Physical Education: Quarter 4 - Module 2, Week 2-3
Physical Education: Quarter 4 - Module 2, Week 2-3
Physical Education: Quarter 4 - Module 2, Week 2-3
0
I. UNANG BAHAGI
A. Panimula
Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang mga pangunahing posisyon at hakbang-sayaw ng Ba-
Ingles at natutunan din nating lapatan ng musika ang mga ito upang makabuo ng isang magandang likhang
sayaw. Sa araling ito, paiigtingin pa natin ang iyong kasanayan sa mga hakbang-sayaw ng Ba-Ingles upang
madali mo nalang na matutunan ang mismong sayaw kung ito ay ilalahad na sa mga susunod na aralin.
B. Pagtatalakay
Sa pagkakataong ito, ikaw naman ay sasayaw nang may kapareha. Humikayat ng sinoman sa inyong
tahanan na handang samahan kang pag-aralan ang sayaw. Kung ikaw ay isang babae, marapat lamang na
lalake ang iyong kasamang magsayaw. Gayundin sa lalakeng mananayaw, mas mabuti kung babae ang
kanyang makakapareha.
Pormasyon: Ang magkapareha ay magkalapit na nakatayo nang may layong anim na talampakan ang
pagitan. Kapag nakaharap sa madla, ang batang babae ay nakatayo sa kanang bahagi ng batang lalaki.
Halimbawa:
1
Balik-aralan natin ang tinalakay na mga hakbang-sayaw at batayang posisyon ng Ba-Ingles.
Saludo
Direksyon:
2
Narito rin ang mga hakbang-sayaw na tampok sa sayaw na Ba-Ingles. Atin itong balik-aralan.
Gawin nang isa-isa ang mga hakbang ng sayaw na naayon sa bilang sa ilalim ng bawat step.
Gawin ang pinagsamang mga posisyon at direksyon na ginagamitan ng lakad tungo sa iba’t ibang
pormasyon (formation)
I
Lumakad nang may kapareha:
Panimualang posisyon: Humarap sa kapareha na may apat na talampakang layo sa kapareha. Tumayo
nang magkadikit ang mga paa.
a. Lumakad pasulong (bilang 1, 2, 3, 4) patungo sa kapareha, ang kamay ng lalaki ay nasa baywang
at ang babae ay nakahawak sa palda.
b. Lumakad nang paatras (bilang 1, 2, 3, 4) palayo sa kapareha. Ang mga kamay ay katulad ng (a).
c. Lumakad ng apat na hakbang pasulong (bilang 1, 2, 3, 4) papunta sa lugar ng kapareha na
dumadaan sa parehong kanang balikat. Itaas ang kanang kamay sa itaas ng ulo, kaliwang kamay
sa baywang.
d. Lumakad ng apat na hakbang paatras (bilang 1, 2,3, 4) pabalik sa dating lugar na dumadaan sa
parehong kaliwang balikat. Itaas ang kanang kaliwang kamay sa itaas ng ulo, kanang kamay sa
baywang.
e. Ulitin ang (a-d) simulan ang paghakbang sa kaliwang paa.
3
II
a. Magsimula sa kanang paa, gumawa ng dalawang Change Step sa lugar. Ang kamay ng lalake ay
nasa baywang, nakahawak naman sa palda ang kamay ng babae.
b. Gumawa ng dalawang (2) Point Step simulan sa kanang paa. Ang kamay ng lalake ay nasa
baywang, nakahawak naman sa palda ang kamay ng babae.
c. Simulan sa kanang paa, gumawa ng apat (4) na Change Step habang umiikot pakanan. Salit-
salitang magkumintang pakanan at pakaliwa.
d. Ulitin (a-c).
III
a. Lalake: Magsimula sa kanang paa. Gumawa ng dalawang Change Step pasulong at papalapit sa
kapareha. Ang kamay ay nasa baywang. Simulan sa kanang paa, gawin ang dalawang (2) Point
Step ng salitan habang nagkukumintang pakanan at pakaliwa.
Babae: Manatiling nakatayo sa lugar habang pumapalakpak (bilang 1 and 2).
b. Lalake: Ulitin ang (a) paatras at pabalik sa dating lugar.
Babae: Manatiling nakatayo sa lugar habang pumapalakpak (bilang 1 and 2).
c. Ulitin ang (a) at (b). Sa sandaling ito, magpapalitan ng kilos ang magkapareha (ang lalake ang
siya namang papalakpak, ang babae naman ang gagawa ng change step at point step)
IV
SALUDO
C. Pagbasa
Sa kasalukuyan, ang katutubong sayaw ay binubuhay sa puso at isip ng mga kabataang Pilipino sa
pamamagitan ng maraming kapistahan o festival sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Nagpapakita ito ng
pagkakaisa, paniniwala, at kaugalian ng mga mamamayan sa iba’t ibang nayon.
4
D. Halimbawa
Sabay sabay nating panoorin ang sayaw Ba-Ingles sa pamamagitan ng panonood ng isang video sa
link na ito. Tukuyin sa sayaw na ito ang mga pangunahing hakbang-sayaw na gamit sa ating aralin.
GAWAIN 1.
Panuto: Basahing maigi ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat T kung tama at M kung mali.
____________ 1. Ang sayaw Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa Cabugao, Ilocos Sur.
____________ 2. Ito ay hinalaw sa salitang baile at Ingles na ang ibig sabihin ay English Dance.
5
III. LAGUMANG PAGSUSULIT
A. Panuto: Isagawa ang iba’t-ibang hakbang-sayaw na tampok sa araling ito. I-video ang inyong
pagtatanghal at ipadala ito ng FB Messenger ng iyong guro.
5 3 1
Figure I
Figure II
Figure III
Figure IV
Saludo
Pamantayan sa Pagmamarka:
IV. SANGGUNIAN
A. Aklat
Marilou E. Marta R. Benisano, M.A.P.A, et.al, 2015, VICARISH Publication ang Trading, Inc.
pp. 190-197
5. T
4. T
B. Online and other sources
3. M
https://youtu.be/FDldZn1mjCI?t=46 2. T
1. T