;
b. Naipaliliwanag ang mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino;
c. Napahahalagahan ang mga karapatan bilang isang mamamayang Pilipino.

Ang Kahulugan ng Karapatan


Mapalad ang mga mamamayan ng isang demokratikong bansa dahil sa mga
karapatan at kalayaang tinatamasa nila. Bilang isang mamamayang Pilipino, mahalagang
malaman ang ating mga karapatan na magsisilbing gabay sa pakitutungo natin sa kapwa at
pakikiisa sa lipunan upang makapamuhay nang malaya at may dignidad. Ang karapatan ay
anumang bagay o paglilingkod na tinatamasa ng isang tao nang naayon sa batas. Ang mga
karapatang ito ay nakasaad sa mga kalipunan ng karapatan sa Artikulo III, Seksyon 1-22 ng
Saligang Batas ng 1987. Ang karapatan ng mamamayan ay nauuri sa tatlo: ang karapatang
likas, ayon sa batas, at konstitusyonal.
Ang karapatang likas ay mga karapatang kaloob ng Diyos gaya ng karapatang
mabuhay, magmahal, magkaroon ng sariling pangalan o pagkakakilanlan. Hindi ito
iginagawad ng pamahalaan o batas. Hindi ito maaring ipagkait ng pamahalaan o ng ibang
mamamayan.
Ang karapatan ayon sa batas ay iginawad at pinangangalagaan ng mga partikular na
batas o kasunduan. Ito ay naiiba dahil maari itong alisin, baguhin, limitahan, o palawakin ng
mga mambabatas ayon sa pagkakataon. Ang mga halimbawa ng mga karapatan ayon sa
batas ay ang karapatan laban sa mapanlinlang na patalastas, karapatan laban sa hindi
maayos na paglilingkod ng mga establisyementong nagbibigay ng paglilingkod sa mga
mamimili.
Ang konstitusyonal na karapatan ay karapatang iginawad at pinangangalagaan ng
konstitusyon o Saligan Batas. Ito ay kilala din natin sa tawag na karapatang pantao na

14
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

napapangkat sa politikal, sibil, panlipunan at pangkabuhayan at karapatan ng nasasakdal.


Napapaloob sa karapatang sibil ang pantay na pangangalaga ng batas sa mg tao pati na rin
sa kalayaan o ari-arian. Halimbawa ng mga karapatang sibil ay karapatang mabuhay,
magsalita at ipahayag ang sarili, di mabilanggo dahil sa pagkakautang, magkaroon ng
tirahan at ariarian, laban sa sapilitang paglilingkod, pantay na proteksyon ng batas,
karapatan sa di-makatwiran pagdakip at paghalughog at karapatan sa mabilis na paglilitis.
Ang karapatang pampulitika naman ay ukol sa pakikipagugnayan ng mga mamamayan sa
bansa o sa pamahalaan ng bansa. Ang mga halimbawa nito ay karapatang bumoto,
karapatan sa pagkamamamayan, magpetisyon, kalayaang magsalita, maglimbag at
magtipun-tipon, bumuo ng samahang di labag sa batas, gumanap ng tungkuling pampubliko
at alamin ang mahahalagng impormasyon ukol sa pamahalaan.
Karapatang panlipunan naman nakapaloob ang pakikitungo ng mga tao sa kanilang
kapwa o sa iba pang mamamayan ng bansa. Ang mga halimbawa nito ay karapatang pumili
ng rehiliyon at lihim na korespondensya at komunikasyon.
Ang karapatang pangkabuhayan ay tungkol sa pagkakaroon ng hanapbuhay o trabaho
ng mga tao upang may mapagkunan ng ikabubuhay. Ang mga halimbawa naman nito ay
ang karapatang pumili ng hanapbuhay, maging ligtas sa kapaligiran at pagawaan,
makinabang sa mga likas na yaman, bayaran nang wasto sa pribadong ari-arian na ginamit
ng pamahalaan, sa edukasyon at sa pagmamay-ari.
Ang karapatan ng nasasakdal ay paggarantiya ng Saligang-Batas sa mga karapatang
nararapat sa isang taong nasasakdal. Ang mga halimbawa nito ay karapatang manahimik o
magsawalang kibo habang sinisiyasat ang kaso, laban sa labis na pagpapahirap, dahas,
pwersa, pananakit, pagbabanta o malayang pagpapasya, magpiyansa, laban sa
pagpapanagot sa pagkakasalang kriminal na hindi sa kaparaanan ng batas at mag matuwid
sa pamamagitan ng sarili at abogado.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa inyong pagkaunawa sa tekstong
binasa sa itaas.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng karapatan?
2. Isa-isahin ang mga uri ng karapatan na tinatamasa ng isang malayang mamamayan.
3. Bakit ang tao ay may taglay na karapatan? Paano nito naaapektuhan ang
pamumuhay ng tao sa lipunan?
4. Sa iyong palagay, magiging higit na matatag ba ang ating bansa kung ang mga tao ay
walang mga
karapatang tinatamasa?
5. Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang mga karapatan mo?
Gawain sa Pagkatuto 1: Matching type
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng pangungusap. Isulat
tamang sagot ng sumusunod:
A. kung ito ay likas na karapatan,
B. karapatang sibil,

