Esp 8 - SLK-Q4 - Week 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

Sudlon, Lahug, Cebu City, Cebu

KARAHASAN SA
PAARALAN
(Unang Bahagi-Linggo 5)
Ika-apat na Markahan
Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

1
SARILING-LINANGAN KIT
PAUNANG SALITA

Ang Sariling-Linangan Kit na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral


upang malinang ang kanilang karanasan at kahusayan sa pag-iwas na
makasali sa iba’t-ibang uri ng karahasan sa paaralan.

Ang mga gawain dito ay magpapaunlad at magpapalawak sa


kanilang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan. Sa pamamagitan
nito ay nalilinang ang mga iba’t-ibang gabay sa pagkatuto na
magagamit sa kanilang araw-araw na pamumuhay at mga karanasan.

Nahahati sa tatlong bahagi ang Sariling-Linangan Kit na ito:

A. Ano ang Nangyari? (Balikan Natin) ito ang bahagi kung saan
sasagutin ang iba’t-ibang mga gawain para masanay ang mga dating
kaalaman at lubusang matutunan ang mga competency ng nagdaang
pinag-aralan.

B. Ano ang Dapat Malaman? (Pag-usapan Natin) sa bahaging ito ay


tatalakayin ang mga gabay sa pagkatuto na nakapaloob sa mga aralin
dito.

C. Ano ang Natutunan? (Sanayin Natin) sa bahaging ito ay hahasain


ang kanilang mga kaalaman sa learning competency na nakapaloob sa
karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng mga pagsasanay.

Inaasahan na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa


wastong pagmamahal sa sarili upang maisagawa ang angkop na kilos ng
pag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan sa kanilang araw-araw
na pamumuhay at pakikipag-ugnayan sa mga tao.

2
LAYUNIN:
1. Maililista ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan.
2. Mailarawan ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan
upang maiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan.

LEARNING COMPETENCY:
1. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa
paaralan. (EsP8IPIVc-14.1)
2. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan
upang maiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan. (EsP8IPIVc-14.2)

I. ANO ANG NANGYARI?


A.
BALIKAN NATIN
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang _______________ ay ang sinasadya o madalas na malisyosong pagtatangka


ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigpit pang
biktima sa paaralan.
A. Pambubulas
B. Pandaraya
C. Fraternity
D. Gang

2. Ang ___________ ay uri ng pambubulas kung saan ang isang nangbubulas ay


parating nangangantiyaw, nang-iinsulto, o nagpapahiya sa kaniyang binubulas.
A. sosyal na pambubulas
B. pisikal na pambubulas
C. pasalitang pambubulas
D. relasyonal na pambubulas

3. Kung ang layunin ng nangbubulas ay sirain ang reputasyon at pakikipag-


ugnayan ng biktima sa ibang tao, ito ay ____________.
A. pisikal na pambubulas
B. emosyonal na pambubulas
C. pasalitang pambubulas
D. relasyonal na pambubulas

4. Ang pananakit ng isang nangbubulas sa biktima kung saan kaniya itong


sinasapak, sinusuntok o di kaya ay sinisira ang kagamitan ng biktima

3
A. pisikal na pambubulas
B. pasalitang pambubulas
C. emosyonal na pambubulas
D. relasyonal na pambubulas

5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nabubulas ng isang bata,
MALIBAN sa _______________.
A. kaibahang pisikal
B. oryentasyong sekswal
C. kakaibang estilo manamit
D. kayang ipagtanggol ang sarili

6. Ang sumusunod ay mga epekto ng pangbubulas, MALIBAN sa


___________________.
A. nagiging marahas
B. masakitang ulo at tiyan
C. nagkakaroon ng maraming kaibigan
D. nagkakaroon ng labis na pagkabalisa

7. Ang isang mambubulas ay may pagkiling sa mga gawaing masama at


nakasasakit ng kapwa at ito ay makikita sa kanilang malabis na pagnanais na
___________ sa lahat.
A. magalit
B. mangibabaw
C. maging mabuti
D. maging guwapo

8. Ang mga sumusunod ay mga ilan sa pangunahing kategorya ng karahasan sa


paaralan MALIBAN sa ____________.
A. pambubulas o bullying
B. pagdadalaga ng droga
C. pagdadala ng mga nakakasakit ng bagay
D. pakikipagkaibigan

