Arts1 Q4 Module-2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

1

Sining
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Anong Kasangkapan ang Maaaring
Gamitin?

1
Sining – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Anong Kasangkapan ang Maaaring Gamitin?
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul

Manunulat: Marvin Aquino Manunulat: Pernasia M. Sali


Editor: Anna Grace M. Gallardo Editor: Melissa O. Cacal
Tagasuri: Anna Grace M. Gallardo Tagasuri: Kirby J. Ladjahassan
Tagaguhit: Reynaldo A. Simple Tagapamahala:
Tagalapat: Alexander G. Barasi Nicolas T. Capulong, Ph. D. CESO V
Tagapamahala: Mariflor B. Musa
Estela R. Carino Freddie Rey R. Ramirez
Octavio V. Cabasag Annabelle M. Marmol
Rizalino G. Caronan Arnaldo G. Ventura
Ruby B. Maur Aurelia B. Marquez
Cherry Grace D. Amin Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Felipe L. Marquez Jr.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran ng
Edukasyon, Region 2 Edukasyon, MIMAROPA Region
Office Address: Regional Government Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 Pasig City
Telefax: (02) 853-73097
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address:
E-mail Address: [email protected]
[email protected]

2
1

Sining
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Anong Kasangkapan ang
Maaaring Gamitin?

3
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o
kung sinumang gagabay sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat


ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali
ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang


SLM na ito upang magamit pa ng ibang managangailangan.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad


sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng ng suliranin sa
pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, umaasa kami na matuto


ang ating mga mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

2
Alamin

Ang 3-dimensional na bagay ay maaaring magmula


sa mga bagay-bagay sa paligid. Maaari itong nagmula
sa mga patapong bagay na matatagpuan sa ating
paligid at maaaring iresiklo upang magkaroon ng itsura,
pigura, kabuluhan at kapakinabangan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


natutukoy ang gamit ng clay, kahoy (soft wood),
kawayan (bamboo), at papel o cardboard sa paglikha
ng mga 3-dimensional na bagay (AIEL-IVb)

Subukin

Panuto: Hanapin sa Hanay B kung ano ang ginamit sa


paggawa sa mga nakalarawang sining sa Hanay A.
Gawin ito sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

_____1. a. papel

_____2. b. clay

3
_____3.
c. kawayan

_____4. d. karton

_____5. e. kahoy

Aralin Mga Kagamitan sa Paglikha

1
ng mga 3-Dimensional na
Bagay

Sa araling ito ay matututuhan mo ang mga


kagamitang maaaring gamitin sa paglikha ng mga 3-
dimensional na bagay na matatagpuan sa iyong
kapaligiran.

4
Balikan

Bago ka magpatuloy sa modyul na ito, kaya mo bang


sagutin ang sumusunod?
1. Aling laruan sa nagdaang pagsusulit ang nalaro
mo na? ___________________________________
2. Masaya ka ba sa paglalaro nito? _____________

3. Anong materyales ang ginamit sa paggawa ng


iyong laruan? ______________________________

Tuklasin

Pagmasdan ang mga larawan. Pag-aralang mabuti ito.


Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

Larawan A Larawan B Larawan C Larawan D

1. Ano ang iyong nakikita sa Larawan A? Larawan B?


Larawan C? At Larawan D?
______________________________________________________

5
2. Sa anong bagay kaya ginawa ang likhang sining sa
Larawan A? Larawan B? Larawan C? At Larawan D?
______________________________________________________

3. Sa iyong palagay, alin sa mga larawan ang


pinakamadaling gawin? Ang pinakamahirap gawin?
______________________________________________________

Suriin

Unawain

Ang mga patapong bagay na ating nireresiklo sa


ating kapaligiran ay nagbibigay sa atin ng
pakinabang sa maraming paraan. Ang mga
kahoy, kawayan, clay, karton, cardboard at
papel ay ilan sa mga karaniwang bagay na
maaaring iresiklo upang makabuo ng
makabuluhang likhang sining na 3-dimensional na
bagay.

6
Pagyamanin

• Gawain 1
Panuto: Pagmasdang mabuti ang nakalarawang
sining. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

1. Anong likhang sining ang naipapakita sa larawan?

a. baso b. plato c. bangka

2. Ano ang ginamit sa pagbuo ng likhang sining?

a. clay b. kawayan c. kahoy

3. Ang nakalarawang sining ay isang halimbawa ng


anong bagay?

a. 2-dimensional
b. 3-dimensional
c. 2-3 dimensional

7
• Gawain 2
Panuto: Pagmasdang mabuti ang nakalarawang
sining. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

1. Ang nakalarawang sining ay isang 3-dimensional na


bagay. Ano ang nabuo na likhang sining?

a. langka b. manga c. pinya

2. Ano ang ginamit sa pagbuo ng likhang sining?

a. papel b. karton c. clay

3. Maliban sa nakalarawang sining, ano pang maaaring


mabuo na mga bagay gamit ang papel?

a. bulaklak
b. maskara
c. lahat ng nabanggit

8
Pagsasanay
• Gawain 1
Panuto: Ang mga sumusunod na larawan ay mga
kagamitan sa paggawa ng 3-dimensional na likhang
sining. Isulat sa patlang kung ano ang mga bagay na
ito. Gawin ito sa sagutang papel.

