BANGHAY ARALIN SA FILIPINO First

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Petsa: Nobyemre 16, 2018

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. PAKSANG ARALIN
A. PANITIKAN
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Parabula- Timog Kanlurang Asya
Mateo 20:1-16 Bagong Tipan
B. GRAMATIKA/ RETORIKA
Pagpapakahulugang Metaporikal
C. URI NG TEKSTO
Nagsasalaysay
D. KAGAMITAN
Larawan para sa motibasyon
Monitor at Speaker
Kagamitan sa pagsusuri
Powerpoint na presentasyon
Handawt
Biswals
E. SANGGUNIAN
Modyul ng K to 12
Panitikang Asyano 9
Kagamitang ng mag-aaral sa Filipino 9
Youtube video

II. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa parabula sa
tulong ng teknolohiya at pagpapakahulugang semantika upang maisabuhay ang
mga aral at matukoy ang kahalagahan nito sa buhay ng tao

Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ang bawat mag-aaral ng sariling parabula upang maisabuhay ang
mga aral/ mahahalagang kaisipang nakapaloob dito

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Pakikinig
Natutukoy ang mga tauhan batay sa paraan ng pagpapakahulugang
napakinggang na inilahad ukol dito

Pagsasalita
Nakapagbibigay ng sariling halimbawa at pangungusap hinggil sa
pagpapakahulugang metaporikal

Pagsulat
Nakasusulat ng sariling parabula batay sa paksa na inilahad ng guro

Pagbasa
Naiisa isa ang mga talinghaga batay sa mga tauhang pinagmulan nito sa bibliya
III. YUGTO NG PAGKATUTO
A. TUKLASIN
1. PAGGANYAK
a. Panonood at pakikinig sa isang parabula - Alibughang anak
b. Mga tanong:
1. Pagbibigay kahulugan sa salitang “Bibliya”?
2. Bakit mahalagang basahin ang bibliya?
3. Paano mo maisasabuhay ang mga nababasa mo sa bibliya?
Ipaliwanag.
2. PAGLINANG NG TALASALITAAN
a. Pagpili ng ilang talinghaga sa bibliya- Alibughang anak

B. LINANGIN
1. Pagbabasa ng Kwento
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Parabula-Kanlurang Asya
Mateo 20:1-16 Bagong Tipan
Mga Tanong:
a. Ano ang pamagat ng parabula?
b. Saan naganap ang tagpuan?
c. Bakit sa ubasan ang tagpuan sa parabula?
d. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan, pare-pareho rin ba ang
upa na ibibigay mo sa manggagawa? Bakit?

2. PANGKATANG GAWAIN
RUBRICS SA PAGTATAYA
PAMATAYAN 5 4 3 2 1

Masining
Maayos at Makatotohanan
Manilaw at Mapanghikayat
Malikhain ang presentasyon
Kabuuang Marka Leyenda:
Napakahusay- 16-20 Puntos
Mahusay- 11-15 Puntos
Mahusay-husay- 6-10 Puntos
Nagsisimula- 0-5 Punto

Pangkat 1
Base sa parabulang “Ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan.”
Magbigay ng pangyayari na maaringmaihahalintulad mo sa karaniwang buhay
Pangkat 2
1. Bigyan ng pakahulugan ang sumusunod na talinhaga hango sa ating
natalakay:
1. Ang nahuhuli ang nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli
2. Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na
ang kapatid mo, ngunit nabuhay, nawala, ngunit muling natagpuan.

Pangkat 3
1. Pumili ng isang paksa na naaayon o kahalintulad sa parabula.
2. Magsagawa ng isang Paint Me a Picture sa paksang napili.
3. Mula sa binuong Paint Me a Picture, bubuo ng isang talataan na
nagpapaliwanag sa kahulugan ng kanilang nabuo.
Pangkat 4
1. Magsadula ng isang pangyayari sa parabula.
2. Ibigay ang maganndang aral na nais ipabatid nito
3. Iwasang mag-ingay habang ang nagsasadula.

3. Input ng Guro
Pagtalakay sa Pagpapakahulugang
 Pagpapakahulugang Metaporikal- ay pagbibigay kahulugan sa salita
bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit
ang salita sa pangungusap.
Halimbawa
a. hangin- nilalanghap o nararamdaman ng tao (literal)
Pangungusap: Ang lakas naman ng hangin dito sa lugar ninyo, t
inatangay tuloy ang buhok ko.
b. hangin- mayabang (metaporikal)
Pangungusap: Naiinis ako sa taong iyan, punong-puno ng hangin sa
katawan.