15
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

C. karapatang pulitikal,
D. karapatang panlipunan at pangkabuhayan
E. kung karapatan ng nasasakdal.
___1. Binigyan si G. Eren ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kaniyang
kaso.
___2. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Yuki na bumoto sa kanilang lalawigan.
___3. Hindi pinigil ng kaniyang ama si Annie na sumapi sa relihiyon ng kaniyang
napangasawa.
___4. Nasunod ang pangarap ni Emma na maging guro.
___5. Ibinigay ng pamilya Mendoza kay Armin ang pagmamahal na kailangan niya.

Gawain sa Pagkatuto 2: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad sa sitwasyon ay tama at M kung mali.
_____1. Karapatan ng bata ang maglaro kaya maaari siyang maglaro kahit anong oras niya
gusto.
_____2. Karapatan ng bata ang mag-aral kaya kailangan niyang mag-aral nang mabuti.
_____3. Karapatan ng batang alagaan ng kaniyang mga magulang kaya dapat ding suklian
sila ng pagmamahal.
_____4. Karapatan ng batang ipahayag ang kaniyang saloobin kaya maaaring sabihin ng
mga anak ang lahat ng nais nilang sabihin sa anumang paraan.
_____5. Karapatan ng bata na maging malusog kaya maaari siyang kumain ng lahat ng nais
niyang kainin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Linangin mo!


Panuto: Isa-isahin ang mga halimbawa ng karapatang nasa loob ng kahon ayon sa uri nito.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel gamit ang talahanayan sa ibaba.

Karapatang mabuhay Karapatang ipahayag ang sarili


Karapatang bumoto Karapatang pumili ng relihiyon
Karapatan sa pagmamay-ari Karapatang maging malusog
Karapatang makatanggap ng minimum wage Karapatang mahalin at alagaan ng magulang
References:
Karapatang magkaroon ng pagkakakilanlan Karapatang isilang
PIVOT Learners Packet Araling Panlipunan 4 Quarter 4

16
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Karapatang Likas Karapatang Ayon sa Batas Karapatang Konstitusyunal

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Venn Diagram


Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong uri ng karapatan; likas, ayon sa
batas at konstitusyunal gamit ang Venn Diagram sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

References:
PIVOT Learners Packet Araling Panlipunan 4 Quarter 4

17
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Week 4-5

Sa araling ito ay iyong matutuklasan ang mga detalye tungkol sa mga gawaing
lumilinang sa kagalingang pansibiko
Kaya bilang mag- aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang kahulugang pansibiko at ang mga gawaing lumilinang sa kagalingang
pansibiko
b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng gawaing pansibiko
c. Napahahalagahan ang mga gawaing lumilinang sa kagalingang pansibiko

Kahulugan ng Kagalingang Pansibiko


Kagalingang Pansibiko
• Isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may
pananagutan sila sa kanilang kapwa.
• Mga gawaing pansibiko ay mga pagkilos at paglilingkod sa iba na kusang inihahandog ng
indibiduwal.
• Sakop ng kagalingang pansibiko ang mga pangangailangan sa edukasyon, kalikasan,
hanapbuhay, at iba pa na pinagtutulungan ng mga mamamayang matugunan nang may
pagkukusa at walang inaasahang kapalit.
Mga Gawain at Epekto ng Gawaing Pansibiko
Gawain na maaaring iayon sa kakayahan ng indibidwal na tulad mo na batang Pilipino
• Magalang na pakikipag-usap sa matatanda
• Paggabay sa paglalakad sa mga may kapansanan
• Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran
• Pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad

18
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

• Pagsunod sa mga batas ng iyong munisipyo


• Pagpapalabas o pagtulong sa mga pagtatanghal na pampubliko ay isa pang gawain.
• Pagtulong ng batang iskawt sa pamamahala sa trapiko

Gawain na naaayon sa kakayahan ng grupo o kasapi ng isang organisasyon


• Samahan ng mga kabataan para sa kapakanan ng mga hayop at kalikasan
• Samahan para sa kapakanan ng mga katutubong Pilipino.
Gawaing pansibiko na sinasalihan ng mga nakatatanda
• Mga programa at proyekto sa literasi.
• Mga proyektong may kinalaman sa pampalakasangaya ng pagbuo ng mga liga, pagtuturo
ng isports, at pagbibigay ng pasilidad.
• Maaring pagtuunan ng pansin ang usapin sa pera at kabuhayan sa pamamagitan ng
pagbuo o ng mga kooperatiba.
• Sumali sa paggawa ng mga lokal na produkto, o magtinda ng mga ito.
Sa kabuuan, maaring tingnan sa dalawang mukha ang naidudulot ng gawaing
pansibiko. Una, ang pagbibigay ngkagyat na lunas. Dahil sa mga mamamayang
nagkukusang-loob na tumugon sa panahon ng kagipitan, nagiging mabilis ang proseso ng
pag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, pagsagip ng buhay kapag may
aksidente, at pagbibigay ng agarang lunas sa mga nakararanas ng gutom at sakit.
Pangalawa, ang pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto. Mga
programang tulad ng pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga kabataan, programang pang
literasi sa mga di nakapag-aral, at pangkabuhayan para sa mga grupong etniko ang ilang
halimbawa nito. Nangyayari ito sa mahabang panahon kung saan ang resultang
matatamasa ay panghabambuhay. Sa pangalawang mukha na ito ng kagalingang pansibiko
nabibigyang-solusyon ang mga suliraning panlipunan tulad ng kamangmangan at kahirapan.
Pamprosesong Tanong: (Maglagay ng paano at bakit)
1. Ano ang ibig sabihin ng kagalingang pansibiko?
2. Anong uri ng gawaing pansibiko ang maaaring gawin ng mga batang tulad ninyo?
3. Bakit mahalaga ang mga gawaing pansibiko sa ating lipunan?
4. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang mga gawaing pansibiko?
5. Ipaliwanag ang pangmahabang-panahong dulot o epekto ng gawaing pansibiko sa
ating bansa.
6. Bilang isang batang mag-aaral, paano mo pahalagahan ang mga gawaing
pansibiko sa inyong lugar?

19
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ipaliwanag mo!


Panuto: Ipaliwanag ang magandang maidudulot sa lipunan ng mga sumusunod na gawaing
pansibiko. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel
1. Ang Supreme Pupil Government sa inyong paaralan ay magkakaroon ng”Clean up Drive”
sa mga kalye na nakapaligid sa inyong paaralan.
2. Nagpapadala ng donasyong de lata, noodles at mga maayos na lumang damit ang inyong
paaralan para ipamigay sa mga kapwa niyo mag-aaral na nasunugan.
3. Magkaroon ng pagtitipon sa inyong barangay tungkol sa tamang paghihiwalay ng mga
basura para maisagawa ito ng mga kabataan sa kanya-kanyang bahay
4. Ang pamunuan ng YES-O sa inyong paaralan ay nanghihikayat sa mga mag-aaral na
gumawa ng slogan tungkol sa pangangalaga sa kalikasan para ipaskil ito sa mga lugar na
nakapaligid sa paaralan.
5. Maraming mga kababayan natin ang nagtayo ng Community Pantry sa kani-kanilang
lugar. Ano ang magandang naidulot nito sa lipunan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tsek o Ekis


