Filipino 8: Gawaing Pagkatuto 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

FILIPINO 8

GAWAING PAGKATUTO 1
(LEARNING ACTIVITY SHEET 1)
Kwarter 4
Filipino – Baitang 8
Kwarter 4 – Gawaing Pagkatuto 1:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat:

Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza

Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto

Nagsaayos ng Pahina: Oliver D. Merciales at Ivy Jean A. Panotes

PANGALAN: _______________________________

1
ASIGNATURA: ______________________ ANTAS: _____________
PETSA: ____________________

Aralin 1: Florante at Laura

I.Panimulang Konsepto

Ang Obra Maestrang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas”


Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Ito ay
alay niya sa ating bayan at sa kanyang iniirog.

Sa araling ito, pag-aaralan natin ang tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng


Florante at Laura.

Handa ka na ba sa bagong aralin?

Halika, simulan na natin.

II.Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa araling ito, inaasahan na nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng


Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda. ( F8PN-
IVab-33)

Alamin Natin!

Ang pahiwatig ay tumutukoy sa hindi tuwirang pagpapahayag sa isang bagay,


ideya, o saloobin.

Sa araling ito, ating alamin kung ano anong mga pahiwatig ang makikita o
mababasa sa Florante at Laura at ating tutukuyin kung ano ang kahalagahan nito.
Ang mga pahiwatig na ating ilalahad sa araling ito ay hango sa buong akda ng
Florante at Laura.

Panimulang Gawain

Panuto: Tukuyin kung ano ang kahulugan ng mga pahiwatig.

2
_______ 1. Gumamit siya ng alegorya sa pagsulat.
a. Paraan ng kanyang pagsulat upang maitago ang mga mensahe at
simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa sa pagmamalabis ng mga
Espanyol.
b. Ito ang kaniyang ginamit pang-sulat.
c. Paraan niya upang maipahayag ang kaniyang suporta sa mga Espanyol
d. Ito ang kaniyang naging paraan para mapansin siya ng mga Espanyol.
_______ 2. Ginapos si Florante sa mapanglaw na gubat
a. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
b. Madilim na gubat sa bansa
c. Kaparusahan sa isang lumapastangan
d. Gawain ng mga kriminal

_______ 3. Gumamit sila ng armas na Kris at Tabak.


a. Ginamit sa pakikipagkasundo
b. Ginamit sa pakikibaka/digmaan
c. Paraan upang maipagtanggol ang sarili/bayan
d. Paraan ng kanilang pagtuligsa sa pamahalaan

_______ 4. Kapit bisig sa pakikipaglaban.


a. Kanya-kanyang pakikibaka
b. Walang pagkakaisa
c. Tulong-tulong sa bawat laban
d. Pagpapakita ng kaduwagan

_______ 5. Patuloy na lumiliyag.


a. Patuloy na nakikipaglaban
b. Patuloy na sumusuporta
c. Patuloy na kasakiman
d. Patuloy na umiibig/nagmamahal

Mahusay! Natukoy mo ang kahulugan ng mga pahiwatig sa akda.

Pagsusuri at Abstraksiyon

Panuto: Sagutin/ipaliwanag ang bawat pahiwatig ng mga saknong at kahalagahan


ng pag-aaral nito na hango sa akda. Ang nasa unang bilang ay ginawa na para
sainyo.

3
Saknong Pahiwatig Paghihinuha sa kahalagahan
ng Pag-aaral ng Florante at
laura
“Kung pagsaulan kong Sobrang mahal ni Maaaring ipakita sa
basahin sa isip Balagtas si Selya sa Florante at Laura kung gaano
Ang nakaraang araw ng pag- puntong si Selya nangingibabaw ang
ibig, lamang ang iniisip pagmamahal ni Florante kay
May mahahagilap kayang niya kapag naiisip Laura na maaaring
nakatitik niya ang maging gabay ng mga
Liban kay Selyang pagmamahal kabataan ngayon
namugad sa dibdib”
1. “O pagsintang labis na

makapangyarihan,
Sampung mag-aama‟y iyong
nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso
ninuman,
Hahamaking lahat, masunod ka
lamang.”