5. Pagsasanay
Suriin ang mga salitang ginamit sa parabulang “Ang Talinghaga tungko sa
may-ari ng Ubasan” at isulat sa iyong sagutang papel ang ibig ipakahulugan
nito.

C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Mga Tanong Tungkol sa Teksto. (1-10)
Maikling pagsusulit. (1-10)

D. ILIPAT
Ipagpalagay mo na ikaw ay isang guro sa Edukasyon sa pagpapakatao. Nais
mong turuan ang mga mag-aaral mo ng pagpapahalaga sa mga karaniwang bagay sa
kanilang paligid. Napansin mo kasi na sinasayang nila ang kanilang papel. Kaya ikaw
bilang guro, nais mong mapahalagahan nila ang sinasayang na papel sa pamamagitan
ng pagsulat ng sarili nilang parabula na maaaring pagkunan ng magandang asal o
mahahalagang kaisipan.
Masining.................................................................................... 25%
Maayos at makatotohanan......................................................... 25%
Maikli at mapanghikayat ang pamagat..................................... 25%
Malikhain ang presentasyon..................................................... 25%
KABUUAN............................................................................. 100%

IV. TAKDANG ARALIN


1. Magsaliksik ng mga akda na matatagpuan sa Kanlurang Asya. Hanapin ang akdang
Isang Libo’t Isang Gabi na isinalin sa Ingles ni Richard Burton at nirebisa ni Paul
Brians. Ito ay isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera.

Ihihanda ni: LEONORA L. ARANCON

Pinag ukulang pansin ni: LICHELLE S. DE LEON


Mga Tanong Tungkol sa Teksto

1. Sino ang bida sa talinghaga? Ano ang kanyang ginawa sa buong araw? Anong oras siya nag-
umpisa? Ano ang kanyang pakay?
2. Sino ang kanyang mga tinawag — mga tambay ba ang mga ito?
3. Maganda ba ang walang trabaho?
4. Sa mga grupo ng tao na tinawag sa ubasan, alin sa mga ito ang mga hindi binigyan ng
pagkakataong magtrabaho sa araw na iyon? Matatawag bang “grasya” ang ginawang pagtawag
sa kanila ng may-ari ng ubasan?
5. Anong oras binigyan ng bayad and mga taong nagtrabaho sa ubasan?
6. Ilang oras nagtrabaho sa ubasan ang mga unang tinawag? Ilang oras nagtrabaho ang mga
huling tinawag?
7. Magkano ang bayad sa isang araw na pagtatrabaho? Sa iyong palagay, tama ba na ang lahat ng
mga nagtrabaho ay tumanggap ng pare-parehong halaga? Magkano ang ibinayad sa lahat ng
may-ari ng ubasan?
8. Sa pakikinig ng sinabi ng mga naunang nagtrabaho at ang tugon ng may-ari, kanino ang iyong
simpatiya? Ang tinuran ba ng may-ari ay makatuwiran?
9. Kung ikaw ay isa duon sa mga nahuling nagtrabaho, ano ang iyong magiging reaksyon sa
iyong tinanggap na bayad?
10. Batay sa kabuuan ng talinghaga ano ang kahulugan ng “ang mga nahuli’y mauuna; ang mga
nauna ay mahuhuli?”

-Ihinanda ni:
Leonora L. Arancon

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay tumutukoy sa kahulugan ng salita batay sa


representasyon o simbolismo. Ito ay taliwas sa literal na pagpapakahulugan.Halimbawa ng
mga pangungusap na nagpapakita ng metaporikal at literal na pagpapakahulugan gamit ang
salitang bolaLiteralIpasa mo ang bola.MetaporikalWag ka na magsalita kung puro bola lang
ang sasabihin mo.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/83544#readmore

Mga Talinghaga - Lipon ng mga salitang may ibang kahulugan. (Idioms)


