Kontribusyong Sa Timog at Kanlurang Asya

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

University of Cagayan Valley

School of Liberal Arts and Teacher Education

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A. maiisa-isa ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya;


B. matutukoy ang mga kontribusyon sa arkitekturang asyano, panitikan,
musika at sayaw at pampalakasan; at
C. mapahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga asyano sa Timog at
Kanlurang Asya.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at pagkakakilanlan ng


kulturang Asyano.

B. Sanggunian: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan p.288-295 .

C. Kagamitan: Laptop, PowerPoint, mga larawan, pisara at tisa

III. PAMAMARAAN

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

Panimulang Gawain

 Pagsasaayos ng silid-aralan

 Panalangin

 Pagtala sa mga liban

 Pagbabalitaan

A. PAGGANYAK

Bago tayo dumako sa ating paksa nais


kong panuorin ninyo ang bidyong aking
ipapakita.
“Handog ng Pilipino sa mundo”
Ano ang mensahe ng bidyo?
Tungkol po sa pagmamahalan ng
bawat isa

Sino pa ang may ibang ideya?

Makamit po natin ang kalayaan nang


walang dahas ang kailangan lang ay
magkaisa

B. PAGLALAHAD

Batay sa inyong pinanuod, may


kinalaman ito sa ating talakayan sa araw
na ito.

Kontribusyon ng Timog at Kanlurang


Asya at pagkakakilanlan ng kulturang
Asyano

Ngayon, magsiayos na lahat para sa


ating talakayan

C. PAGTATALAKAY

Ating alamin ang mga kontribusyon ng


Timog at Kanlurang Asya at
pagkakakilanlan ng Kulturang Asyano

Arkitekturang Asyano

Maraming disenyo ng arkitekturang


asyano ang makikitang nagmula sa
Timog at Kanlurang Asya na makikita
sa iba’t-ibang bahagi ng Asya at
daigdig.
Alamin natin ang
ilan sa mga
Akitekturang
Asyano

Timog Asya

Inda

Stupa-

ito ay mga
templong Budista
na gawa sa laryo o batong may bilugang
umbok na may tulis na tore. Dito
inilalagay ang mga sagrado at
panrelihiyong relikya.

Taj Mahal- ipinatayni ni Shah Jahan para


sa kaniyang asawa na si Mumtaz Mahal
na namatay sa panganganak sa pang 14
nilang anak. Itinuring na isa sa “New
Seven Wonders of the World”.

Lumaganap ang impluwensiya ng


arkitekturang Indian sa rehiyon ng
Silangan at Timog-Silangang Asya. Ilan
sa mga templong ito ay

Borobodur sa Java
at

Angkor Wat sa Cambodia.


Kanlurang Asya

Saudi Arabia

Masjid o
Mosque- ito
ang
itinuturing sa
daigdig na
isa o ang pinakamahalagang
pagpapahayag ng sining Islamik. Ang
moske ay napapalamutian ng marmol,
mosaic, at gawang kahoy.

Ribat

Isa pang gusaling panrelihiyon ng mga


Muslim, ito ay may parisukat na hugis,
ang entrada ay napapalamitian at sa
gitna ay may patyo.

Turbe
Ito ay musoleo ng mga Shi’ite Muslim
na may maliliit na gusali na hugis
bilugan, ang bubungan ay may turnet
na hugis dulo ng lapis.
Panitikang Asyano
Maraming nagawa ang mga Asyano sa
larangan ng panitikan. Mayaman ang
mga panitikang Asyano sa mga kwentong
bayan, alamat, epiko, tula, maikling
kwento at dula. Tunghyaan natin ang ilan
sa mga panitikang Asyano.

Timog Asya
India
Sanskrit- nasusulat ang wikang klasikal
ng panitikang Indian sa sanskrit, na
sinasabi ring nakaimpluwensiya sa mga
wika ng ibang bansa tulad ng Pilipinas,
Indonesia, Sri Lanka at Pakistan.
Dalawang Mahalagang Epiko ng India
1. Mahabharata
Ito ay ay nagsasalaysay ng pantribong
digmaan.
2. Ramayana
Ito ay tungkol sa buhay ni Rama, ang
lalaking bida sa epiko.
Panchatantra- ito ang sinasabing
pinakamatanda at pinakatanyag na
koleksiyon na naglalaman ng mga
kuwento ukol sa alamat, engkantada at
pabula.
Maari ba kayong magbigay ng mga
halimbawa ng alamat klas?
Alamat ng Matsing
Alamat ng Pinya
Magaling! Alam kong nuong bata
palamang tayo ay mahilig na tayong
bumili ng mga alamat.
Katulad ko klas, nuong akoy elementarya
palamang madalas na may pumupuntang
bisita sa paaralan sa eskwelahan upang
magbenta ng mga librong alamat,
bugtong-bugtong, pabula at iba pa.

