K 12 Lesson Plan in AP V Quarter II Teresa Elementary School

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 161

Aralin 1 : Kahulugan Ng Kolonyalismo at ang Konteksto

Nito

I. Layunin
Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konteksto nito
kaugnay ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas . ( 1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Kahulugan ng Kolonyalismo at ang Konteksto Nito
Sanggunian : AP5PKE-IIa-1 ( 1 )
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
Kagamitan : mga larawan tungkol sa kolonyalismo , task kard , tsart ng
pagsasanay
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa bansa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Mock TV Patrol
* Pakikinig ng balita tungkol sa isyung pandaigdig

2. Balik – Aral : Alam mo ba ‘ to ?


* Itatanong sa mga mag-aral .
Ano – ano ang karatig bansa ng Espanya ? Pilipinas ?
Ano ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas ? Espanya ?

3 Pagganyak : . Paggamit ng Mapa


* Ipakita sa mga mag-aaral ang mapa ng ng Pilipinas at Espanya .
* Itanong :
Ano ang masasabi ninyo sa ating bansa ? sa Espanya ?
Alin ang higit na malaking bansa ? Pilipinas o Espanya ?
Gaano kalayo ang Espanya sa Pilipinas ?
Kung ibabalik natin ang panahon , papayag ka bang
mapasailalim tayo sa kamay ng mga dayuhang espanyol ?
Bakit ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Pagbasa ng Teksto
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto .
Ang eksplorasyon ng mga Espanyol ay pinangunahan ng
nabigador na Portuges na si Ferdinand Magellan. Inilunsad ang
ekspedisyon ni Magellan patungong silangan sa ilalim ng bandila
ng Espanya noong 1519. Makasaysayan ang paglalayag ni
Magellan dahil sa mga sumusunod na dahilan : una ,
napatunayan ng ekspedisyon na maaaring marating ang
Silangan sa paglalayag pakanluran , pangalawa , napatunayan
na ang mundo ay bilog , at pangatlo , nagbigay- daan ito sa
pagkakatuklas ng maraming lupain , kabilang ang Pilipinas.
Nabigo si Magellan at ang sumunod pang mga ekspedisyon
na masakop ang Pilipinas. Datapwat noong 1563 , nagtagumpay
si Miguel Lopez de Legaspi na maitatag ang pamahalaan ng
Espanya sa bansa. Siya ang hinirang ng Haring Felipe bilang
gobernador – heneral upang pamahalaan ang kolonya. Na
binigyan ni Ruy Lopez d Villalobos ng pangalang “ Las Islas
Filipinas “ bilang parangal kay Haring Felipe II ng Espanya .
Dalawang pangunahing epekto ang naitalang bunga ng
pananakop ng mga Espanyol sa bansa . Una , nahikayat sa
relihiyong Katoliko Romano ang halos buong bansa.
Pangalawa . nabuo sa lipunang Pilipino ang sector ng mga
elitistang may-ari ng malalaking lupain na hanggang sa
kasalukuyang panahon ay nagtatamasa ng kaginhawahan dulot
ng lumang yaman.
Nakatulong sa kolonisasyon ng mga Espanyol sa kapuluan
ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga isla. Nagawa ng mga
Espanyol na makapagtatag ng pambansang pamahalaan na dati
ay binubuo ng mga malalayang pamayanan barangay. Malinaw
na ang kolonyalismo ay ang pananakop ng isang bansa sa ibang
bansa.
Ang Pilipinas ang nag-iisang kolonya ng Espanya sa Asya. .
Ito ay pinamahalaan ng hari ng Espanya sa pamamagitan ng
Mexico. ( New Spain ) mula 1656 hanggang sa lumaya ang
Mexico noong 1821. Pagkaraan nito ay tuwirang pinamahalaan
2. Pagsusuri : Isang tanong sa bawat bunot !
* Pabubunutin ang mga mag-aaral ng isang tanong at ibibigay ang
Kasagutan sa pamamagitan ng pagpili sa mga salitang
nakahanay sa mesa. Ipadidikit sa pisara ang mga tamang sagot
a. Ano ang ibig sabihin ng kolonisasyon ?
b. Sino ang nakarating dito sa Pilipinas ?
C. Paano siya nakarating sa bansa ?
d. Ano ang napatunayan ni Magellan sa kanyang paglalayag ?
e. Nagtagumpay ba si Magellan sa pananakop s Pilipinas ?
f. Sino ang nagtagumpay na maitatag ang pamahalaan ng
Espanya sa bansa ?
g. Sino si Miguel Lopez de Legaspi ?
h. Ano ang pangalang ibinigay ni Ruy Lopez de Villalobos ?
i. Ano ang naging epekto ng pananakop ng mga Espanyol ?
j. Upang masabing ang bansa ay isang kolonya , ito ay ______ .
k. bakit mahirap para sa isang abnsa ang maging kolonya ?
l. Kung ikaw ay nabuhay nan g panahon ng pananakop , kaya
mo bang tagalan ang kanilang paraan ng pamamahala ?
Bakit ?

3. Paghahalaw : Jumbled Words


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga salita upang mabuo ang
konsepto ng aralin.

Ano ang kahulugan ng kolonyalismo ?


Ano ang nakapaloob sa salitang kolonyalismo ?

Ang _________________ ay isang ____________


napasailalim ng _______________ ng ibang bansa.
Ipinatutupad nila ang kanilang _______ at _______
tulad ng ______________ nila sa sariling bansa.

pamamahala mithiin
pagpapatupad bansang
layunin kolonyalismo
Ang kolonyalismo ay isang bansang
napasailalaim ng pamamahala ng ibang bansa.
Ipinatutupad nila ang kanilang mithiiin at
layunin tulad ng pagpapatupad nila sa
sariling bansa.

4. Paglalapat : Pangkat ko , mahal ko !


* Ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang gawain upang lubos
na maunawaan ang aralin.

Pangkat 1 : Linawin mo !
Ipaliwanag kung paano nagkakatulad ang
pananakop ng Espanya sa Pilipinas sa
pagkakakulong ng isang ibon sa hawla

Pangkat 2 :
Pangatwiranan mo !
May maganda bang
naidulot ang pagiging
kolonya ng bansa ?
Patunayan .
Pangkat 3 : Tulain mo !
Lumikha ng isang maikling tula na may isang
saknong tungkol sa kolonyalismo .

Pangkat 4 : Iarte mo!


Lumikha ng maikling
skit tungkol sa
kolonyalismo at iarte
sa harap ng klase.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaralan ng pagsusulit upang mataya ang
natutuhan sa aralin.

Panuto : Piliin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng tungkol sa


kolonyalismo .
A. Ang eksplorasyon ay ang pagtuklas ng bagong lupain na may
layuning pamahalaan at ariin.
B. Napatunayann sa ekspedisyon na ang mundo ay bilog at
nagiging daan upang makatuklas ng bagong lupain.
C. Maunlad ang ekonomiya ng bansang Espanya .
D. Nahikayat ang mga tao sa relihiyong Katoliko Romano
E. Binigyan ni Ruy Lopez de Villalobos ng pangalang “ Filipinas. “
las Islas “ .
F. Naakit ang bansang Espanya sa yaman at kapangyarihang
makakamit mula sa mga kolonya.
V. Takdang Aralin

Magsaliksik pa ng ilang impormasyon / datos tungkol sa


Kolonyalismo.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 1.1 : Kahulugan ng Kolonyalismo at ang
Konteksto Nito

I. Layunin
Nasasabi ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konteksto nito (1.1)

II. Paksang Aralin


Paksa : Kahulugan ng Kolonyalismo at ang Konteksto Nito
Sanggunian : AP5PKE-IIa-1 ( 1.1 )
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7, p.132
Isang Bansa, Isang Lahi, pah.48-55
Isang Lahi, Isan Mithi, pp.145-152
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat

Pagpapahalaga : Pagkakaisa ng mga Pilipino

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan:Balita Patrol
Pag-uusap sa napapanahong isyu sa pag-iikot ng Tsina sa
teritoryo ng Pilipinas (Benham Rise)
Ano raw ang layunin ng mga Tsino sa pagpasok nila sa
teritoryo ngPilipinas?
Kung ikaw ay pangulo ng bansa, pahihintulutan mo ba

2. Balik-aral : Kilalanin mo !
* Ipabigay sa bata ang kanilang saloobin o opinion sa
sitwasyon inilahad.

Bilang isang Pilipino, masasabi mo ba kung ano ang Tsina


sa pag-iikot nito sa paligid ng Benham Rise na pag-aari ng
Pilipinas?

3. Pagganyak: Pagpuno ng Letra


Buuin ang salitang nasa kahon sa pamamagitan ng
pagtingin sa larawan.
Ito ay isang layunin ng dayuhan upang mapasok o
maangkin ang isang teritoryo.
K _ L _ N _ S _ S Y O _
Sino-sino ang mga dayuhang sumakop sa Pilipinas? Sa iyong
palagay bakit kaya nila iyon ginawa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1:Panonood ng video (4mins. 28sec.)
Youtube
“Ang Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas”

2. Pagsusuri: Tanong ko , sagutin mo !


* Magkaroon ng talakayan sa videong napanood
Anong masasabi ninyo sa inyong napanood?
Ito ba ang nagbunsod sa mga Pilipino na patuloy na
mag- alsa laban sa mga dayuhan?
Ganito rin kaya ang gagawin ng mga Pilipino kung ito
ay nangyari sa kasalukuyang panahon ?
Sa mga naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga
dayuhan ano kaya ang aral na natutuhan natin sa
pangyayaring ito?

3. Paghahalaw : Off the Wall


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang salitang kailangan upang
mabuo ang konsepto ng aralin.

Ano ang kahulugan ng kolonyalismo? Ano ang motibo nito?


Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng
isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang
yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan.

4. Paglalapat: Group Dynamics


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Pangkat I –Paghahambing
.Ihambing ang buhay ng mga Pilipino bago dumating
ang mga Kastila at nang dumating ang mga Kastila.

Pangkat II – Pagtukoy
Isa-isang mga pagbabagong naganap sa buhay ng
mga Pilipino noong panahon ng Kastila sa larangan ng
pamumuhay ng mga tao.
Pangkat III – Pagsulat
Bumuo ng sanaysay na nagsasaad ng mga
kabutihan at di kabutihang dulot ng Kolonyalismong
Espanyol.

Pangkat IV – Graphic Organizer


Ano ang kolonyalismo? Isulat ang kahulugan nito sa
bawat kahon.

KOLONYALISMO

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.
Piliin sa kahon ang ibig sabihin at dahilan ng kolonyalismo.
A. pagsamantalahan ang yaman ng bansa
B. palawakin ang kanilang nasasakupan
C. paghahangad ng kapangyarihan
D. mapalaganap ang
. E pagkakaisa
F. paghahangad ng kayamanan
G. paghahangad ng kapayapaan
H. makuha ang kanilang pangangailangan
I. pakikipagkalakalan

V. Takdang-Aralin:

Humanap ng larawan na nagpapatunay naging kolonya


ng Espanya ang Pilipinas. Ano ang naging epekto ng
kolonyalismo sa mga unang Pilipino?

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III ,Teresa E/S
Aralin 2 : Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong
Espanyol

I. Layunin
Naipaliliwanag ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong
Espanyol. ( 2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Dahilan At Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
Sanggunian : AP5PKE-IIa-2
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7,
pp.128-136
Isang Bansa, Isang Lahi, pah. 54-55
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, , activity ,cards,manila
paper, pentel pen, aklat

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan:Watch Balita
* Pag-uusap sa napapanahong usapan o isyu.

2. Balik-aral: Itala mo !
* Itala ang mga hangarin ng mga Espanyol sa pagsakop sa
Pilipinas.
Ano ang isinasaad ng mga larawan ?
Ano-ano ang mga hangarin ng Espayol sa pagsakop sa
Pilipinas?

3. Pagganyak : Ang alam ko …


* Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan, hayaang suriing
mabuti at ilahad ang ilang katanungan.
Ano kaya ang nag-udyok sa mga Espanyol na sakupin
ang Pilipinas?
B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1: Concept Mapping
* Papunan sa mga mag-aaral ng datos ang tsart.

Piliin sa ibaba at ilagay satamang hanay ang mga dahilan


at layunin ng kolonyalismong Espanyol

DAHILAN LAYUNIN

 Politikal na Kapangyarihan
 mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan sa Silangan.
 Pagpapalaganap ng Relihiyon (God)
 ipalaganap ang Katolisismo sa mga naging kolonya nito
 Hangad ng Spain na magkaroon ng kolonya sa magkabilang
hemisphere ng mundo
 Pagpapaunlad ng Kabuhayan (Gold)
- Ano kaya ang unang dahilan ng pananakop ng Espanyol sa
Pilipinas?
- Bakit kaya hinangad ng mga Espanyol na magkaroon pa ng
kolonya?
- Ano kaya ang nagbunsod sa mga Espanyol na sakupin ang
Pilipinas?
- Sa inyong palagay, bakit kaya madaling napalaganap ng mga
Espanyol ang kanilang relihiyon sa Luzon?
- Papayagan nyo ba ang mga Espanyol na masakop ang
Pilipinas kung kayo ay nabuhay sa panahong iyon? Bakit?
- Ano ang iyong pananaw kay Magellan bilang isnag pinuno at
manlalayag?
Gawain 2: Lab ko , pangkat ko !
Ipagawa sa mga mag-aaaral ang pangkatang gawain
upang lubos na maunawaan ang aralin.

Pangkat I
Ano ang iyong naging saloobin o reaksyon sa mga dahilan
at layunin ng kolonyang Espanyol? Sagutin ito sa
pamamagitan ng paggawa ng awit.
Pangkat II
Kung ikaw ay papipiliin, alin sa mga mga layunin ng
kolonyang Espanyol ang nakatulong sa kanila at sa ating
bansa? Ipakita ito sa isang dula-dulaan.

Pangkat III
Pumili ng isa sa mga layunin ng kolonyang Espanyol
at igawa ito ng komik strip.

Pangkat IV
Ilarawan kung paano naisagawa ng kolonyang
Espanyol ang mga sumusunod:
1. pagpapaunlad ng kabuhayan
2. pagpapalaganap ng relihiyon
3. pagpapaunlad ng kabuhayan

3. Paghahalaw: Fill in the ______.


* Papunan sa mga mag-aaral ang patlang ng angkop na
salita na kailangan sa pamamagitan ng pagsagot sa
tanong upang mabuo ang konsepto ng aralin.

Paano naisakatuparan ng mga Espanyol mga


dahilan at layunin ng kanilang pananakop ?

Ang mga naging layunin ng _______ (Espanyol )


sa __________ ( pananakop ) sa Pilipinas ay maaring
nagdulot ng mabuti at di-mabuting ______ (epekto )
ating bansa dahil ito ay para lamang sa kanilang
kapakanan at nag-iwan ng maraming ______ ( bakas ) sa
kasaysayan ng ating bansa.

4. Paglalapat : I explain mo !
* Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag.
Paano kaya nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino
ang ginawang panghihimasok ng mg Espanyol sa ating
bansa?
IV. Pagtataya
* Padugtungan sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag.

Nauunawaan ko sa nataps na aralin na


________________________________________________________
________________________
________________________________________________________

V. Takdang-Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawaing bahay.
Gumawa ng 2-3 pangungusap na nagpapahayag ng tungkol sa
dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Rubrics :

Puntos Pamantayan
5 Angkop ang nilalaman ng talata sa paksa .
Ginamit ang mga pamantayan na dapat
sundin sa pagsulat ng talata.
3 Hindi lubos na naipaliwanag ang paksa ,
nakasunod sa mga pamantaayan sa
pagsulat ng talata
1 Hindi malinaw na naipahayag ang
gustong iparating , hindi nakasunod sa
pamantayan ng pagsulat ng talata.

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro
Aralin 2.1 : Dahilan at layunin ng Kolonyalismong
Espanyol

I. Layunin
Naiisa-isa ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol .(2.1)

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Dahilan At Layunin ng Kolonyalismong
Espanyol
Sanggunian : AP5PKE-IIa-2 ( 2.1 )
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7, p.132
Isang Bansa, Isang Lahi, pah.48-55
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards, manila paper,
pentel pen, aklat

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan:Balita Patrol
* Pag-uusap sa napapanahong usapan o isyu.

2. Balik-aral : Tanong ko , sagutin mo !


Ano ang kolonyalismo?
Bakit kaya sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa?

3. Pagganyak : Anong alam mo ?


* Itanong sa mga mag-aaral kung may naitulong ang pananakop
ng mga dayuhan sa ating bansa .

May naitulong ba ang pananakop ng mga dayuhan sa ating


bansa?
Ano-ano kaya ang mga ito ?

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1:Panonood ng video
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang video .
https://www.slideshare.net/mariejajaroa/
https://www.slideshare.net/mariejajaroa/
Ano-ano ang mga dahilan at layunin ng mga Espanyol sa
pananakop nila sa Pilipinas?
Ano ang unang layunin ng pangkat ng Espanyol nang sakupin
nila ang Pilipinas?
Para sa kanila, ang pagkakaroon raw ba ng kolonya o lupain sa
ibayong dagat ay nagpapakita ng pagiging tanyag o
pagkamakapangyarihan?
Kung kayo ay nabubuhay sa panahon ng kolonisasyon, paano
kayo lalaban?
Tutularan nyo ba ang ginawa ng ating mga bayaning sina Jose
Rizal at Andres, Bonifacio sa pakikipaglaban para ipagtanggol
ang bayan?

Gawain 2: Grupo Daynamika


Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain .

Pangkat I
Iguhit kung paan pinalaganap ng mga Espanyol ang
relihiyong katolisismo sa bansa.

Pangkat II
Gamit ang mapa, iguhti ang iba pang kinalalagyan ng
mga kapalit na bansa ng Pilipinas sa mapa.

Pangkat III
Igawa ng tula na nagsasaad ng mga dahilan at
layunin ngkolonyalismong Espanyol.

Pangkat IV
Kung kayo ang mga Espanyol na nais sakupin ang
Pilipinas noong panahong iyon, paano mo ito isasagawa?
Bumuo ng maikling palabas kung paano napagtagumpayan
ang pananakop na iyon.
3. Paghahalaw: Off the wall
* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang kailangan
upang mabuo ang konsepto ng aralin.

May mga dahilan at layunin ang kolonyalismong


Espanyol . Ito ay ang pagpapapalaganap ng
relihiyon, pagpapaunlad ng kabuhayan at
pagkakaroon ng politikal na kapangyarihan.
Nagawa nilang mapalaganap ang relihiyong
katolisismo sa Pilipinas, nagamit rin nila ang
mahahalagang kalakal na mayroon sa ating bansa at
napalawak nila ang kanilang nasasakupan.

4. Paglalapat : Opinyon mo, ibahagi mo !


Ano kaya ang naging daan upang tuluyang masakop ng
mga Espanyol ang Pilipinas?
Sa inyong palagay, maaari pa kayang maulit angmga
ganitong pagyayari sa kasalukuyan? Patunayan ang
inyong sagot.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya ang
natutuhan sa aralin.
Iguhit ang kung ito ay dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol
at kung hindi.
_____ 1. Paghahangad na maging pinakamalaking bansa sa buong
mundo.
_____ 2. Pagkakaroon ng interes na makipagkalakalan sa mga bansa sa
Asya.
_____ 3. Pagpapakalat ng relihiyong katolisismo sa maraming bansa.
_____ 4. Pakikipagtulungan sa mga Pilipino.
_____ 5. Pagtatayo ng kaharian sa Pilipinas.

V. Takdang-Aralin

Gumawa ng maikling talata na nagsasaad kung may naidulot


ba na mabuti sa kulturang Pilipino ang kolonyalismong
Espanyol. Isulat ang sariling opinyon.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos. )


Rubrics

5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o


ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantaay sa pagsulat

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III , Teresa E/S
Aralin 2.2 : Pagbibigay ng Sariling Reaksyon sa
mga Dahilan at Layunin ng mga Espanyol sa
Kolonisasyon

I. Layunin
Nakapagbibigay ng sariling reaksyon sa mga dahilan at layunin ng
kolonyalismong Espanyol (2.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Pagbibigay ng Sariling Reaksyon sa mga Dahilan
at Layunin ngKolonyalismong Espanyol
Sanggunian : AP5PKE-IIa-2 ( 2.2 )
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7, pah.193-
196
Isang Bansa, Isang Lahi, pah.48-55
https://www.youtube.com/watch?v=p4Hb8kr2E9
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat

Pagpapahalaga Pagmamahal sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Mock TV Patrol
* Pagbibigay ng napapanahong balita

2. Balik-aral : Pahulaan.
* Ipahula sa mga mag-aaral ang tamang salita na tinutukoy sa
bawat bilang.
a. Relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol.
K _ T _ L _ _ I_ _ O
b. Hangarin ng Espanya na lumahok dito upang
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
P _ K I K _P _ A _ _ _ _ A _ _ _ _ N
c. .Hangarin ito ng Espanya upang maging sikat sa buong
mundo.
KAP__G______N

3. Pagganyak : Selfie pa more !


* Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan at hayaang
sagutin nila ang mga katanungan .
Itanong :
Sino-sino ang mga nasa larawan?
Anong kaganapan sa kasaysayan sila nakilala?

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1: Panonood ng Video
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang video clip
https://www.youtube.com/watch?v=p4Hb8kr2E9o
( 4 minutes and 45 seconds )

Ano-ano ang mga dahilan at layunin ng mga Espanyol sa


pananakop nila sa Pilipinas?
Ano ang unang layunin ng pangkat ng Espanyol nang
sakupin nila ang Pilipinas?
Para sa kanila, ang pagkakaroon raw ba ng kolonya o
lupain sa ibayong dagat ay nagpapakita ng pagiging
tanyag o pagkamakapangyarihan?
Kung kayo ay nabubuhay sa panahon ng kolonisasyon,
paano kayo lalaban?
Tutularan nyo ba ang ginawa ng ating mga bayaning
sina Lapulapu, Jose Rizal at Andres, Bonifacio sa
pakikipaglaban para ipagtanggol ang bayan?

Gawain 2: Pangkatang Gawain


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain upang lubos na
maunawaan ang aralin.

Pangkat I - Pagguhit
Iguhit kung paano nakipaglaban ang pangkat ni
Lapulapu kay Magellan..
Pangkat II – Pagtalunton sa Mapa
Gamit ang mapa, taluntunin ang lugar na dinaanan ng
pangkat ni Magellan hanggang sa makarating sila sa
Pilipinas.

Pangkat III - Debate


Magkaroon ng kaunting debate tungkol sa kabutihan o
di-kabutihang naidulot ng pagsakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas

Pangkat IV - Pagsulat ng reaksyon


Kung sa kasalukuyang panahon nangyari ang
pananakop, ano ang iyong magiging reaksyon?
Makikipaglaban rin ba kayo para sa kalayaan on susunod na
lanmang kayo sa mananakop? Bakit?

Rubrics :

5 - Maayos na naibigay ang reaksyon . Sinunod ang


pamantayan sa pagsulat ng reaksyon .