Mga halimbawa ng literal at metaporikal na may pangungusap.
Literal:
1. bola- bagay na ginagamit sa basketbol
           Mainam na gamitin sa paglalaro ng basketbol ang bola na malakas tumalbog.
2. pawis- lumalabas na tubig sa katawan
           Nagtatrabaho ang kanyang ina sa ilalim ng mainit na sikat ng araw at pawis
na    pawis.
3. pilak- isang metalikong elementong kimikal.
           Ang pilak ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng mga alahas tulad ng
kwentas, singsing,at pulseras.
4. oras- panahon, alas-dose, ala-una, at iba pang nagsasaad ng panahon
           Ang oras ng kanilang pagtatagpo ay mamayang alas dose ng tanghali.
5. damo- isang uri ng halaman na kadalasang makikita sa parang.
         Napakasarap mahiga sa luntiang damo.

metaporikal na kahulugan

6. bola -  pagbibiro
           Tigilan mo nga si Lito., puro ka nalang bola.
7. pawis- pinaghihirapang gawin
           Pawis at dugo ang pinuhunan ko sa pag-aaral mo, alalahanin mo yan.
8. pilak- pera
        Ipinalit niya ang kanyang dangal sa isang supot na pilak lamang.
9. oras-  takdang panahon, katapusan.
           Walang nakakaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo.
10. damo- tao
           Ang pumatay sa kanya ay isang masamang damo.

Tanong: "Ano ang Bibliya?"

Sagot: Ang salitang “Bibliya” ay nanggaling sa salitang Latin at Griego na


nangangahulugang “Libro,” isang angkop na pangalan dahil ang Bibliya ay ang Aklat
para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ito ay Aklat na walang katulad at
natatangi sa lahat ng Aklat.

Ang Biblita ay binubuo ng 66 na mga aklat. Kasama sa mga ito ay mga aklat ng
Kautusan gaya ng Levitico at Deuteronomio; mga Aklat kasaysayan gaya ng Ezra at
Mga Gawa; mga aklat tulaan gaya ng Mga Awit at Mangangaral; Mga aklat ng mga
hula gaya ng Isaias at Pahayag; mga talambuhay gaya ng Mateo at Juan at mga
personal na sulat gaya ng Tito at Hebreo.

Ang mga May Akda

May humigit kumulang apatnapung taong manunulat ang nagkontribusyon sa Bibliya


na isinulat sa loob ng mahigit na 1500 taon. Kabilang sa mga sumulat ng mga aklat
nito ay mga hari, mangingisda, pastor, saserdote, opisyal ng gobyerno, abogado at
manggagamot. Mula sa mga pagkakaibang ito nabuo ang isang hindi
kapanipaniwalang pagkakaisa, na may iisang tema na bumubuo sa mga aklat mula
umpisa hanggang wakas.

Ang pagkakaisa ng mga aklat ng Bibliya ay sa kadahilanang ang talagang may akda
nito ay ang Diyos mismo. Ang Bibliya ay “hiningahan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16).
Ang mga tao na ginamit upang sumulat ng mga aklat ay pinangasiwaan ng Diyos at
ipinasulat kung ano lamang ang gusto Niyang maisulat at ang resulta ay ang
perpekto, banal at walang kamaliang Salita ng Diyos (Awit 12:6; 2 Pedro 1:21).

Ang Pagkakahati

Ang Bibliya ay nahahati sa dalawang pangunahing bahagi: Ang Lumang Tipan at ang
Bagong Tipan. Sa maiksing salita, ang Lumang Tipan ang salaysay tungkol sa isang
bansa at ang Bagong Tipan naman ang salaysay tungkol sa isang Tao. Ang bansa ang
paraan ng Diyos upang ipadala ang Taong iyon sa mundo - ang Panginoong Hesu
Kristo.

Inilalarawan ng Lumang Tipan ang pagkatatag at pagiingat ng Diyos sa bansang


Israel. Ipinangako ng Diyos na gagamitin Niya ang bansang Israel upang pagpalain
ang buong mundo (Genesis 12:2-3). Mula ng maging isang bansa ang Israel, nagtatag
ang Diyos ng isang pamilya mula sa bansang ito upang siyang panggalingan ng
pagpapala: ang pamilya ni David (Awit 89:3-4). Mula sa pamilya ni David,
ipinangako ang pagdating ng isang Tao na magdadala ng pagpapala sa buong mundo
(Isaias 11:1-10).

Ang bagong Tipan ay nagdedetalye ng pagdating ng ipinangakong Tao. Ang kanyang


pangalan ay Hesus at Kanyang tinupad ang mga hula sa Lumang Tipan, nabuhay na
banal, namatay bilang Tagapagligtas at bumangon mula sa mga patay.