9. Alin sa mga sumusunod ang madalas na sanhi kung bakit nabubulas ang isang
tao?
A. Dahil siya ay masayahin at palakaibigan
B. Dahil sa kaniyang kakaibang estilo ng pananamit
C. Dahil siya maraming nagagandahan sa kaniya
D. Dahil siya ay may mataas na tingin sa kaniyang sarili

10. Ang mga sumusunod ay mahalaga upang maiwasan ang karahasan MALIBAN
sa __________________.
A. paggalang sa sarili B. Pagmamahal sa kapwa
C. Paniniwala sa DIos D. Pag-iisip ng masama

4
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

PAG-USAPAN NATIN #1

Balikan ang iyong karanasan noong ikaw ay pumapasok sa paaralan. Ano


ang nararamdaman mo sa tuwing ikaw ay papasok sa paaralan? Masaya ka ba at
ginaganahan ka ba na pumasok dahil makikita mo na ulit ang iyong mga kaibigan
at guro? O malungkot ka dahil mayroon kang mga karanasan na kung maaari
lamang ay iyo ng kalilimutan? Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang
tahanan ng maraming mga mag-aaral. Inaasahasan na katulad ng tahanan, ang
bawat isa ay magiging panatag at ligtas dito.
Ngunit hindi din lingid sa ating kaalaman na may mga kaguluhan na
nagaganap sa paaralan. Maraming mga karahasan ang nagaganap sa loob ng
paaralan na kailangan ng agarang solusyon. Ang ilan sa mga pangunahing
kategorya ng karahasan sa paaralan ay pambubulas o bullying, labanan, pag-
aaway o pagsasakitan sa loob man o sa labas ng paaralan, pagdadala ng droga,
sexual harassment, vandalism, pagnanakaw, pagdadala ng masasakit na bagay.
Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan at
ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito?

PAG-USAPAN NATIN #2

Ang Pambubulas o “Bullying”


Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na malisyosong
pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o
mahigit pang biktima sa paaralan. Ang mga batang nambubulas ay ginagamit ang
kaniyang kapangyarihan, na nakahihigit sa kaniyang binubulas. Matatawag
lamang na pambubulas kung ito ay isasagawa ng paulit-ulit o may potensyal na
maulit sa takdang panahon.
Uri ng Pambubulas
1. Pasalitang Pambubulas- pagsasalita o pagsusulat ng ng masamang salita laban
sa isang tao.
Halimbawa rito ay pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panlalait, pang-
aasar, paninigaw, pagmumura, pag-iinsulto, pagpapahiya s aiyo sa harap ng
maraming tao at iba pa.

5
2. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas- may layuning sirain ang reputasyon at ang
pakikkipag-ugnayan sa ibang tao.
Halimbawa rito ay ang hindi pagtanggap sa isang tao o sadyang pang-iiwan sa
kaniya sa maraming pagkakataon, panghihikayat sa iba na huwag
makipagkaibigan sa isang particular na indibidwal o pangkat, pagkakakalat ng
tsismis, pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng nakakarami at iba pa.
3. Pisikal na Pambubulas- pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at
paninira ng kaniyang pag-aari.
Halimbawa rito ay ang panununtok, paninipa, pananampal, pangungurot o ang
biglang pag-alis ng upuan habang nakatalikod upang mitumba ang nakaupo at
ang pagsira ng gamit ng isang tao.

Karakter sa Pambubulas
Narito ang posibleng mga sanhi kung bakit nambubulas o binubulas ang isang tao.

Nambubulas Binubulas
Hindi naramdaman ang pagmamahal Kaibahang Pisikal (physically different)
sa kanyang pamilya.
Hindi napalago ang ugnayan at Kakaibang Estilo ng Pananamit (dresses
komunikasyon sa loob ng pamilya. up differently)

Ginamitan ng pananakit bilang Oryentasyong sekswal (sexual


pagdisiplina. orientation)

Nakikita ang pagiging marahas ng Madaling napikon (short-tempered)


magulang
Lumaki na napabayaan ng pamilya at Balisa at di panatag a sarili (anxious and
hindi napapalalahanang sa mga hindi insecure)
tamang gawain.
Mababa ang tingin sa sarili (low self-
esteem)

Tahimik at lumayo sa nakararami (quiet


and withdrawn)

Walang kakayahang ipagtanggol ang


sarili (inability to defend oneself)

6
Mga Epekto ng Pambubulas
1. Maaaring magdulot ng takot sa pagharap ng mga bata sa lipunan.

2. Magdudulot ito ng madalas na pagliban sa klase na malaon ay magbubunga ng


paghihinto sa pag-aaral at pag ayaw na muli pang bumalik sa paaralan.