3 - Malinaw na naipahayag ang reaksyon.. Hindi


nakasunod sa pamantayan pagsulat.

1. Hindi malinaw ang reaksyong ipinahahayag.

3. Paghahalaw: Punuin mo !
* Papunan sa mga mag-aaral ng salita ng bawat patlang
upang mabuo ang konsepto ng aralin. Papiliin ng salita sa
ibaba.
May mga _________( dahilan ) at ___________
( layunin ) angkolonyalismong Espanyol . Ito ay ang
pagpapapalaganap ng relihiyon, pagpapaunlad ng
kabuhayan at pagkakaroon ng politikal na
____________ ( kapangyarihan.)
Nagawa nilang mapalaganap ang relihiyong
katolisismo sa Pilipinas, nagamit rin nila ang
mahahalagang kalakal na mayroon sa ating bansa at
napalawak nila ang kanilang _________

kapangyarihan dahilan layunin


nasasakupan magulang

4. Paglalapat : Panonood ng video


* Ipapanood sa mga mag-aaral ang video.
https://www.youtube.com/watch?v=rW86iy3JyGk
* Ipabasa ang sitwasyon sa ibaba at pasagutan ang mga
tanong .

Maraming Pilipinong bayani ang nakipaglaban


para sa kalayaan ng bansa. Ayon sa inyong
napanood, makatwiran ba ang ginawang pag-aalsa
ang mga Pilipinong ito? Bakit?

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang
mataya ang kinalabasan ng pagsusulit .

Ibigay ang inyong reaksyon sa mga dahilan at layunin ng


pananakop ng mga Espanyol.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )

Rubrics :
5 - Maalinaw na naipahayag ang sariling
reaksyon sa paksang tinalakay.
3-Hindi gaanong malinaw ang nais
iparating tungkol sa paksang
tinalakay.
1 – Nakapagbigay ng sariling reaksyon
subalit kulang sa paliwanag upang
ganap na maunawaan ang nais
ipahayag.

V. Takdang-Aralin
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang takdang aralin
Nagkaroon ng People Power Revolution noong February 24,
1986 kung saan nagtipon-tipon ang mga Pilipino sa EDSA at
ipinaglaban nila ang kalayaan ng ating bansa. Kung ikaw ay isa sa
mga naroon, sasama ka bas a kanila? Magbigay ng iyong reaksyon sa
pangyayaring ito?

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III Teresa E/S

Aralin 3: Pagbuo ng Timeline ng mga Paglalakbay ng


Espanyol sa Pilipinas Hanggang sa
Pagkakatatag ng Maynila at mga Unang
Engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino
I. Layunin

Nakabubuo ng timeline ng mga paglalakbay ng Espanyol sa Pilipinas


hanggang sa pagkakatatag ng Maynila at mga unang engkwentro ng
mga Espanyol at Pilipino (3)

II. Paksang Aralin

Paksa : Pagbuo Ng Timeline Ng Mga Paglalakbay ng


Espanyol Sa Pilipinas Hanggang sa Pagkakatatag
ng Maynila at mga Unang Engkwentro ng
mga Espanyol at Pilipino

Sanggunian : AP5PKE-IIb-3
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7, p.132
Isang Bansa, Isang Lahi, pah.48-55
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat,
Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Balita Patrol
Pag-uusap sa napapanahong usapan o isyu.

2. Balik-aral: Alam na alam ko !


Ano ang masasabi mo sa layunin ng Espanyol sa
kolonyalisasyon?
Ano-ano ang mga layuning ito?

3. Pagganyak : Sukatin mo !
Gamit ang mapa o globog Espanya sa, ituro ang bansang
Espanya at Pilipinas. Gaano kalayo ang Espanya sa Pilipinas?

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1:Paggamit ng Timeline
* Ipakita sa mga mag-aaral ang timeline ng paglalakbay ng
pangkat ni Magellan.
Kailan nagsimula ng paglalakbay ang pangkat ni Magellan?
Ano ang layunin ng pakikipagsanduguan ni Magellan kay Rajah
Kolambo?
Ano-anong mga kulturang Espanyol ang makikita sa mga Pilipino
hanggang sa ngayon?
Anong pinakamahalagang pamana ng mga Espanyol sa mga Pilipino?
Gawain 2: Pangkatang Gawain
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang
lubos na maaunawaan ang aralin.

Pangkat I - Pagguhit
.Iguhit ang mapa ng mundoat ilagay ang naging ruta
ng ekspedisyon ni Magelan.

Pangkat II –
Gumawa ng timeline na nagpapakita ng naging ruta
ng pangkat ni Magellan mula sa Pilipinas pabalik ng
Espanya.

Pangkat III – Pagkukuwento


Gumawa ng salaysay ng naging ruta ng ekspedisyon
ni Magellan.

Pangkat IV – Pagsunud-sunurin ang mga lugar na narrating


ng pangkat ni Magellan sa pamamagitan ng paglalagay nito
sab akas ng mga paa.

3. Paghahalaw: Punan mo !
* Papunan sa mga mag-aaral ng datos kung paano ang
ginawa nilang paglalakbay.
\

Paano ang ginawang paglalakbay ng


pangkat ni Magellan ?
4. Paglalapat : Kung ako si Magellan …
* Alamin sa mga mag-aaral kung ano ang sa palagay nila
ang magandang paraan na dapat gawin sa paglalakbay.
* Itanong :
Kung kayo si Magellan , paano ang gagawin
ninyong paglalakbay ?

IV. Pagtataya
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang lubos na
maunawaan ang aralin.

Isulat ng patalata ang ginawang paglalakbay ng pangkat ni


Magellan .

Rubrics :

5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o


ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantaay sa pagsulat

V. Takdang-Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang kanilang sariling timeline sa
paglalakbay ni Magellan.

Gumawa o umisip ng sariling timeline ng tungkol sa


paglalakbay na ginawa ng pangkat ni Magellan.

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III , Teresa
Aralin 3.1 : Paglalakbay ng Espanyol Patungo sa Pilipinas
at mga Engkwentro ng mga Espanyol at
Pilipino

I. Layunin
Naiisa-isa ang mga paglalakbay ng mga Espanyol patungo sa
Pilipinas at mga unang engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino (3.1)

II. Paksang Aralin


Paksa : Pag-iisa-isa sa mga Paglalakbay ng mga Espanyol
Patungo sa Pilipinas at mga Engkwentro ng mga
Espanyol at Pilipino
Sanggunian : AP5PKE-IIb-3
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7,
pp.105-146
Isang Bansa, Isang Lahi, pah.48-55
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas, pp. 56-
66
Isang Bansa, Isang Mithi 4, pp.145-152
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity
cards, manila paper, pentel pen,
aklat
Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch Balita
Pag-uusap sa napapanahong usapan o isyu.

2. Balik-aral : Ang aking opinyon …


* Ipabigay sa mga mag-aaral ang kanilang opinyon sa
nakaraang paksa.

Ano ang iyong masasabi sa naging layunin ng Espanyol sa


kolonisasyon?

3. Pagganyak : Picture ..ko suriin mo !


* Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan at hayaang suriin
nila
itong mabuti.

Paano nakarating sa Pilipinas ang mga Espanyol? Ano


ang hangarin nila sa pagsakop sa Pilipinas?
B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1:Pagkukuwento
* Pagkukuwento ng mga pangyayaring naganap mula sa
paglalakbay ng mga Espanyol patungo sa Pilipinas.

Taong 1400 hanggang 1750 nagsimulang tumawid sa karagatan sa


malalayong distansya ang mga Europeo upang maghanap ng bagong lupain
at kayamanan. Ito ay tinawag na Panahaon ng Pagtuklas (Age of Discovery
and Exploration). Sa kanilang pagpunta sa Silangan ay nagkaroon sila ng
kaalaman patungkol sa mga produkto ng Asya tulad ng tela, alpombra,
asukal, pampalasa, mga prutas at iba pa. dahil dito, hinangad nilang
bumalik sa Asya upang makipagkalakalan.
Ang Spain ay isang bansa sa Europe na nanguna sa paglalayag.
Taong 1519 nang simulan ni Ferdinand Magellan ang paglalayag pakanluran
sa tulong ni Haring Charles I ng Espanya upang hanapin ang ruta ng
kalakalan patungo sa Spice Island. Limang barkong may lulang 250-270
katao ang nagsimulang maglayag noong 1519. Ang mga ito ay ang barkong
Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria at Santiago.
Agosto 10, 1519 lumisan ang limang barko ni Magellan sa Seville
Spain upang maglakbay
Setyembre 20, 1519 – nagsimula ang paglalayag ng ekspedisyon ni
Magellan mula San Lucar, Seville, Espana. Tumawid sila sa Atlantic Ocean
hanggang makarating sila sa timugang dulo ng South America.
Marso 6, 1521 – nakarating sila sa Ladrones islands (pook ng mga
magnanakaw). Sa lugar na ito, umakyat ang mga katutubo sa mga
sasakyang dagat at kinuha ang mga nagustuhan nila. Sa kasalukuyan, ito
ang Marianas islands.
Marso 16, 1521 – nasilayan ng pangkat ni Magellan ang pulo ng
Samar. Dumaong muna sila sa pulo ng Suluan upang magpalipas ng gabi.
Maso 17, 1521 – pumunta sila sa pulo ng Homonhon sa timog ng
Samar. Dinalhan sila rito ng pagkain ng mga katutubo. Tinawag nila itong
Islas de San Lazaro.
Marso 28, 1521 – dumaong sina Magellan sa Limasawa. Nakilala
nila rito sina Rajah Kolambo at Rajah Siago.
Marso 29, 1521 – nagkaroon ng sanduguan o blood compact sina
Rajah Kolambo at Magellan upang mapagtibay ang kanilang pagkakaibigan.
Marso 31, 1521 – idinaos ang kauna-unahang misa ni Padre Pedro
Valderrama sa baybayin ng Limasawa. Pagkatapos ng misa, nagtirik ng
isang krus na kahoy sa isang bundok
Abril 7, 1521 – Dumating ang mga Espanyol sa Cebu. Tinanggap sila
ni Rajah Humabon, pinuno ng Cebu. Nagkaroon ulit ng sanduguan sa
pagitan nina Rajah Humabon at Magellan.
Abril 14, 1521 – nagdaos ng misa sa Cebu. isinagawa ang
pagbibinyag kina Rajah Humabon at ang kanyang asawa gayundin sa mga
katutubo. Nagbigay si Humabon ng imahe ng Santo Nino bilang regalo sa
asawa ni Rajah Humabon. Si Rajah Humabon ay bininyagan sa pangalang
Carlos at ang asawa niya ay pinangalanang Juana. Muling nagtirik ng krus na
kahoy si Magellan.
Abril 27,1921 – nagtungo ang pangkat ni Magellan sa Mactan.
Hinamon ni Magellan si Lapulapu sa isang labanan. Nagpaulan ng sibat na
may lason ang mga katutubo. Nasugatan si Magellan at tuluyan na siyang
piñata ng mga katutubo sa Mactan. Dali-daling bumalik sa Espanya ang
natira sa pangkat ni Magellan. Sinunog nila ang isa sa tatlong sasakyang
pandagat. Ang La Trinidad at Victoria lamang ang naglakbay pabalik sa
Espanya. Mula sa Mactan, naating nila ang Spice Islands at nakakuha sila rito
ng maraming spices.
Setyembre 8, 1522 – nakarating sa Espanya ang mga natirang tauhan
ni Magellan . Noon napatunayan na ang mundo ay bilog. Nakilala ring
“Bayani ng Lahi” noon si Lapulapu at natuklasan ang pakanlurang daan
patungo sa Spice islands.
Nagpadala pa ang Espanya ng maraming paglalakbay patungo sa
Spice Islands at sa Pilipinas. Hindi na angtagumpay ang mga ito hanggang
atasan si Manuel Lopez de Legazpi , isang opisyal ng pamahalaan sa Mexico
na maging Kapitan Heneral ng isang ekspedisyon.
Pebrero 13, 1565 – naratinig ng pangkat nina Legazpi ang Samar.
Naging matagumpay ang kanilang ekspedisyon. Natuklasan nila ang ligtas na
daan patungo sa Espanya. Dito nagsimula ang pananakop ng Espanya sa
Pilipinas.
Abril 27, 1565 – bumalik sina Legazpi sa Cebu. Nakipaglaban sila kay
Rajah Tupas, pinuno ng Cebu at ito’y natalo. Nagtayo ang mga Espanyol sa
Cebu ng moog na tinawag na Fuerza de San Pedro (Fort San Pedro) na
angbigay proteksyon sa mga barko at ito rin ay naging himpilan sa kalakalan
ng mga Espanyol.
1569 – Natuklasan ng mga Espanyol ang Hilagang Visayas at ditto
nagtatag si Legazpi ng panglaawang bayan.
Mayo 8, 1570 - umalis ang mga sundalong Espanyol sa Visayas.
Nagtungo sila sa Maynila. Nagkaroon ng labanan sa pagitan ni Rajah
Sulayman at Martin De Goiti. Natalo ang mga katutubo. Ganap na nasakop
ng mga Espanyol ang Maynila noong Mayo 19, 1571.
Hunyo 24, 1571 – ipinroklama ang Maynila bilang sentro ng
pamahalaang kolonyal ng Espanyol sa kapuluan at unti-unti nang nasakop ng
mga Espanyol ang mga laalawigan…

Kailan nagsimula ang ekspedisyon ni Magellan?


Bakit hinangad ng mga Espanyol na makarating sa Asya?
Anong napatunayan ng mga Espanyol sa pakikiapglaban sa
mga Pilipino nang mapatay ni lapulapu si Magellan ?
Bakit paulit-ulit ang naging pagtatangka ng mga Espanyol na
bumalik sa Pilipinas? Naging matagumpay ba agad ang
kanilang pakikipaglaban sa mga Pilipino? Bakit?

Gawain 2: Pangkatang Gawain

Pangkat I - Pagguhit
Iguhit ang naging ruta ng kalakalan ng mga
Espanyol patungo sa Pilipinas.

Pangkat II – Pipilng Palabas


Ipakita sa isang piping palabas ng
pakikipaglaban na ginawa ng mga Pilipino sa mga
Espanyol upang hindi sila magtagumpay sa
pananakop.

Pangkat III – Pagsulat Magbigay ng 3 katangian na


tinataglay ng mga Pilipinong nabubuhay noong
panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Ipaliwanag ito.
Pangkat IV – Pagbuo ng Awit
Ipakita ang paraan ng pagpapakita ng
pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga
Pilipino sa pamamagitan ng Pgbuo gn isang awit o
rap.

3. Paghahalaw : Off the wall


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang tamang pariralang kailangan
upan mabuo ang konsepto ng aralin.

Ang pagkakatagpo ng mga Espanyol ng daan


patungo sa Pilipinas ang naging daan upang
tuluyang masakop nila ang Pilipinas na nagdulot
ng iba’t ibang labanan sa pagitan ng Espanyol at
Pilipino.Umusbong ang damdaming makabayan
ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pakikipaglaban nila upang hindi masakop na
tuluyan ang Pilipinas.

4. Paglalapat : Sagutin mo !
Gaano kahalagang malaman ng mga Pilipino ang mga
pananakop na ginawa ng mga Espanyol at ang paulit-ulit
na pagtatanggol ng mga Pilipino para sa kalayaan ng
bansa?
IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya
natutuhan sa aralin.
Panuto : Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang
tamang sagot.
1. Sino ang kauna-unahang Portugues na nakatuklas ng
daan patungo sa Pilipinas.
2. Kailan natagpuan ng mga Espanyol ang Pilipinas
3. Ano ang naganap sa pulo ng Limasa
4. Anong katangian ng mga Pilipino ang hinahangaan ng mga
dayuhan mujla noon hanggang ngayon?
5. Sino ang kauna-unahang Pilipino ang tumangging pasakop at
nakipaglaban sa mga Espanyol?
V. Takdang-Aralin:
Anong pangyayari sa kasaysayan ng bansa ang gagbigay daan sa
mga Espanyol upang lalong maghangad na masakop ang Pilipinas?
Ilahad anginyong sagot sa pamamagitan ng pagsulat ng talata.

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III , Teresa E/S
Aralin 4.1 : Iba’t Ibang Prospektibo Ukol sa
Pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol
sa Pilipinas

I. Layunin
Naiisa-isa ang iba’t ibang prospektibo ukol sa pagkakatatag ng
kolonyang Espanyol sa Pilipinas (4.1)

II. Paksang Aralin


Paksa : Iba’t Ibang Prospektibo Ukol Sa Pagkakatatag Ng
Kolonyang Espanyol Sa Pilipinas
Sanggunian : AP5PKE-IIb-4
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7, p.132
Isang Bansa, Isang Lahi, pah.48-55
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat,
Pagpapahalaga : Pagkakaisa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Mock TV Patrol
* Pakikinig ng balita tungkol sa pakikipag-ugnayan sa ibang
bansa.

2. Balik-aral : Alam mo ba ?
Gaano katagal napasailalim sa pamamahala ng mga Espanyol
ang Pilipinas?
Ano-ano ang mga mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa
pananakop ng mga dayuhang ito?

3. Pagganyak : Jumbled Letters


* Buuin ang mga letra sa harapan upang makabuo ng
salita na ang ibig sabihin ay pananaw?

P P R P S O K B I T O E

* Itanong
Ano – ano ang mga prospektibong nabubuo sa isip
mo sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ?

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1:Pagbasa ng teksto
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto.
ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL SA
PILIPINAS

Maraming paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa


pananakop sa Pilipinas.Maraming nakitang kahinaan ang mga Espanyol sa mga
katutubo at sinamantala nila ito.
May 600 na sundalong Espanyol lamang ang bumubuo sa hukbong
sumakop sa Pilipinas,hindi kasama ang Mindanao at Sulu.Gayon pa man,nagawa
nilang sakupin ang Pilipinas ng 333 taon.
Pagdating ng mga Espanyol,walang pagkakaisa ang mga Pilipino noon kahit na
pinamumunuan ng kanilang datu o hari ang bawat katutubo.Wala silang
pambansang institusyon tulad ng pamahalaan.Hiwa-hiwalay ang mga tribo at
may sariling kalayan.Ang isang barangay ay ginagamit ng imga Espanyol sa
pananakop sa ibang barangay .Ang mga Pilipino ay pinag-away-away nila.Isang
halimbawa nito ay ang pagsama ng mga taga-Panay na mandirigma kay Martin
de Goiti sa Labanan ng Bangkusay.
Wala ring pinuno na may malalakas na sandatahan di tulad ng mga pinunong
Espanyol gaya nina Legazpi,Goiti at Salcedo.Meron mga espada,kanyon at iba
pang armas ang mga Espanyol.Malakas din ang disiplina nila sa mga labanan at
ito ay nakatulong.Maliban sa laban ni Lapu-lapu ay walang nagtagumpay na
laban ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Humanga rin ang iba sa mga katutubo sa paraan ng pamumuhay,gawi,at
kaugalian ng mga Espanyol na unang natutuhan ng mga pinuno.Naengganyo sila
ditto at sumunod din sila.Dahil dito,mas madali silang napasunod ng mga
Espanyol.
Ang pinaka mabisang paraan ng mga Espanyol sa pagpapasunod sa mga
katutubo ay angpagpapalaganap ng Kristiyanismo.Marami kasi pagkakahawig an
gang Kristiyanismo sa mga katutubong relihiyon.Ilan sa mga ito ay ang pananalig
sa makapangyarihang diyos,paniniwala sa espiritu at sa kapangyarihan ng
kapngyarihan ng mga namayapang ninuno.Dahil dito madaling niyakap ng mga
katutubo ang Kristiyanismo,na naging sanhi ng madali silang napasunod ng mga
Espanyol.Dahil sa sumusunod ang mga katutubo sa mga Espanyol,hindi nagging
mahirap para sa kanila na ipatupad ang kanilang mga patakaran at makuha ang
kanilang layunin.Nagtagumpay sila at umabot nga ang pananakop nila ng 333
taon.Huli na ng maisip ng mga katutubo na nilinlang lamang sila at hindi na nila
nabago anuman nabuo sa isip nila dahil sa mga Espanyol.Tuluyan nang
naimpluwensiyahan ng mga Espanyol ang mga Pilipino bago na maging malaya
sa kamay nila.
"PANAHON NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL AT ANG
PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS"

Kristiyanismo at Kolonisasyon
Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.Sa pananakop
nila sa Pilipinas, may ginamit silang dalawang pangunahing estratehiya. Ito ay
ang ebanghelisasyon at ang kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ay isang
mapayapang paraan na estratehiya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng
kristiyanismo sa Pilipinas at nagsisimbolo ito ng krus. Ang kolonisasyon naman
ay ang kabaliktaran ng ebanghelisasyon. Ito ay nagsisimbolo ng espada at
hinding mapayapang paraan dahil ginagamitan ito ng lakas-militar. Sa
estratehiyang ebanghelisasyon, ang mga paring Espanyol o prayle. Ang mga
lakas-militar o guardia civil ang namamahala sa kolonisasyon.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino na mga pagano
o infieles dahil wala silang pinaniniwalaang diyos. Tinatawag rin sila na di-
sibilisado dahil ang kanilang pamumuhay ay kakaiba sa Europa lalo na sa
Espanya.

May mga patakarang ipinatupad ang mga Espanyol. Una ang entrada. Ito
ang unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ginagamitan
ito ng mga lakas-militar upang sakupin ang Pilipinas.

Matapos ang entrada, sumunod ang reduccion. Ito ay ang pag-iipon ng


mga tao sa iba't ibang barangay sa isang cabecera. Dahil sa patakarang ito,
napadali ng mga Espanyol na masakop ang Pilipinas.

Ang mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpapatupad


ng doctrina. Ito ay ang paghahanda sa pagtatayo ng isang parokya. Ang mga
paring misyonero rin ang nangangasiwa ng pagbibinyag sa mga simbahang
Katoliko. Sa patakarang ito, ang mga Pilipino ay hindi na tinatawag na pagano
ng mga Espanyol dahil nagkaroon na silang pinaniniwalaang diyos.
Maliban sa entrada, reduccion, at
doctrina, ang mga Pilipino na sapilitang ipinasailalim sa mga Espanyol na
napakaloob sa sistemang encomienda. Ang sistemang encomienda ay
isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya. Ito
rin ay ang mga karapatan at tungkulin na ipagkatiwala at ipinagkaloob sa
hari ng Espanya upang mmapayapa ang Pilipinas. Ang encomienda ay
nagmula sa salitang encomendar na ang ibig sabihin ay "ipagkatiwala".
Ang mga encomendor na napagkalooban ng encomienda at naging
tagapamahala sa nasasakupan. Sa sistemang ito, ang Pilipinas ay
nakaranas ng kahirapan sa buhay.
Bilang kolonya ng hari sa Espanya, ang mga Pilipino ay sapilitang
pinagserbisyo sa hari sa pamamagitan ng polo y servicio
personal o prestacion personal. Ang polo y servicio personal ay ang
sapilitang paggawa ng walang kabayaran. Ang mga lalaking Pilipino na
mula 16 hanggang 60 na taong gulang ay pinaglilingkod o pinatatrabaho
nanng 40 na araw sa loob ng isang taon sa pamahalaan ng Espanya. Sila
ay inaatasang magputol ng mga puno sa mga gubat at gumawa ng mga
barkong pandigma. Dahil sa polo y servicio personal, marami ang
nagutom na mga Pilipino at kumunti ang populasyon ng mga lalaki sa
Pilipinas.