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pahayag ay may kinalaman sa kagalingang
pansibiko at ekis (X) naman kung wala.
_____1. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan
_____2. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods
_____3. Pagtitinda upang kumita
_____4. Pagpapakain sa mga batang lansangan
_____5. Paglalaan ng oras sa bahay-ampunan
_____6. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada
_____7. Panonood ng sine
_____8. Panlilibre sa barkada
_____9. Pagbebenta ng tiket para sa isang benefit show
_____10. Pagsusulat sa diyaryo hinggil sa usong damit

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Wasto o Di Wasto


Panuto: Isulat ang Wasto kung ang isinasaad sa sitwasyon ay tama at Di Wasto kung mali.

20
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

_______1. Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan.
_______2. Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng
pakikipagkapuwa.
_______3. Ang civic welfare o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang
makakamit at mararanasan ng mga mamamayan.
_______4. Sa pamamagitan ng gawaing pansibiko, nagiging tamad na ang ibang tao at
umaasa sa tulong ng iba.
_______5. Ang gawaing pansibiko ay mga pagkilos at paglilingkod sa iba na kusang
inihahandog ng indibiduwal

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Linangin mo!


Panuto: Basahin at unawaiin ang bawat sitwasyon. Ipaliwanag ang mga gawain na lilinang
sa gawaing pansibiko
.

References:
PIVOT Learners Packet Araling Panlipunan 4 Quarter 4

21
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Week 6

Sa nakaraang aralin, inilalarawan ang kahulugan at kahalagahan ng kagalingan


pansibiko. Ang kagalingan pansibiko ay natatamo kung ang bawat mamamayan ay
gumagawa lamang ng mga gawaing makabuluhan. Iyon ay mga gawaing nakapagpapabuti
at nakapagpapaunlad hindi lamang sa sarili kundi maging sa lipunan at sa kabuuan ng
bansa. Nagkakaroon din ng kagalingan pansibiko kung ang pagpapasiya at proyekto ng
pamahalaan ay laging nakatuon sa bawat mamamayan sa maraming larangan tulad ng
kalusugan, edukasyon, kabuhayan at moralidad
Kaya bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
a. Naiisa-isa ang mga gawain ng kagalingan pansibiko.
b. Nasususuri ang mga gawaing pansibiko sa ating bansa.
c. Naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng gawaing pansibiko sa ating bansa.

Epekto ng Gawaing Pansibiko sa Bansa


May iba’t ibang uri ng gawaing pansibiko. Maaari itong iayon sa kakayahan ng
indibiduwal o grupo. Sa mga batang tulad mo, ang gawaing pansibiko ay makikita sa payak
na paggawa ng kabutihan. Halimbawa ay ang magalang na pakikipag-usap sa matatanda,
paggabay sa paglalakad sa mga may kapansanan, at pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran.
Ang pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad at ng ating bansa ay halimbawa rin
ng gawaing pansibiko na maaari mo nang umpisahan ngayon pa lamang. Ang pagsunod sa
mga batas ng iyong munisipyo at maging ng ating bansa ay isa pang paraan. Ang
pagpapalabas o pagtulong sa mga pagtatanghal na pampubliko ay isa pang gawain. Maging
ang pagtulong sa pamamahala sa trapiko ng mga batang iskawt ay isa ring gawaing
pansibiko.
May mga gawaing pansibiko rin na maaaring gampanan bilang grupo o bilang kasapi
ng isang organisasyon. Ilang halimbawa ay sa samahan ng mga kabataan para sa

22
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

kapakanan ng mga hayop at kalikasan at samahan para sa kapakanan ng mga katutubong