2. “Datapwa‟t sino ang


tatarok kaya,
Sa mahal mong lihim Diyos na
dakila,
Walang mangyayari sa balat ng
lupa,
Di may kagalingang iyong
ninanasa”
3. “Halina, Laura‟t aking
kailangan,
Ngayon ang lingap mo nang
naunang araw;
Ngayong hinihingi ang iyong
pagdamay ,
Ang abang sinta mo‟y nasa
kamatayan.”
4. “Sa loob at labas ng
bayan kong sawi,
Kaliluha‟y siyang
nangyayaring hari,
Kagalinga‟t bait ay
nalulugami, Ininis sa hukay
ng dusa‟t pighati.”

5. “Ipinahahayag ng
pananamit mo,
Taga-Albanya ka at
ako‟y Pers‟yano,
Ikaw ay kaaway ng

4
baya‟t sekta ko, Sa
lagay mo ngayo‟y
magkatoto
tayo”

Binabati kita! Naipaliwanag mo ang mga pahiwatig at nahinuha


mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.
Paglalapat
Panuto: Ipaliwanag ang bawat pahiwatig ng saknong at kahalagahan nito sa
pagaaral ng Florante at Laura.
Saknong Pahiwatig Kahalagahan ng
pagaaral ng Florante at
Laura
“Lumagi ka nawa
sa kaligayahan Sa
harap ng di mo
esposong katipan,
At huwag mong datnin
yaring kinaratnan
Ng kasing nilimot at
pinagliluhan”

“Nasaan si Selyang
ligaya ng dibdib?
Ang suyuan nami‟y bakit
di lumawig?
Nahan ang panahong isa
niyang titig
Ang siyang buhay ko,
kaluluwa‟t langit?”

5
“Hanggang dito ama‟y
aking naririnig,
Nang ang iyong ulo‟y
itapat sa kalis;
Ang panambitan mo‟y
dalangin sa Langit,
Na ako‟y maligtas sa
kukong malupit.”

6
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Gawain

1. a
2. a
3. c
4. c
5. d

Pagsusuri at Abstraksiyon

Paalala: Ang guro na ang gagawa ng pamantayan sa pagwawasto

Paglalapat

Paalala: Ang guro na ang gagawa ng pamantayan sa pagwawasto

7
PANGALAN: _______________________________
ASIGNATURA: ______________________ ANTAS: _____________
PETSA: ____________________

Aralin 2: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

I.Panimulang Konsepto

Gayunpaman, ang buhay ay isang aklat na patuloy mong isinusulat sa araw-araw.


Kung anuman ang gusto mong kahihinatnan nito ay depende sa mga detalyeng nais
mong mangyari. Kaya sa pagsisimula ng isang bagong aralin, nararapat lamang na
talakayin ang kaligirang kasaysayan/pinagmulan nito upang matukoy ang kalagayan
ng lipunan sa panahong nasulat ito, matukoy ang layunin ng pagsulat ng akda at ang
masuri ang epekto ng akda pagkatapos itong isulat.

Alam ko na sabik ka ng pag-aralan ang tungkol dito.

Halika, simulan na natin.

II.Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na natitiyak sa kaligirang pangkasaysayan ng akda


sa pamamagitan ng: (F8PB-IVa-b-33)

- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito


- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat
(F8PB-IVa-b-33)

Alamin Natin!
TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALTAZAR

Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay


kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William
Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa
panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang
Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.

Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay isinilang


noong Abril 2, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa Barrio Panginay,
Bigaa (na kilala ngayon bilang Balagtas sa kanyang karangalan), sa lalawigan ng

8
Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid na sina Felipe, Concha, at
Nicholasa.
Nag-aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-aralan
niya ang mga panalangin at katekismo, at kalaunan ay nagtrabaho bilang
houseboy para sa pamilyang Trinidad sa Tondo, Manila kung saan siya ay
pinagaral ng kanyang tiyahin sa Colegio de San Jose. Noong 1812, nagtapos siya
sa degree ng Crown Law, Spanish, Latin, Physics, Christian Doctrine, Humanities,
and Philosophy. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at
José de la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung
paano magsulat ng mga tula.

Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang pagsusulat,


at noong 1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera
nang lumipat siya sa Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa Florante sa
Laura bilang 'Celia' at 'MAR'.

Si Balagtas ay pinabilanggo Mariano Capule, isang maimpluwensya at mayamang


lalaking kalaban niya sa pagmamahal kay Celia. Habang nasa kulungan ay
isinulat ni Balagtas ang kanyang makasaysayang piraso ng Florante at Laura na
inspirasyon ang mga elemento ng kanyang kasalukuyang buhay.

Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang


Espanyol ay ang dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas
mula sa bilangguan noong 1838 at inilathala niya ang Florante at Laura noong
panahong iyon.

Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa


Balanga, Bataan noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging
Major Lieutenant at punong tagasalin ng hukuman.

Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan,


sila ay nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak-
limang lalaki at anim na babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.

Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat


katutubong Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay
naging kilala si Balagtas bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay nabilanggo sa
ikalawang pagkakataon noong 1856 nang ipahayag ang reklamo ng isang
kasambahay na pinutol niya ang buhok nito. Siya ay napalaya noong 1860 at
ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula.

Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling
hangarin ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang
mga yapak sa takot na sila ay dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang
dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol ang kanilang mga kamay kaysa
ang mga ito ay maging manunulat.

Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong termino


para sa debate gamit ang ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa kanya:

9
ang balagtasan. Ipinangalan din ang isang paaralang elementarya sa kanyang
karangalan, ang Francisco Balagtas Elementary School (FBES), na matatagpuan
sa kahabaan ng Alvarez Street sa Santa Cruz, Maynila

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar (na kilala din bilang Balagtas) ay
isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang
Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:
“Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahari ng Albanya: Kinuha sa
madla ng cuadro hist rico o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang
panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwa na sa bersong
Tagálog.”
Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido
(corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella,
isang paring Rekolekto at pilologo

Kasaysayan
Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon
ng “Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar
ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha
ng „Florante‟” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni
Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng
huli.

UnangPaglimbag
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog
at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong
ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga
mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na
yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10
centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados
Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875,
kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa
Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang
kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.
Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng
pagbabaybay:
PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG
ALBANIA. QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG
NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA
IMPERIO NANG GRECIA. at tinula nang isang matouain sa versong tagalog.

Paglalarawan
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria,
at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang
muslim na si Aladdin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si

10
Florante mula sa sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat
nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at
kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay
Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar
ang Florante habang nasa piitan.

Mga Tauhan
• Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
• Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
• Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na
nagligtas at tumulong kay Florante
• Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan AliAdab
• Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
• Sultan Ali-Adab - sultan ng Persiya, ama ni Aladin
• Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
• Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
• Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit
kay Florante
• Konde Sileno - ama ni Adolfo
• Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa
lamang mula sa isang buwitre
• Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas
kay Florante mula kay Adolfo.
• Antenor - guro ni Florante sa Atenas
• Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
• Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona
• Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
• Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.

Panimulang Gawain

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Francisco Baltazar Abril 2, 1788 1838 Maria Asuncion Rivera


Floranteat Laura

___________1. Prinsipe ng Makatang Tagalog

___________2. Kapanganakan ni Francisco Baltazar


___________3. Kailan isinulat ang Florante at Laura?

11
___________4. Kanino inialay ni Balagtas ang Florante at Laura?

___________5. Akdang isinulat ni Francisco Baltazar

Mahusay! Nasagot mo ng tama ang bawat katanungan.. Ngayon naman dumako


tayo sa panibagong gawain.