Labis ang sapilitang pagbayad ng buwis na ipinatupad ng mga


Espanyol sa Pilipinas. Ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng
mga Espanyol sa mga Pilipino ay tributo. Ang mga ecomendero ang
\ nangungulekta ng mga buwis sa Pilipinas. Sa tributo, ang mga Pilipino ay
nakaranas rin ng kahirapan.
 Gaano katagal namahala ang mga Espanyol sa PIlipnas?
 Sino-sino ang nakipaglaban sa mga Espanyol upang hindi
mawala ang sariling pagkakakilanlan?
 Sa inyong palagay, ano kayang uri ng pamumuhay
mayroon ang mga Pilipino kung hindi tayo sinakop ng
mga Espanyol?

Gawain 2 - Concept Map

Concept Map

Ibigay ang inyong mga pananaw sa pagkakatatag ng kolonyang


Espanyol sa Pilipinas.

Prospektibo sa
Pagkakatatag ng
Kolonyang Espanyol

2. Pagsusuri : Tanong Ko, Sagot Mo!


 Bakit madaling napalaganap ng mga Espanyol ang mga
Pilipino?
 Paano natanto ng mga Pilipino na pinasusunod lamang
sila ng mga Espanyol?
 Ano-anog estratehiya ang ginamit ng mga Espanyol
upang mapasunod nila ang mga Pilipino.

3. Paghahalaw : Graphic organizer


* Ipakita sa mga mag-aaral ang tanong at hayaang bumuo sila ng
konsepto ng aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng
impormasyon sa tsart.
Ibigay ang inyong mga prospektibo sa pagkakatatag
ng Kolonyang Espanyol sa Pilipinas.
4. Paglalapat: Punan mo !
* Papunan sa mga mag-aaral ng datos ang mga kahon sa ibaba.

Lagyan ang kahon ng mga prospektibo sa pagkakatatag ng


kolonyang Espanyol sa Pilipinas

Prospektibo sa pagkakatatag
Ng Kolonyang Espanyol
sa Pilipinas

IV. Pagtataya:
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya ang
kaalamang natutuhan sa aralin.
Panuto: Pumili sa ibaba ng mga prospektibo ukoL sa
kolonyang Espanyol.

A. Inipon ng mga Espanyol ang mga Pilipino upang


. madali nilang mapalaganap ang relihiyon.
B. Gumamit sila ng lakas-militar
C. Ang mabuting pagtanggap ng mga Pilipino ay
isang naging dahilan upang madaling mapasunod
ang mga katutubo
D. Maraming ipinakitang kahinaan ang mga
Piilipino
E. Sumasamba ang mga Pillipino sa kalikasan
F. Walang sinusunod na lider
G. Pinag-away-away nila ang mga Pilipino
H. Matatapang ang mga Pilipino
V. Takdang-Aralin:
Ihambing ang pamumuhay ng mga Pilipino bago dumating
ang mga Espanyol at nang masakop ang Pilipinas.

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III , Teresa E/S.
Aralin 4.2 : Paghahambing sa Iba’t Ibang Prospektibo
Ukol sa Pagkakatatag ng Kolonyang
Espanyol sa Pilipinas

I. Layunin
Napaghahambing ang iba’t ibang prospektibo ukol sa pagkakatatag ng
kolonyang Espanyol sa Pilipinas (4.2)

II. Paksang Aralin


Paksa : Paghahambing sa Iba’t Ibang Prospektibo Ukol Sa
Pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol Sa Pilipinas
Sanggunian : AP5PKE-IIb-4 ( 4.2 )
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas G.7, p.132
Isang Bansa, Isang Lahi, pah.48-55
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat

Pagpapahalaga : Pagkakaisa ng mga Pilipino

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan:Watch Balita
* Pakikinig ng balita tungkol sa pagpasok ng China sa ibang
lupain na sakop ng Pilipinas tulad ng Benham Rise / West
Philippine Sea.

2. Balik-aral : Sagutan tayo !


Bilang isang Pilipino, ano ang masasabi mo sa ginawang
pananakop ng mga dayuhan?
Paano nakapagtatag ng pamahalaan ang mga Espanyol sa
Pilipinas?

3. Pagganyak : Opinyon ko , opinyon mo !


Maaaring hindi naging maganda ang naging bunga ng
kolonyang Espanyol sa mga Pilipino dahil sa naging reaksyon
ng ating mga ninunong Pilipino ngunit sa kabilang panig ay may
mga kultura rin sila na nakabuti sa bansa na hanggang sa
ngayon ay makikita pa rin sa atin.

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1:Concept Map
* Ipakita sa mga mag-aaral ang btsart ng impormasyon.
Hayaang pag-aralan itong mabuti at ihanda ang sarili sa
mga katanungan.
Humanga ang mga Pilipino Pinag-away-away ng Pinalaganap ng mga
sa paraan ng pamumuhay mga Espanyol ang mga Espanyol ang
ng mga Espanyol katutubo Kristiyanismo

Ginamit ng mga Inipon ng mga Espanyol


Panahon ngPananakop ng
Espanyol ang lakas- ang mga to sa isang
mg Espanyol sa Pilipinas
militar cabecera

Ipinatupad ang sapilitang Pinagtrabaho ang mga Tinawag na mga pagano


pagbabayad ng buwis sa Pilipino ng walang bayad ang mga Pilipino dahil
mga PIlipino walang kinikilalang Diyos

Ano ang masasabi mo sa mga sumusunod na pangyayayaring ito?


Paano kaya nakatagal ang mga Pilipino sa mga gawaiing ito ng mga
Espanyol?
Ano kaya ang dapat sanang ginawa ng mga Pilipino upang hindi nila
maranasan ang paghihirap sa kamay ng mga Espanyol?

Gawain 2: Paggamit ng Retrieval Chart

Paghahambing ng mga Prospektibo Ukol sa pagkakatatag ng


Kolonyang Espanyol
1.
2.
3.
4.
5.

Ibigay ang inyong mga prospektibo ukol sa pagkakatatag ng kolonyang


Espanyol sa Pilipinas.
Bakit kaya maraming negatibong resulta sa panahaon ng pananakop
ng mga Espanyol?
Magiging matagumpay kaya ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa
kalayaan ng bansa kung pinairal nila ang kanilang pagkakaisa? Bakit?

3. Pagsusuri: Punan mo !
* Paghambingin ang mga perspektibo sa pagkakatatag ng
kolonyang Espanyol sa Pilipinas.
Mga Prospektibo sa
Pagkakatatag ng Kolonyang Pagkakatulad Pagkakaiba
Espanyol

3. Paghahalaw : Off the Wall


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga impormasyon na
nagsasaad ng tungkol sa prospektibo sa pagkakatatag ng
kolonyang Espanyol.

Ano-ano ang mga prospektibo sa pagkakatatag ng


kolonyang Espanyol sa Pliipinas?

Maraming kakulangan ang mga Pilipino noong


panahon ng pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa
Pilipinas kung kaya’t naging matagal ang naging pagtitiis
mula sa kamay ng mga mananakop.

4. Paglalapat: Group Dynamics


* Magsagawa ng pangkatang gawain upang lalong maunawaan
ang aralin.

Pangkat I –Paghahambing
Ihambing ang mga prospektibo sa pananakop ng mga
Espanyol sa PIlipinas.
.

Pangkat II – Pagsulat ng Sanaysay


Sumulat ng sanaysay na nagpapahayag ng kalutasan
sa mga naging suliranin ng mga Pilipino ng panahon ng
Espanyol.

Pangkat III – Pagbuo ng Tula


Gumawa ng tula na nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan.

.
Pangkat IV – Pag-awit
Bumuo ng isang awit tungkol sa pakikibaka o
pakikipaglaban para sa kalayaan.

IV. Pagtataya:
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagtataya upang malaman
ang natutuhan sa aralin.

Panuto: Ihambing ang iba’t ibang prospektibo ukol sa pagkakatatag


ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas.
.

V. Takdang-Aralin
* Sumulat ng talata tungkol sa konseptong nakasaad sa kahon.

Malaking kabiguan sa mga Pilipino ang kawalan ng


pagkakaisa upang makamit ang kalayaan.

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III , Teresa E/S
Aralin 5.1 : Ang Proseso ng Kristinisasyon sa
Katutubong Populasyon sa Ilalim ng
Kapangyarihan ng Espanya

I. Layunin
Naiisa-isa ang proseso ng kristinisasyon sa katutubong populasyon sa
ilalim ng kapangyarihan ng Espanya. (5.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Proseso ng Kristiyanisasyon sa Katutubong Populasyon sa
Ilalim ng Kapangyarihan ng Espanya
Sanggunian : AP5PKE-IIc-d-5 ( 5.1 )
Ang Pilipinas sa Iba’t – Ibang Panahon 5 ph. 71
Pilipinas : Bansang Malaya V. ph. 90 – 94
Kagamitan : task kard , tsart ng pagsasanay , , plaskard
Pagpapahalaga : Paggalang sa relihiyon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
* Pakikinig ngbalita tungkol sa simbahang Katoliko

2. Balik –Aral : Magic Kit


* Pabunutin ang mga mag-aaral sa magic kit ng
impormasyong nakasulat sa papel at pagbigayin ng
paliwanag .

. Inipon ng mga Espanyol ang mga Pilipino upang


Madali nilang mapalaganap ang relihiyon.

Gumamit sila ng lakas-militar

Ang mabuting pagtanggap ng


mga Pilipino sa kristiyanismo
Maraming ipinakitang kahinaan ang mga Piilipino.

Matatapang ang mga Pilipino .

3. Pagganyak : Semantic Web


* Ipakita sa mga mag-aaral ang salitang proseso at itanong
kung ano ang alam nila sa salitang ito .

proseso

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Teksto ng Kaalaman
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto hayaang suriin nila itong
mabuti
Pagpapakilala ng Kristiyanismo
Maraming paraang ginawa ang mga
misyonero upang akitin ang mga katutubo
sa Kristiyanismo. Ilan dito ay ang
sumusunod .
Paggamit ng wika ng katutubo .
Naniwala ang mga pari na higit na mabisa
ang paggamit ng wika ng katutubo sa
pagtuturo ng relihiyon at paghikayat sa mga
tao saKristiyanismo. Ayon sa kanilang
karanasan , madali nilang natutunan ang
katutubong wika kaysa pag-aralan ng mga
Pilipino ang wikang kastila o espanyol.
Nakatulong ang paraang ito sa madaling
pagtanggap sa Kristiyanismo ng mga
Pilipino. Kaagad na palapit ang mga pari sa
kalooban ng mga Pilipino. Humanga sila sa
sa mga taong gumamit ng kanilang wika.
Dahil dito , halos may 400 ang nahikayat na
mangumpisal at tmanggap ng komunyon sa
loob lamang ng isang buwan. Naganap ito
sa pulo ng Negros noong 1599 ayon kay
Padre Gabriel Sanchez . Nakaakit din sa
mga Pilipino ang magagandang simbahan,
mga prusisyo , at pagdiriwang ng pista.
Paggamit ng larawan . Gumamit ng mga
larawan ang mga pari. Ipinakita ng mga ito
ang pananampalataya sa Diyos. At
pagsunod sa aral ng relihiyon.Nakatulong
ang paggamit nglarawan sa mga paring
hindi gaanong marunong ng wika ng mga
Pilipino. Madali nilang naipaalam ang ibig
sabihin ng impiyerno sa pamamagitan ng
nakatatakot na paglalarawan.

Sermon ng pari . Ang kalimitang


sermon ng pari ay tungkol sa impiyerno.
Sermon ng Pari . Ang kalimitang sermon
ng pari ay tungkol sa impiyerno. Minsa ay
nagsermon ang isang pari, si Padre Juan
de Torres . Upang mabigyang-diin ang
kasamaan ng impiyerno , Sinabayan niya
ang sermon ng pagpapaapoy o paglikha ng
usok. Nagiging mabisa ang sermon kung ito
ay nauunawaan at nadarama ng tao. Ang
iba pang mensahe o aral ng sermon ay
tungkol sa aral ng relihiyon , kapangyarihan
ng Diyos at gantimpala sa mga Kristiyano sa
kabilang buhay.
Upang mapalaganap at mapanatili ang
kristiyanismo gumamit sila ng ibang paraan
tulad ng : paglilimbag ng babashin ,
pagpapabinyag , pag-aaral ng katekismo

2. Pagsusuri : Isang tanong , isang sagot !


* Magkaroon ng talakayan upang malaman kung may
pagkaunawa sa binasang teksto.
a. Ano ang pinaniniwalaan ng mga pari ?
b. Ano ang madali nilang natutunan ?
c. Madali bang natanggap ng mga Pilipino ang
kristiyanismo ? Bakit ?
d. Paano ginagamit ng pari ang mga larawan ?
c. Ano ang kalimitang sermon ng pari ?
e. Sa mga paraan sa pagpapakilala ng kristiyanismo , alin
ang pinakamabisng paraan ? Bakit ?
f. Ano- ano pa ang mga paraan upang mapalaganap at
mapanatili ang kristiyanismo ?
g. Ano ang patunay na magpahanggang ngayon ay
natupad ang layunin ng kanilang pananakop ?
h. Nakatulong ba ang pagtanggap sa kristiyanismo ng
ating mga ninuno ?
i. Kung ikaw ay isa sa mga katutubong Pilipino na
dinatnan ng mga mananakop noon , hahayaan mo
bang mapabilang ka sa mga taong naakit sa bagong
relihiyon ? Bakit ?

3. Paghahalaw : Tsart ng Datos


* Ipalagay sa mga mag-aaral ang mga datos ng tungkol sa
proseso ng kristiyanisasyon .
Mga Proseso ng Kristiyanisasyon sa
Katutubong Populasyon

4. Paglalapat :Pangkat ko , kabahagi ko !


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain upang lalong
maunawaan ang aralin.

Ipakita sa klase sa pamamagitan ng maikling skit


ang proseso ng Kristiyanisasyon sa Katutubong
Populasyon
Pangkat 1 : Paggamit ng Wikang Katutubo
Pangkat 2 : Paggamit ng larawan
Pangkat 3 : Sermon ng Pari
Pnagkat 4 : Paglilimbag ng babasahin

IV . Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang
mataya ang kaalamang natutunan.
Piliin sa mga sumusunod ang proseso ng kristiyanisasyon
sa pagbuo ng katutubong populasyon .
A. Paggamit ng wikang katutubo
B. Pagsusugal
C. Paggamit ng larawan
D. Sermon ng Pari
E. Paniningil ng buwis
F. Paglilimbag ng babasahin
G. Pagbibinyag

V. Takdang Aralin

Magtipon ng mga larawan na may kinalaman sa proseso ng


kristiyanisasyon.

Rubrics :

5 - Makulay , maganda sa paningin at kaakit- akit.


May kaugnaya sa natapos na aralin.

3 - Nakapagtipon ng simpleng larawan na may


kinalaman sa aralin .

1. May larawang nakalap subalit hindi lahat ay may


kaugnayan sa aralin.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III, Teresa E/S
Aralin 5.2 : Mga Epekto ng Reduccion

I. Layunin
Nasasabi ang epekto ng reduccion sa pagsasailalim ng mga
katutubong populasyon sa kristiyanismo. ( 5.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Epekto ng Reduccion
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide Araling Panlipunan
AP5PKE-IIc-d-5 (5.2 )
Isang Bansa, Isang Diwa, dd 62-63
Makabayan, Kapaligirang Pilipino, 212-213
Kagamitan: Aklat, tsart

PagpapahalagaPagiging Maka-Diyos

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Mock TV Patrol
* Pakikinig ng isang isyu tungko sa pabahay.
2. Balik- Aral : Opinyon ko , alamin mo !
* Ipakita ang mga larawan at hayaang suriin at magbigay ng
mga mag-aaral ng kanilang opinyon tungkol sa reduccion .

Sa iyong sariling pagkaunawa, ano ang reduccion?


3. Pagganyak : Graphic Organizer
* Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart , Hayaang pag-aralan ang
reduccion noon . Ipahambing ang ayos nito sa ayos ng
panahanan ng bayan natin sa ngayon .

Pag-aralan ang reduccion noon. Ihambing ang ayos nito


sa ayos ng panahanan ng bayan natin sa ngayon.
Gamitin ang graphic organizer.

Ayos ng Panahanan Ngayon


Ayos ng Panahanan Noon

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Tekto Ko, Unawain Mo !

Sa pagkakatatag ng mga pueblo, naitatag ang isang


yunit ng pamahalaang local. Pinamunuan ito ng mga cabeza
de barangay at governadorcillo na mula naman sa hanay ng
principalia, ang pangkat ng mga maykayang mga Pilipino.
Bilang mga alagad ng pamahalaang sibil, ang mga ito ang
kinatawan ng pamahalaang sentral sa pamayanan. Ngunit
hindi ang cabeza de barangay o gobernadorcillo ang
naghahari sa pueblo. Nakahihigit sa kanilang katayuan sa
pueblo ang mga parokyang naitatag.

Sa pagpapatupad ng doctrina, limang hakbang ang


ipinatupad ng mga misyonero sa mga lugar ng kanilang
sakop. Una ay ang pagtuturo ng doktrinang Kristiyano sa
mga nasa reduccion. Ikalawa ay ang pagbibinyag sa mga ito
bilang pagtanggap sa bagong katolisismo. Ikatlo ay ang
pagtatayo ng isang parokya kung saan ang simbahan ang
nasa sentro.
Sa pagtatayo ng isang parokya nagtatapos ang
tungkulin ng isang parokya nagtatapos ang tungkulin ng
isang misyonero sa isang lugar. Papalitan naman ito ng mga
paring sekular na siya namang magpapatuloy ng pagtuturo
ng pananampalataya sa mga bagong binyagan. Ang mga
paring sekular na ito ang inatasang manirahan kasama ng
mga mamamayan upang mapanatili sila sa katolisismo.
Ngunit lubhang may kakulangan sa mga paring sekular sa
mga panahong ito ang inaatasang manirahan kasama ng
mga mamamayan upang mapanatili sila sa Katolisismo.
Ngunit lubhang may kakulangan sa mga paring sekular sa
mga panahong ito. Kung kaya nanatili ang mga misyonero
sa kanilang mga parokya. SIla ang mga naghari rito at
kasama ng mga patakarang pangkabuhayan ng
pamahalaang sentral, lubhang nagpahirap sa mga
mamamayan. Ilan lamang sa kanilang mga pagpapahirap
ang paghingi ng mga tribute para sa simbahan at polo.

Ang mga pahirap na ito naman ang nagbubunsod sa


mga mamamayan na bumalik sa kabundukan.

Pamayanan sa Kabundukan

Marami mga mamamayan sa Cagayan, Camarines, Caraga,


Negros, Panay at Leyte ang nanatiling hindi nasakop ng
Espanyol. Isang dahilan nito ay dahil nasa kabundukan ang
kanilang mga panahanan. Lubhang masukal ang kanilang
mga lugar upang mapuntahan ng mga misyonero na pawing
naglalakad lamang sa paghawan ng mga barangay.

Nagpatuloy ang mga mamamayan sa kabundukan sa


pakikipag-ugnayan sa mga nasalikop na mamamayan sa
kapatagan. Nagpapalitan ng mga produkto ang mga
mamamayan ditto-wax at ginto ang ipinagpapalit ng mga
tagabundok para sa tela at bakal na kagamitan ng mga
tagakapatagan.

Ipinagbawal ng mga Espanyol ang ugnayang ito ng mga


mamamayan at nagbabala na parurusahan ng 100 hagupit
at dalwang taong paggawa sa pagawaan ng barko sa Cavite
ang sinumang lumabag dito. Naglunsad din ng malawakang
pagsalakay sa mga pamayanan sa kabundukan, alinsunod
na rin sa isang kautusang ipinalabas noong 1688. Bahagi ito
ng pagtatangka ng mga Espanyol na maitatag ang mga
mamamayan ditto sa isang bagong pueblo o miasma sa mga
naitatag na.

Ngutin lubhang mahirap na naisagawa ito ng mga


Espanyol dahil na rin sa tulong ng mga tao sa kapatagan.
Bagaman ginamit ang marami sa mga mamamayan sa
pueblo sa pasalakay sa kabundukan marami rin ang
nagbigay ng babala sa bawat pagsalakay na ginawa. Dahil
na rin sa patuloy na ugnayang ito, naging takbuhan ng mga
mamamayang tumakas mula sa mga pueblo.

2. Pagsusuri : Tanong ko , sagot mo !


* Pagtalakay sa nilalaman ng teksto.
* Itanong :
a. Base sa inyong nabasa, sino ang higit na naghari sa
pueblo? Mabuti ba ang kanilang pamamalakad?
b. Sa kasalukuyan ang mga hakbang bang ipinatupad ng
mga Misyonero ay nagpabuti sa atin bilang katoliko o
bilang kristiyano? Bakit?
c. Alin sa mga pamamalad ng misyonero ang nagpahirap sa
tao?
d. Ano ang nag-udyok sa mga tao sa kabundukan na
nanatili sa kanilang lugar? Paano sila nabuhay?
e. Kung ikaw ang mga tao sa kabundukan, mananatili k aba
roon? Bakit?
f. Sa huli, ano-anong naging bunga ng pagkakaroon ng
reduccion sa mga Pilipino?
g. Ano kaya ang magiging bunga kung hindi nagkaroon ng
reduccion sa bansa? Magbigay ng hinuha ukol dito.

3. Paghahalaw : Buuin mo !
* Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga datos .Papunan ng
angkop na kasagutan ang bawat patlang.

Epekto ng Reduccion sa mga Pilipino

 Nahihikayat ang mga Pilipino na ____ ( manatili )


sa isang permanenteng tirahan.
 Natututo ng dasal at _______ ( katesismo ) mula sa
Espanyol
 Natututo ang mga Pilipino sa bagong __________
( paraan ) ng pagtatanim at huwag nang magpalipat-
lipat ng lupang sakahan
 Nagbigay daan sa pagbuo ng mga _______
( barangay , bayan at lalawigan . )

4. Paglalapat: Pangkatang Gawain


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upanga higit na
maunawaan ang aralin .

Pangkat 1 (FISH BONE WEB)


Punan ng sagot ang fish bone
organizer kung saan nakasulat sa
itaas ng tinik ang mga dahilan ng
reduccion sa mga Pilipino at sa
baba naman ay ang naging
epekto nito.

Pangkat 2: I-aarte Ko!


Sitwasyon: Mag- ulik sa pamayanan at ibalita sa
mga tao ang nakaambang reduccion

Pangkat 3: Iguguhit ko!


