Quiz

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ebalwasyon (Quiz)

- Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsulat ng agenda. Isulat ang titik A-E sa pagsusunod
sunod.
1. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
2. Gumawa ng balangkas ng mga tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na
o nalikom. Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o
naka-table format kung saan makikita ang agenda o paksa, taong magpapaliwanag, at oras kung
gaano ito katagal pag-uusapan. Ang taong naatasan gumawa ng agenda ay kailangang maging
matalino at mapanuri kung ang mga isinumiteng agenda o paksa ay may kaugnayan sa layunin ng
pulong. Kung sakaling ito ay malayo sa paksang pag-uusapan, ipagbigay alam sa taong nagpadala
nito na ito ay maaaring talakayin sa susunod na pulong.
3. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail
naman kinakailangan magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo,
mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at
maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan nito.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras ng nakalagay sa sipi ng adyenda. Ang pagsunod sa
itinakdang oras ay nangangahulugan ng pagresto sa oras ng iyong mga kasama. Kung maaari ay
maglagay ng palugit o sobrang oras upang maiwasan ang pagmamadali
5. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad
na magkaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.

- Isulat kung anong dapat tandaan ang sumusunod


1. Tiyakin na nasusunod ang itinakdang oras para sa mga adyenda o paksang tatalakayin. Maging
“conscious” sa oras na napagkasunduan. Huwag maging maligoy sa pagtalakay ng mga paksa.
Tandaan na ayaw ng maraming tao ang mahabang punong. Ito ay kadalasang nagdudulot ng
pagkakainip o minsa maging pakainis sa mga kasapi sa pulonhg.
2. Makatutulong nang Malaki kung nakahanda na rin kasama ng adyenda ang mga kakailanganing
dokumento para sa mga paksang nangangai;angan ng estadistika, kompyuasyon, at iba pa upang
mas madali itong maunawaan ng lahat at walang masayang na oras.
3. Sa pagplaplano ng pulong, higit na makabubuti kung sa unang bahagi ng miting tatalakayin ang
pinakamahalagang adyenda. Ginagawa ito upang matiyak na kung kulangin man ang oras para
sa pagpupulong ay natalakay na ang mahahalagang paksa.
4. Ang pagsunod sa itinakdang oras ay nangangahulugan ng pagresto sa oras ng iyong mga kasama.
Kung maaari ay maglagay ng palugit o sobrang oras upang maiwasan ang pagmamadali.
5. Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat bawat taong dadalo sa pulong ay may sapat na
kaalaman hinggil sa mga paksang pag-uusapan. Gaya ng nabanggit sa unahan, maaari itong
ibigay sa mga kasapi sa pulong, isang araw o dalawang araw bago ang pulong depende sa
kultura ng organisasyon o institusyon.

You might also like