Ang Pangunahing Karakter

Si Hesus ang pangunahing karakter sa Bibliya - ang buong aklat ay talagang


patungkol sa Kanya. Hinulaan sa Lumang Tipan ang Kanyang pagdating at siyang
naghudyat ng Kanyang pagpasok sa mundo. Inilalarawan sa Bagong Tipan ang
kanyang pagdating at ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa makasalanang mundo.
Si Hesus ay higit pa sa isang Tao lamang sa kasaysayan; sa katotohanan Siya ay hindi
lamang tao. Siya ang Diyos sa laman at ang kanyang pagdating ang
pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Ang Diyos mismo ay naging
tao upang bigyan tayo ng malinaw na larawan kung sino at ano ang Diyos. Kanino
mailalarawan ang Diyos? Siya ay gaya ni Hesus; si Hesus ay Diyos sa anyo ng tao
(Juan 1:14; 14:9).

Isang Maiksing Pagbubuod

Nilikha ng Diyos ang tao at inilagay sa isang perpektong tirahan; gayunman ang tao
ay nagrebelde sa Diyos at bumagsak mula sa estado na nais ng Diyos para sa Kanya.
Inilagay ng Diyos ang mundo sa ilalim ng Kanyang sumpa dahil sa kasalanan ngunit
agad na nagbigay ng pangako para sa Kanyang plano na ibabalik ang sangkatauhan
at ang sangnilikha sa kanilang dating maluwalhating kalagayan.

Bilang bahagi sa plano ng pagtubos, tinawag ng Diyos si Abraham mula sa Babilonia


patungo sa Canaan (mga 2000 B.C.). Ipinangako ng Diyos kay Abraham, sa kanyang
anak na si Isaac at sa kanyang apong si Jacob (tinatawag ding Israel) na Kanyang
pagpapalain ang lahat ng tao sa mundo sa pamamamagitan ng isang manggagaling
sa kanilang angkan. Naglakbay ang bansang Israel mula sa Canaan at tumira sa
Ehipto at dumami hanggang sila'y naging isang bansa doon.

Humigit kumulang 1400 B.C., pinaalis ng Diyos ang bansang Israel palabas ng Ehipto
sa ilalim ng pangunguna ni Moises at ibinigay sa kanila ang Lupang Pangako, ang
Canaan, upang mapasakanilang kamay. Sa pamamagitan ni Moises, ibinigay ng Diyos
sa mga Israelita ang kanyang mga Kautusan at nakipagtipan sa kanila. Kung sila'y
mananatiling tapat sa Diyos at hindi sasamba sa mga diyus-diyosan ng mga katabing
bansa, sila'y pagpapalain. Ngunit kung tatalikuran nila ang Diyos at sasamba sa mga
diyus-diyosan, wawasakin ng Diyos ang kanilang bansa.

Pagkatapos ng may apat na pung (40) taon, sa pamumuno ni Haring David at ng


kanyang anak na si Solomon, ang Israel ay nagkaisa bilang isang dakila at
makapangyarihang bansa. Ipinangako ng Diyos kina David at Solomon na
manggagaling sa kanilang angkan ang isang hari na maghahari magpakailanman.

Pagkatapos ng paghahari ni Solomon, ang bansang Israel ay nahati. Ang 10 tribu sa


hilaga ay tinawag na “Israel.” Sila ay tumagal sa loob ng 200 taon hanggang
parusahan sila ng Diyos dahil sa kanilang pagsamba sa mga diyus-diyusan. Sinakop
ng Asiria ang Israel noong 721 B.C. Ang dalawang tribu naman sa kanluran ay
tinawag na “Judah” at nagtagal sila ng mahaba-habang panahon ngunit sa huli,
naglingkod din sila sa mga diyus-diyusan at tumalikod sa Diyos. Binihag ng Babilonia
ang Judah noong mga 600 B.C.

May 70 taon ang nakalipas, kinahabagan ng Diyos ang Israel at pinabalik ang mga
nabihag sa ibang bansa sa kanilang sariling lupain. Ang Jerusalem, bilang kabisera,
ay itinayong muli noong may 444 B.C, at muli nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan
ang bansang Israel at dito nagtapos ang Lumang Tipan.