Pilipino.
Maaaring malawak ang sakop at pangmatagalan ang gawaing pansibiko na
sinasalihan lalo na ng nakatatanda. Ilang halimbawa nito ay mga programa at proyekto sa
literasi at mga proyektong may kinalaman sa pampalakasan gaya ng pagbuo ng mga liga,
pagtuturo ng isports, at pagbibigay ng pasilidad. Gayundin, maaaring pagtuunan ng pansin
ang usapin sa pera at kabuhayan. Maaaring bumuo ng mga kooperatiba, sumali sa
paggawa ng mga lokal na produkto, o magtinda ng mga ito.
Sa kabuuan, maaaring tingnan sa dalawang mukha ang naidudulot ng gawaing
pansibiko. Una, ang pagbibigay ng kagyat na lunas. Dahil sa mga mamamayang
nagkukusang-loob na tumugon sa panahon ng kagipitan, nagiging mabilis ang proseso ng
pag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, pagsagip ng buhay kapag may
aksidente, at pagbibigay ng agarang lunas sa mga nakararanas ng gutom at sakit.
Pangalawa, ang pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto. Mga
programang tulad ng pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga kabataan, programang
pangliterasi sa mga di nakapag-aral, at pangkabuhayan para sa mga grupong etniko ang
ilang halimbawa nito. Nangyayari ito sa mahabang panahon kung saan ang resultang
matatamasa ay panghabambuhay.
May iba’t ibang uri ng gawaing pansibiko. Maaari itong gampanan ng sinuman, bata
man o matanda, batay sa kaniyang kakayahan.
Mahalaga ang kagalingang pansibiko. Dahil tinitiyak nitong ang bawat mamamayan
ay nabubuhay nang matiwasay at payapa. Higit na mapadadali ang serbisyo publiko kung
ang bawat isa ay handa sa paglilingkod at pagtulong. Mas malawak ang maaabot ng mga
ahensiyang pampamahalaan kung magsasama-sama ang mga institusyong binubuo ng mga
indibidwal na ang motibo ay mapahusay ang kalagayan ng lahat.
Pamprosesong tanong:.
1. Ano-anong uri ng gawaing pansibiko ang maaaring gawin ng mga;
a. batang tulad mo
b. nakatatanda
2. Ano-ano ang maaaring mgandang naidulot ng kagalingan pansibiko sa ating bansa?
3. Ano ang kaugnayan ng pakikipag-kapwa tao sa gawaing pansibiko?
4. Paano natatamo ang kagalingang pansibiko?
5. Bilang mag-aaral, sa anong paraan mo maipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa?
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 1: Tsek o Ekis
Panuto: Suriin ang pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagpapahayag ng
pagpapahalaga sa
kagalingang pansibiko at ekis (X)kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel
_______1. Lumilikha ng maraming hanapbuhay ang pagtangkilik sa sariling
produkto.

23
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

________2. Nakakapagtibay ng katawan ang pag-inom ng softdrink.


________3. Nakakabuti sa kapaligiran ang quarrying.
________4. Pinangangalagaan ang kapaligiran.
________5. Nagbibigay ng dugo si Alice sa Red Cross

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 2: PS o DS


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang PS kung ito ay
nag papakita ng kagalingang pansibiko at DS kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.
2. Pag-aaral nang mabuti.
3. Pagtatapon ng basura kahit saang lugar.
4. Pagtitinda ng mga laruan.
5. Pagpapakain sa mga batang kulang sa timbang
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 3: Tukuyin mo!
Isulat sa notbuk ang letra ng gawaing pansibikong inilalarawan sa bawat pahayag.
A – Kalikasan C – Pampalakasan B – Kalusugan D – Edukasyon
____1. Pagsasagawa ng palihan sa pagpipinta ng mga batang lansangan
____2. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak na labi
____3. Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay
____4. Pagpunta sa komunidad ng mga Mangyan upang maranasan ang pang-araw-araw
nilang pamumuhay at makatulong sa kanila
____5. Pagsama sa pagtatanim ng maliliit na puno sa Sierra Madre

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 4: Tayahin


Panuto: Gumawa ng dalawang kolum sa iyong sagutang papel. Isulat sa unang kolum ang
mga payak na gawaing pansibiko ng isang batang tulad mo at sa pangalawang kolum ay
gawaing pansibiko na maaaring gampanan bilang grupo o bilang kasapi ng isang
organisasyon.

24
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

References:
PIVOT Learners Packet Araling Panlipunan 4 Quarter 4

25
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Week 8

Natunghayan mo ang kabuuang konsepto ng kagalingang pansibiko.