Iguhit ang itsura ng panahanan ng mga katutubong
populasyon bago magreduccion.

Pangkat 4: Piping Palabas


Sitwasyon: Isa kang paring sekular. Tipunin ang mga
katutubong populasyon at turuang manalangin.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.

Bilugan ang mga pangungusap na nagpapahayag ng epekto ng


reducccion sa mga Pilipino.

1. Natuto ang mga Pilipino ng bagong paraan ng epekto ng


reduccion sa mga Pilipino
2. Naging madasalin ang mga Pilipino
3. Napaglapit lapit ang tirahan ng mga Pilipino
4. Nakabuo ng barangay, bayan at lalwigan.
5. Natuntong lumaban ang mga Pilipino sa Espanyol

V. Takdang Aralin
Ipasulat sa mga mag-aaral ang isang talatang sumasgot sa
tanong sa ibaba. Isulat ito sa isang malinis na papel

 Bakit at paano nabuo ang reduccion?


 Sang-ayon kaba sa pagkakabuo nito?
 Sa iyong palagay, nakatulong ba ito sa mga Pilipino?

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )

Angkop ang nilalaman ng talata sa paksa. Ginamit ang mga pamantayan sa


pagsulat ng talata

Hindi lubos na naipaliwanag ang paksa,, nakasunod sa mga pamantayan sa


pagsulat ng talata.

Hindi malinaw na naipahayag ang gusting iparating , hindi nakasunod sa


pamatayan ng pagsulat ng talata.
Inihanda ni :

NOEMITA P. ALBITO
Dalubguro I . Teresa E/S
Aralin 5. 2. 1 : Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Reduccion

I. Layunin
Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng reduccion.

II. Nilalaman
Paksa ; Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Reduccion
Sanggunian : K to 12 Curriculum Guide Araling Panlipunan
AP5PKE-IIc-d-5 (5.2.2)
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5, p.89-90
Makabayan, Kapaligirang Pilipino, 212
Kagamitan: Aklat, tsart

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa lugar na tinitirahan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch Balita
Pkikinig ng balita ng mga pangyayaring may kaugnayan sa relocation,
demolition o resettlement sa Pandi Bulacan
2. Balik-Aral : Off the wall
* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga salita na nakasulat sa
cartolina strips na nakadikit sa iba’t-ibang bahgi ng silid- aralan
upang mabuo ang sagot sa tanong.
*Ano ang kahulugan ng reduccion?

paglipat tirahan

ng mga Pilipino bagong panahanan

3. Pagganyak : Larawan ng Kaalaman


* Ilalarawan ng mga mag-aaral ang dalawang uri ng tirahan upang
magkaroon ng ideya sa bagong aralin.
https://juliusabante.wordpress.com/tag/opinion/Informal settler families living in danger areas in Quezon
City are now resettled safely in SOUTHVILLE 8, San
Isidro, Rodriguez, Rizal. As of July 7, 2011,

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain Teksto ko, basahin mo !
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling talata tungkol sa
dahilan ng pagkakaroon ng reduccion.

Dahil sa pagtanggap ng mga katutubo sa relihiyong


Katoliko, minabuti ng mga paring miyonero na tipunin ang
mga tao sa isang lugar. Lilipat ang mga tao sa bagong
tirahan o reduccion. Pinagsama-sama ang mga
mamamayan sa isang reduccion upang matutuhan ng mga
ito na manirahan sa isang permanenteng lugar. Ginawa ng
mga kinauukulan ang lugar na pinaglipatan na pamayanan o
sentro. Ang sentro ng pamayanan ay tinawag na kabisera.
Ipinag-utos nila na sa kabisera na lamang magsimba ang
mga tao. Hindi nagtagal at ang kabisera ay itinuring nila na
isang parokya. Ang parokya ay pinamunuan ng isang pari.
Inisip ng mga paring Espanyol ay pinamunuan ng isang
paring Espanyol na madali nilang matuturuan ng mga dasal
at katesismo ang mga katutubo.

Ang mga ganitong kaayusan ay sapilitang ipinatutupad


ng mga pari upang madali nilng matipon ang mga tao kung
may gusto silang ipaalam. Ginagawa ito sa pamamagitan ng
pagtugtog ng kampana ng simbahan.

2. Pagsusuri : Tanong ko , sagutin mo !


* Magkarooon ng talakayan hinggil sa tekstong binas
Itanong:
a. Ano ang kaulugan ng rduccion?
b. Ano ang layunin nito?
c. Sino ang nanguna sa pagsasagawa nito?
d. Naging maayos ba ang paglipat ng mga Pilipino sa
kanilang bagong tirahan? Naging kontento ba sila sa
ganitong Sistema? Paano?
e. Ano ang ginawang pag-angkop ng mga Pilipino sa
bago nilang tirahan?
f. Kung nabubuhay ka noong panahong iyon, sasang-
ayon ka aba sa reduccion? Bakit?
3. Paghahalaw : Punan mo !
* Papunan samga mga-aaral ang tsart sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong upang mabuo ang konsepto ng aralin.

Bakit nagkaroon ng reduccion ?

Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Reduccion

Dahilan ng Pagkakaroon ng Reduccion

 Upang medaling matipon ang mga tao upang


medaling matipon ang mga tao kung may gusting
ipaalam o ibalita ang mga Espanyol
 Upang medaling maturuan ng dasal at katesismo ang
mga katutubo
 Upang matutunan ng mga Pilipino na manirahan sa
isang permanenteng lugar

4. Paglalapat : Pangkatang Gawain


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Pangkat 1: ARKITEKTO AKO!


Iguhit ang plano ng mga gusaling nais mong
nakapaligid sa inyong tirahan. Sumulat ng 1-2
pangungusap kung bakit mo ninais ito.
Pangkat 2: JOURNALIST AKO!
Ipahayag sa pangulo sa pamamgitan ng panulat,
ang iyong damdamin. Kung isa ka sa mga informal
settlers na nagnanais na magkaroon ng maayos na
tahanan.

Pangkat 3: GOOD SPEAKER AKO!


Sitwasyon: Sa isang pagtitipon sa Plaza ng Teresa,
darating ang alkalde ng bayan at mangungusap sa
isang pangulo ng pabahay. Ano kaya ang sasabihin
niya sa harap ng mahihirap na mamamayan?
*Isulat mo at Bigkasin
Pangako ng Alkalde

Pangkat 4: WRITER AKO!


Siwasyon: Isa ka sa nabigyan ng
maayos na tirahan ng
pamahalaan. Gumawa ng liham
pasasalamat ukol ditto gamit ang
tamang balangkas.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.

Panuto: Lagyan ng tsek ang pangungusap kung nagsasaad ng


dahilan ng pagkakaroon ng reduccion at ekis kung hindi.
_______1. Tinipon ng mga pari ang mga Pilipino upang madali nila
itong maturuan ng mga dasal.
_______2. Nabuo ang reduccion upang labanan ng mga Pilipino
ang Espanyol.
_______3. Matutuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng
permanenteng tirahan.
_______4. Naghanda sa mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal.
_______5. Madaling maikalat ang impormasyon sa mga Pilipino.

V. Takdang Aralin
Sagutin ang tanong.

Nagustuhan mo ba ang ginawang paglipat ng mga Pilipino sa


bagong tirahan? Ano kaya ang naging unga nito para sa kanila?
Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

Inihanda ni :

NOEMITA P. ALBITO
Dalubguro I , Teresa E/S
Aralin 5.3.1 Konsepto ng Encomienda

I. Layunin :
Natatalakay ang konsepto ng encomienda . ( 5.3.1 )

II. Nilalaman:
Paksa: Pagtalakay sa Konsepto ng Encomienda
Sanggunian: AP5PKE-IIc-d-5 (5.3.1 )
www.youtube.com
Isang Bansa , Isang Lahi 5 ph. 64-65
Kagamtan: video clip na may kaugnayan, encomendero,tsart,activity card
tsart ng pagsasanay
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa isang lupain / lugar

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan :Balita Patrol
* Pakikinig ng balita sa tungkol sa isang lugar o lupain .
2. Balik-Aral – Alam mo ba ?
* Ipabigay sa mga mag-aaral ang mga naging epekto ng
reduccion. Isulat ito sa tsart.

3. Pagganyak : Halo Letra


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga titik upang mabuo ang
tamang salita.
D E E N C I O M A
* Itanong kung anong naiisip nila kapag narinig ang salitang
E N C O M I E N D A
B. Paglinang ng Aralin
1. Gawain 1- “Video Clip”
* . Ipapanood ang video na nagpapakita ng sistemang encomienda.
www.youtube.com
* . Magkaroon ng maikling talakayan mula sa video na napanood
 Ano ang nilalaman ng video na inyong napanood?
 Paano nagsimula ang sistemang encomienda?
 Ano ang dalawang uri ng encomienda?
 Kanino ipinagkatiwala ang pagbabantay sa encomienda?
 Pinakinabangan ba ng mga Pilipino ang sistemang ito?

Gawain 2 : May teksto ka …

. Sistemang Encomienda
Bagaman napagtagumpayan ng mga Espanyol na
sakupin ang marming lugar sa Pilipinas sa ngalan ng hari
ng Spain, hindi ito naging madali sa mga konkistador.
Bukod sa kanilang lakas- military , malaking hirap ang
kanilang naranasan upang mapagtagumpayan ang kanilang
misyon. Ang mga hirap na ito ang nagbunsod sa kanila na
dumaing sa kanilang hari . “ Ano ang kapalit ng kanilang
paghihirap at pagsisikap na na sakupin ang bagong
lupain ?
Bilang tugon sa mga hinaing ng mga konkistador ,
ginantimpalaan sila ng Spain ng Encomienda . Mula sa
salitang Espanyol na encomendar na nangangahulugang “
ipagkatiwala “ , hindi ito isang kapirasong lupa na
iginawad ng hari ng Espanya sa mga konkistador. Bagkus
ang encomienda ay paagbibigay ng ng pahintulot sa isang
Espanyol na sakupin ang isang teritoryo at ang mga
mamamayan dito.. Encomendero ang tawag sa opisyal na
binigyan ng karapatang ito.
Ang encomienda ay ang unang hakbang sa pagsisimula
ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas. Dalawa ang uri ng
encomiendang ipinamahagi – ang mga teritoryong
nakalaaan para sa pamahalaan na kadalasan , mga
pangunahing bayan at n=mga daungan tulad ng
Bagumbayan ( Luneta ngayon ) , Sta Ana de Sapa ,
Tondo , , Navotas at Malabon. Isa pang uri yaong iginawad
sa mga Espanyol na kundi man taong tinatangkilik ng hari
ng Spain , nagbigay naman ito ng natatanging paglilingkod
sa hari. Halimbawa nito

sa Maynila ang Pandacan , Sampaloc , Macabebe sa


Pampanga at ilang bayan sa Batangas.
Unang ipinatupad ang encomienda s Visayas at may
98 encomienda ang ipinamahagi ni Legazpi sa panahon ng
kanyang panunungkulan bilang gobernador- heneral.
2. Pagsusuri : Tanong ko , sagutin mo !
* Talakayin ang nabasang teksto.
a. Ano ang sistemang encomienda ?
b. Ano ang kahulugan ng salitang encomienda ?
c. Ano-ano ang dalawang uri ng encomienda?
d. Sino ang binigyan ng karapatang mamahala sa sistemang
encomienda?
e. Ano – ano ang tungkulin ng isang encomendero ?
f. Paano ginampanan ng mga encomendero ang kanilang tungkulin?

3. Paghahalaw : Fill in the ____


* Papunan sa mga mag-aaral ng angkop na salita ang patlang .

Ano ang sistemang encomienda ?

Ang __________ (encomienda ) ay __________________


( kapangyarihang )ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa
isang ___________- ( kastila / Espanyol ) na may
malaking ____________ ( naitulong ) upang masakop
ang bansa.

4. Paglalapat : Pangkat Magagaling !


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain upang mas maunawaan
nila ang aralin.

Ipakita sa pamamagitan ng maikling skit kung ano


ang sistemang Encomienda

Pangkat 1
Ipakita kung paano ipangakaloob ng hari ang
gantimpalang encomienda .
IV . Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling apgsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.

Panuto : Isulat kung sino / ano ang tinutukoy sa bawat


pangungusap.

1. Isang tao na pinagkalooban ng agntimpala ng mahal na hari ng


Espanya.
2. Tawag sa taong pinagkalooban ng gantimpalang mamahala sa
isang lugar.
3. Ang isang taong pinagkalooban ng kapangyarihang
pamahaalaan ang isang lugar ay may karapatang gawin ang
kanyang ___________
4. Unang ipinatupad ang encomienda sa _______.
5. May _______ uri ng encomienda .

V. Takdang Aralin

Magsaliksik ng mga impormasyon na may pagkakatulad sa


sistemangencomienda .

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 5.3.2 : Kahulugan ng Tributo.


I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng tributo. . ( 5.3.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Kahulugan ng Tributo
Sanggunian : AP5PKE-IIc-d-5 ( 5.3.2 )
Kagamitan : mga larawan ng tungkol sa pagbabayad ng buwis
task kard , tsart ng pagsasanay
Pagpapahalaga : Pagsunod sa tamang oras sa pagbabayad ng
buwis

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
* Iparinig sa mga mag-aaral ang balita tungkol sa buwis

2. Balik – Aral : Puzzle


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang may kinalaman
sa encomienda at reduccion .
E N C O M I E N D A
S A D E S U T P H G
C T K T I R A H A N
V G L U P A Y E R L
G E X E I K U B I K
H E R T Y U J D K M
P A G L I L I P A T
R T E Y A I Y S K C

3. Pagganyak : Concept Cluster


* Magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa salitan
“ buwis “ .

buwis

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Pagbasa ng Teksto
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto. Hayaang pag- aralang
mabuti ang nilalaman nito upang masagot ang mga tanong.

Ang Tributo
Nagsimula ang tributong nililikom sa walong reales.
Nadagdagan ito ng dalawang reales noong 1590 sa utos ni
Gobernador- Heneral Gomez Perez Dasmarinas. Ginamit ang
mga tributong nilikom sa pagpapatayo ng mga moog , galera
at iba pang depensa bilang pantiyak sa seguridad ng
kolonya. Maliban sa salapi , maaari ring ibigay bilang tributo
ang ginto , tela , bulak , palay at manok. Itinakda ang
tributong ibibigay batay sa halaga ng mga ito.
Ngunit hindi nagustuhan ng hari ng Spain na produkto
lamang at hindi ginto ang tributong ibinibigay ng mga
Pilipino. Hindi pare-pareho ang tributo ng mga bayan dahil
iba-iba ang presyo ng mga produkto sa bawat lugar.
Nangangahulugan din ito na mas kaunti ang ginto na
nalilikom ng kolonya para sa hari. Nagbunga rin ito ng pang-
aabuso ng mga enkomendero dahil maaari nila itago ang
mga produktong ito at ipagbili sa mas mataas na halaga sa
panahon ng kakapusan.
Dahil dito , ipinag-utos ni Heneral Pedro Bravo de Acuna
na kailangang magbayad ng kabuuang sampung reales
bawat taon ang mga mamamayan bilang tributo.
Bubuuin ang sampung ito ng apat na reales na halaga
ng mga produkto., isang manok at ang matitira ay ang
salapi. Ngunit noong 1630 , ipinagbawal naman ni
Gobernador Heneral Juan Nino de Tabora ang pagbabayad
ng tributo sa pamamagitan ng salapi. Higit niyang gustong
magsaka ang mga tao para sa higit na ani.
Hindi makaliligtas ang mga mamamayan sa pagbabayad
ng tributo dahil may listahan ang mga enkomendero ng
mga pangalan na dapat at hindi dapat magbayad nito.
Noong ika-17 dantaon , makikita sa listahang ito ang
pagkakahati ng lipunang Pilipino. Una na rito ang mga local
na principalia, ang pangkat na hindi nagbabayad ng tributo.
Kasunod ni to ang mga may-asawang nagbabayad ng
tributo na buo kung magbayad , ikatlong pangkat ang mga

Isa namang listahan ang nakatala ang mga taong hindi


nagbabayad ng tributo dahil sa sakit , katandaan at
serbisyong ibinibigay sa simbahan. Nahahati naman sa
dalawang pangkat ang mga bata - ang mga maaaring
tumanggap ng komunyon matapos ang kanilang kumpsal
at ang mga maaaring mangumpisal ngunit hindi maaaring
2. Pagsusuri : Patalasan ng isip !
* Ipakita sa mga mag-aaral ang mga katanungan at bigyan ng
pagkakataong masagot ang mga tanong .
a. Sa ilang reales nagsimula ang tributo ?
b. Ano pa ang maaaring ibigay maliban sa salapi ?
c. Ano ang hindi nagustuhan ng hari ng Espanya ?
d. Bakit hindi pare-pareho ang tributo ng bawat bayan ?
e. Ano ang kinalabasan ng hindi pagkakapare-pareho ng tributo ?
f. Bakit umabuso ang mga enkomendero ?
g. Bakit hindi makakaligtas sa tributo ang mga mamamayan ?
h. Paano ang pagkakahati ng lipunang Pilipino ayon sa listahan
ng enkomendero ?
i. Mahalaga ba ang tributo sa panahon ng mga Espanyol ? Bakit ?
j. Sa inyong palagay , kung walang tributo noong panahon ng
mga Espanyol wala rin kayang babayarang buwis ang mga tao
ngayon ?

3. Paglalahat : Jumbled Words


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga salita ayon sa tanong
upang mabuo ang konsepto ngaralin ?
Ano ang tributo ?

pangangailangan buwis tributo


pantiyak kolonya pagawain

Ang _________ ( tributo ) ay isang uri ng _____


( buwis )na ibinibigay ng mga tao na ginagamit sa mga
____________ ( pagawain ) at iba pang
pang _____________ ( pangangailangan ) bilang
___________ ( pantiyak ) sa seguridad
ng __________ . ( kolonya )

4. Paglalapat : Grupo ko ,grupo mo , sama-sama tayo !


* Ipagawa sa bawat pangkat ang gawain upang lubos na
maunawaan ang aralin.

Pangkat 1 : Itala mo !
Itala sa listahan ang mga pangkat ng mga tao na
nagbabayad at hindi nagbabayad ng tributo .

Pangkat 2 : Arkitek ako !


Igawa ng grap ang mga mamamayang
nagbabayad at di –nagbabayad ng tributo.

Pangkat 3 : Painter ako !


Iguhit ang mga bagay na maaaring ibigay
bilang tributo maliban sa salapi
Pangkat 4 : Collector ako !
Magkunwaring isa kang kolektor ng tributo .
Ipakita kung gaano kahigpit ang
encomendero sa paniningil ng tributo.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.

Panuto Piliin sa mga sumusunod na impormasyon ang


nagsasaad ng tungkol sa tributo.

A. Nagsimula ang tributong nililikom sa walong reales.


B. Polista ang tawag sa nagtratrabaho sa sistemang Polo.
C. Maliban sa salapi , maaari ring ibigay bilang tributo ang
ginto , tela , bulak , palay at manok.
D. Encomendero ang tawag sa pinagkalooban ng hari ng
kapangyarihang pamahalaan ang isang lugar.
E. Hindi pare-pareho ang tributo ng mga bayan dahil iba-iba
ang presyo ng mga produkto sa bawat lugar.
F. Ang mga balo at mga binata na kalahati lamang ang
ibinabayad na tributo.
G. Ang mga local na principalia, ang pangkat na hindi
nagbabayad ng tributo

V. Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawaing bahay upang lubos na
madagdaganang kaalaman.

Paghambingin ang sistema ng pagbabayad ng tributo noon at


ngayon.
Noon
Ngayon
Sistema
Pagbabayad
ng
Tributo /
Buwis

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 5.4 : Mga Patakaran ng Sapilitang Paggawa


I. Layunin
Naiisa- isa ang mga patakaran ng sapilitang paggawa. ( 5.4 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Patakaran ng Sapilitang Paggawa
Sanggunian : AP5PKE-IIc-d-5 ( 5.4 )
Ang Pilipinas sa Iba’t – Ibang Panahon 5 ph. 75
Pilipinas : Bansang Malaya V. ph. 90 – 94
Kagamitan : task kard , tsart ng pagsasanay, plaskard
Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Paggawa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “ Balita Patrol “
* Pakikinig ngbalita tungkol sa mga manggagawa.

2. Balik – Aral : Alam mo ba ?


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na
katanungan

a.Anong Eang binubuo ng isang pirasong lupa kasama


ng mga taong nanarihan dito . Ito rin ay kapangyarihang
ipinagkaloob sa isang kastila na may malaking nagawa
sa pananakop ng bansa ?
b. Anong E ang pinagkalooban ng hari ng kapangyarihang
pamahalaan ang isang lupain ?
c. Anong N ang ginawa ng mga encomendero habang
nagpapatupad ng kanilang tungkulin ? ( nagmalabis )
d. Ano T ang tawag sa buwis na nalilikom ng pamahalaan ?
e. Anong R ang tawag sa paglipat ng mga katutubong
Pilipino ng tirahan.

3. Pagganyak : Semantic Web


* Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam nila sa
salitang sapilitan ?

Anong alam ninyo sa salitang …


B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Pagbasa ng Teksto
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto at hayaang
unawain ang nilalaman upang masagot ang mga
katanungan.

Ang Polo y Servicios

Isang uri ng buwis ang sistemang Polo .


May tungkuling magbigay ng serbisyo ang mga
kalalakihang mula sa 16 hanggang 60 taong gulang
Umaabot s40 araw sa loob ng isang taon ang
sapilitang paggawa . Polista ang tawag sa mga
Pilipinong naglilingkod sa sistemang Polo. Ang
mga taong kabilang sa principalia na kayang
magbayad sa mga kastila ng takdang halaga na
tinatawag na falla ay nakaligtas sa sapilitang
paggawa.

Isang halimbawa ng sapilitang paggaw ang pag-


aayos ng daan o ang paggaw ng mga tulay na
kawayan. Ang gawaing ito ay isang tungkulin sa
sistemang Polo. May pagkakataong ang gawaing ito
2. Pagsusuri : Pick me up “
* Ihanda ang mga papel ng katanungan. Pakuhanin ng
isa ang bawat bata upang ibigay ang kasagutan .
a. Ano ang iba pang tawag sa sapilitang paggawa ?
b. Ano ang ibig sabihin ng sapilitang paggawa ?
c. Sino-sino ang kabilang sa sistemang Polo ?
d. Ano ang tawag sa mga taong naglilingkod sa
sistemang Polo ?
e. Ilang araw umaabot ang paggawa ?
f. Anong uri ng gawain mayroon sa sistemang Polo ?
g. Paano maliligtas ang mga Pilipino sa sapilitang
paggawa ?
h. Nakinabang ba ang mga Pilipino sa Polo Y
Servicios ?
i. Makatarungan ba para sa mga Pilipino ang mga
gawain sa sistemang Polo ? Bakit ?
j. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino nang panahong
ipinatutupad ang sistemang Polo , susunod ka rin
ba? Bakit ?

