EDUKh ASYON

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY Kolehiyo Ng Edukasyon Akademikong Taon 2010-2011

EDUKhASYON
REGALA Cris, ROMANO Rayniel Rex, DELA ROSA Jazel Dee, TARAYAO Jaymie, TORNO Jasmin mula sa I-A, College of Education sa patnubay ni Ginoong Redentor Baez Panimula: Minsan ang Pilipinas ang nagiging puntahan ng mga dayuhan upang mag-aral dito, dahil noon isa tayo sa mayroong pinakamangandang sistema ng edukasyon sa buong asya. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unting bumabagsak ang estado ng edukasyon dito sa Pilipinas. Ang karaninwang nagiging sanhi ng pagbaksak na ito ay dulot ng mababang uri ng ekonomoniya, hindi sapat na tulong pinansyal sa gobyerno sa mga pangpublikong paaralan at mabilis na paglobo ng populasyon. Pinalala pa ng koruption at hindi magandang pamumuno ng awtoridad. Ang mga pangunahing sanhi na ito ay nagbubunga na mababang kalidad at hindi epektibong guro, kakulangan ng mga guro na mgaturo sa primary, sekondarya, at tersaryang akademiko, kakulangan ng mga silid aralan, libro at pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na hindi nakakapagtapos ng pag-aaral(mga drop outs). Ang edukasyon ang nagiging batayan upang masukat ang kasanayan ng isang indibidual. Sa pamamgitan nito natututo tayong maging progresibo, produktibo, at malikhain. Sa ating modernong panahon sumasabay ang pagbaba ng sistema ng edukasyon sa ating bansa. Dahilan dito masasalaminang hindi istablishadong ekonomiya at kakulangan ng mga propesyunal na mag-aangat sa edukasyon ng ating bansa. Ang pamanahong papel na ito ay tiyak na magbibigay sa mga mambabsa ng kaalaman ukol sa mga salik at dahilan ng pagbaba ng edukasyon sa Pilipinas. Ito rin ay magiging instrumento upang kumatok at gisingin ang gobyerno natin sa mga hinaing ng Simpleng JUAN DELA CRUZ. Layunin: Nais makamit ng pag-aaral na ito ang paglalahad ng mga pangunahing impormasyon sa estadong akademikong Pilipino. Magbigay ng mga suhestyon at solusyon sa paksang nabangit. At magbigay ng kaukulang paalala sa lahat ng mga mambabasa.

I.

Mga Kaugnay na Babasahin o Literatura A. Kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas Ayon sa Servey simula noong 1970 hanggang sa kasalukuyan tumatayang 10% ng mga batang dapat ay nasa elementarya ang walang promal na edukasyon. (www.fnf.org.ph) Sa 1000 na pumapasok sa Grade 1; 312 sa mga iuto ang hindi makakyari bago umabot ng ikanim na baiting. Tumatayang 249 naman ang makakyari ng Primaryang edukasyon(elementarya) sa loob ng 9.6 na taon. At 493 naman ang makakayari ng grade 1 hanggang grade 6 ng hindi umuulit. Ngunit 7 lamang ditto ang may 75% na grado sa English, Math, and Science sa achievement test.( www.manilatimes.net) Sa 100 estudyante ng grade 1 86 lamang sa mga ito ang papasok sa grade 2 pagdating nga grade 4; 76 na lng ang manantili sa eskwelahan, pagdating ng grade 6; 67 lamang ang mageenroll at sa 67 na iyon 65 lamang ang gagradweyt (www.manilatimes.net) Sa bawat 10 na mag aaral ng elementary 6 lang dito ang mag hahayskul at 4 lamang ang papasok sa kolehiyo (www.edunewsph.info) Ayon sa servey ang Department of education ang isa sa pinaka corrupt na ahensiya(Lahad, 2008) Ratio ng mga kabataang wala sa paaralan (DepEd) 2004 3 out of 10 2005 4 out of 10 2006 4 out of 10 2007 6 out of 10 2008 6 out of 10 Pagdating sa agham nasa ika 41st na puwesto ang pilipinas, samantalang nasa 42nd namn pagdating sa matematika.(Pulse Asia) 3.8 million na mga Pilipino ang tinatawag na illiterate at 9.2 million naman ang hindi nga illiterate ngunit kulang pa rin ang kaalaman. (SWS, 2009) Sa 1000 papasok ng unang taon sa mataas na paaralan(high school), 389 ang hindi magtatagal at iiwan ang paaralan; 353 ang makakyari ng high school san g 6.7 na taon at 248 lang ang makakapagtapos ng hing umuulit. ( www.manilatimes.net)