Nalaman mo na napakahalaga nito sa mas nakararaming mamamayan sa lipunan. Pag-
aralan mo naman ngayon ang ambag nito sa kaunlaran ng ating bayan. Binubuo ang isang
lipunan ng bawat tao o indibiduwal. Inaasahan siyang maging mabuting mamamayan –
pumapaloob sa mga institusyon sa lipunan, sumusunod sa mga batas na ipinatutupad, at
nagaambag para sa higit na pag-unlad ng lipunan.
Sa araling ito ay iyong malalaman ang bahaging ginagampanan ng mga
mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.
Kaya bilang isang mag-aaral inaasahang:
a. Naiisa-isa ang mga gawain sa pagtataguyod ng mga mamamayan sa kaunlaran ng bansa
b. Naipaliliwanag kung paano itinataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng bansa
c. Nabibigyang halaga ang bahaging ginagampanan ng tagapagtaguyod ng kaunlaran ng
bansa

Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Kaunlaran ng Bansa


Ang kaunlaran ng bansa ay nakabatay sa kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo
nito o naninirahan dito. Itinuturing na maunlad ang isang bansa kung pantay-pantay ang
pagturing sa mamamayan at maayos ang pagpapatakbo ng lipunan. Kung pantay ang turing
sa lahat, walang aabuso sa karapatan at kapangyarihan. Wala ring mapag-iiwanan ng mga
yaman at benepisyo na kadalasang sanhi ng krimen na malaking hadlang sa pagbabago at
pag-unlad. Kaalinsabay nito, ang kaunlaran ng bansa ay maibabatay sa kakanyahan nitong
guminhawa ang pamumuhay mula sa kahirapan tungo sa kasarinlan ng bawat isa. Isa pang
katangian ng maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng angkop at sapat na serbisyong
panlipunan. Liban sa edukasyon, pabahay, kalusugan, segurIdad, komunikasyon, at
transportasyon, mahusay na rin na makapagtalaga ang pamahalaan ng mga ahensiyang
tutugon sa pangmabilisan at natatanging pangangailangan ng mga mamamayan sa isang
takdang panahon. Maunlad ang bansa kung ang mga serbisyong ito ay naipatutupad at
naipaaabot sa nakararaming bilang ng mamamayan.
Gawain ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Maunlad na Lipunan

26
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Itinataguyod ng mga mamamayan ang maunlad na lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain gaya ng:
➢ Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan

Binubuo ang lipunan ng mga indibidwal. Makabubuting linangin ng bawat isa ang sariling
kakayahan at talent hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa bayan.

➢ Pagiging produktibo

Maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling pangangailangan at


makatulong sa iba. Hindi kailangang umamot palagi ng awa, mamalimos, o umasa sa iba
upang makamit ang kasaganahan. Kung ang bawat isa ay marunong humanap ng sariling
pagkakakitaan, magiging madali ang pag-unlad ng bayan. Ang mga mamamayan na
nakatutulong o kapaki-pakinabang sa kaniyang tahanan, pamayanan, at sa bansa ay
tinatawag na produktibong mamamayan. Ang mga sumusunod ay katangian ng
produktibong mamamayan:
• May tamang saloobin sa paggawa
Ang wastong saloobin sa paggawa ay dapat itanim sa isipan habang bata pa.
Naipamamalas ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan,
pagkamalikhain, kaayusan, katapatan, pagpasok sa tamang oras, at pakikiisa at
pakikipagkapuwa-tao.
• May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa
Upang ang isang tao ay makagawa nang mahusay, napakahalaga na siya ay nakapag-aral
at nagkaroon ng ibayong pagsasanay at mga pagsubok sa kaniyang napiling gawain.
• Pagiging malusog
Upang maging kapaki-pakinabang, mahalagang magkaroon ng magandang pananaw sa
buhay at malusog na pangangatawan. Bunga nito, madali kang makapag-iisip ng mga ideya
at makagagawa nang maayos at may kagalingan.
• Matalinong mamimili
Ang matalinong mamimili ay nagpaplano ng mga bibilhin nang sa gayon ay makatipid sa
oras. Uunahin niya yaong mga mahahalagang kailangan bago ang luho. Siya rin ay
mapanuri sa kalidad at kondisyon ng produktong kanyang bibilhin. Isinasagawa niya ang
pagiging matipid. Inaalam niya kung kailan ang panahong mababa ang presyo ng bilihin at
pumipilli ng mura at may kalidad na produkto.
• Tinatangkilik ang sariling produkto
Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay malaking tulong upang umangat ang ating kapuwa
Pilipino at buong bansa.
• Ginagamit nang wasto ang mga kalakal at paglilingkod
Dapat ingatan at gamitin ng mga mamamayan sa wastong paraan ang lahat ng mga
produkto at serbisyong kanilang tinatamasa upang ito ay tumagal at mapakinabangan nang
maayos.
• Nagtitipid sa enerhiya

