NOLI Me Tangere KABANATA 1
NOLI Me Tangere KABANATA 1
NOLI Me Tangere KABANATA 1
KABANATA 1
Isang Handaan sa Hapunan
Isang biglaan ngunit engrandeng pagtitipon ang isiniwalat ng galanteng si Don Santiago de los
Santos o kilala rin bilang si Kapitan Tiyago. Simbilis ng kidlat nang kumalat ito sa buong Intramuros,
Binondo at sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Ang lahat ay di magkandamayaw sa paghahanda para sa
kanilang pagdalo sa nasabing pagtitipon. Nalalaman kasi ng lahat na dadalo rito ang iba’t ibang
prominenteng tao kaya’t maging silang pangkaraniwang Indiyo na naghahangad mapabilang sa ganoong
klaseng pagtitipon ay hindi magkandatuto upang makatikim ng masasarap na mga pagkain.
Isa sa mga naging panauhin ang Dominikong Prayle na si Padre Damaso na noon ay nagpupuyos
sa galit habang isinisiwalat niya ang di pagsang-ayon sa kanyang pagkakalipat sa ibang lugar matapos
niyang pamunuan ang bayan ng San Diego sa loob ng dalawampung taon. Ipinaabot niya ang kanyang
matinding pagkadisgusto sa isa sa mga naroroon na kanyang nakaharap, ang Kapitan, upang maipaabot
ng huli sa Kapitan Heneral. Dahil dito, naibulalas nang hindi inaasahan ang tungkol sa pagpapahukay sa
bangkay ng erehe (ayon kay Padre Damaso) na ayon sa Kapitan ay malaking kabulaanan dahil mabuti,
matapat, matulungin at mapagmahal sa bayan ang taong ito bagamat di nangungumpisal sa prayle gaya
niya.
Nagpupuyos sa galit ang Dominikong pari na nakakuyom pa ang mga kamao habang nagsasalita
na naging dahilan ng pag-agaw ng atensyon ng lahat sa kaniya. Natigil lamang ito nang mamagitan si
Padre Sibyla, isang pormal at makisig na Paring Dominiko na nakabase sa Binondo. Nasa ganoong
sitwasyon ang lahat nang biglang dumating ang mag-asawang kinilalang sina Doktor de Espadaña at
Doña Victorina.
Malugod na ipinakilala ng Kapitan Tiago sa mga panauhin si Crisostomo Ibarra na kadarating
lamang mula sa Europa. Mahahalatang natakot si Padre Damaso nang makita niya ang binata
samantalang ang Tenyente naman at iba pang mga panauhin ay lubos na humanga sa kanya nang
marinig nilang siya ang nag-iisang anak ng nasirang Don Rafael Ibarra na namalagi sa Europa upang
magpakadalubhasa. Nahiyang makipagkilala sa kanya ang mga panauhin lalo na ang mga dalagang
Pilipina kaya siya na ang gumawa ng paraan para makipagkilala.
Dumulog ang mga panauhin sa hapag-kainan para pagsaluhan ang inihandang hapunan. Lalong
humanga ang mga bisita nang mabatid nilang halos nalibot na ng binata ang buong Europa at gayundin
sa kakayahan niyang makapagsalita ng iba’t ibang wika. Kapansin-pansin ang pagkayamot ni Padre
Damaso habang kumakain ng hapunan hanggang sa humantong sa pang-iinsulto niya sa binata.
Sa halip na gumanti at magalit ang binata kay Padre Damaso ay maayos niya pa ring tinugon ang
pangungutya ng matandang pari at pagkatapos ay magalang siyang nagpaalam sa mga naroroon.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Panuto: Matapos basahin ang buod ng Kabanata 1 hanggang 3,
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano-anong kaugalian nating mga Pilipino ang malayang ipinakikta sa unang talata?
Nangyayari pa rin ba ito hanggang sa kasalukuyan? Ipaliwanag (3 na puntos)
2. Sa ikalawang talata, ilahad ang iyong kongklusyon sa di inaasahang tinuran ng Kapitan laban
sa Dominikong prayle na si Padre Damaso. Pangatwiranan ang iyong kongklusyon. (3 na puntos)
3. Mula sa iyong mga obserbasyon at pagsasaliksik, ano- anong “kakatwang kaugalian” ng mga
Pilipino ang kalimitang nakikita mo sa tuwing magkakaroon ng isang handaan o pagtitipon ang
mga Pilipino?(kaarawan, kasal, binyag atbp.) Mula sa pagpaplano, paghahanda at sa mismong
okasyon at pagkatapos ng nasabing pagdiriwang, ano-ano ang iyong mga napupunang
kaugalian na iyong nasaksihan sa iyong pamilya o sa iba? Ilahad ang iyong kasagutan. (4 na
puntos)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pagnilayan at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bigyang interpretasyon ang salitang inggit. Paano ka makakaiwas sa pagkainggit sa iyong
kapwa?
INGGIT
2. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa positibo at negatibong dulot ng inggit sa kapwa?
POSITIBO NEGATIBO

3. Paano ka nabago ng mga pangyayaring naganap sa pangunahing tauhan sa akda?