Pagbasa at Pagsuri 11 Q3 Worksheet 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGBASA AT PAGSURI TUNGO SA PANANALIKSIK Q3 WORKSHEET 1

Pangalan: Baitang at Seksyon:

I. Isulat kung anong uri ng pagbasa ang tinutukoy sa bawat bilang.


1. Ito ay detalyadong pagsusuri ng isang teskto.
2. Pagkuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
3. Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinatakda bago bumasa.
4. Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto
5. Kinapapalooban ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng
mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
II. Tukuyin kung anong antas ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.
6. Nakita ni Mayen na Espanyol ang aklat kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa.
7. Inalam ni Anna ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa kuwentong nabasa noon.
8. Galit ang naramdaman ni Brian nang mabasa ang balita tungkol sa krimen sa kanila.
9. Sumasangguni si Nanay sa cookbook upang mas mapasarap ang kaniyang mga lutuin.
10.Inunawa niya ang pinabasa ng guro para makasagot sa pagsusulit.
11.Iniugnay ni David ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan.
12. Hinanap ni Aira ang pangalan ng may-akda para makasagot sa exam.
13. Naintindihan ni Janine ang kanyang personality matapos basahin ang aklat ni Dr. Smith.
14. Tinuturuan si Joy na magbasa sa kanyang unang baitang sa San Jose Elementary School.
15. Inalam ni Sheila kung tungkol saan ang teksto na nakasulat sa papel na bigay ng guro.

III. Magbigay ng sariling karanasan bilang halimbawa sa apat na antas ng pagbasa.

Antas Karanasan o Halimbawa


1. Primarya

2. Mapagsiyasat

3. Analitikal

4. Sintopikal

You might also like