3. Magbibikay sa biktima ng pambubulas ay may posibilidad na magkaroon ng labis


na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog (sleep difficulties0, mababang
tiwala sa sarili, maging sakit ng ulo at tiyan at pangkalahatang tension.

4. Ang biktima ng pambubulas ay madalas na kakaunti ang kaibigan o maaaring


walang kaibigan

5. Ang biktima ay may posibilidad na sila mismo ay maging marahas, maaaring sa


panahon ng pambubulas o sa hinaharap.

Tandaan:
Kailanman ay hindi normal sa yugto ng pagbibinata o pagdadalaga
ang pambubulas. Hindi ito maaaring hayaan ang patuloy na ganitong
pangyayari dahil lamang inaakala ng marami na bahagi ito ng kanilang
pagbabago at paglago. Kapag ito ay hindi matigil, lalala ang di kanais-nais
na pakikipag-ugnayan sa kapwa at maaaring humantong ito sa isang
trahedya sa kanilang buhay, sa kanilang pamilya, sa paaralan at sa lipunan.

III. ANO ANG NATUTUNAN?

SANAYIN NATIN #1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang _______________ ay ang sinasadya o madalas na malisyosong pagtatangka


ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigpit pang
biktima sa paaralan.
A. Pambubulas
B. Pandaraya
C. Fraternity
D. Gang

7
2. Ang ___________ ay uri ng pambubulas kung saan ang isang nangbubulas ay
parating nangangantiyaw, nang-iinsulto, o nagpapahiya sa kaniyang binubulas.
A. sosyal na pambubulas
B. pisikal na pambubulas
C. pasalitang pambubulas
D. relasyonal na pambubulas

3. Kung ang layunin ng nangbubulas ay sirain ang reputasyon at pakikipag-


ugnayan ng biktima sa ibang tao, ito ay ____________.
A. pisikal na pambubulas
B. emosyonal na pambubulas
C. pasalitang pambubulas
D. relasyonal na pambubulas

4. Ang pananakit ng isang nangbubulas sa biktima kung saan kaniya itong


sinasapak, sinusuntok o di kaya ay sinisira ang kagamitan ng biktima
A. pisikal na pambubulas
B. pasalitang pambubulas
C. emosyonal na pambubulas
D. relasyonal na pambubulas

5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nabubulas ng isang bata,
MALIBAN sa _______________.
A. kaibahang pisikal
B. oryentasyong sekswal
C. kakaibang estilo manamit
D. kayang ipagtanggol ang sarili

6. Ang sumusunod ay mga epekto ng pangbubulas, MALIBAN sa


___________________.
A. nagiging marahas
B. masakitang ulo at tiyan
C. nagkakaroon ng maraming kaibigan
D. nagkakaroon ng labis na pagkabalisa

7. Ang isang mambubulas ay may pagkiling sa mga gawaing masama at


nakasasakit ng kapwa at ito ay makikita sa kanilang malabis na pagnanais na
___________ sa lahat.
A. magalit
B. mangibabaw
C. maging mabuti
D. maging guwapo

8. Ang mga sumusunod ay mga ilan sa pangunahing kategorya ng karahasan sa


paaralan MALIBAN sa ____________.
A. pambubulas o bullying

8
B. pagdadalaga ng droga
C. pagdadala ng mga nakakasakit ng bagay
D. pakikipagkaibigan

9. Alin sa mga sumusunod ang madalas na sanhi kung bakit nabubulas ang isang
tao?
A. Dahil siya ay masayahin at palakaibigan
B. Dahil sa kaniyang kakaibang estilo ng pananamit
C. Dahil siya maraming nagagandahan sa kaniya
D. Dahil siya ay may mataas na tingin sa kaniyang sarili

10. Ang mga sumusunod ay mahalaga upang maiwasan ang karahasan MALIBAN
sa __________________.
A. paggalang sa sarili B. Pagmamahal sa kapwa
C. Paniniwala sa DIos D. Pag-iisip ng masama

SANAYIN NATIN #2

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad sa pangungusap ay wasto at MALI
naman kung hindi wasto.

