TALATA

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

TALATA

• Ang Talata ay grupo ng mga magkakaugnay na pangungusap tungkol sa isang


paksa.
• Ang talata ay kalipunan ng mga pangungusap na bumubuo ng isa o maraming
kaisipan depende sa tagapagsulat nito. Basta ito ay bumubuo ng isang kaisipan,
masasabi na itong isang talata. Kaya kahit ang isang pangungusap lang ay pwede
nang tawaging talata.
HALIMBAWA:
”Ang sino mang nagmamataas ay mabababa; at sino mang nagpapakababa
ay matataas.”
-Mateo 23:12
ILANG BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG
SA PAGTATALATA
1. Dapat may pasok o indensyon sa pagsimula ng talata. Ang pasok o
indensyon ay isang pulgada mula sa palugit (margin) kung sulat kamay, at
limang espasyo naman kung makinilyado.

2. Dapat may espasyo sa gawing kanan ng papel, hindi sagad sa dulo,


kalahati ng sukat ng palugit sa gawing kanan sa kaliwa hindi kasama ang
indensyon.
3. Sa Bahaging may tuwirang sinabi (direct quotation), nararapat itong
ihiwalay sa punong talata.
Halimbawa:
TUWIRANG SINABI: Mariing sinabi ng Pangulo,
“Lahat ng pamilya ay magkakaroon ng ayuda.”

DI-TUWIRANG SINABI Mariing sinabi ng Pangulo, lahat ng pamilya ay


magkakaroon ng ayuda.
4. Nababatay ang haba ng talata sa mga sumusunod:
• haba ng sulatin
• Kahalagahan at pagiging masalimuot ng paksa

5. Maaring sulating isang talata ang punong kaisipan at ang haba nito ay
naaayon sa sumusulat sapagkat siya ang makakapagpasya sa kahalagahan
ng talata. Mabisa naman ang isang maikling talata kung may sigla at kilos ang
kaisipang nakapaloob dito.
PAGHAHATI-HATI NG TALATA
• Ang isang talata ng bahagi ng isang mahabang sulatin ay kadalasang
lumilikha ng seksyon ng isang masaklaw na kaisipan. Dapat nakatutulong ang
mga pangungusap sa pagbuo ng particular na seksyon.
• Natatapos ang talata kung nasabi nang lahat ang nais ipahayag at handa
na sa susunod na susunod na talata.
• Dahil dito, masasabi nating nakatutulong sa pagpapakilala ng paghahati at
pagkakapangkat-pangkat ng mga kaisipan.
MGA TUNGKULIN NG TALATA

• Upang magsilbing hudyat sa panibagong pagpapaunlad ng isang paksa.


• Upang ipakilala ang isang sulatin o pangunahing seksyon o bahagi ng isang
papel.
• Upang mapaunlad ang isang mahalagang yunit ng kaisipan.
• Upang mabuo ang lahat ng mga inihayag sa isang sulatin.
• Upang ipakilala ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng sulatin.
• Upang ipakilala ang isang salaysay o ipakilala ang isang nagsasalita.
MGA URI NG TALATA

1.PANIMULANG TALATA
2.TALATANG GANAP
3.TALATANG PAGLILIPAT-DIWA
4.TALATANG PABUOD
1.PANIMULANG TALATA
• Dito nakikita o nahihiwatigan ang paksa ng talata at ang layunin ng may-
akda sa pagtatalakay na maaaring pagsasalaysay, paglalarawan, o
pagmamatawid

• Ito ay nagsasaad ng paksa at layunin ng isang pagpapahayag sa isang


malinaw na paraan. Tinitiyak nito kung ano ang ipinaliliwanag,
pangangatwiran, ilalarawan o isasalaysay at kung minsan ay kung paano
ang gagawing pagtalakay o paglapit sa paksa.
2.TALATANG GANAP
• Binubuo ng mga kaisipang nagpapaabante sa pangunahing diwang hangad
palawakin ng may akda para sa karagdagang kabatiran ng mambabasa.

• Ang pagpapaunlad ng mga pangunahing bahagi ng sentral na ideya ang


pangunahing tungkulin ng mga talatang ganap. Karaniwang nakikita ito sa
kalakhang bahagi ng sulatin na sa kabuuan ay pagtalakay nang ganap sa
mga paksang pangungusap sa kanyang kaisahan at ganap na paglinang sa
paksang-diwa ng sulatin sa kanilang kabuuan.
3. TALATANG PAGLILIPAT-DIWA
• Mahalaga ito tungo sa ikapagtatamo ng ugnayan at kaisahan ng mga
pahayag. Nilalagon nito ang mga sinundang seksyon ng komposisyon o
ipinahihiwatig ang pagsulong ng paksang tinalakay. Kadalasang sinasabi rito
ang pagkakaugnayan ng alinmang dalawang magkasunod na bahagi ng
komposiyon.