Paglipas ng mga 400 taon, ang Bagong Tipan ay nagbukas sa pagsilang ni Hesu Kristo
sa Bethlehem. Si Hesus ang ipinangako ng Diyos na magmumula sa lahi ni Abraham
at David, ang Siyang magsasakatuparan ng mga plano ng Diyos upang tubusin ang
sangkatauhan at muling ibalik ang sangnilikha sa orihinal nitong kalagayan. Buong
katapatang tinapos ni Hesus ang kanyang gawain - namatay Siya para sa kasalanan
at nabuhay mula sa mga patay. Ang kamatayan ni Kristo ang basehan ng bagong
kasunduan ng Diyos sa tao. Ang lahat ng sasampalataya kay Hesus ay maliligtas sa
kasalanan at mabubuhay magpakailanman kapiling ang Diyos.

Pagkatapos na mabuhay na mag-uli, isinugo ni Hesus ang Kanyang mga alagad sa


mundo upang ipangalat sa lahat ng dako ang tungkol sa Kanyang buhay at ang
Kanyang kapangyarihan upang magligtas. Ang mga alagad ni Hesus ay nangalat sa
lahat ng dako habang ipinapangaral ang Mabuting Balita tungkol kay Hesu Kristo.
Naglakbay sila mula Asia Minor, Gresya, at sa buong imperyo ng Roma. Ang Bagong
Tipan ay nagtapos sa hula tungkol sa muling pagbabalik ni Hesus bilang isang hukom
sa mga hindi sumasampalataya at upang palayain ang buong sangnilikha mula sa
sumpa ng Diyos.
Maiksing Paliwanag
Ang talinghaga ng may-ari ng ubasan ay talinghagang isinalaysay upang isalarawan ang sabing “may mga
naunang mahuhuli at ang mga nahuli na mauuna” (tingnan, Mateo 19:30). Ang mga nauna ay yaong mga
tinawag sa madaling araw; ang mga nahuli ay yaong mga tinawag isang oras bago matapos ang araw.
Nguni’t pagdating sa bayaran, ang mga inunang bigyan ng denaryo ay iyong mga naka-isang oras ng
pagtatrabaho at ang mga inihuli ay yaong pinakamatagal sa pagtatrabaho. Pansinin ang leksyong moral ng
talinghaga na maririnig sa bibig ng may-ari ng ubasan bilang tugon sa protesta ng mga nauna:

Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t umayon kayo sa upa na inialok ko sa inyo? Kunin mo ang iyo at
umalis ka na. Eh ano kung gusto kong bayaran ang mga nahuli ng halagang tulad ng ibinayad ko sa inyo.
Hindi ba ako malaya na gawin ang gusto ko sa aking pera? Naiinggit ka ba dahil ako’y mapagbigay? (tt. 14-
15)

Kung tutuusin ang mga tinawag ng huli ay iyong mga tinawag “sa grasya”. Wala silang karapatan sa isang
denaryo — ang bayad para sa mga nagtrabaho ng buong araw. Sila’y tumanggap nito dahil sa kabutihang
loob ng may-ari. Nguni’t wala ring karapatan ang mga nauna na mag-protesta sa ibinayad ng may-ari sa
kanila. Sila’y binayaran ayon sa kontrata na kanilang inayunan sa umpisa ng trabaho.

Kung ang talinghaga ay tumutukoy sa kabayarang ibibigay ng Diyos sa kanyang mga tinawag — ang mga
Hudyo at mga Hentil — makikita agad ang mga binayaran ayon sa kontrata (ang mga Hudyo) at ang mga
binayaran ayon sa “grasya” (ang mga Hentil). Kung tutuusin, isa lamang naman ang kabayaran, ang Diyos
mismo (tingnan ang Salmo 16) o ayon sa Mateo 5, “ang paghahari ng Diyos”. Nguni’t sa bandang huli, ang
kabutihang-loob ng Diyos mismo ang magiging sukatan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga tao. Ang
“grasya” ng Diyos ay nagpakita na upang iligtas ang lahat sabi nga ni San Pablo (Tito 2, 11). At ito’y
napakita kay Cristo Jesus (Tito 2, 13-14). At ang “kabayaran” na tatanggapin ng lahat ay susukatin ayon sa
kanilang pagtugon sa “grasyang” ito.

You might also like