____________ ____________ ____________

• Gawain 2
Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga larawan.
Kulayan ang bilog ng pula kung ang larawan ay
nagpapakita ng kagamitang maaaring gamitin sa
paglikha ng 3-dimensional na bagay at asul
naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5.

9
Isaisip

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang salita


mula sa loob ng kahon sa susunod na pahina upang
mabuo ang kaisipan ng Modyul na ito.
Sa Modyul na ito, natutunan ko na maaaring
makabuo ng 3-dimensional na bagay mula sa mga
______________. Ito ay maaaring gawa sa __________,
___________, _____________ , ____________o _____________.

patapong bagay clay papel

cardboard kawayan kahoy

Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang 3-dimensional na likhang


sining ng iyong sariling disenyo. Pumili ng iyong kagamitan
kung ito ba ay sa pamamagitan ng papel o cardboard,
karton, kahoy, kawayan o clay.

10
Tayahin

Ang bahaging ito ng Modyul ay susukat sa kabuuan


ng iyong natutunan upang malaman kung ikaw ay
magpapatuloy sa susunod na Modyul o hindi. Kapag
nakakuha ka ng 3-5, magpatuloy, 0-2, ulitin ang Modyul.

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng


pahayag at M naman kung mali. Gawin ito sa sagutang
papel.

_____1. Ang mga patapong bagay ay maaari pang


gamitin upang makalikha ng mga sining gaya ng mga 3-
dimensional na bagay.
_____2. Sa pamamagitan ng kawayan, nakakalikha tayo
ng pigura ng tao.
_____3. Clay ang ginagamit kapag gumagawa ng bahay
kubo o mga kasangkapan.
_____4. Sa paggawa ng 3-dimensional na bagay,
nagkakaiba-iba ang mga disenyo o porma depende sa
manlilikha.
_____5. Isang makabuluhang kasanayan ang paggawa
ng 3 dimensional na bagay sapagkat nahahasa ang
pagiging malikhain ng mga bata.

11
Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, ikaw ay gagawa ng 3-dimensional


na bagay mula sa iyong natutuhan.

Panuto: Gamit ang mga bagay na makikita sa iyong


kapaligiran gaya ng papel, kahoy, kawayan o clay,
gumawa ng isang 3-dimensional na likhang sining ng
iyong sariling disenyo.

Nasa ibaba ang rubrik ng iyong likhang-sining.

Pamantayan Iskor
Natapos nang malinis at lubhang kaaya-aya
5
ang likhang sining
Malinis at kaaya-aya ang disenyo na ginawa
4
ngunit may bahagi na di natapos
Malinis, kaaya-aya ang disenyo ngunit
3
nagkulang sa kulay na ginamit
May kulang , hindi gaanong malinis ngunit
2
kaaya-aya naman ang disenyo na ginawa
Nakagawa ngunit hindi natapos 1
Hindi nakagawa ng output o likhang-sining 0

12
Aralin Paggawa ng mga 3-

2 Dimensional na Bagay

Sa araling ito ay maipamamalas ang iyong


kahusayan sa paggawa ng likhang sining gamit ang mga
bagays sa iyong paligid upang makabuo ng mga 3-
dimensional na bagay.

Balikan

1. Natatandaan mo pa ba ang mga natutunan mo sa


nakaraang aralin?

2. Ano-ano ang mga kagamitang maaaring gamitin sa


paglikha ng mga 3-dimensional na bagay?

Tuklasin

Pagmasdan ang mga larawan. Pag-aralang mabuti ito


pagkatapos sagutin ang mga tanong sa Suriin.

Larawan A Larawan B Larawan C Larawan D

13
1. Ano-anong mga 3-dimensional na bagay ang
naipapakita sa larawan?
___________________________________________________
2. Alin sa mga larawan ang iyong nagustuhan? Bakit?
___________________________________________________
3. Sa iyong palagay, alin sa mga larawan ang kaya
mong gawin?

Suriin

Unawain

Ang mga 3-dimensional na bagay na iyong


nakita ay gawa sa mga bagay na sa tingin natin
ay wala ng halaga o kapakinabangan. Tulad ng
mga kapirasong kahoy na maaaring gamitin sa
paggawa ng plato, mga papel o cardboard na
maaaring gawing maskara at bulaklak, mga
karton na maaaring gamitin sa pagbuo ng robot
at mga clay na maaaring nabibili o uri ng lupa
na pinorma upang makabuo ng pigura ng tao,
hayop at iba pa.