3. Paglalahat : Graphic Organizer


* Papiliin ang mga mga mag-aaral ng mga
impormasyong nagsasaad ng tungkol sa sapilitang
paggawa at ipalagay sa tsart.

Ano –ano ang mga patakaran sa Sapilitang


Paggawa ?

Umaabot sa 40 araw sa loob ng


isang taon ang sapilitang paggawa

Pagbabayad ng falla upang


maligtas sa sistemang Polo

May kapangyarihang mamahala


sa isang lugar.

Paggawa ng mabibigat na gawain

Paniningil ng buwis

Mga kalalakihang may edad na


16-60 taong gulang

Pagbabayad ng tributo

Mga Patakaran ng Sapilitang Paggawa


4. Paglalapat : Kabahagi ako ng aking pangkat !
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain

Pangkat 1 : Itala mo !
Gawin : Itala ang mga mabibigat na gawain
sa
sistemang Polo .
Isulat sa manila paper.
Isigawa ng yell ng pangkat
Iulat sa klase.

Pangkat 2 : Iarte mo !
Gawin : Isadula ang bahaging nagtratrabaho
ang mga Polista ng mabibigat na
gawain.
Isigawa ng yell ng pangkat.
Iulat sa klase.

Pangkat 3 : Bigkasin mo !
Gawin : Igawa ng slogan ang tungkol sa
kung
sino- sino , edad at tawg sa mga
dapat kasama sa sistemang Polo
Isigawa ng yell ng pangkat .
Iulat sa klase.

Pangkat 4 : Awitin mo !
Gawin : Lumikha ng isang maikling awit
tungkol sa sistemang Polo.
Isaagawa ng yell ng pangkat
Iulat sa klase.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit
upang mataya ang natutunan sa aralin.
Panuto : Piliin sa mga sumusunod ang mga patakaran sa
Sapilitang Paggawa.Lagyan ng tsek ( / ) kung
ito’y naglalarawan at ekis ( x) kung hindi .
______1. Sapilitang paggawa ng mga lalaking may
gulang na 16 hanggang 60.
______ 2. Mga Polista ang tawag sa mga lalaking
naglilingkod dito.
______ 3. Falla ang tawag sa ibinabayad ng mga
lalaking umiiwas sa paggawa.
______ 4. Nagkaroon ng pagbabago sa pagmamay-ari
ng lupa.
______ 5. Sapilitang pinagagawa ang mga polista sa
loob ng apatnapung araw sa isang buong taon.

V. Takdang Aralin

Isulat ang inyong reaksyon tungkol sa Polo y Servicios .

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng puntos. )

Rubrics ;
5 - Nakapaglahad ng maliwanag na komento at
sinuring mabuti kung ito ‘y angkop at
nararapat na ihayag .

3 - Hindi masyadong malinaw ang komento at


kulang angbasihan sa pagkakasuri sa
komento.

1. - Walang linaw at walang basehan ang


komentong
ibinigay.

Inihanda :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 6.1: Pag-uugnay ng Kristiyanisasyon sa


Reduccion
I. Layunin
Naiuugnay ang kristiyanisasyon sa reduccion . ( 6.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Pag-uugnay ang kristyanisasyon sa reduccion .
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide Araling Panlipunan,
AP5PKE-IIe-f-6 ( 6.1 )
Makabayang Kasaysayan Pilipino 5,p.89-90
Makabayan, Kapaligirang Pilipino,212-213
Kagamitan : mga larawan ,tsart,metacards

Pagpapahalaga: Pagiging MakaDiyos

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch Balita
* Pakikinig ng balita tungkol sa simbahang Katoliko
2. Balik-aral : Face to Face
* Ipataas sa mga mag-aaral ang masayang mukha kung ang
mga salita ay may kaugnayan sa Kristyanisasyon at malungkot na
mukha kung ito ay may kaugnayan sa redducion.
 Binyag
 Pueblo
 Relihiyon
 Barangay
 Plaza Complex
3. Pagganyak : Picture , Picture !
* Ipakita ang larawan ng krus at espada sa mga mag-aaral.
* Itanong :
Ano kaya ang kaugnayan ng krus at espada sa pagdating ng
Espanyol sa ating bansa?

Ang isang dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol


ang ating bansa ay upang palaganapin ang
pananampalatayang Kristyanismo. Ginamit nila ang
“Krus at Espada” upang matupad ang kanilang layunin.
Ang krus ay sumasagisag sa pagpapalaganap ng
relihiyon at ang espada ay sa pananakop at
pagpapalawak ng lupain at kolonya ng Espanya. Ano
kaya ang reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa
Kristyanismo, mabuti o masama?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Pagbasa ngTalata
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang talata at hayaang unawaing
mabuti ang nilalaman nito.

Sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa ating


bansa, naging magulo na ang pamumuhay ng mga
Pilipino. Layunin ng mga Espanyol na sakupin at
pamunuan ang Pilipinas . Mayroong dalawang
estratehiya sa pananakop ang mga Espanyol ,ang
Ebanghelisasyon; na sinasagisag ng krus. Ito ay
isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa sa
paraang kristanisasyon. Ikalawa ay ang Kolonisasyon; ito
ay isinasagisag ngespada.Ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng paggamit ng lakas-militar .

Subalit naging mas epektibo ang paggamit ng


ebanghelisasyon na pinamunuan nh mga prayleng
Espanyol na ginamitan nila ng sandatang krus,rosaryo at
dasal.Nabihag naman nila ang puso ng mga Pilipino dahil
sa pamamaraang ito.Nagpatupad sila ng mga patakaran
katulad na lamang ng Entrada, Reduccion al Doctrina,
na nagdulot ng matinding transpormasyon sa mga
sinaunang pamayanang Pilipino.Entrada;ito ang unang
pagsakop na isinagawa ng mga Espanyol na ginamitan
nila na puwersang militar. Matapos nito sumunod naman
ang mga paring misyunero at mga pinunong sibilyan
naman ang pumasok sa bagong sakop na katutubong
kumunidad .Sila ang nangasiwa sa organisasyong
political sa pamamagitan ng reduccion. Samantala ang
mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa
pagpapatupad ng doctrina.Sila ang nangangasiwa sa
pagbibinyag ng mga katutubong itinuring nilang pagano.
Dahil sa pagtanggap ng mga katutubo sa relihiyong
Katoliko,minabuti ng mga paring misyonero na tipunin
ang mga tao sa isalugar.lilipat ang mga tao sa bagong
tirahan o reduccion.Pinagsama-sama ang mga
mamamayan sa isang reduccion upang matutuhan ng
mga ito na manirahan sa isang permanenteng lugar.
Ginawa ng mga kinauukulan ang lugar na pinaglipatan ng
pamayanan o sentro. Ang sentro ng pamayanan ay
tinawag na kabisera.Ipinag-utos nila na sa kabisera na
lamang mag simba ang mga tao. Hindi nagtagal at ang
kabisera ay itinuring nila sa isang parokya. Ang parokya
ay pinamunuan ng isang pari. Inisip ng mga paring
Espanyol na madali nilang matuturuan ng mga dasal at
katesismo ang mga katutubo.

Makabayang Kasaysayan Pilipino 5,p.89-90


Makabayan, Kapaligirang Pilipino,212-213

2. Pagsusuri : Tanungan Portion


* Magkaroon ng talakayan sa binasang talata.
a. Ano-ano ang mga istratehiyang ginamit ng Espanyol sa
pananakop sa bansa?
b. Bakit naging mas epektibo ang ebanghelisasyon? Anong
katangian mayroon ang mga katutubong Pilipino?
c. Ano-ano ang tatlong paraan ng pamumuno at sino ang
namumuno sa bawat isa?
d. Bakit napapayag ang mga katutubong lumipat sa
reduccion?

3. Paghahalaw : Off the wall


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang tamang salitang kailangan
upang mabuo ang konsepto ng aralin .

Ano ang kaugnayan ng reduccion sa kristiyanisasyon ?


Kaugnayan ng Reduccion sa Kristiyanisasyon

Ang _________ sa bagong _______ o _______ ng mga


Pilipino ay nagbigay daan sa mga paring misyonero na
madaling maipakilala ang kristiyanismo at maipagpatuloy
ang kanilang _______ na maipalaganap ang __________
sa ating bansa.

paglipat kristiyanisasyon Reduccion

Adhikain panahanan pananampalatay


4. Paglalapat : Pangkatang Gawain
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Pangkat 1: Iguhit Mo !
Gawin: Iguhit ang bagay na para sa sarili mo ay
daan upang maligtas ka sa kapahamakan

Pangkat 2: Sharing/ Pagbabahagi


Sinisikap kong makapunta sa tahanan ng Diyos o
simbahan dahil _________________________
______________________________________

Pangkat 3: Magbigay ng reaksiyon sa sitwasyon.


Magulo ang buhay sa inyong napuntahang reduccion.
Ibig mo ang payapang paligid. May mga bagay na
magsisilbing sandata para sa kapayapaan. Baril,
espada, kutsilyo, rosary krus at bibliya. Alin ang pipiliin
mo? Bakit iyan ang napili mo?

Pangkat 4: Gumawa ng awit ukol sa


paglalarawan ng kapayapaan (peace).
Awitin ito sa klase.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.
Iguhit ang tsek kung may kaugnayan sa reduccion at kristiyanismo
at ekis kung wala.

____1. Tunay na makadiyos ang mga katutubo kayat medaling


naakit sa ebanghelisasyon.
____2. Naging magulo ang pamumuhay ng mga Pilipino nang
dumating ang krus sa bansa
____3. Ginawang “comfort room” ng mga Espanyol ang mga
kababaihan upang mapabilang sa kristiyanismo.
____4. Madaling nabihag ang puso ng mga katutubo nang ginamit
ng prayleng Espanyol ang rosary at dasal
_____5. Pinagsama-sama ang mga mamamayan sa isang
reduccion upang matutunang manirahan ng marangya sa
permanenteng lugar

V. Takdang Aralin
Sa palagay mo, nakatulong ba ang reduccion sa pagpapalaganap
ng Kristiyanismo ng mga Espanyol? Sa paanong paraan? Isulat
ang inyong sagot sa kwaderno.

Inihanda ni :

NOEMITA P. ALBITO
Dalubguro I , Teresa E/S

Aralin 6.2 : Konsepto ng Encomienda at Mga


Kwantitatibong Datos Ukol Sa Tributo , Kung Saan Ito
Kinolekta At Ang Halaga ng Tributo
I. Layunin
Natatalakay ang konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos
ukol sa tributo , kung saan ito kinolekta at ang halaga ng tributo. ( 6.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Konsepto ng Encomienda at mga Kwantitatibong Datos Ukol
sa Tributo , Kung Saan ito Kinolekta , ang halaga ng tributo.
Sanggunian : AP5PKE-IIe-f-6 ( 6.2 )
Kasayasayang Pilipino 5 pp.93
Kagamitan : mga larawan tungkol,sa kolonyalismo
task kard , tsart ng pagsasanay

Pagpapahalaga : Pagsunod sa tamang Oras ng Pagbabayad ng Buwis

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
* Pakikinig ng balita tungkol sa buwis na binabayaran ng
mamamayan .

2. Balik – Aral : Treasure Hunt


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang may
kinalaman sa nakallipas sa, reduccion tributo at sistemang polo
at ipabigay ang ilang impormasyon dito.

at
Encomienda

Lupa

Paglilipat Gantimpala

Hari
reales
Bayani

3 Pagganyak :Ikonek mo !
* Ipasabi sa mga mga mag-aaral kung ano ang kaugnayan ng
salitang

encomienda tributo
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Pagbasa ng Teksto
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang TEKSTO.

Ang Encomienda
Ang mga patakaran at kautusang nagmumula sa
pamahalaang sentral ay ipinatupad sa pamahalaang
panlalawigan . Noong una , wala pang mga
lalawigan at ang tumatayo sa lugar nito ay ang
encomienda . Ang encomienda ay kapangyarihang
pamahalaan ang isang bahagi ng lupa o isang pook
na ipinagkaloob ng hari bilang gantimpala sa mga
kastila na nanaktulong nang malaki sa pananakop
sa Pilipinas . Encomendero ang tawag sa taong
pinagkalooban ng kapangyarihang pamahalaan ang
isang encomienda . May karapatan siyang maningil
ng buwis sa mga taong nakatira sa lupang
kanyang nasasakupan. Bilang ganti , tungkulin
naman niyang panatilihin ang kaayusan at
katahimikan sa encomienda. Inatasan din siyang
tumulong sa pagpapalaganap ng kristiyanismo sa
kanyang sakop at ipagtanggol ang mga nainirahan
doon laban sa mga kaaway.
Maraming encomendero ang nagmalabis sa
kanilang mga karapatan at kapangyarihan. Dahil
dito , inalis ng pamahalaan ang encomienda noong
dulo ika -17 dantaon . Itinatag na kapalit nito ang
lalawigan o probinsiya at distrito militar o
corrigimiento.

Upang tustusan ang pangangailangan


ng pamahalaan , ang mga Espanyol
ay nagpakilala ng sistema ng
pagbubuwis sa Pilipinas.
Ang tributo ay maaaring
bayaran ng salapi.Nagsimula ang
2. Pagsusuri : Balitaktakan Portion
* Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan tungkol sa
tekstong binasa.
Itanong:
a. Ano ang sistemang Encomienda ?
b. Ano ang tawag sa taong pinagkalooban ng hari ng
gantimpalang pamahalaan ang isang lupain ?
c. Ano ang karapatan ng isang encomendero ?
d. Anong tungkulin ang dapat tupdin ng isang encomendero
e. Ano ang kinalaman ng encomendero sa tributo ?
f. Sa anong halaga nagsimula ang tibuto ?
g. Anong taon itinaas ang tributo ?
h. Ano –ano pa ang maaaring ibigay bilang buwis maliban
sa salapi ?
i. Bakit maraming Pilipino ang tumutol sa pagbabayad ng
tributo ?
j. Kanino ipinagbibili ng encomendero ang mga produktong
nalikom ?
k.Ano ang naging bunga ng mataas na halaga ng pagbibili
ng mga produkto ?
l. Ano ang kaugnayan ng encomienda sa tributo ?
m. Sino ang higit na nakinabang sa encomienda ? tributo ?
n. Saan humantong ang mga ginagawang pang-aabuso ng
mga encomendero sa mga Pilipino ?
o. Makatarungan bang wakasan ng hari ang encomienda at
tributo ?

3. Paghahalaw : Fill in the ___ .


* Papunan sa mga mag-aaral ng datos ang bawat patlang
upang mabuo ang konsepto ng aralin.
* Ang _______( Encomienda ) ay _____ ( kapangyarihang )
ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa isang Espanyol na may
malaking _________ ( nagawa ) upangsakupin ang bansa na
pamahalaan ang isang lugar o lupain .

___________ ( Encomendero ) ang tawag sa mamamahala


sa lupain at may karapatang maningil ng buwis o tributo.

* Ang _______ ( tributo ) ay isang uri ng buwis na kinokolekta


sa mga mamamayan.

4. Paglalapat : Pangkat ko , tulong tulong tayo !


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain upang lubos na
maunawaan ang aralin.

Pangkat 1 : Leader ako !


Magkunwaring isang encomendero. Ipatupad mo
ang mga karapatan at tungkuling dapat mong
gampanan.

Pangkat 2 : Taxpayer kami !


Ipakita sa pamamagitan ng maikling skit kung
paano ang tamang pagbabayad ng tributo.

Pangkat 3 : Obserber kami !


Itala ng tributo na ibinabayad ng mga
mamamayan noon at buwis na ibinabayad ngayon
.

Pangkat 4 : Reporter kami !


Iulat sa klase ang sistemang encomienda at
tributo at ang koneksyon nito sa isa’t-isa.
IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.

Piliin sa mga sumusunod ang mga impormasyong


tumatalakay sa Encomienda at tributo.
A.. Encomendero ang taong pinagkalooban ng hari ng
kapangyarihang pamahalaaan ang isang lupain.
B. Nagsimula ang tributo sa walong reales.
C. Maraming Pilipino ang tumutol sa pagbabayad ng
tributo.
D. May karapatang maningil ng buwis ang encomendero.
E.. Mabibigat na trabaho ang ipinagagawa sa mga Polista .
F. Bilang kapalit kailangang panatiilihin niya ang kaayusan
at katahimikan ng kanyang nasasakupan.
G. Pinahihirapan ang lahat ng mga Pilipino sa sapilitang
paggawa.

V. Takdang Aralin

Magsaliksik pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa


Encomienda at Tributo at iulat sa klase.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 6.3 : Mga Patakaran Papel at Kahalagahan ng


Sapilitang Paggawa sa Pagkakatatag ng
Kolonya ng Pilipinas.

I. Layunin
Nasusuri ang mga patakaran , papel at kahalagahan ng sapilitang
paggawa sa pagkakatatag ng kolonya ng Pilipinas. ( 6.3 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Patakaran , Papel at Kahalagahn ng Sapilitang
Paggawa sa Pagkakaroon ng Kolonya ng Pilipinas.
Sanggunian : AP5PKE-IIc-d-5 (6.3 )
Isang Bansa , Isang Lahi pp. 67
Kagamitan : task kard , tsart ng pagsasanay , , plaskard

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Paggawa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “ Balita Patrol “
* Pakikinig ngbalita tungkol sa mga manggagawa

2. Balik – Aral : Alam mo ba ?


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na
katanungan
a.Anong Eang binubuo ng isang pirasong lupa kasama
ng mga taong nanarihan dito . Ito rin ay kapangyarihang
ipinagkaloob sa isang kastila na may malaking nagawa
sa pananakop ng bansa ?
b. Anong E ang pinagkalooban ng hari ng kapangyarihang
pamahalaan ang isang lupain ?
c. Anong N ang ginawa ng mga encomendero habang
nagpapatupad ng kanilang tungkulin ? ( nagmalabis )
d. Ano T ang tawag sa buwis na nalilikom ng pamahalaan ?
e. Anong R ang tawag sa paglipat ng mga katutubong
Pilipino ng tirahan.

3. Pagganyak : Opinyon mo , ilahad mo !


* Itanong sa mga mag-aaral :
Gaano kaya kahalaga ang papel ng sapilitang paggawa
sa pagkakatatag ng kolonya ng Pilipinas ?

Wala kayang aasahang kita ang bansa kung hindi ito


ipinatupad ?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Teksto ko, basahin mo !
* Ipabsa sa mga mag-aaral ang teksto .

Polo
Ang pagbibigay ng Polo o libreng paggawa ng
mga lalaking naninirahan sa kolonya na may edad na
16 hanggang 60 taon ay kailangang magtrabaho sa
nang libre nang 40 araw. Hindi lamang ang mga
katutubo ng kolonya ang kasama rito kundi pati ang
mga palaboy na Espanyol at Mestizo aat anak ng
2. Pagsusuri : Talakayan Portion
* Tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa tekstong binasa.
a. Ano ang Polo ?
b. Sino – sino ang kasama sa sistemang Polo ?
c. Paano ang sistema sa Polo y Servicios ?
d Ano ang ginagawa ng mga mamamayan upang malilibre sa
sistemang Polo ?
e Saan-sang lugar ito ipinatupad ?
f. Ano ang reaksyon ng mga Pilipino s Polo y Servicos ?
g. Bakit parang pagpapahirap sa mga Pilipino ang patakarang ito
ng mga Espanyol ?
h. Paano kung hindi na kaya ng mga Pilipino ang trabaho
at wala silang kakayahang magbayad ?
i. Kung kayo ay isa sa mga Pilipino noong panahong ipinatutupad
ang sisteamng Polo , ano ang gagawin ninyo ? Bakit ?

3. Paglalahat : Punan mo !
* Papunan sa mga mag-aaral ang patlang upang mabuo ang
konsepto ng aralin.

Anong kaugnayan ng Sapilitang Paggawa sa


pagkakatatag ng kolonya ng Pilipinas ?

Malaki ang ____________ ( naitulong ) ng


_______________ ( Sapilitang Paggawa ) upang patuloy
na _____________ ( matustusan ) ng mga mananakop ang
kanilang _______________ ( pangangailangan ) at
maisakatuparan ang kanilang layuning masakop ang
bansa.

4. Paglalapat : Grupong Magagaling !


* Ipagawa sa mga abta ang pangkatang gawain upang lubos
na maunawaan ang aralin ?

Ipakita sa pamamagitan ng sumusunod ang


pagpapatupad ng Sistemang Polo sa bansa .
Pangkat 1 : Awitin mo !
Pangkat 2 ; Tulain mo !
Pangkat 3 : Iakto mo !
Pangkat 4 : Ilahad mo !

IV. Pagtataya
* Pasulatin ang mga mag-aaral ng kanilang reaksyon tungkol sa
pagpapatupad ng sistemang Polo .

Sumulat ng inyong reaksyon tungkol sa pagpapatupad ng Sapilitang


Paggawa o Sistemang Polo.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos. )


Rubrics :
5 - Malinaw ang naibigay ang reaksyon
Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos na naipahayagang reaksyon


V. Takdang Aralin
Gumupit / Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng sistemang
Polo .

( Gagamit ng rubrics sa paagbibigay ng kaukulang puntos . )


Rubrics :
Maganda ang larawanat angkop ang
impormasyong ibinigay . 5
Hindi gaanong kaakit- akit ang larawan subalit
may wastong datos na ibinigay. 3

Kulang ang impormasyong itinala . 1

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 7.1 : Mga Naging Reaksyon ng


mga Pilipino sa Kristiyanismo

I. Layunin
Nailalarawan ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.
( 7.1 )

II.Paksang Aralin
Paksa : Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
Sanggunian : AP5PKE-IIg-7 ( 7.1 )
https://www.youtube.com/watch?v=bP_-
HxYOJAk
https://www.youtube.com/watch?v=ah8Xw17iwsA
Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon V p. 74-75
Kagamitan : jumbled letters , video clip na kaugnay ng
pananampalataya , mga larawan ng tungkol sa relihiyon ,
task kard , tsart ng pagsasanay
Pagpapahalaga : Paggalang sa relihiyon ng iba

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
* Iparinig sa mga mag-aaral ang balita tungkol sa simbahang
katoliko .

2. Balik – Aral : Jumbled Letters


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga letra upang mabuo ang
tamang salitang kailangan sa bawat kahon .
a. Isang reaksyon ng maraming Pilipino sa
kristiyanismo
a p a l u m a t a
s m s a a y

b. Iba pang reaksyon sa kristiyanismo


sy t l p d s m

I u a a a a a a

c. kahulugan ng damdamin ng mga tao sa relihiyong


Katoliko

o a e s

r k y n

d. naniniwala sila sa relihiyong Islam


u i

3. Pagganyak - Kilalanin Ninyo Ako !


* Ipakita sa mga mag-aaral ang maikling dayalogo sa loob ng
klase.
* Hayaang pag-aralan ng mga mag-aaral ang nilalaman nito.
Sabihin :
Mga bata , pakinggang mabuti ang sasabihin ko at
pagkatapos kayo naman ang magpapakilala sa sarili ninyo .

