Filipino
Filipino
Filipino
I. Basahin ang kuwento at unawain itong mabuti. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
3. Sa palagay mo, saan kinukuha ni Kiel ang ipinanghuhulog niya sa kanyang alkansiyangbaboy?
A. hinihingi sa nanay B. pinupulot sa daan C. sobra sa kaniyang baon
7. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang higit mong maunawaan ang tekstong
nabasa o napakinggan?
A. Basta basahin lamang ang kuwento.
B. Iugnay ito sa iyong sariling karanasan.
C. Palaging umasa na ipaliliwanag ito sa iyo ng iba.
II. Basahin ang kuwento at sagutan ang sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng
iyong sagot.
Mahusay na Kamay
Akda ni Cristina T. Fangon
Hilig ni Jowen ang gumuhit. Gumuguhit siya ng puno, tao, hayop at kung ano-ano pang
nakikita niya sa kaniyang paligid. Batid niyang magaling siya. Sa mga paligsahan siya ay laging
nangunguna.
Gayunman, lagi niyang sinasanay ang kaniyang kakayahan dahil lagi niyang naaalala ang
sinasabi ng kaniyang ina, “Kung hindi mo pauunlarin ang iyong talento ay mawawala
iyan sa iyo.” Sa tuwing naiisip niya iyon ay lalo niyang pinaghuhusay ang kaniyang ginagawa.
1. Ano ang iba pang tawag sa pagguhit?
A. pag-drawing B. pagkulay C. pagpinta
4. Sino ang laging naaalala ni Jowen kaya pinagbubuti niya ang kaniyang ginagawa?
A. lola B. nanay
C. tatay
5. Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa ating kuwentong “Mahusay na Kamay”?
A. magaling gumuhit B. magaling maglaba C. magaling makipaglaban
III. Basahin ang teksto. Suriin kung ano ang dapat gawin ni Jose. Iguhit ang masayang
mukha (☺) sa patlang na katapat ng iyong napiling sagot.
Umuulan noon, masayang nakatanaw si Jose sa mga batang naglalaro sa labas. Kagagaling lang niya
sa sakit subalit maayos na ang kaniyang pakiramdam. Maghuhubad na sana siya ng damit nang
dumating ang kanyang ina at pinigilan siya. Hindi siya pinayagang maligo sa ulan.
_____A. Itutuloy ang paliligo dahil masarap maligo sa ulan.
_____B. Babalik sa kaniyang upuan at tatanaw sa bintana.
_____C. Susunod sa ina dahil alam niyang iyon ang tama.
IV. Punan ang bawat patlang. Piliin ang letra nang wastong sagot.
1. Pagkagising sa umaga, upang maipakita ang pasasalamat sa Diyos, ako ay_______________.
A. kumakanta C. nagsasayaw
B. nagdadasal D. tumutula
5. Maraming dala si Nanay nang umuwi siya galing sa palengke, sasalubungin ko siya at __________.
A. hihingan ng pasalubong B. masayang kakawayan
C. tutulungan siyang magbitbit D. yayakapin nang mahigpit
_____ 1. Umuulan man o umaaraw ay lagi ko itong bitbit. Ginagamit ko ito upang di ako magkasakit.
Sa munti kong braso aking sinasabit.
_____ 2. Sa paaralan o tahanan ako’y iyong kaibigan. Kuwentong kay ganda, mayroon ako niyan,
marami ding aralin, saki’y matututunan.
_____ 3. Paboritong lugar ng aking pamilya, narito si Inay, gayundin si Itay, sina Ate at Kuya lagi ko
ditong karamay.
_____ 4. Kaibigan ng ngipin kung ako’y ituring,kahit maliliit na singit aking lilinisin,
upang magandang ngiti mo’y laging mapansin.
_____ 5. Gamit ako para buhok mo’y gumanda, umunat, umayos at kumikintab pa para naman araw
mo ay laging masaya.
B.
A. panadero B. guro C. doctor D. bumbero E. pulis
_____1. Madalas mo akong makikita,sa kalsada man o sa opisina. Trabaho kong panatilihin,
kaayusan ay bigyang-pansin.
_____2. Nagliliyab na bahay o gusali man ay hindi ko katatakutan. Mailigtas lamang ang buhay
ninyo’t ari-arian.
_____3. Sa klinika at ospital ako’y iyong makikita. Prayoridad ko ang kalusugan ng mga mamamayan.
_____4. Pangalawang magulang ang turing sa akin. Magturo sa mga mag-aaral ang aking gawain.
_____5. Masarap na tinapay, gawa ng aking mga kamay. Kasiyahan kong makitang busog inyong
tiyan.
VII. Basahin ang kuwento at sagutan ang mga tanong. Bilugan ang letra nang wastong
sagot.
Si Putot at Bibot
Akda ni Cristina T. Fangon
Si Putot ay asong masayahin, mapaglaro at magiliw sa kaniyang among si Bibot. Pag-uwi
galing sa paaralan ay sinasalubong ni Putot si Bibot. Palaging pinapakain ni Bibot si Putot. Madalas ay
may pasalubong na tinapay ang amo na galing sa baon nito.
Tuwing Sabado ay sabay na naliligo sina Putot at Bibot. Namamasyal sila at naghahabulan.
Mahal na mahal ni Bibot ang kanyang asong si Putot.
4. Kung ikaw ay may alagang aso, anong pagkain ang ibibigay mo sa kanya?
A. kanin namay ulam B. tsokolate
VIII. Piliin ang angkop na magalang na pananalita na dapat gamitin. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
1. Nagmamadali ka sa pagpasok sa inyong paaralan. Sa iyong pagtakbo ay nabunggo mo at natumba
ang isang batang babae. Ano ang iyong sasabihin?
A. Maraming salamat. B. Magandang umaga.
C. Paalam sa iyo. D. Pasensiya na.
2. Kaarawan mo kaya binigyan ka ng regalo ng iyong ate. Ano ang sasabihin mo?
A. Kumusta po? B. Paalam po. C. Pasensiya na po. D. Salamat po.
3. Magbabakasyon ka kasama ang iyong pinsan. Paalis na kayo, nasa kusina ang iyong nanay at
tatay. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. Aalis na po kami. B. Magandang umaga po.
C. Pasensiya na po. D. Salamat po.
4. Umaga nang makasalubong mo ang iyong guro. Ano ang sasabihin mo?
A. Magandangumaga po. B. Magandang tanghali po.
C. Magandang hapon po. D. Magandang gabi po.
5. Nasalubong mo ang iyong kaibigan. Nagpasalamat siya sa iyong ibinigay na regalo. Gustong-gusto
niya ito. Ano ang sasabihin mo?
A. Mabuti naman. B. Magandang umaga.
C. Maraming salamat. D. Walang anuman.