Totoo po iyan, bibigyan ka lamang nila


ng mga listahan ng mga paninda at
inyo lamang lagyan ng tsek.
Tama! Kaya lahat tayo ang pamilyar sa
mga kwentong alamat.
Sa pabula naman, maaari ba kayong
magbigay ng mga halimbawa nito?
Si Daga at si Leon
Magaling! Sa tingin niyo klas,
makatotohanan ba ang kwentong
pabula?
Hindi po
Tama! Dahil ang pabula ay kathang isip
lamang ngunit nakakapulot ng aral ang
mga mambabasa.
Gitanjali- isang aklat ng mga tula.
Golpa Guccha- koleksiyon ng mga
kwento ukol sa ordinaryong pamumuhay
at dinadanas na paghihirap ng mga tao.
Mga nakilala sa larangan ng
Panitikan
Kalidasa- ang pinakadakilang dramatista
ng Inida, may-akda ng Shakuntala. Siya
ay maihahanay sa mahuhusay na mga
Europeong tulad ni William Shakespeare.
Rabindranath Tagore- isang manunulat
na taga Bengal at kauna-unahang
Asyano na nagwagi noong 1913 ng
Gawad Nobel para sa panitikan.
Kanlurang Asya
Israel
Shmuel Yosef Agnon
Siya ang kanuna-unahang Hudyo na
nakatanggap ng noble prize sa
kaniyang akdya na “The Bridal
Canopy” at “ A Guest for the Night”
Yehuda Anichai- nakilala sa kaniyang
akda na “Songs of Jerusalem and Myself”
A Thousand and One nights o Arabian
Nights
Alam kong pamilyar kayo sa kantang ito
klas, naging treding ang kantang ito sa
tiktok kung saan ginawan ito ng sayaw
ng mga tao.
Ito ay kuwentong Persiano na hango
sa kuwentong Indian. Isinasalaysay
dito ang isang prinsesa na nilibang ang
hari upang hindi matuloy ang pagbitay
sa kaniya.
Omar Khayyam- siya ang nagsulat ng
“Rubaiyat” na isnag napakagandnag
tula.Ang inspirasyon ng mga Arabe sa
paggawa ay may kaugnayan sa
relihiyong Islan na pinaniniwalaan nila.
Musika at Sayaw ng mga Asyano
Paniniwala na ang pinakamadaling
paraan upang makamit ang Nirvan
(ganap na kaligayahan) ay sa
pamamagitan ng musika.
Instrumento
Sitar
Ito ay gawa sa pinatuyong upo at
maraming kuwerdas, ang
pinakabantog na instrumento.
Mga nagagamit rin na instrumento sa
musika ay tamburin, plawta (vina) at
tambol (maridangan).
India- Ragas
Ito ay isang musika na nag-aalis ng
sakit. Mayroong tiyak na oras at
panahon sa pagtugtog nito. Ang hindi
pagsunod sa itinakdang oras ay
mailalagay sa panganib ang
tinutugtugan at nakikinig nito.
Saudi Arabia- sa mga lungsod ng
Mecca, Ukash, at Medina ay pumupunta
ang mga manunula, payaso, at musikero
upang mag-aral at magpakadalub-hasa
sa musika.
Mga Instrumentong Pangmusikal
 Mi’zafa
 Gussaba
 Mizmar
 Tambourine
 Harpa at trumpeta
Pampalakasang Asyano
Ito ay naging isang daan upang
magkabulod-buklod ang mamamayang
Asyano. Hindi na mabilang ang mga
Asyanong naging matagumpay, nakilala,
hinangaan sa iba’t-ibang palaro.
Magandang halimbawa rito ay si Hidilyn
Diaz na kauna-unahang babae na naging
kampiyon sa larangan ng weightlifter.
Timog Asya
India
Kabaddi- isang tanyag na pangkatang
laro, binubuo ng dalawang pangkat na
may pitong miyembro. Ang magkabilang
miyembro ay manghuhuli ng miyembro
ng katunggaling pangkat para makakuha
ng mataas na puntos para manalo.
Baraha- popular na laro sa mga hari at
maharlika ng kahariang korte sa India
Chess- kilala sa India bilang Chaturanga.
Judo at Karate
Mahalagang pangangalagang Budista
sa mapanganib na paglalakabay
patungong Japan, China, at Korea na
nag-uugnay sa repleksiyong panloob
ng mga Budista sa kanilang buhay.
Kanlurang Asya
Iraq
May ebidensiya na natagpuan sa
kabihasnang Sumer na mga clay tablet
na naglalaro ng buno (wrestling) at
boksing.
Damahan at Pangangaso- sa panahon ng
Ur.
Paglangoy- sa panahon ng Hittite.
Israel
Takbuhan at pangingisda- laro ng
sinaunang Israel.
Iran
Pangangabagyo- mahusay rito ang mga
Persiano.
Syria
Hurdle at High Jump- dito nakilala si
Gwada Showaa.
Turkey
Weightlifting- nakilala si Naim
Suleymanoghi
Mahilig sa palakasan ang mga Asyano
hindi lamang para manalo at makilala
sa buong mundo, kundi taglay rin ang
katangiang dapat mataglay ng isang
kasali sa laro o manlalaro
D. PAGLALAHAT