Ako ay Katoliko.
Naniniwala ako sa
kristiyanismo.
Sumasampalataya
ako sa relihiyong
kinabibilanganko.

Kayo naman ang maglahad ng


tungkol sa relihiyon ninyo .

Nabibilang ako
sa__________ .

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : Video Clip “
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang Video clip .
https://www.youtube.com/watch?v=bP_-
HxYOJAk
* Hayaang pag-aralan itong mabuti .
a. Panonood ng video na nagpapakita ng paniniwala
sa kristiyanismo
b. Video ng paraan ng pagsamba ng mga Muslim
https://www.youtube.com/watch?v=ah8Xw17iwsA
c. Pagsagot sa mga tanong
* Magkaroon ng maikling talakayan sa videong napanood.
* Itanong
a. Ano ang nilalaman ng unang video na inyong
napanood ? ikalawang video ?
b. Ilarawan ang paraan ng kanilang pagsamba ?
Gawain 2 Kilala mo ba ako ?
* Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan . Hayaang pag-
aralan ang mga larawan sa ibaba . Ipalarawan ang naging
reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.
2. Pagsusuri : Tanungan Portion
* Pasagutan sa mga bata ang mga tanong upang malaman ang
natutunan sa aralin.
Itanong :
a. Ano ang reaksyong ipinahihiwatig ng unang video na
inyong napanood ? ikalawang video ?
b. Bakit ganoon ang kanilang reaksyon ?
c. Ano naman ang ipinahiiwatig ng unang pangkat ng mga
larawan ?ikalawang pangkat , ikatlong pangkat , ikaapat na
pangkat ?
d. Ilarawan ninyo ang mga reaksyong ito ng mga Pilipino
sa Kristiyanismo ?

3. Paghahalaw - “ Data Retrieval Chart “


* Papunan sa mga mag-aaral ang tsart ng mga datos tungkol sa
video at mga larawang nakita sa pamamagitan ng pagsagot sa
tanong

Paano ninyo mailalarawan ang mga reaksyong


ito ng mga Pilipino sa Kristiyanismo ?

Reaksyon Paglalarawan

Sumampalataya

Di – sumampalataya

* Ang mga Pilipino ay nagpakita ng pagsampalataya sa


kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng
pangalang kristiyano , paglilimbag ng
babasahin , pagsisimba , pakikinig sa sermon pari at
pagtuturo ng katesismo .

* Ang mga Pilipinong hindi sumampalataya ay mga


Muslim na may matibay na paniniwala sa relihiyong
Islam.

4. Paglalapat : Dugtungan mo !
* Ipabigay sa mga bata ang kanilang sariling opinion tungkol sa aralin
sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong .
.
Sitwasyon :
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng
ibang relihiyon. Papayag kaba ? Bakit ?

Gusto ko ang relihiyon na ____________


dahil sa ___________________________________
___________________________________________
_____________________________________________

IV. Pagtataya
* Pag-aralang mabuti ang ang mga impormasyon sa ibaba .
Pasagutanang pagsasanay upang mataya ang natutunan ng mga
mag-aaral sa natapos na aralin.
Piliin ang mga pahayag na naglalarawan ng tungkol sa
pagsampalataya at di - pagsampalataya sa kristiyanismo .
Ilagay ang titik nito sa kaukulang hanay .
a. Pagpapabinyag at paggamit ng pangalang kristiyano
b. Matibay na paniniwala ng mga Muslim sa relihiyong Islam.
c. Paniniwala kay Alah bilang Panginoon
d Pagsunod sa kautusan ng relihiyong katoliko
e. Paniniwala sa relihiyong Islam
f. Paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos
g. Di- paniniwala sa aral ng kristiyanismo
Sumampalataya Di- Sumampalataya

V. Kasunduan
* Pagawain ang mga mag-aaral ng takdang –aralin na may kinalaman
sa natapos na aralin.
Gumawa ng grap ng bilang ng mga bata sa inyong pangkat
na sumasampalataya at di-sumasampalataya sa kristiyanismo.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III –Teresa E/S

Aralin 8 : Ang Kapangyarihang Patronato Real

I. Layunin
Natatalakay ang kapangyarihang Patronato Real. ( 8 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Ang Kapangyarihang Patronato Real
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8
www.slideshare.net
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat,

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa Tungkulin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan:Watch Balita
* Pakikinig ng balita tungkol sa mga tungkuling
ginagampanan ng mga namumuno sa pamahalaan .

2. Balik-aral : Alam mo ba ?
Ano ang patronato real?
Bakit nagkaroon ng pagsasanib ng simbahan at ng estado?

3. Pagganyak Puzzle
* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang tinutukoy sa
bawat bilang.

Hanapin sa kahon kung ano o sino ang tinutukoy ng mga


sumusunod:

P B E M K D H F P G
A A G U O A A I A A
N T G H R H J A G T
S H A A A I J N A O
A A R M N L Z I A R
L L R M E I I T Y A
A A E A S N S O U D
T X Q D T E L M N E
N E R A L L A H O E
Z A K A T T M A I D

a. banal na kasulatan ng Islam


b. banal na paglalakbay sa Mecca
c. tawag ng mga Tagalog sa Dakilang Lumikha
d. ikasampung bahagi ng kita ng mga Muslim na ibinibigay sa
mga nangangailangan lalong lao na sa panahon ng Ramadan
e. salitang Arabe na ang kahulugan ay kapayapaan
f. paraan ng pagsisisi ng kasalanan ng mga Muslim
g. pananampalataya ng mga ninunong Pilipino sa Dakilang
Lumikha ng daigdig, tao, pamayanan
h. panginoon ng mga Muslim
i. sugo ni Allah
j. pinapaniwalaan ng mga pagano na maaaring mabuti o
masamang espiritu

B. Panlinang na Gawain:
1.Gawain 1: Powerpoint Presentation

“Ang Pagbabago sa Pananampalataya”


www.slideshare.net

2. Pagsusuri: Tanungan Portion


* Magkaroon ng talakayan sa napanood na slide .
Ano ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa
pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko?
Ano ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa pamamahala
ng bansa?

3. Paghahalaw : Off the Wall


* Papunan sa mga mag-aaral ng tamang salita ang patlang
upang mabuo ang konsepto ng aralin.

Ang kapangyarihang ________________ ( Patrona


Rreal ) ay isang _________ (kasunduan ) ng hari ng
Espanya at ng Santo ng Papa ng ___________ ( simbahang
Katoliko Romano. ) Palalaganapin ng Espanya ang
relihiyong katolisismo sa iba’t-ibang lugar sa daigdig

4. Paglalapat: Group Dynamics


* Isagawa ang pangkatang gawain upang lubos na maunawaan
ang aralin.

Pangkat I – Buuin mo
.Bumuo ng oprganizational chart na nagpapakita ng
katungkulan ng mga pari sa simbahan.

Pangkat II – Itala mo !
Ibigay ang kaugnayan ng pari sa pamamalakad ng
pamahalaan.
1.
2.
Pangkat III – Isulat mo !
Isulat ang iyong reaksyon sa kapangyarihan
taglay ng Patronata Real.

Pangkat IV – Isa-isahin mo !
Ano-ano ang mga batas ng pamahalaan na umaayon
sa mga alituntunin ng katoliko Romano? Isa-isahin ito. Ano
ang inyong masasabi sa mga batas na ito?

IV. Pagtataya:
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.
Basahin ang bawat pahayag at isluat ang tamang sagot. Piliin sa loob
ng kahon ang tamang sagot.
1. Ito ay kasunduan ng hari ng Espanya at ng Santo Papa na
palaganapin ang ___________________.
2. Ang nanguna sa pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Romano sa
Pilipinas ay ang ____________________.
3. ang mga kura Paroko ay humawak ng tungkuling pampamahalaan
dahil _________________________________________________.
4. Sa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may
kapangyarihang ________________________________.
5. Ito ay hindi kabilang sa tungkulin ng Kura Paroko.

nangangasiwa ng eleksyon
nagtatala ng lahat ng binyag, kasal at nangamatay na tao
pangrelihiyon
misyonerong Espanyol
mamahala sa pagpapatayo ng simbahan
Ipinag-utos ito ng Santo Papa

V. Takdang-Aralin:

Isulat ang hinihinging datos sa ibaba.

Relihiyon:______________________
Seremonya o
Pagdiriwang:_________________________
Kailan Ginaganap?

Inihanda ni:

DULCE DS. APAYA


Guro III , Teresa E/S

Aralin 8.1 : Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng


Mga Prayle sa Pagpapaunlad ng Sinaunang
Pilipino
I. Layunin
Nasusuri ang mga pamamaraan ng pamamalakad ng mga
prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino. ( 8.1)

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng mga Prayle sa
Pagpapaunlad ng Sinaunang Pilipino
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.1 )
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 85
http://www.digilearn.com.ph/epub/books/gs7_ap01/
Text/ch002-3.htm
Kagamitan : task kard , plaskard , strip ng kartolina , tsart ng
pagsasanay

Pagpapahalaga : Paggalang sa paraan ng pamamalakad

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “Mock TV Patrol “
* Pakikinig ng balita tungkol sa sistema ng pamamalakad sa
bansa.

2. Balik – Aral : “ Fill in the Box “


* Papunan sa mga mag-aaral ang patlang nang tamang salita
tungkol sa mga reaksyon ng
mga Pilipino sa Kristiyanismo.

Sa pamamagitan nito ang isang batang naisilang ay


nagiging ganap na kristiyano .
Sagot :
_____________________________________________

Ito ay isang bahagi ng misa na kung saan ang mga taong


nagsisimba ay matamang nakikinig sa _______ ng pari.
Sagot :
_______________________________________________
Ang paraang ito ay isang uri kung paano mapananatili sa
isipan ng mga Pilipino ang Kristiyanismo. Pagbasa ng
tungkol sa salita ng Diyos
Sagot :
_______________________________________________

Pagtuturo sa mga bata ng tungkol sa Kristiyanismo samga


paaralan.
Sagot :
______________________________________________ .

Patuloy na pagkilala ng mga Muslim sa kanilang


relihiyon kinabibilangan .
Sagot :
_____________________________________________.

3. Pagganyak : “ Experiencial Based “


* Itanong sa mga mag-aaral kung nakaranas na silang
maging lider ng kanilang pangkat o kaya ng kanilang mga
kabarkada ,kaibigan o kalaro.
* Itanong :
Anong inaasahan sa isang pinuno o lider ? Bakit ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : “ Teks ko basahin at unawain mo “
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto at pasagutan ang mga
katanungan.

Malaki ang papel ng mga misyonero sa


pagkakatatag ng pamamahala ng mga Espanyol sa
Pilipinas . Karamihan sa kanila ay tapat at dalisay sa
kanilang hangaring ipalaganap ang Katolisismo sa bansa.
Dahil dito ,nahihikayat nila ang maraming katutubo na
maging Katoliko.Ipinagtatanggol din ng mga misyonero o
mga prayle ang mga mamamayan laban sa pagmamalabis
ngbilang encomendero at ibang opisyal. Nagtatag din sila
ng mga paaralan , ospital , mga tanggulan gusali , imbakan
ng tubig ,dan at tulay .Marami sa kanila ng gumawa ng
bayan o pueblo.Tumulong din sila sa kabuhayan dahil
nagpasok sila ng mga bagong halaman at hayop at nagturo
ng makabagong paraan ng pagtatanim . Bukod sa mga
opisyal ng pamahalaan ang mga misyonero ang tanging
mga Espanyol sa kanayunan.
Ang kodigong moral ng simbahan ay nagturo ng
mga birtud gaya ng pagmamahalan , pagkakapatiran , at
pagkakapantay – pantay ng lahat. Iminulat nito ang mga
Pilipino sa kasamaang bunga ng labis na pagpapatubo ,
pakikiapid , diborsyo . pagpapalaglag ng anak , pang-
aalipin at iba pang mga gawaing labag sa mga turo ng
Kristiyanismo. Gayundin , binigyang- diin ng
pananampalatayang Kristiyano ang kabutihan ng pagiging
masunurin ; kaya sa kabila ng mga pang-aabuso ng mga
prayle , nagawang pagtiiisan ng mga Pilipino ang 333 taon
ng pamunuang Espanyol.

* Magsagawa ng malayang talakayan


a. Sino ang may malaking papel sa pagkakatatag ng
pamamahala ng mga Espanyol sa bansa ?
b. Paano nila isinasagawa ang kanilang hangaring ipalaganap
ang Katolisismo ?

2. Pagsusuri : Balitaktakan Portion


* Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa nabasang teksto
upang malaman kung naunawaan ang aralin.
c. Kanino karaniwang ipinagtatanggol ng mga misynero ang
mga mamamayan ?
d. Lahat ba ng mga misyonero ay may matapat na hangarin sa
mga Pilipino ?
e, Anong pamamaraan pamamalakad ng mga prayle ay
nakatulong ng lubos sa pag-unlad ng bansa ? ang hindi
nakatulong ?
f. Bakit sa kabila ng mga magagandang layunin ng mga

misyonero na maituro ang katolisismo ay may gumagawa pa


rin ng hindi naayon sa isinasaad ng kodigong moral ?
g. Kung kayo ang nasa katayuan ng mga prayle , ano- ano
pang paraan ang inyong gagawin upang makatulong sa pag-
unlad ng sinaunang Pilipino.

3. Paghahalaw “ Data Retrieval Chart “


* Pasagutan ang tsart ng tungkol sa paraan ng pamamalakad
ng mga prayle sa sinaunang Pilipino. Ipalagay ito sa tsart at
suriing mabuti ang mga sumusunod kung ito ay nakatulong
o hindi sa pag- unlad ng sinaunang Pilipino. Pangatwiranan.

Pamamaraan sa Nakatulong Hindi


Pamamalakad Nakatulong

Nagtatag ng misyong
panrelihiyon

Nakipagkaibigan
ang mga prayle
sa mga katutubo

Ginamitan ng armas ang tumangging


magpasakop.....p.

Nagmay-ari ng mga lupain ang mga prayle.

Nagtatag ng mga paaralan ,ospital ,


gusali , daan at tulay na
napakinabangan ng mga sinaunang
Pilipino.
Nagmalabis sa kanilang tungkulin .

Nagkawanggawa ang
mga prayle .

 Iba’t-ibang pamamaraan ng pamamalakad ang mga


prayle sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino.

4. Paglalapat : Kaming pangkat nang magagaling !


* Hatiin ang klase sa apat na pangkat upang magsagawa ng
pangkatang gawain .
Pangkat 1
“ Kung ako ikaw “
Gawin :
Bibigyan ko kayo ng pagkakataong maging prayle . Itala
ninyo sa Hanay A ang ibang pamamaraan sa pamamalakad
na alam ninyong makabubuti sa sinaunang Pilipino at sa
Hanay B pumili ng ilan na nais ninyong kunin sa sa
pamamaraan nila. Iulat sa klase ang inyong kasagutan.

Hanay A Hanay B

Pangkat 2
“ Sang- ayon o Hindi “
Gawin :
Mula sq pamamaraan ng pamamalakad ng mga
prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino , isa-isahin
ito ,lagyan ng tsek ( / ) kung sang-ayon at lagyan ng ekis
( x ) kung hindi sang-ayon. Ipaliwanag sa klase.

Pamamaraan ng Pamamalakad Sang – Hindi


ayon Sang-
ayon
Nagtatag ng misyong panrelihiyon .

Nakipagkaibigan ang mga prayle sa


mga katutubo .

Nagtatag ng mga paaralan ,ospital ,


gusali , daan at tulay na
napakinabangan ng mga sinaunang
Pilipino.

Nagkawanggawa ang mga prayle .

Ginamitan ng armas ang tumangging


magpasakop.
Nagmalabis sa kanilang tungkulin.

Pangkat 3
“ Sagutin mo “
Gawin :
Kung ikaw ay isa sa mga prayle noong panahong
iyon , magmamalabis ka rin ba sa mga sinaunang Pilipino ?
Bakit ? Pangatwiran ang sagot.

Kung ako ang prayle noong


panahong iyon
_________________________
_____________________________

_____________________________.

Pangkat 4
“ Isulat mo !
Gawin :
Mangalap ng sagot sa inyong pangkat. Sagutin ang
katanungan.
Ano ang naidudulot nang maayos at tamang paraan ng
pamamalakad ng mga prayle ?

Isulat sa manila paper ang inyong nakalap na sagot.


Iulat sa klase.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang nakasulat sa tsart.
Markahan ang mga sumusunod na pamamaran ng pamamalakad
kung sa palagay ninyo ay nakatulong sa pagpapaunlad ng mga
sinaunang Pilipino .

Markahan ayon sa iyong pananaw. Gamitin ang kaukulang marka

5 - Malaki ang naitulong.


3 - Sapat lamang ang naitulong.
1 - Di – gaanong nakatulong.

Pamamaraan ng Pamamalakad ng mga 5 3 1


Prayle
Nagtatag ng misyong panrelihiyon

Nakipagkaibigan ang mga prayle sa mga


katutubo

Nagtatag ng mga paaralan ,ospital , gusali ,


daan at tulay na napakinabangan ng mga
sinaunang Pilipino.

Nagkawanggawa ang mga prayle .

Ginamitan ng armas ang tumangging


magpasakop
Nagmalabis sa kanilang tungkulin
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa kapangyarihang
Patronato Real.

Inihanda ni :
MYRNA E. FRANCISCO
Guro III - Teresa E/S

Aralin 8.1.1 : Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng


Mga Prayle sa Pagpapaunlad ng Sinaunang
Pilipino

I. Layunin :
Naiisa-isa ang mga pamamaraan ng pamamalakad ng mga prayle sa
pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino. ( 8.1.1 )
.

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng mga Prayle sa
Pagpapaunlad ng Sinaunang Pilipino
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.1.1 )
Ang Pilipinas sa Iba’t-Ibang Panahon V ph. 62
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 79 - 80
Isang Lahi … Isang Mithi V ph. 47- 48
Kagamitan : task kard , tsart ng teksto / pagsasanay , plaskard

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “ Watch Balita “
* Iparinig sa mga mag-aaral ang balita tungkol sa paraan ng
pamamalakad ng namumuno sa bansa / bayan / barangay.

2. Balik – Aral : “ Kilalanin mo “


* Ipakita sa mga mag-aaralang mga larawan ng mga naging
reaksyon ng mga Pilipino sa kristiyanismo at ipatukoy sa mag-
aaral kung ano ang nilalaman larawan.

3. Pagganyak : “ Semantic Web “


* Ipakita sa mga mag-aaral ang salitang prayle at pamamalakad
at itanong kung ano ang alam nila sa mga salitang ito .

P
R
A
Y
L
E

pamamalakad

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Teksto ko , basahin mo !
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang talata . Hayaang pag-aralang
mabuti ang nilalaman upang masagot ang mga katanungan .
Ang Mga Misyonero
Mahalagang papel ang ginampanan ng mga prayle o misyonerong pari
sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Tinanggap ng mga
katutubo ang bagong relihiyon at ang Pilipinas ang naging una at nag-iisang
bansang Katoliko sa Asya.
Ang mga unang misyonerong dumayo sa Pilipinas kasama niLegazpi
ay kabilang sa ordeng Agustino. Sila ay sinundan ng mga Pransiskano ,
Dominikano, , at mga Heswita. Ang mga Rekoletos ang pinakahuling
dumating sa Pilipinas . Ang mga kagawad ng mga ordeng gaya nito ay
tinatawag na mga “ paring regular “. Pananagutan ng pamahalaan ang
anumang pangangailangan ng mga prayle kapalit ng pagpapalaganap ng
kanilang misyon.
Nagtatag ng misyon ang mga Agustino sa rehiyon ng Ilocos ,
Pangasinan , Pampanga , at Bisaya ; ang mga Dominikano , sa Cagayan at
Pangasinan ; ang mga Franciscano , sa Camarines at sa lugar na sakop ng
Laguna de Bay ; ang mga Heswita , sa Maynila , Cebu , Leyte , Samar , Bohol
at iba pang mga pulo sa Bisaya ; ang mga Rekoleto , sa Mindanao at ilang
lugar sa Maynila.

Nagtatag aang mga misyonero ng mga paaralan at ospital , mga


gusali , tanggulan , daan ,tulay at sila rin ay nagkawanggawa . Marami sa
kanila , lalo yaong mga nabigyan ng parokya para subaybayan , ay lubhang
nasiyahan sa kanilang kapangyarihan at impluwensiya kaaya hinangad na
magkaroon ng higit pa rito. Nalimutan nila ang kanilang misyong panrelihiyon
at nasangkot sa mga gawaing pampulitika. Di nagtagal , umabuso at naging
tinik sa mga Pilipino ang mga prayle.
Gumamit ang mga prayle ng alok na pakikipagkaibigan upang
mapaamo ang mga katutubo. Ipinakita nilang mabuti anghangarin sa pagdayo
sa bansa. Ang pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Pilipino at ang
pagpapalaganap ng relihiyong nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ang naging
katwiran nila sa pananakop.
Ang mga Pilipino naming tumangging magpasakop sa mga Kastila ay
ginamitan ng lakas sa pamamagitan ng mas maunlad na uri ng sandata sa
pakikidigma .

Pamunuan ng Simbahan
Kung sentralisado ang kolonyal na pamahalaang Espanyol , gayundin ang
simbahang Espanyol . Ang Arsobispo ng Maynila ang pinakamataas na
opisyal ng simbahan . Itinalaga siya ng Papa , batay sa rekomendasyon ng
Hari ng Espanya.
Nahati sa apat na diyosesis ang Pilipinas , at ang bawaat isaay
pinamahalaan ng isnag Obispo. Kabilang dito ang Cebu, Nueva Caceres
( Bicol ) , Nueva Segovia ( Cagyan ) at Jaro ( Iloilo ). Dahil ang Maynila aang
sentro ng pamahalaan at simbahan , mayroon din itong sariling obispo.
Ang mga diyosesis naman ay hinati sa mga parokya na pinamunuan ng
kura-paroko. Ang arsobispo ang nagtatalaga ng mga kura-paroko , batay sa
tagubilin at rekomendasyon ng gobernador-heneral.

Pag-aaring lupa ng simbahan


Sa simula , hindi pinayagan ang mga pari na mag-ari ng lupain. Sinuportahan
ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit kalaunan ,
iminungkahi ni prayleng Dominikano at Agustino na payagan silang magmay-
ari ng lupa upang hindi na sila umasa sa pamahalaan at sa mga tao .
Pinagbigyan ng Hari ang kanilang kahilingan, sa akalang makatutulong ito
upang lalong mapagtuunan ng pansin ng mga klerigo ang kanilang misyon na
lalong mapalaganap ang Kristiyanidad.