Pagsusuri at Abstraksiyon

Panuto: Batay sa ating ginawang talakayan, ating suriin ang kaligirang kasaysayan
ng Florante at Laura gamit ang Carousel Organizer.

Kalagayan ng lipunan sa panahong


Kalagayan ngnaisulat
lipunanito
na maisulat ito

Layunin ng Pinag-alayan ng
pagsulat ng Akda Florante at Laura Akda

Epekto ng akda pagkatapos isulat

Binabati kita! Natukoy mo ang kalagayang panlipunan, layunin


ng pagsulat at nasuri mo ang epekto ng akdang Florante at
Laura.

12
Paglalapat
A. Ang Florante at Laura ay isang alegorya. Nakatago sa mga
pangyayari ang mensahe at simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa
sa kalagayang panlipunan sa panahong isinulat ito.Lagyan ng tsek (/)
ang lahat ng kalagayang panlipunang naganap sa panahong ito. Ekis
(X) naman sa hindi.

___1 Naging maluwag, makatarungan at makatao ang ginagawang pamamahala


ng mga Espanyol sa ating bansa.
___2 Karamihan sa mga manunulat sa panahong ito ay gumamit ng wikang
Espanyol
___3 Nakadama ng paghihimagsik ang mga Pilipino sa kalupitan at
pagmamalabis ng mga dayuhang sumakop sa bansa.
___4 Marami sa nalathalang aklat sa panahong ito ay mga diksiyonaryo at aklat
panggramatika.
___5 Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong ito ay tungkol sa
relihiyon at paglalaban ng mga Kristiyano at Moro.
___6 Ang sinumang nais sumulat ay may kalayaang isulat ang anumang paksa o
temang magustuhan niya.

B. Ano-ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat ng walang


kamatayang Florante at Laura. Lagyan ng (T) kung tama at (M) naman kung
mali.
___1 Maihayag ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas kaugnay ng
pamamahala ng mga Espanyol
___2 Makabuo ng isang akdang maiaalay kay “Selya‟ o Maria Asuncion Rivera,
ang babaeng minahal niya ng labis.
___3 Makabenta ng marami at yumaman sa pamamagitan ng walang kamatayang
akdang kanyang sinulat.
___4 Mailahad ang labis na sakit, kabiguan, kaapihan, at kawalang katarungang
naranasan niya sa lipunang kanyang ginagalawan
___5 Maisalin ang kanyang akda sa iba‟t ibang wika upang mabasa ito sa buong
daigdig

C. Maglahad ng ilang patunay sa naging bisa o epekto ng akda sa


panahong isinulat ito.

13
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Gawain

1. Francisco Baltazar
2. Abril 2, 1788
3. 1838
4. Maria Asuncion Rivera
5. Florante at Laura

Pagsusuri at Abstraksiyon

-Nasa guro na ang pamamaraan ng pagwawasto o paggawa ng rubrik

Paglalapat A.

1. /
2. /
3. /
4. /
5. x
6. x

B.
1. T
2. T
3. M
4. T
5. T

c.

-Nasa guro na ang pamamaraan ng pagwawasto o paggawa ng rubrik


Sanggunian:

Website

https://www.tagaloglang.com/pahiwatig/
https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Florante-at-
LauraKaligirang-Kasaysayan/140583
https://tl.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtas
https://prezi.com/m/m5loragfcqul/ang-apat-na-himagsik-ni-francisco-
baltazar/ https://tl.wikipedia.org/wiki/Florante_at_Laura

14
https://prezi.com/m/4e_ejcs8wkyc/mga-tauhan-sa-florante-at-laura/
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-
franciscobalagtas.html

Aklat

Baisa-Julian, Ailene G. et. al. Pinagyamang Pluma 8 (K to 12), Quezon


City: PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC. , 2014.

Banghay-Aralin

Detailed Lesson Plan Grade 8, 4th Quarter, page 1-11

15
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440
-1772, (054)440
-4464

Email Address: [email protected]

You might also like