• Ito rin ay madaling kilalanin ang uring ito dahil gumagamit dito ng mga salita
o ng mga parirala na tumutulong bilang clue o pananda.
4.TALATANG PABUOD
• Pangwakas na talata. Binibigyang-linaw ang lahat; mahahalagang pahayag
na nabanggit sa nauna at layunin ng may akda sa sulatin.

• Ginagampanan ng talatang ito ang paglalagom o pagbubuod sa


mahahalagang pahayag sa katawan ng komposisyon. Natatagpuan ito sa
gawing hulihan ng komposisyon.

• Inilalagay rito ang mahahalagang kaisipan o pahayag na tinatalakay sa


gitna ng komposisyon.
PAKSANG PANGUNGUSAP

• Bawat talata ay may paksang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing


diwa nito. Maaari itong :
• Ipinahiwatig lamang
• Tahasang binanggit

Unahan ng talata – nilalaman ng talata


Hulihan ng talata – nagpapahayag ng lagom
PAKSANG PANGUNGUSAP
• Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng talata.
• Kapag sa unahan ng talata, ito ang nagpapahayag ng nilalaman ng talata
HALIMBAWA:
Ang kalusugan ay ating kayamanan. Kapag tayo ay malusog nagagawa natin ang mga
bagay na gusto nating gawin gaya ng paglalaro at pag-aaral. Nakakapagtrabaho ng maayos
kapag tayo ay malusog. Nakatitipid din tayo sa pagbili ng mga gamut at pambayadsa
hospital kapag ang bawat isa ay malusog.

• Kapag sa hulihan naman ito ay nagpapahayag ng paglalagom.


HALIMBAWA:
Kailangan nating kumain ng mga masusustansiyang pagkain kagaya ng gulay at prutas.
Uminom ng tubig parati. Mag ehersisyo at matulog nang maaga. Iwasan natin hangga’t maaari
ang pagpupuyat. Ito ang mga paraan upang tayo ay maging malusog.
MGA KATANGIAN NG MABUTING TALATA
• MAYKAISAHAN
• PAGKAKAUGNAY NG MGA PANGUNGUSAP
• PAGBIBIGAY DIIN SA PUNONG KAISIPAN
• MAY KARAMPATANG HABA
Gumagamit ng payak na pangungusap. Iwasan ang sunud-sunod na maiikling
pangungusap gayundin naman ang sunod-sunod na mahahabang pangungusap.

• MAS WASTONG KAYARIAN


Ito ay may wastong pasok at palugit; nagtataglay ng mga salitang dapat mapasama
roon at hindi sa iba pang talata.

• GUMAGAMIT NG WASTONG PANG-UGNAY AYON SA DIWA NG


SINUSUNDANG TALATA NG ISANG KOMPOSISYON
PAGLIKA NG PAMAGAT
• Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo muna ang paksang-
diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa
pagpili ng pamagat. Ang pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga
pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang pangungusap ang
pinagtutuunanan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing diwa ng
talata o kwento.
• Gawin itong simple, maikli at kaakit-akit
• Paggamit ng mga angkop na salita
PAGLALAGOM
• Ito ay ang proseso ng pagpapaikli at pagpapasimple ng mga akda o sulatin.
Dapat nating makuha ang kabuuan ng kaisipan batay sa akdang nilalagom
o binubuod.

KAHALAGAHAN NG PAGLALAGOM
-Matututuhan nating tumimbang ng kaisipan
-Matututuhan nating sumuri ng ating binabasa
-Matututuhan ang pag paghubog ng kasanayan sa paghabi ng talata.
-Pinapaunlad nito ang ating bokabularyo
MGA HAKBANG SA PAGLALAGOM
• ANG PAGBASA
- Pagbasa na may ganap na pagkaunawa
• ANG PAGPILI
- Inuulit ng isang naglalagom ang diwa ng may akda
• ANG PAGSULAT
- Pagtatala ng mahalagang bahagi ng kaisipan o diwa
• ANG PAGPAPARES
- Paghahambing o pagpapares ng nilagon sa orihinal
MGA URI NG LAGOM
• PRESIS - Maayos na napananatili ang orihinal na pangunahing kaisipan,
kayarian o balangkas, pananaw o himig ng manunulat.

• HAWIG - Launing mapalinaw ang malabong katha. Kailangang maging


payak makabago.

• HALAW - Maikling lagom ng isang pormal na paglalahad gaya ng


abstrak ng isang sulating pananaliksik o tesis. Dapat mapanatili ang :

- TATAK - PANANAW
- KAYARIAN - LAYUNIN NG ORIHINAL
Iwasan ang magbigay ng palagay o sariling kuro.

You might also like