Ngunit dahil walang alam ang mga prayle sa pagsasaka, ang pamamahala sa
mga lupain ay iniasa nila sa mga inquilinos. Pinaupahan naman nito sa mga
magsasakang Pilipino . Tuwing anihan , inaawas ng inquilino ang upa sa lupa
saka ibinibigay sa mga prayle. Sa pagdaan ng panahon , naging
makapangyarihan at abusado ang mga mga inquilino. Taun-taon , tinataasan
nila ang upa at mas malaking parte sa ani ang hinihingi , kaya halos walang
natitira sa mga magsasaka.
Bago matapos ang rehimeng Espanyol , tinatatayang may 185,000
ektarya ang naging lupain ng mga prayle. Ang mga Dominikano ang
pinakamalaking tagapagmay-ari ng mga lupain , may mga lote rin sila sa
Maynila , sa Naic sa Cavite, sa Binan at sa Santa Rosa Laguna, at Pandi at
Orani sa Bataan. Malalaking lupain naman ang naging pag-aari ng mga
Agustino sa Cagayan , Isabela at Nueva Viscaya ; ang mga Rekoletos ay
mayroon din sa Imus at Mindoro.

2. Pagsusuri : Tanungan Portion


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong tungkol sa
talatang nabasa .
a. Ano ang nilalaman ng talata ?
b. Sino ang naatasang magpalaganap ng kristiyanismo sa
bansa ?
c. Ano - ano ang naitatag ng mga misyonerong dumayo sa
Pilipinas ?
d. Mahalaga ba ang papel ng mga prayle sa pagsakop ng
ating bansa ? Bakit ?
e. Sino ang pinakamataas na opisyal ng simbahan ?
f. Anong pananagutan ng kaharian ng Espanya sa mga
misyonerong ipinadadala sa Pilipinas ?
g. Ano - ano ang pamamaraan ng pamamalakad ng mga
prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino ?
k. Ang mga pamamaraan bang ito ay nakatulong sa pag-
unlad ng sinaunang Pilipino ?
l.Paano nagkaroon ng malalawak na lupain ang mga prayle?
m.Anong sistema ang kanilang ginawa upang pamahalaan
ang kanilang mga lupain ?

3. Paghahalaw - “ Graphic Organizer “


* Papunan sa mga mag-aaral ng datos upang mabuo ang \
konsepto ng aralin.
Paraan ng Pamamalakad ng mga Prayle

May mga pamamaraan ng pamamalakad ang mga


prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino .

Nakipagkaibigan ag mga prayle sa mga


katutubo
 Ginamitan ng armas ang tumangging
magpasakop
 Nagtatag ng mga misyong panrelihiyon
 Nagtatag ang mga misyonero ng mga
paaralan at ospital
Nagkawanggawa sila abot ng kanilang
makakaya.
 Nagmalabis Sa kanilang tungkulin
 Nagmay-ari sila ng mga lupain sa pahintulot
ng hari sa pag-aakalang makatutulong sa
pagapalaganap ng Kristiyanidad
4. Paglalapat : Pangkat ng magagaling !
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang
lubos na maunawaaan ang aralin.

Pangkat 1 - “ Lights Camera Action “


Isadula ang pakikipagkaibigan ng mga prayle sa mga
sinaunang Pilipino sa pagpapalaganap ng kristiyanismo.

Pangkat 2- “ Pagtalunton ng kahapon “

Taluntunin ang mga lugar kung saan nagtatag


ng misyon ang mga prayle . Idikit ang mga lugar
ayon sa wastong pagkaasunod-sunod.
Agustino -
Dominikano –
Franciscano -
Rekoleto -

Pangkat 3 - “ Hanapin mo ako “


Hanapin ang mga larawan na naitatag ng mga prayle .
Magbigay ng maikling mensahe o impormasyon ukol sa
larawan.

Larawan ng paaralan

Larawan ng ospital

larawan ng gusali

larawan ng kalikasan
larawan ng tao

Pangkat 4 - “ Lumikha ka ! “
Gumawa ng maikling komiks strip kung paano
kinumbinsi ng mga prayle ang hari na payagan sila na
magmay-ari ng lupa .

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya ang
natutuhan sa aralin.

Panuto : Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag tungkol


sapamamalakad ng mga prayle. Piliin at isulat ang
titik ngtamang sagot.
A. Ang mga prayle ay may pamamaraan ng pamamalakad
sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino .
B. Iniutos ng hari na kaibiganin ang mga Pilipino upang higit
na madaling maipaliwanag ang kristiyanismo .

C. Hangad lang hari na sakupin at pahirapan ang mga


Pilipino .
D. May misyong panrelihiyon na naitatag ang mga prayle sa
mga Pilipino .
E. Kulang ang oras at panahon ng mga misyonera sa
pamamalakad sa bansa.
F. Nagtataa ang mga prayle ng mga paarala at ospital na
nakatulong ng Malaki sa mga sinaunang Pilipino.
G. Ang pagkakawanggawa ay isa ring paraan ng
pamamalakad sa mga prayle.

V. Takdang Aralin
* Pasulatin ang mga mag-aaralng kanilang reaksyon tungkol sa
pamamalakad ng mga prayle sa mga sinaunang Pilipino.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )


Malinaw at maayos na
naipahayag ang reaksyon.

Naipahayag ang reaksyon


subalit hindi sapat ang
impormasyong inilahad.

Hindi gaanong malinaw ang


inilahad na reaksyon.
Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III –Teresa E/S

Aralin 8.2 : Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa


Ilalim ng Patronato Real

I. Layunin
Natutukoy ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato
Real ( 8.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.2 )
Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon V pahina 70-71
Isang Lahi..Isang Mithi Ikalimang Baitang pahina 50
Kagamitan : flashcards, larawan, puppet, activity cards, tsart
Pagpapahalaga : Pagtupad sa iniatang na tungkulin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch Balita
* Pakikinig sa balita tungkol sa napapanahong isyu sa mga pari.
2. Balik – Aral - “ Off the Wall “
* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang makikita sa
paligid ng silid-aralan at ipabuo ang kaisipan / kahulugan sa
pisara ng Patronato Real.

Patronato Real

kasunduan ng Santo Papa sa Roma na

Hari ng Espanya at

Katolisismo sa mga lupaing

palaganapin ang sakop ng Espanya

3. Pagganyak - “Picture Analysis “


* Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng isang pari at hayaang
ilarawan ito.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : “ Puppet Show “
* Ipakita ang puppet sa mga mag-aaral at hayaang ilahad nito ang
mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real.

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng


Patronato Real
 Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng
simbahang Katoliko.
 Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
 Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura.
 Makilahok sa mga gawaing pampulitika
 Humalili sa gobernador-heneral kung ito ay wala o may
sakit.
 Magparusa sa mga taong napatunayang lumabag sa mga
batas ng simbahan.

Gawain 2 : Grupong Kasangga ko !


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang lubos
na maunawaaan ang aralin.

Pangkat 1: “Iguhit Mo”


Sa pamamagitan ng fact sheet, iguhit ang tungkulin ng mga
prayle sa ilalim ng Patronato Real.

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato


Real

Mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga prayle (mga


paring Kastila) upang lubusang masakop ng mga Kastila ang
Pilipinas. Isa sa mga tungkulin ng mga prayle ay ipaliwanag ang
mga kautusan ng Diyos at mga aral ng simbahan. Itinuro nila ang
kabanalan, ang pagiging maka-Diyos at pagiging relihiyoso.
Naatasan rin ang mga prayle na mamahala sa sistemang
pang-edukasyon sa bansa. Kinontrol nila ang pamamahayag at
ang pagpasok sa bansa ng mga aklat at iba pang nilimbag.

Pangkat 2: “Tulain Mo “
Sa pamamagitan ng fact sheet, lumikha ng tula tungkol sa
tungkulin ng mga Prayle sa ilalim ng Patronato Real.
Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato
Real

Tungkulin ng mga prayle na mangasiwa sa mga gawaing


pambayan at mga gawaing pangkultura. Ginawa nilang makulay
ang pagdaraos ng kapistahan ng mga patron ng ibat ibang lugar
Pangkat 3: “Isadula Mo”
Sa pamamagitan ng fact sheet, isadula ang tungkulin ng
mga Prayle sa ilalim ng Patronato Real.

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato


Real

Isa sa gampanin ng mga prayle ang humalili sa gobernador-


heneral kung ito ay wala o may sakit.
Gayundin, sa pamamagitan ng Inquisition, may karapatang
magparusa ang mga prayle sa mga taong napatunayang lumabag
sa mga batas ng simbahan.

2. Pagsusuri : Talakayan Portion


* Ipasuring mabuti sa mga mag-aaral ang mga katanungan at
ipabigay ang mga kasagutan.
a. Batay sa Gawain 1, ano-ano ang mga tungkulin o papel ng
mga prayle sa ilalim ng Patronato Real?
b. Lahat ba ng tungkulin ng mga prayle ay may mabuting epekto
sa mga Pilipino? Alin sa mga ito ang may hindi magandang
epekto?
c. Batay sa Gawain 2, ano-anong tungkulin ng mga prayle sa
ilalim ng Patronato Real ang iginuhit ng Pangkat 1?
d. Ano-anong tungkulin naman ng mga prayle ang nabanggit sa
ginawang tula ng Pangkat 2?
e. Sa ipinakitang pagsasadula ng Pangkat 3, ano-anong tungkulin
ng mga prayle ang inyong namalas?

3. Paghahalaw : Idikit mo !
* Ipahanap sa mga bata ang mga datos ng tungkol sa mga
tungkulin ng prayle sa ilalim ng Patronato Real .
Mga Tungkulin ng mga Prayle sa Ilallim
ng Patronato Real

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng


Patronato Real
1. Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng
simbahang Katoliko.
2. Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
3. Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura.
4. Makilahok sa mga gawaing pampulitika
5. Humalili sa gobernador-heneral kung ito ay wala o may
sakit.
6. Magparusa sa mga taong napatunayang lumabag sa mga

4. Paglalapat : Ihambing Mo !
Ipahambing sa mga mag-aaral ang mga prayle (mga paring Kastila)
at ang mga pari sa kasalukuyan.
Ano ang masasabi nila sa mga pari noon at mga pari ngayon?

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya ang
natutuhan sa aralin.
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tumutukoy sa
tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real at
HT kung hindi.
______1. Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa
______2. Magtanggol sa mga naaaping Pilipino
______3. Makilahok sa mga gawaing pampulitika
______4. Humalili sa gobernador-heneral kung ito ay wala o may sakit.
______5. Magrekomenda ng mga arsobispo at mga pari sa parokya
______6. Magparusa sa mga taong napatunayang lumabag sa mga batas
ng simbahan
______7. Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng simbahang
Katoliko.
______8.Makipag-ugnayan at magdeklara ng pakikidigma sa ibang bansa.
______9.Magtatag ng iba’t ibang tanggapan na susubaybay sa mga gawain
ng opisyal
______10. Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura.

V. Takdang Aralin
* Ipabigay sa mga mag-aaral ang kanilang saloobin / reaksyon tungkol
sa isang isyu.na may kinalaman sa simbahang Katoliko.

Sa kasalukuyan, may mga pinuno ng simbahang Katoliko na


nakikilahok sa mga usaping pampulitika sa bansa. Sa palagay
ninyo dapat ba silang payagan sa aktibong pakikilahok sa
mga ganitong usapin? Bakit?

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos. )

Rubrics :

5
Malinaw na naibigay reaksyon . Malinis at
Maayos ang sinulat , nakasunod sa
pamantayan ng pagsulat.

3
Inihanda ni :
MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 8.2.1 : Ang Kapangyarihang Patronato Real

I. Layunin
Natutukoy ang kapangyarihang Patronato Real. (8.2.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Ang Kapangyarihang Patronato
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.2.1 )
http://.digilearn.com.ph/epub/books/gs7
_ap01/Text/ch002-3.html
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 7
Kagamitan : KWL Tsart , task kard , strip ng cartolina

Pagpapahalaga :Paggalang sa kapangyarihan ng namumuno

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “ Mock TV Patrol “
* Pakikinig ngbalita tungkol sa kapangyarihan ng isang pinuno
ng bansa
* Talakayin ang nilalaman ng balita
Tungkol saan ang kaganapan ?
Kailan at saan ito nangyari
2. Balik – Aral : “Off theWall “
* Ipahanap at ipakuha sa mga mag-aaral ang mga paraan sa
pamamalakad ng mga prayle na naksulat sa strip ng kartolina
sa loob ng silid –aralan.

Nagtatag ng mga misyong


panrelihiyon .

Nagtatag ng mga paaralan at


ospital.

Nagkawanggawa

Nakipagkaibigan ang mga prayle


sa katutubo

Nagmay-ari sila ng mga lupain sa


pahintulot ng hari.

Nagmalabis sa kanilang tungkulin .

3. Pagganyak : “ KWL “
* Pasagutan sa mga bata ang tsart. Hayaan silang magbigay ng
datos o impormasyon .
Alam Nais Malaman Natutunan
( Know ) (Want to
know )
Patron
Kapangyarihan

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : “ Teksto ko, basahin mo “
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto. Hayaang suriin nilang
mabuti ang nilalaman ng teksto.

Pagkakaisa ng Simbahan at Estado

Sinasabing sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa


pamamagitan ng Krus at Espada sapagkat kaagapay ng mga
sundalong Espanyol na armado ng mga superior na armas ang
mga prayle na nagsikap upang payapain ang mga sakop sa
pamamagitan ng misteryo ng isang bagong relihiyon. Kaya mula
sa simula , katangian ng pamumunong Espanyol ang pagsasanib
ng simbahan at Estado .
Ang pagkakaisang ito ay unang binigyang diin sa pagbibigay
ng Papa ng karapatang Patronato Real sa Hari ng Espanya , bilang
pagkilala sa nagawang tulong ng Hari sa pagtataboy sa mga
Muslim palabas ng Espanya. Dahil ang hari ng Espanya ang
kinilalang patron ng simbahan , ang gobernador - heneral bilang
kanyang kinaatawan ay vice royal patron o patron ng simbahan sa
klonya.
Ang Patronato Real ay isang kasunduan ng hari ng Espanya
at ng Santo Papa ng simbahang Katoliko Romano , palalaganapin
ng Espanya ang relihiyong Katolisismo sa iba’t-ibang lugar sa
daigdig . Nasa kapangyarihan din ng hari ng espanya bilang Real
Patron ang pagpili ng mga obispo sa lugar na kolonya nito. Dahil
sa Patronato Real , nagakaroon ng pagsasanib ang estado at
simbahan kaya maging ang mga misyonerong Katoliko ay may
kapangyarihang political din. Sa PIlipinas, ang mga misyonero ay hindi
lamang mga kinatawan ng simbahan kundi ng estado.
Ang linya ng demarkasyon sa pagitan ng simbahan at estado ay
lubhang malabo , katunayan ginamit ng gobernador – heneral ang
kanyang kapangyarihan sa pagbuo ng kura – paroko , na
tumatanggap ng sahod mula sa gobyerno. May ilang pagkakataon
din noong ika-18 siglo kung kalian tumayong gobernador – heneral
ang Arsobispo o Obispo habang hinihintay ang kapalit ng nauna
mula sa Espanya. Tinangkilik ng gobyerno ang simbahan t
gayundin naman tinangkilik ng simbahan ang gobyerno.

2. Pagsusuri: Ikabit mo !
* Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart ng katanungan . Ipahanap
sa Hanay B ang kasagutan sa mga tanong sa Hanay A.
* Itaas ang larawan ng Santo Papa kung sang-ayon kayo sa
sagotat itaas ang larawan ng hari kung hindi sang-ayon.

Hanay A Hanay B
1. Ano ang Patronato Real ? A. dahil katangianat layunin ng
2. Sino ang nagbigay ng pamumunong Espanyol ang pag-
karapatang patronata Real ugnayin ang simbahan at estado .
sa hari ng Espanya ?
3. Ano – ano ang
kapangyarihang B. Ang Gobernador- heneral ang
taglay ng Patronato Real ? kinatawan ng hari ng Espanya na
4. Ano ang tawag sa hari ng tinawag na Vice Royal Patron o
Espanya na pinagkalooban Patron ng Simbahan sa Kolonya.
ng Papa ng kapangyarihang
palaganapin ang
Katolisismo sa bansa ?
5. Ano ang tawag sa C. ito ay kasunduan sa pagitan ng
kinatawan ng hari sa Santo papa at ng hari ng
kolonya ? Espanya
6. Bakit nagkaroon ng na palaganapin ang Katolisismo
pagsasanib ang simbahan sa mga lupaing sakop ng
at ang estado ? Espanya.
7. Paano napatunayan na
nagkaroon ng pagkakaisa
ang simbahan at ang D. Ang hari ng Espanya Ay tinawag
estado ? na Real Patron o Patron ng
Simbahan .

E. Ang Santo Papa ang nagbigay ng


kapangyarihang patronata Real
sa hari ng Espanya.

F. Ang pagpapalaganap ng
Katolisismo sa mga lupaing
sakop ng Espanya , pagtatalaga
ngmga Arsobispo o Obispo sa
mgakolonya

G. Ginamit ng Gobernador- Heneral


ang kanyang kapangyarihan sa
pagbuo ng kura-paroko at
tumatayong Gobernador –
Heneral ang Arsobispo o Obispo

8. Sang-ayon ba kayo sa pagkakaisang ito ng Estado at simbahan ?


Bakit ?
9. Ipaliwanag sa iyong sariling pang-unawa ang katagang ito .
“ Tinangkilik ng gobyerno ang simbahan at gayundin naman ,
tinangkilik ng simbahan ang gobyerno. “

3. Paghahalaw: “ Jumbled Words “


* Ipaayos sa mga bata ang mga salita at ipalagay sapatlang
upang mabuo ang konsepto ng aralin.
kasunduan palaganapin Santo Papa

Hari ng Espanya buong daigdig Katolisismo

pagkaisahin Estado simbahan

 Ang kapangyarihang Patronata Real ay isang


_________________________ ng________________
at ng ______________ na palaganapin ang
____________ sa buong daigdig at ____________
ang ___________ at ang ________________.

4. Paglalapat : Grupo ko , kasangga ko !


* Ipakikita ng mga mag-aaral ang pagsasagawa ng pangkatang
gawain upang lubos na maunawaan ang aralin.

Pangkat 1
“ Isulat mo “

Gawin :
Lumikha ng isang kasunduan tungkol sa
pagkakaloob ng Santo Papa sa Hari ng Espanya
na palaganapin ang katolisismo sa bansa .

KASUNDUAN
Pangkat 2
“ Awitin mo “
Gawin :

Awitin ang saknong sa himig ng


“ Ako ay may Lobo “ at ipaliwanag kung ano ang
nilalaman ng awit.

Kami ay may alam tungkol sa simbahan


Pati ang Estado napagkaisahan
Magsanib sila at magtulungan
Upang ang pagsakop ay may
kapuntahan

Ang Santo Papa at ang hari ng Espanya


May kasunduan na ipinakilala
Patronata Real ang may kapangyarihan
Katolisismo dapat raw malaman

Pangkat 3
“ Buuin mo “
Gawin :

Punan ang tsart ng kaukulang impormasyon sa


araling tinalakay.

Ako ay ang na ___________


______________.

1. Santo Papa

2. Hari ng Espanya

3. Gobernador –
Heneral
Pangkat 4
“ Mangako ka “
Gawin :

Ipagpalagay na kayo ang mga taong nasa likod ng


kasunduan sa Patronata Real . Gumawa ng
pangako na ipatutupad ang kasunduan nang may
katapatan.

Kami ‘y nangangako na _________

__________________________________
__________________________________
_____.

IV. Pagtataya
* Ipahanap sa mga mag-aaral ang tamang sagot sa Hanay B na
tinutukoy sa Hanay A.
HanapinsaHanay b ang kaukulang sagot na hinihingi sa HanayA.
Hanay A Hanay B
___1. Nabgigay ng karapatang patronata Real A. estado
sa hari ng Espanya .
____2. Kilala siya bilang Vice Royal patron oB. kura -paroko
Patron ng Simbahan sa Kolonya .
____3. Siya ang Patron ng Simbahang Katoliko C. Santo Papa
____4. Katangian ng pamumunong Espanyol D. Hari ng Espanya
ang pagsasanib ng simbahan at ____ .
____5. Ginagamit ng gobernador-heneral ang F. Gobernador –
kanyang kapangyarihan sa pagbuo ng Heneral
kanyang kapangyarihan sa pagbuo ng G. Espanyol
_________. H. Dominikano
V.Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawaing bahay
Sumulat ng inyong sarling reaksyon tungkol sa kapangyarihang
taglay ng Patronata Real .

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )

Rubrics : 5 - Malinaw ang naibigay na reaksyon .Malinis


at maayos ang sinulat , nakasunod sa
pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantayan sa pagsulat

Inihanda ni :
MYRNA E. FRANCISCO
Guro III – Teresa E/S
Aralin 8.2.2 : Mga Tungkulin o Papel ng mga
Prayle sa Ilalim ng Patronato Real

I. Layunin
Natatalakay ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng
Patronato Real. ( 8.2.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.2.2 )
Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon V pahina 70-71
Isang Lahi..Isang Mithi Ikalimang Baitang pahin
Kagamitan : graphic organizers, magic box, tsart
Pagpapahalaga :
Pagiging tapat sa tungkulin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch mo Balita ko !
* Pakikinig ng balita tungkol sa ugnayan ng simbahan at
pamahalaan.
2. Balik – Aral : “ Spider Web “
* Ipatala sa mga mag-aaral ang mga tungkulin ng mga prayle sa
ilalim ng Patronato Real. Ipasulat ang sagot sa mga kahon.

MGA TUNGKULIN NG
MGA PRAYLE SA ILALIM
NG PATRONATO REAL

3. Pagganyak - “Magic Box“


* Pabunutin ang mga mag-aaral sa isang munting kahon, ipabasa
nang malakas. Itanong kung ang salitang kanilang nabunot ay
maykasingkahulugan ng salitang tungkulin.

Gampanin Suliranin Responsibilidad

Tungkulin
Problema Papel Kaguluhan

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : Teks ko basahin mo “
* Ipabasa sa klase ang talatang nakasulat sa tsart.

Mga Tungkulin o Papel ng mga Prayle sa Ilalim ng Patronato Real


Mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga prayle (mga paring
Kastila) upang lubusang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Ilan sa
mga tungkuling kanilang ginampanan ay ang mga sumusunod:
1. Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng
simbahang Katoliko.Itinuro nila ang kabanalan, ang pagiging
maka-Diyos at pagiging relihiyoso.
2. Mamahala sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
Kinontrol nila ang pamamahayag at ang pagpasok sa bansa ng
mga aklat at iba pang nilimbag.
3. Mangasiwa sa mga gawaing pambayan at mga gawaing
pangkultura. Ginawa nilang makulay ang pagdaraos ng
kapistahan ng mga patron ng ibat ibang lugar upang lalong
mapalapit sa kanila ang loob ng mga Pilipino.
Gawain 2 “Group Activity”
* Ipagawa sa mga mga-aaral ang pangkatang gawain upang lubos
na magkaroon ng pagkaunawa sa aralin.

Pangkat 1: Network Tree

Ipaliwanag ang mga kautusan ng Diyos at mga aral ng


simbahang Katoliko

. . .