14
Pagyamanin

• Gawain 1
Panuto: Pagmasdang mabuti ang karton na robot.
Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

1. Kaya mo bang gumawa ng karton na robot?


__________________________________________________
2. Anong kagamitan ang ginamit sa pagbuo ng
robot?
Sa ulo? _________________________
Sa katawan? ___________________
Sa kamay at paa? ______________

• Gawain 2
Panuto: Pag-aralang mabuti ang nakalarawang
saranggola. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

15
1. Kaya mo kayang gumawa ng sarili mong
saranggola? ________________________________
2. Anong kagamitan ang ginamit sa paggawa ng
saranggola? ___________________
Sa balat? ______________________
Sa patigas? ___________________
Sa buntot? ____________________

Pagsasanay
• Gawain 1
Panuto: Pagmasdang mabuti ang 3-dimensional na
bagay na nasa loob ng kahon. Ihanda ang mga
materyales na nabanggit at sundin ang pamamaraan
sa paglikha nito.

Kagamitan:
Mga karton (iba-ibang laki),
glue, gunting, pangkulay
at pentel pen

Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa ng
karton na robot.
2. Pumili ng mga karton na magkasinglaki para sa
paa at kamay nito.
3. Pumili ng malaking karton para sa katawan at
katamtamang laki ng karton para sa ulo nito.
4. Simulang idikit ang mga napiling karton para sa
katawan at ang mga napiling karton para sa paa,
kamay at ulo.
5. Guhitan ng mata at bibig nito. Maaaring kulayan
ayon sa iyong kagustuhan.

16
• Gawain 2

Panuto: Pagmasdang mabuti ang 3-dimensional na


bagay na nasa loob ng kahon. Ihanda ang mga
materyales na nabanggit at sundin ang pamamaraan
sa paglikha nito.

Kagamitan:
Papel (Dyaryo o colored paper)
Tingting o Barbecue stick,
Glue, gunting at tali

Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa ng
papel na saranggola.
2. Pumili ng matibay na tingting o barbeque stick,
bumuo ng hugis krus at itali nang maigi sa gitna.
3. Ilapat ang hugis krus sa napiling papel, gupitin sa
anyong diamond at idikit sa tingting o stick.
4. Gumupit ng papel para sa buntot at idikit ng
naaayon sa larawan depende sa balanse ng
saranggola.
5. Gumupit ng maliit na pantali sa magkabilaang
bahagi ng saranggola sa dakong taas at baba.
Tiyakin ang balanse at itali ang mahabang tali sa
pagpalipad ng saranggola.

17
Isaisip

Sa Modyul na ito, natutunan ko ang mga gamit ng


clay, kahoy, kawayan at papel sa paglikha ng mga 3-
dimensional na bagay.

Isagawa

Upang malaman kung ikaw ay may natutuhan sa


Modyul na ito, isagawa ang panuto na nakasaad.

Panuto: Tukuyin at guhitan ang bagay na ginamit upang


mabuo ang mga sumusunod na 3-dimensional na bagay.
Gawin ito sa sagutang papel.
3-Dimensional na Bagay Kagamitan
1.
(kahoy, karton, clay)

2.
(kahoy, karton, papel)

3.
(clay, card board,
kawayan)
4.
(kawayan, clay, kahoy)

5.
(papel, kahoy, clay)

18
Tayahin

Ang bahaging ito ng Modyul ay susukat sa kabuuan


ng iyong natutunan upang malaman kung ikaw ay
magpapatuloy sa susunod na Modyul o hindi. Kapag
nakakuha ka ng 3-5, magpatuloy, 0-2, ulitin ang Modyul.

Panuto: Isulat ang O kung ang kagamitang ginamit sa 3-


dimensional na bagay ay tugma at H kung ang
kagamitang ginamit sa 3-dimensional ay hindi
magkatugma. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. clay 2. cardboard 3. clay

4. papel 5. kawayan

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, ikaw ay gagawa ng 3-dimensional


na bagay mula sa iyong natutuhan.

19
Pumili at bumuo ng isang 3-dimensional na bagay na
nais mong gawin gamit ang mga materyales na
matatagpuan sa inyong bahay.
Nasa ibaba ang rubric ng iyong likhang-sining.

Pamantayan Iskor
Natapos nang malinis at kaaya-aya 5
Malinis at kaaaya-aya ngunit may kulang 4
Hindi malinis at kaaya-aya ang pagkagawa 3
May kulang , hindi malinis at kaaya-aya 2
Nakagawa ngunit hindi natapos 1
Hindi nakagawa ng likhang-sining 0

20
21
Isagawa Tayahin
1. karton 1. O
2. papel 2. O
3. card board 3. H
4. clay 4. O
5. kahoy 5. H
Aralin 2
Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2
Subukin Tayahin
1. b 1. c
1. c 2. c 2. a 1. T
2. e 3. b 3. c 2. M
3. b 3. M
4. a Pagsasanay 4. T
5. d 5. T
Gawain 1 Gawain 2
1. clay 1.
2. karton 2.
3. kawayan 3.
4.
5.
Aralin1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K TO 12 Most Essential Learning Competencies
Corresponding
CG Codes Arts A1EL-IVb

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

23

You might also like