COT - Q4W5 - Musika 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA MUSIKA IV

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:


1. natutukoy ang tunog sa pamamagitan ng pakikinig ng mga awit o tugtugin
para sa solo, duet, trio, o grupo,
2. pag-iingat at pagpapahalaga sa boses ng bawat isa, at
3. naisasagawa ang iba’t ibang uri ng mang-aawit o manunugtog.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Paksa: Uri ng Mang-aawit o Manunugtog
B. Lunsarang Awit: “Little Band”, C (recorded na tunog)
C. Sanggunian: Music, Art, and Physical Education 4, pp. 78-81
D. Kagamitan: Larawan ng iba’t ibang kilalang mang-aawit, recorded na tunog,
speaker/TV at Computer Aided Instruction (CAI)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magandang hapon mga bata!
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

2. Pagsasanay
Sabihin kung anong uri ng nota.

Whole note Quarter note

Half note Eighth note

3. Balik-Aral
Suriin ang mga nota at sabihin kung malawak o maikli ang pangitan ng bawat nota.

4. Pamantayan
Aawit tayo ngayon, pero bago tayo magpatuloy may nakita ba kayong mga
instrumento sa pisara? Sino ang gustong kumuha at basahin sa harap ang nakasulat?

Pamantayan ng Pagtatakda
1. Makinig ng mabuti sa guro.
2. Umupo nang maayos.
3. Huwag maingay.
4. Magtulungan sa pangkat.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ngayon naman may kakantahin tayong mapanghamon pero napakagiliw na awitin.
Ang pamagat ng kanta ay “Little Band”.

Kantahin natin. (Ipatugtog ang awiting “Little Band”)


Ngayon naman ating suriin ang awiting “Little Band”. Nasa anong palakumpasan ang
awiting “Little Band”?
Ang “Little Band” ay nasa 2 na palakumpasan.
4

2. Pagtatalakay

Uri ng Mang-aawit o Manunugtog

1. Solo – ang paraan ng pag-awit at pagtugtog nang mag-isa.

2. Duet – ito naman ay paraan ng pag-awit at pagtugtog ng dalawahan.

3. Trio – pag-awit at pagtugtog na binubuo ng tatlong mang-aawit nang sabay-sabay


na may iba’t ibang armonya.
4. Grupo – tunog ng mga instrumento na sabay-sabay ang pagtugtog at nakalikha ng
kaaya-ayang tunog o awitin.

4. Paglalahat
Ano-ano nga ulit ang mga uri ng mang-aawit
o manunugtog?
Ilan naman ang bilang ng uri ng mang-aawit
o manunugtog?

Ano ang gagawin ninyo upang pangalagaan ang inyong boses?


(Iba’t ibang sagot ng mga bata.)
5. Paglalapat
Magkakaroon tayo ng maikling programa para sa ating Searching for The Next Star.
Solo
Duet
Trio
Grupo

IV. Pagtataya
Panuto: Tingnan ang mga sumusunod na larawan/video at kilalanin kung anong uri ng
mang-aawit o manunugtog ang mga ito.

V. Takdang-aralin
Panuto: Gumupit ng isang larawan ng paborito mong mang-await at idikit ito sa short
bondpaper.

Inihanda ni:

JENNY LYN M. LACAZA


Teacher I
( Solo, Duet, Trio, o Grupo )

You might also like