. .
Pangkat 2: Discussion Web

Mangasiwa sa mga gawaing


pambayan at mga gawaing pangkultura
.

Makilahok sa mga gawaing pampulitika


.

.
Pangkat 3: Cluster Organizer

. .
Humalili sa
gobernador-
heneral kung
ito ay wala o
may sakit

Magparusa sa

. .
mga taong
napatunayang
lumabag sa mga
batas ng
simbahan

.
2. Pagsusuri : Tanong ko , sagutin mo !
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong upang malaman
kung may pagkaunawa sa aralin.
a. Batay sa Gawain 1, ano-ano ang mga tungkulin o papel ng mga
prayle sa ilalim ng Patronato Real?
b. Sa paanong paraan ipinaliwanag ng mga prayle ang mga
kautusanng Diyos at mga aral ng simbahang Katoliko?
c. Ano-ano ang mga naging hakbangin ng mga prayle sa
sistemangpang-edukasyon ng bansa?
d. Bilang tagapangasiwa ng mga gawaing pambayan at mga
gawaing pangkultura, ano-anong aktibidad ang kanilang
idinaos?
e. Sa kanilang pakikilahok sa gawaing pampulitika, anong
kapangyarihan ang hawak ng mga prayle?
f. Sa pagkawala ng gobernador-heneral, maaaring pumalit sa
ang mga prayle, anong tungkulin ang dapat nilang gampanan?
g. Sa palagay ninyo, anong parusa ang ipinapataw ng mga
prayle sa mga napatunayang lumabag sa batas ng simbahan?
h. Batay sa Gawain 2, ano-anong patunay ang itinala ng
Pangkat 1upang ipaliwanag ang mga tungkulin ng mga prayle
sa ilalim ng Patronato Real?
i. Ano-anong paliwanag naman ang isinulat ng Pangkat 2 upang
mabigyang impormasyon ang mga tungkulin ng mga prayle na
nabanggit sa ginawa nila?
j. Sa gawain ng Pangkat 3, paano nila binigyang diin ang mga
tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real

3. Paghahalaw : Punan mo !
* Papunan sa mga mag-aaral ng angkop na salita ang patlang
upang mabuo ang konsepto ng aralin.
* Ipakita ang tanong at hayaang sagutin ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagpili ng mga salita na nasa loob ng kahon.

Paano isinagawa ng mga prayle ang kanilang tungkulin


sa ilalim ng Patronato Real?

Marubdob ang _________ ng mga prayle na


__________ ang mga tungkuling nakaatang sa
kanila upang __________nila ang tunay na layunin
ng pananakop.
isagawa hangarin pananakop

nakaatang makamit

4. Paglalapat : Ang aking opinyon !


* Ipabigay sa mga mag-aaral ang kanilang opinyon sa paksang
tinalakay.

Sa inyong palagay, mas makabubuti ba ang


pakikilahok ng mga pari sa iba’t ibang sistema at
gawain sa pamahalaan bukod sa mga gawaing
pansimbahan? Bakit?

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mag-aaral ang maikling pagusulit upang mataya ang
natutuhan sa aralin.
Piliin ang angkop na salita sa bawat pangungusap. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Tungkulin ng mga prayle na pangasiwaan ang mga gawaing


pambayan at mga gawaing pangkultura. Ginawa nilang
________ ang
pagdaraos ng kapistahan ng mga patron ng ibat ibang lugar
upang lalong mapalapit sa kanila ang loob ng mga Pilipino.
a. magulo
b. makulay
c. maingay
d. tahimik

2. Ipinaliwanag ng mga prayle ang mga kautusan ng ______ at


mga aral ng simbahang Katoliko.Itinuro nila ang kabanalan,
ang pagiging maka-Diyos at pagiging relihiyoso.
a.pamahalaan
b. paaralan
c. Diyos
d. Mamamayan

3. Maaaring humalili sa __________________ ang mga prayle


kung ito ay wala o may sakit.
a. gobernador-heneral
b. pangulo
c. alkalde
d. kapitan
4. Isa sa gampanin ng mga prayle ang mamahala sa sistemang
pang- edukasyon sa bansa. Kinontrol nila ang pamamahayag at
angpagpasok sa bansa ng mga _________ at iba pang nilimbag.
a. gamot
b. pagkain
c. produkto
d. aklat

5. Tungkulin pa rin ng mga prayle na ________________ sa mga


taongnapatunayang lumabag sa mga batas ng simbahan.
a. magpatawad
b. magparusa
c. magpasaya
d. maglingkod

V. Takdang Aralin
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawaing bahay upang lubos na
maunawaan ang aralin.
Gumawa ng paghahambing ng mga tungkulin ng mga pari noon at
ngayon. Magpatulong sa magulang sa pagsagot.

Tungkulin ng mga Prayle Noon Tungkulin ng mga Pari Ngayon


Aralin 8.3.1 : Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino
sa Pamamahala ng mga Prayle

I. Layunin
Natutukoy / nasusuri ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa
pamamahala ng mga prayle. ( 8.3.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga
Prayle
Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.3.1 )
Pilipinas:Bansang Malaya pahina 90-94
Kagamitan : meta cards, puzzle, puppet, activity envelopes, tsart

Pagpapahalaga : Pagiging makatao

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
* Pakikinig ng balita tungkol sa mga pag-aaklas .
2. Balik – Aral : “ Kard ng Ideya”
* Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga tungkulin ng mga prayle sa
ilalim ng Patronato Real at ipadikit ito sa pisara.

3. Pagganyak : “Puzzle”
* Ipabuo sa mga mag-aaral ang larawan at ipadikit ito sa pisara .
Itanong kung ano ang ipinahihiwatig nito.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 “ Pandulang Pagtatanghal“
*Pangkatin ang mga mag-aaral sa 5 pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyan ng sitwasyon na itatanghal.
Pangkat 1- Isadula ang pag-aalsang ginawa ni Lakandula,
raha ng Tondo dahil sa pang-aabuso ng mga
kawal na Espanyolsa mga Pilipino.

Pangkat 2- Isadula ang pag-aalsang ginawa ni Magalat sa


Cagayandahil sa pagtutol sa hindi makatarungang
pagbubuwis.

Pangkat 3- Isadula ang pag-aalsang ginawa nina Francisco


Maniago sa Pampanga at pangkat ni Sumuroy sa
Samar sanhi ng sistemang Polo.

Pangkat 4- Isadula ang pag-aalsang pinamunuan ng mag-


asawangDiego at Gabriela Silang hinggil sa
hinihiling nilang reporma sa mga Espanyol.
Pangkat 5-Isadula ang pag-aalsang ginawa ng mga taga-
Cordillera at ng mga Boholano sa pamumuno ni
Tamblot kaugnay ng pagtutolsa Kristiyanismo.

Gawain 2 “Pagbasa ng Teksto”


* Ipabasa ang teksto upang higit na maunawaan ng mga mag-
aaral ang aralin .

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle


Saanman sa kapuluan, nadama ang pang-aapi at pang-
aalipin ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Matagal na tiniis ng
mga karaniwang mamamayan ang ganitong pakikitungo sa kanila
ng espanyol. Ngunit ang tinimpi nilang poot ay ipinahayag din nila
sa iba’t ibang paraan.
Mga Pag-aalsa
 Si Lakandula, raha ng Tondo, ang namuno sa
unang pag-aalsa. Nag-alsa sila dahil sa pang-
aabuso ng mga kawal na Espanyol sa mga Pilipino.
 Pagtutol sa hindi makatarungang pagbubuwis ang
dahilan ng pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan noong
1596
 Samantala, isang pag-aalsa ang pinamunuan ni
Francisco Maniago sa Pampanga noong 1660-
1661. Sanhi ito ng sistemang polo at bandala. Ang
polo rin ang dahilan ng pag-aalsa ng pangkat ni
Sumuroy sa Samar noong 1649-1650.
 Noong 1762-1763, naganap ang pag-aalsang
pinamunuan ng mag-asawang Diego at Gabriela
Silang sa Ilocos. Mga reporma ang hinihiling nila sa
mga Espanyol.
 Kaugnay naman ng pagtutol sa Kristiyanismo ang
pag-aalsa ng mga taga-Cordillera noong 1601 at ng
mga Boholano sa pamumuno ni Tamblot noong
1621-1622.
Ipabuod ang aralin gamit ang tsart sa ibaba.
Mga
Pag-
aalsa Namuno Taon Lugar

2. Pagsusuri : Tagisan ng Talino


* Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong.
a. Batay sa Gawain 1, ano ang naging reaksyon ng mga
Pilipino sa pamamahala ng mga prayle?
b. Sa pangkatang gawain, ano ang ipinakita ng Pangkat 1?
Pangkat 2? Pangkat 3? Pangkat 4? Pangkat 5?

c. Batay sa Gawain 2, ano-ano ang naging reaksyon ng mga


Pilipino sa pamamahala ng mga prayle?
d. Sino-sino ang namuno sa mga pag-aalsang naganap sa
bansa?
e. Ano-ano ang kanilang mga dahilan sa kanilang pag-aalsa?

3. Paghahalaw : Off the wall


* Papunan ng datos ang konsepto ng aralin upang lubos na
maunawaan ang aralin.

Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa


Pamamahala ng mga prayle?

May iba’t-ibang reaksyon ang mga Pilipino sa


ng mga prayle na nagbunsod upang maganap ang
mga pag-aalsa.

4. Paglalapat : Sa aking palagay …


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang sitwasyon at hayaang ibigay
nila ang kanilang saloobin.

Kung babalikan natin ang pamamahala ng mga Prayle


noon, anoang iyong saloobin hinggil dito? Pumili ng
isang larawan sa ibaba na nagpapakita ng iyong
reaksiyon. Ipaliwanag kung bakit.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mag-aaral ang maikling pagusulit.

Punan ng nawawalang impormasyon ang tsart sa ibaba. Isulat ang


sagot sa sagutang papel. Isulat ang inyong reaksyon at magbigay
ng maikling paliwanag tungkol dito.

Mga Pag-aalsa Taon Lugar

1. __________-
Pag-aalsa sa pamumuno 1.
ni Lakandula ______________

Pag-aalsa sa pamumuno
ni Magalat 2._______________ Cagayan

3.___________________
1649-1650 Samar
Pag-aalsa sa pamumuno
ng mag-asawang Diego
1762-1763 4._____________
at Gabriela Silang
____
Pag-aalsa sa pamumuno
ni Tamblot
5._______________ Bohol
_

V. Kasunduan

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapahayag ang iyong pagtutol


sa pamamalakad ng namumuno sa inyong lugar ?
Aralin 9 : Sariling Pananaw Tungkol sa Naging Epekto sa
Lipunan ng Pamamahala ng mgaPrayle

I. Layunin
Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa
lipunan ng pamamahala ng mga prayle.

II. Paksang Aralin


Paksa : Sariling Pananaw Tungkol sa Naging Epekto sa Lipunan ng
Pamamahala ng mga prayle
Sanggunian : AP5PKE-IIi-9
Ang Pilipinas sa Iba’t – Ibang Panahon 5 ph. 75
Pilipinas : Bansang Malaya V. ph. 90 - 94
Kagamitan : task kard , tsart ng pagsasanay , puzzle , plaskard

Pagpapahalaga : Paggalang sa opinyon ng iba

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : “ Mock Patrol “
* Pakikinig ngbalita na nauukol sa paraan ng pamamahala
ng isang
Pinuno.
2. Balik – Aral : “ Puzzle “
* Ipahanap sa mga mag-aaral angmga pangalan ng mga
Pilipinong nag-alsa sa paraan ng pamamalakad ng mga
prayle
T B L A K A N D U L A
A A H S U M U R O Y S
M E G A B R I E L A W
B F R A N C I S C O X
L B L S L U E A S B C
O L K P E A N K A B V
T D I E G O T G P Y B

3. Pagganyak : “ Jumbled Letters “ / “ Picture Study “


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga titik upang mabuo ang
salita ?
W A N P A A N
* Sabihin sa mga bata na pag-aralan ang larawan at
pasagutan ang mga tanong .

Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?


Ano ang nais ipahiwatig ng lawaran?
Alam ba ninyo ang kanyang iniisip ?
* Ipaugnay sa mga mag-aaral ang salitang pananaw sa

larawan.
B. Panlinang na Gawain

Kailangang
ituloy na natin
ang pag-aalsa
1. Gawain : “ Boses ko pakinggan ninyo “
Ipabasa sa mga bata ang boses ng
katutubo.

Umaabuso ang mga kawal


na Espanyol

Hindi nila tinupad ang


na ibalik ang ating
pribilehiyo ng hindi
pagbabayad ng buwis. Pag-aalsa nina Raha
Lakandula

Tutol ako sa hindi


makatarungang
pagbubuwis dito sa
Cagayan . Hindi ko
kayang palampasin ang
mga maling gawaing ito
ng mga prayle.

Ako si Magalat ng Cagayan

Pinahirapan ng mga
Espanyol ang mga Pilipino sa
sistemang Polo . Inabuso nila
ang mga tao sa maling
sistemang kanilang
ipinatutupad. Kailangan na
nating lumaban at patunayang
Ako si Francisco Maniego tayo ay matatapang .
Galit ako sa maling
ginagawa ng mga
Espanyol Kailangan
ang sama-samang
pagkilos upang ipakita
sa mga prayle na sila
ay mali.

Ako si Diego Silang .

Katuwang mo ako sa
paglaban sa di
makatarungang
pamamalakad ng
mga prayle.

Gabriela Silang

Tutol kami sa
pagpapalaganap
ng mga prayle ng
kristiyanismo. sa
mga katutubo.
2. Pagsusuri : Talino mo , gamitin mo !
* Talakayin ang mga larawan sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga sumusunod na tanong :
a. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ng pangkat ni Lakandula ?
b. Ano naman ang sanhi ng pag-aalsa ng pangkat ni
Magalat ?
c. Bakit nagkaroon ng pag-aalsa sa Pampanga ? Sino ang
namuno sa naturang pag-aalsa ?
d. Sino naman ang namuno sa Samar ? Anong dahilan ng
pag-alab ng kanilang damdamin ?
e. Bakit nagkaroon ng pag-aalsa ang pangkat ng mag-
asawang Diego at Gabriela Silang ?
f. Bukod sa mga pangyayaring ito saan pang lugar
nagkaroon ng malawakang pag-aalsa ?
g. Ano ang sanhi ng reaksyon nilang ito sa mga Espanyol .
Makatarungan bang mangyari ang ganitong uri ng pag-
aalsa ? Bakit ?
h. Kung ikaw ay isa sa mga taong nakaranas ng hindi
magandang pangyayari , lalaban ka rin bas a mga
Espanyol ? Bakit ?
i. Batay sa mga pag-aalsang naganap , ano ang epekto
nito sa mga Pilipino ?
j. Ano ang epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga
prayle ?

3. Paghahalaw - “ Data Retrieval Chart “


* Papunan sa mga mag-aaral ng kanilang pananaw
Ano ang iyong pananaw sa mga epektong ito ng
pamamahala ng mga prayle ?
Reaksyon ng Epekto
mga Pilipino Pananaw
Mabuti Di- Mabuti
sa
pamamalakad
ng mga
prayle
Pag-aalsa * Naipakita ng * Lalong
mga Pilipino ang pinag-
katapangan at ibayo
pagmamahal sa ng mga
bansa. prayle ang
paraan ng
* Nanatili pa rin sa kanilang
maraming pananakop.
mga Plipino ang
pagiging isang
masunurin sa * Hindi sila
kabila ng natakot sa
pagpapahirap mga pag-
sa kanila ng aalsang
mga prayle. ginawa ng
ilang mga
katutubo.

4. Paglalapat : “May kakampi “


*Ipabigay sa bawat pangkat ang kanilang pananaw sa epekto
ng pamamalakad ng mga prayle.
Pangkat I - “ Artist ako ! “
Gawin :

Iguhit mo ang inyong sariling pananaw sa


naging epekto sa lipunan ng pamamahala
ng prayle.

Pangkat II - “ Light, Camera , Action “


Gawin :

Isadula ang inyong pananaw sa


naging epekto sa lipunan ng pamamahala
ng prayle.

Pangkat III – “ Makata ako ! “


Gawin :

Lumikha ng isang saknong ng tula


tungkol sa iyong pananaw sa naging epekto
sa lipunan ng pamamahala ng prayle .
Pangkat IV – “ Singer ako “
Gawin :

Gumawa ng isang linya ng awit tungkol sa


iyong pananaw sa epekto sa lipunan ng
pamamahala ng prayle.

IV. Pagtataya
* Pasulatin ang mga mag-aaral ng kanilang pananaw sa naging
epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle.
Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap ng iyong
sariling pananaw sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala
ng mga prayle .

( Gagamit ng rubrics sapagbibigay ng kaukulang puntos )

Rubrics :

5 - Maayos at malinaw na naipaliwanag ang pananaw


sa paksang tinalakay.
3- Malinaw na naibigay ang pananaw sa paksang
tinalakay , subalit hindi nakasunod sa pamantayan
ng pagsulat.
1 - Hindi naibigay nang malinaw ang pananaw
sa paksang tinalakay.
V. Kasunduan
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang takdang aralin upang lalong maunawan
ang natapos na aralin.

Magtanong sa iyong isang kamag-anak ng kanyang pananaw sa


naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng prayle.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III –Teresa E/S

Aralin 9.1 : Mga Mabuti at Di-mabuting Epekto sa


Lipunan ng Pamamahala ng mga Prayle

I. Layunin
Natutukoy ang mga mabuti at di-mabuting epekto sa lipunan ng
pamamahala ng mga prayle.

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Mabuti at Di-mabuting Epekto sa Lipunan ng Pamamahala
ng mga Prayle
Sanggunian : AP5PKE-IIi-9 ( 9.1 )
Pilipinas:Bansang Malaya pahina 90-94
Kagamitan : flashcards, larawan, Venn Diagram,activity cards, tsart

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa kalayaan


III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch Balita
* Pakikinig ng balita tungkol sa pamamahala ng gobyerno

2. Balik – Aral : “Mix & Match


* Idikit sa pisara ang mga pinaghalo-halong salita na may
kaugnayan sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa
pamamalakad ng mga prayle. Hayaan ang mga mag-aaral na
pagtambalin ang mgkakaugnay na salita.

Lakandula Bohol Samar

Magalat Silang Tamblot

Ilocos Cagayan Tondo

Maniago Pampanga Sumoroy

3. Pagganyak : “ Picture Analysis”


* Ipakita ang mga larawan sa mga mag-aaral. Itanong ang mga
sumusunod na tanong:

Ano ang ipinahihiwatig sa atin ng mga larawan?


B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 “Venn Diagram”
* Ipabasa ang talata sa mga mag-aaral at ipatala sa Venn Diagram
ang datos na kanilang makikita.

. .

Sa mahabang panahon ng pamamahala ng mga


prayle sa Pilipinas, may mga mabuti at di-mabuting
epekto ito sa lipunan. Kabilang sa mga positibong epekto
ang paglaganap ng pananampalatayang Katolisismo at
ang pagpapakilala sa isang pamahalaang saklaw ang
buong kapuluan.
Gayundin, malaki rin ang idinulot na negatibong
epekto nito sa mga Pilipino. Kasama na rito ang
pagbabagong kultural at istilo ng pamumuhay,
diskriminasyon, pagmamalupit at pagmamalabis ng mga
Espanyol sa kanilang tungkulin at karapatan ng mga
Pilipino.

Gawain 2 : Kabahagi ko ang pangkat ko !


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang higit na
maunawaan ang aralin.
Pangkat 1- Lights, Camera, Action....

Ipakita sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang mabuting


epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle.
 Paglaganap ng pananampalatayang Katolisismo.

Pangkat 2- Reporter’s Notebook

Ipaliwanag sa pamamagitan ng pag-uulat ang mabuting


epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle.
 Pagpapakilala sa isang pamahalaang saklaw ang
buong kapuluan.

Pangkat 3- Art Attack

Sa pamamagitan ng pagguhit, ilarawan ang di-mabuting


epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle.
 Pagbabagong kultural at istilo ng pamumuhay.

Pangkat 4- Connect the box

Gamit ang graphic organizer, magbigay ng mga


patunay ng di-mabuting epekto sa lipunan ng pamamahala ng
mga prayle.
 Diskriminasyon

Pangkat 5- The Voice

Lumikha ng isang awit patungkol sa di-mabuting epekto sa


lipunan ng pamamahala ng mga prayle.
 Pagmamalupit at pagmamalabis ng mga Espanyol
sa kanilang tungkulin at karapatan ng mga Pilipino.
2. Pagsusuri : Alamin natin …
* Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong
upang malaman kung naunawaan nila ang nabasa at nakita sa
Gawain 1 at 2
a. Batay sa Gawain 1, ano-ano ang mga naging epekto sa
lipunan ng pamamahala ng mga prayle?
b. Alin sa mga ito ang mabuti at di-mabuti
c. Paano mo nasabi na ito ay mabuti? Di-mabuti ?
d. Batay sa Gawain 2, anong epekto sa lipunan ng
pamamahala ng mga prayle ang ipinakita ng Pangkat 1?
Pangkat 2? Pangkat 3? Pangkat 4? Pangkat 5?
e. Sa ipinakita ng Pangkat 1, ito ba ay tumutukoy sa mabuti o
di -mabuting epekto sa lipunan?
f.Ano naman ang masasabi mo sa ipinaliwanag ng Pangkat 2?
g. Ano ang iginuhit ng Pangkat 3?
h. Anong di-mabuting epekto sa lipunan ang iniulat ng Pangkat
4?
i. Sa nilikhang awit ng Pangkat 5, ano ang naging epekto nito
sa lipunan?
3. Paghahalaw : Graphic Organizer
* Papunan sa mga mag-aaral ng datos ang tsart upang mabuo
ang konsepto ng aralin.
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong .

Ano-ano ang mga epekto sa lipunan ng pamamahala


ng mga prayle ?

Epekto sa Lipunan ng Pamamahala ng


mga Prayle

Di- Mabuting
Mabuti
Epekto
4. Paglalapat : Opinyon mo , ilabas mo
* Ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang reaksiyon tungkol sa
paksang tinalakay.

Kung mapapasailalim tayo sa pananakop ng isang


dayuhang bansa sa kasalukuyan, gugustuhin mo
ba? Bakit?

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mag-aaral ang maikling pagusulit upang mataya ang
natutuhan sa aralin.

Sumulat ng 5 epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle


at iguhit ang sa hulihan ng sagot kung ito ay mabuti at
kung di-mabuti.

1.
2.
3.
4.
5.

V. Kasunduan
Lumikha ng simpleng ilustrasyon o pagguhit ng pamamahala ng
mga prayle noon at pamamahala ng pinuno ng bansa ngayon.
Rubrics :
Maganda ang kinalabasan
ng pagguhit . Makulay at
kaakit-akit .

Maayos ang naiguhit ,


subalit hindi gaanong
makulay .

Hindi gaanong
maganda ang naiguhit.

You might also like