May paglilinang ba sa ating tinalakay


klas?
Wala na po guro.
Para sa ating aktibidad, magtatawag ako
ng sasagot sa aking katanungan.

Ano-ano ang mga natalakay nating


kontribusyon ng mga Asya?
Arkitektur, Panitikan, Musika at Sayaw
at Pampalakasa
Maaari ka bang magbigay ng halimbawa
ng panitikan?
Rabindranath Tagore- isang manunulat
na taga Bengal at kauna-unahang
Asyano na nagwagi noong 1913 ng
Gawad Nobel para sa panitikan.
Magbigay naman ng mga halimbawa ng
pampalakasan?
Chess, boksing, wrestling,
pangangabayo at iba pa.
E. PAGPAPAHALAGA

Paano ipinapakita ng mga taga-Timog at


Kanlurang Asya ang kanilang
pagkakakilanlan sa kanilang kultura?

para sa akin ipinapakita ng taga timog


at kanlurang asya ang kanilang
pagkakakilanlan sa kanilang kultura sa
pamamagitan ng pagtutulungan at
pakikipag isa or unity kaya nuong
panahon na may covid-19 maraming
mga taga ibang bansa na tumulong sa
atin para bigyan tayo ng bakuna at yun
na nagpapatunay na ang mga timog at
kanlurang asya ay natutulungan kahit
hindi naman sa kultura pati na rinsa
literal na pangyayari sa totoong buhay.

Ikaw, bilang Asyano at bilang Pilipino,


paano mo mabibigyang halaga ang mga
kontribusyon ng Timog at Kanlurang
Asya?

Ako ay tatangkilik sa kanilang mga


produkto, sususportahan sila sa
pamamagitan ng pag-aanunsyo
tungkol sa gaano kaganda at kung ano
ang mayroon sa Timog At Kanlurang
Asya.

F. PAGLALAPAT

Para sa ating pangalawang aktibidad

Panuto: Magtala ng mga sikat na


manlalaro na kilala mo. Maaaring nasa
Pilipinas o nasa ibang bansa. Punan ang
talahayan ng mga impormasyon tungkol
sa kanila.

Pangalan Bansa Larong


Kinabibilangan

1.

2.

3.

4.

IV. PAGTATAYA

Picture Perfect

Hango sa inyong natutunan sa talakayan. Tukuyin kung ang mga larawang


makikita ay sa larangan ng Panitikan, Arkitektura, Musika at Sayaw, o
Palakasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Mga Kasagutan

1. Arkitektura 6. Palakasan

2. Palakasan 7. Panitikan

3. Palakasan 8. Arkitektura

4. Arkitektura 9. Palakasan
6. Musika at Sayaw 10. Arkitektura

V. TAKDANG ARALIN

Repleksiyon:

Panuto: Isulat ito isang malinis na papel.

Bilang isang kabataang Pilipino, sa paanong paraan mo mapapaunlad ang


kulturang Pilipino
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________.

You might also like