Gr.2 EsP 2nd Grading 2023
Gr.2 EsP 2nd Grading 2023
Gr.2 EsP 2nd Grading 2023
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.
1. Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng bagyo. Wala silang
matuluyan dahil naanod ng baha ang kanilang bahay. Alin sa sumusunod
ang dapat mong gawin?
A. Patutuluyin ko ang aming kamag-anak at tutulungan ko sila.
B. Pagtatawanan ko sila dahil naanod ang kanilang bahay.
C. Hindi ko sila patutuluyin dahil sikip na sa aming bahay.
D. Hindi ko sila papansinin.
2. Nakita mong nakahawak sa tiyan ang iyong kaklase na si Essang at
nakaupo sa labas ng inyong silid-aralan habang oras ng recess. Anong
pahayag ang nagpapakita ng nararapat na gawin?
A. Pagtatawanan ko si Essang sa kanyang sitwasyon.
B. Lolokohin ko si Essang at sasabihing umuwi na sa kanilang bahay.
C. Bibigyan ko si Essang ng baon kong tinapay.
D. Hindi ko siya papansinin.
3. Kapitbahay ninyo ang magkapatid na sina Popoy at Pepay. Tuwing hapon
lagi silang nakasilip sa inyong bintana dahil nakikipanood sila ng T.V. Wala
silang kuryente sa bahay. Ano ang dapat mong gawin upang mapasaya
ang magkapatid?
A. Papapasukin ko sila upang makapanood ng T.V.
B. Paalisin ko sila at sasabihing bawal sumilip.
C. Sasaraduhan ko an gaming bintana.
D. Lolokohin ko sila na wala silang kuryente sa bahay.
4. May bago kayong kamag-aral na galing sa malayong barangay sa inyong
bayan. Lagi siyang nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan. Alin sa sumusunod
ang dapat mong gawin?
A. Pagtatawanan ko siya at lolokohin.
B. Lalapitan ko siya at makikipagkaibigan.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Aawayin ko siya.
5. Bagong dating ka sa inyong paaralan. Napansin mong may isang batang
pilay ang hindi makaalis sa kanyang kinatatayuan. Alin sa sumusunod ang
nararapat mong gawin?
A. Lolokohin ko siyang pilay.
B. Hindi ko siya papansinin.
C. Lalapitan ko siya at aalalayan.
D. Pagtatawanan ko siya dahil hindi siya makalakad.
6. Sumimba ang inyong mag-anak sa simbahan ng Katedral. May lumapit sa
iyong isang pulubi na humihingi ng limos. Paano mo maipapakita ang
pagtulong sa pulubi?
A. Bibigyan at tutulungan ko siya.
B. Paaalisin ko ang pulubi.
C. Lolokohin ko ang pulubi dahil marumi siya.
D. Hindi ko papansinin ang pulubi.
25. Alina ng pinaka wastong gawin kung may isang lolo na nahihirapan sa
pagtawid?
A. Lalapitan ko at tutulungan ang lolo.
B. Uunahan ko ang lolo sa pagtawid.
C. Hindi ko papansinin ang lolo.
D. Tatawanan ko ang lolo.
26. Sa inyong talakayan sa klase ay nais mong sumagot ngunit tinawag na ng
guro ang iyong kamag-aral upang siya ang sumagot, anong pahayag ang
nagpapakita ng paggalang sa iyong kapwa mag-aaral?
A. Tatayo rin ako upang isigaw ang sagot.
B. Makikinig ako sa sagot ng kamag-aral ko.
C. Mag-iingay ako upang mapansin ng guro.
D. Itataas ko ang aking kamay kahit may sumasagot na.
27. Darating na ang trak, nahihirapang magdala ng maraming sako ng basura
ang dyanitor ng paaralan kaya aking ______________________.
A. tutulungan B. pagtatawan C. lolokohin D. sisigawan
28. Nakita mong dinidikitan ni Obet ng bubble gum ang bag ng inyong
kaklase. Kung ikaw si Obet gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
A. Opo, dahil masaya itong gawin.
B. Opo, magdidikit rin po ako ng bubble gum sa iba pang bag ng kaklase.
C. Hindi ko po siya gagayahin dahil masama ang kanyang ginagawa.
D. Ididikit ko nalang ang bubble gum sa ilalim ng lamesa.
29.Paano nakatutulong ang pagmamalasakit sa kapwa sa pagkakaroon ng
maayos sa pamayanan?
A. Ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa bawat miyembro ng
pamayanan.
B. Ito ay nagpapalakas ng loob ng mga tao upang maipagyabang.
C. Ito ay nagtuturo sa mga tao upang umasa na lamang.
D. Ito ay tumutulong upang maging kilala sa pamayanan.
30. Kung ikaw ang makakatanggap ng pagmamalasakit mula sa iyong
kamag-aral, ano ang mararamdaman mo?
A. masaya B. malungkot C. takot D. galit
Edukasyon Sa Pagpapakatao
Ikalawang Panahunang Pagsusulit
Grade 2
Susi ng Pagwawasto
1. A
2. C
3. A
4. B
5. C
6. A
7. b
8. A
9. c
10. D
11. A
12. D
13. A
14. B
15. A
16. A
17. C
18. A
19. B
20. A
21. C
22. A
23. B
24. B
25. A
26. B
27. A
28. C
29. A
30. A