B. Mga salik at dahilan ng pagbaba ng akademikong Pilipino Isa sa obligasyon ng ating mga magulang ay bigyan tayo ng maayos na edukasyon. Ngunit sa patuloy na pagtaas ng populason ay limitado na lamang ang mga nakakapag-aral. Isa sa mga salik ng pagbabang akademikong Pilipino ay mga mababang estado ng ating ekonomiya na nakakaimpluwensiya sa pag-angat ng ating bansa lubos na natatamaan nito ang edukasyon sa Pilipinas. Pangalawa, kakulangan tulong pinansyal sa gobyerno para sa mga pampublikong paaralan, mga hindi epektibong guro, kakulangan ng bilang ng mga guro na magtuturo sa lahat ng antas ng pag-aaral at kakulangan sa pampublikong silid-aralan. Ang mga iresponsableng magulang rin ang kalimitang dahilan kung bakit hindi nakakapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Maging ang korapsyon at maling pamamalakad ng gobyerno ay mga salik din sa pagbaba ng sistema ng edukasyon sa bayan ni Juan.( Ang-Sistema-Ng-Edukasyon-Sa-Pilipinas; bulatlat.com) C. Mga karaniwang problem sa isang pampublikong paaralan sa Pilipinas Ang mga bagay na ating natutunan ay ngsisimula sa ating mga tahanan. Ngunit hindi nayayari o nagtatapos lamang ang mga ito sa tahanan dapat ay ipagpatuloy at linangin natin ito sa paaralan. Ano nga ba ang mga kalimitang problema ng ating mga paaralan sa Pilipinas? Ang mga sumusunod ay mga problema ng isang pampublikong paaralan sa pilipnas. Overcrowded Classrooms Sa problemang ito ay pinapakita ang mas maraming mag-aaral kumpara sa mga silid-aralan ng kanilang papasukan. Kalimitang ang pagkakaroon ng masikip na silid-aralan ang nakakaapekto sa konsentrasyon at pagkawal ng pokus ng mga guro sa pagtuturo. Lack of School Facilities Sa bi sa ingles Home sweet Home, kaya dapat ang paaralan ay ihahalintulad sa bahay kung saan komportable ang mga estudyante. Mayroong dapat sapat na silya at lamesa para sa guro at mga mga-aaral. Mayroon din dapat, sapat na bentelasyon sa hangin, tubig, at ilaw sa bawat silid aralan. At ang pinaka kailangan ng mga estudyante na dapat ay hindi mawawala ay ang palikuran. Idagdag pa ang pagkaing itinitinda sa School Canteen na minsan ay kulang sa nutrisyong kailangan ng mga mag-aaral.

Ratio of Books Kalimitang nagiging problema ng mga estudyante at guro ang kakulangan sa mga libro sa paaralan. Dito sa Pilipinas ang madalas na eksena sa mga estudyante ay nag uunahan sa ilang mga libro sa paaralan. Limitado ang nakakaroon ng maayos na pag-aaral.

In competitive Teachers Kung paano matututo ang isang bata ay naka salalay kung anong teaching strategies ng guro. Dapat lamang maging epektib at kreatib ang isang guro upang makuha ang atensyon ng kangyang mag-aaral. Ditto sa Pilipinas karaniwang problema ng mga estudyante ay ang mga gurong kulang ang kaalaman sa pagtuturo. Minsan hinahayaan ng mga guro na mag-aral ng mag-isa ang mga bata, kaya minsan kulang ang natutunan ng mga mag-aaral, wala kasing patnubay ng mga guro. Isa pang dahilan ang pagiging tamad ng mga guro sa pagtuturo madalas ay hindi nila sinusunod ang nakasulat sa lesson plan. (www.philstar.com/Article)

You might also like