_________1. Ang biktima ng pambubulas ay madalas na kakaunti ang kaibigan o


maaaring walang kaibigan.
_________2. Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na
malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan
ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
_________3. Ang ilan sa mga pangunahing kategorya ng karahasan sa paaralan ay
pambubulas o bullying, labanan, pag-aaway o pagsasakitan sa loob man o sa labas
ng paaralan, at pakikipag-usap sa mga kaibigan.
_________4. Ang pambubulas ay normal at bahagi ito sa yugto ng pagbibinata at
pagdadalaga ng indibidwal.
_________5. Kadalasan binubulas ang isang tao sa dahil wala itong kakayahan na
ipagtanggol ang sarili.

9
SANAYIN NATIN #3

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Husgahan kung ito ay sanhi o
epekto ng karahasan sa paaralan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A- kung ito ay sanhi ng karahasan sa paaralan
B- kung ito ay epekto ng karahasan sa paarlan

1. Hindi napatnubayan ng mgaulang ang paglaki ng anak at hindi ito


napalalahanan kung ano ang tamang Gawain.
2. Kakaiba manamit ang tao at hindi ito katulad ng karamihan
3. Maaaring ang biktima ay hindi na gaganahang pumapasok sa paaralan
4. May posibilid na ang biktima ay magiging marahas at mapanakit
5. Ang tao ay binubulas dahit ito ay walang kakayahang ipagtanggol ang sarili
laban sa ibang tao.

SANAYIN NATIN #4

Panuto: Sa iba’t-ibang kategorya ng karahasan sa paaralan, isulat kung ano ang


kadalasang sanhi at epekto nito. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo.

Kategorya ng Sanhi Epekto


Karahasan
Walang kakayahang Makakaramdam ng labis
1. Pambubulas ipagtanggol ang sarili na kalungkutan

2. Pagnanakaw

3. Pag-aaway o
Pagsasakitan

4. Pagdadala ng
mga nakakasakit na
bagay

10
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V
Schools Division Superintendent

ESTELA SUSVILLA, Ph. D.


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed. D.


Chief, Curriculum Implementation Division

Ma. ISMAELITA N. DESABILLE, Ed. D


Education Program Supervisor – (LRMDS)

MILA C. GAITAN, Ed. D.


Education Program Supervisor- (EsP)

RENA O. VERDIDA, LPT


Writer/Illustrator/Layout Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGIONAL OFFICE VII

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed. D., CESO V


Director III OIC- Regional Director

MARIA JESUSA C. DESPOJO, Ed. D.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURIETTA F. PONCE
Education Program Supervisor – (LRMDS)

JUDITH B. ABELLANEDA, Ed.D.


EsP- Regional Education Program Supervisor

11
SINOPSIS

Ang Sariling-Linangan Kit na ito ay


tumatalakay sa magiging epekto sa kilos at
pagpapasiya ng wastong pag-iwas at
pagtugon sa mga karahasan sa paaralan.

SUSI SA PAGWAWASTO:
Matuto ang mga mag-aaral na
sumuri kung sa mga iba’t-ibang uri, sanhi at BALIKAN NATIN
epekto ng karahasan sa paaralan. Paunang Pagtataya
1. A 6. C
2. C 7. B
Sila ay inaasahang makagawa ng 3. D 8. D
mga angkop na kilos upang masupil ang 4. A 9. B
karahasan sa kaniyang paaralan at 5. D 10. D
maisabuhay ang pagmamahal at
paggalang sa sarili at kapwa na
makatutulong sa pagsugpo ng kasamaan. SANAYIN NATIN #1
1. A 6. C
2. C 7. B
Halika at sabayan mo kami sa 3. D 8. D
pagsusuri ng mga talakayan tungkol sa 4. A 9. B
mga karahasan sa paaralan. 5. D 10. D

SANAYIN NATIN #2
1. TAMA 2. TAMA 3. MALI
4. MALI 5. TAMA

SANAYIN NATIN #3
1. A 2. A 3. B 4. B 5. A

May Akda: RENA O. VERDIDA. Nagtapos sa kursong Bachelor of


Arts major in Religious Education sa Baptist Theological College.
Kasalukuyang nagtuturo sa Paknaan National High School bilang
guro sa Edukasyon sa Pagpapahalaga sa mga mag-aaral sa ika-
walong baitang.

12
13

You might also like