27
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Tiyakin na laging nakapatay ang mga ilaw at de-kuryenteng kagamitan kung hindi ginagamit.
At gumamit ng energy saving na mga ilaw gaya ng compact fluorescent lamps (CFL) o light
emitting diodes (LED).
• Muling ginagamit ang mga patapong bagay
Ang pagre-recyle ay isang paraan upang magamit na muli ang mga bagay na patapon
ngunit maaari pang mapakinabangan.
➢ Pagmamahal sa bansa at sa kapwa Pilipino
Ang pagtutulungan ay susi sa kaunlaran, kung ang bawat Plipino ay magtutulungan at hindi
maglalamangan, magiging masagana ang ating bayan.

➢ Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain ng pamahalaan

Pinamamahalaan at pinamumunuan ng mga kabilang sa pamahalaan ang kabang bayan,


polisiya, at iba pang mga benepisyo para sa bayan. Marapat lang na tiyaking tapat at
mahusay ang ating mga pinuno nang sa gayon ay maging maayos ang takbo ng ating
lipunan.

➢ Pagsunod sa mga batas

Binuo ang mga batas upang pangalagaan ang ating kapakanan, buhay at ari-arian. Marapat
na sundin ito sa ikatatahimik, sagana, at maayos na paninirahan sa ating bayan.

➢ Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi

Marapat na pangalagaan ang kapaligiran dahil inihahandog nito ang lahat ng batayang
pangangailangan upang mabuhay ang tao. Ang ating pamanang lahi ay ating
pagkakakilanlan at tayo ay tagataguyod ng pambansang dangal at kasaysayan.

➢ Pag-iingat sa pampublikong gamit at lugar

Pangalagaan ang mga gusali at imprastruktura tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan, at
ospital na galling sa pagsisikap sa trabaho at pagpupunyagi sa kabuhayan ng mga Pilipino.
Bilang mga paraan sa pag-unlad ng ekonomiya at kabuhayan, pag-ingatan ang mga ito at
iwasan ang maling paggamit at kapabayaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tsek o Ekis
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung nagsasaad ng pagiging
maunlad ng isang bansa at ekis (x) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
___1. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.
___2. Masaya ang nakararaming mamamayan sa nanunungkulan sa pamahalaan.
___3. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa.
___4. Naabuso ang mga likas na yaman.
___5. Laganap ang rebelyon at krimen sa lalawigan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bituin o Buwan

28
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

Lagyan ng bituin ang mga pahayag na nakatutulong sa pagunlad ng sarili o ng bansa at


Buwan naman kung hindi

______1. Nagsasanay nang mabuti si Jin sa paglangoy upang makasali sa pambansang


koponan.
______2. Madalang mamasyal sa parke si Jimin dahil tumutulong siya sa tindahan ng
kaniyang tiyahin.
______3. Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si Mang Namjun.
______4. Bata pa lamang si Jungkook ay sakitin na.
______5. Mahilig makipagkwentuhan si Aling Suga. Pati paghahanda ng pananghalian ay
nalilimutan niya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: HEPHEP O HOORAY
Isulat ang Salitang HOORAY kung ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging
maunlad ng isang bansa. Isulat ang HEPHEP kung hindi.

__________1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa


ibang bansa.

__________2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.

__________3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho.

__________4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunungkulan sa pamahalaan.

__________5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.

__________6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.

__________7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa.

__________8. Naaabuso ang mga likas na yaman.

__________9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas.

__________10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isaisip mo!


Panuto: Isulat sa tsart ang kahalagahan ng mga gawain ng mga mamamayan sa
pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

29
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

References:
PIVOT Learners Packet Araling Panlipunan 4 Quarter 4

30
Araling Panlipunan 4 – Gabay sa Asignatura

31

You might also like