Kom-Pan-11 Q1 Modyul-3 Edisyon2 Ver1-1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Kabuluhan ng Wika

LU_Q1_KomPan_Module3 AIRs - LM
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Baitang 11 – Unang Semestre
Unang Markahan - Modyul 3: Kabuluhan ng Wika
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Alvin D. Mangaoang


Mga Tagasuri: Justine Carlos G. Villanueva at Ana Jane M. Morales
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Angela Pauline C. Ganuelas

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: [email protected]

LU_Q1_KomPan_Module3
Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Kabuluhan ng Wika
(Mga Konsepto, Gamit at Tungkulin
ng Wika sa Lipunan)

LU_Q1_KomPan_Module3
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_KomPan_Module3
Sapulin

Kumusta ka mahal kong mag-aaral? Nawa’y nananatili pa rin ang iyong


kasabikan sa pag-aaral natin sa iyong modyul. Alam kong marami kang natutuhan
sa nakaraang modyul tungkol sa katuturan, pinagmulan at katangian ng wika. Sa
pagkakataong ito, mas mapapalawig pa natin ang iyong kaalaman sa iba pang
konseptong pangwika.

Nananatiling mahalaga ang tao sa lipunan tulad ng pagiging mahalaga ng


wika sa tao. Upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng wika, balikan natin
ang katuturan ng wika ayon kay Bienvenido Lumbera, parang hininga ang wika,
palatandaan ito na buhay ang tao at may kakayahang umugnay sa kapwa nating
gumagamit din dito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika
upang kamtin ang kailangan natin – kung nagugutom, humihingi ng pagkain; kung
nagustuhan, dumadaing upang mabigyan ng panlunas; kung nangungulila,
humahanap ng kausap na makapapawi sa kalungkutan.

Mapag-aaralan mo sa Modyul 3 ang kabuluhan ng wika kabilang ang


kahalagahan, kapangyarihan at antas nito. Ang mga konseptong ito ay esensyal na
mabatid upang mas mapalawak pa ang iyong kakayahang komunikatibo.

Inaasahang din ang patuloy mong paggamit ng iyong kakayahan sa


pananaliksik na maaari mong maiugnay sa iba’t ibang larangan at pagkakataon.
Kinakailangan din ng malalimang pag-unawa sa pagbabago ng wika sapagkat ito ay
bahagi ng katangian nito

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT-Ia-85); at
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan. (F11PS-Ib-86)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang kahalagahan at kapangyarihan ng wika sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay;
2. Nauuri ang antas ng wika ng mga salita at nabibigyang kahulugan ito;
3. Nakapagsasaliksik ng mga salitang mauri sa bawat antas ng wika; at
4. Nakapagsasaliksik ng isang awitin at natutukoy kung ano ang antas ng
wika nito.

Ngayon, alam kong nakahanda ka na sa susunod na modyul kaya tara na’t


atin nang simulan ang malayuning pagkatuto.

LU_Q1_KomPan_Module3
Aralin Kahalagahan,
3 Kapangyarihan at Antas ng
Wika

Simulan

Bago tayo magtungo sa mas malalim na pagtalakay, magkaroon muna tayo ng


paunang pagtataya. Isagawa mo ito upang malaman ang inisyal mong kakayahan.
Magsimula ka na!

Gawain 1: Wika Ko Ito!


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng ilan sa mga
salita/pariralang kadalasan mong ginagamit sa mga pook na nasa ibaba.
Pagkatapos nito’y sagutin ang gabay na tanong. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.

Bahay Paaralan Palengke Simbahan

Gabay na tanong: Gaano kahalaga at kabisa ang pagsasaalang-alang ng estilo ng


wikang sinasalita sa bawat pook?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon ay iyo nang


mababatid ang kahalagahan at kapangyarihan ng wika.

LU_Q1_KomPan_Module3
Lakbayin

Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:
1. Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao;
3. Sumasalamin ito sa kultura at panahong kaniyang kinabibilangan; at
4. Isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Kapangyarihan ng Wika
1. Ang Wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan – Ang
anomang pahayag ng isang tao ay maaaring makapagdulot ng ibang
kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.
2. Ang Wika ay humuhubog ng saloobin – Sa pamamagitan ng wika,
nagagawa ng taong hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa
kaniyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kaniyang kapwa.
3. Ang Wika ay nagdudulot ng Polarisasyon – Ito ay ang pagtanaw sa mga
bagay sa magkasalungat na paraan. Halimbawa nito ay masama at mabuti,
mataas at mababa, pangit at maganda at iba pa.
4. Ang Kapangyarihan ng Wika ay siya ring kapangyarihan ng Kulturang
nakapaloob dito – Kailanman ay hindi maikakailang kakambal ng wika ang
kultura.

Gawain 2: Wika, Mahalaga Ka!


Panuto: Sa iyong pananaw, ano-ano ang kahalagahan ng wika sa sumusunod na
aspekto? Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.

Pang-araw-araw
na Pamumuhay

Edukasyon

Pamahalaan

Ekonomiya

Midya

Kahanga-hanga! Mahusay lahat ng iyong mga sagot sa gawain. Magpatuloy


ka pa upang mas malalim pa ang iyong pagkatuto.

LU_Q1_KomPan_Module3
Antas ng Wika

Malaki ang kinalaman ng kaalaman at kasanayan sa lawak ng wikang


ginagamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat, at sa pagtitiwala sa sarili
sa pagpapadala ng mensaheng may kahalagahan. Nababatay rin ito sa lawak ng
kaalaman sa paksa, at sa kakayahang pumili ng angkop na salitang nababagay sa
antas ng pagkatao ng tatanggap ng mensahe (Castillo et. al., 2008)

May ilang dalubwika ang nagsasabing walang kaantasan ang wika.


Nagkakaiba-iba lamang daw ito depende sa sitwasyon. Ibinibigay lamang ng mga
taong gumagamit nito ang mga salitang ginagamit sa mga taong kausap, sa pook na
pinangyarihan ng usapan at sa paksang nais ipahayag.

Ngunit, kahit si Nick Joaquin ay may inuring wika. Ang isa mga ito ay ang
wikang tinawag niyang salitang balbal. Ito ang mga salitang pana-panahong nagiging
popular at parang moda ng damit o sapatos na madali ring lumipas. Isa-isahin natin
ang antas ng paggamit ng wika.

1. Pormal
a. Pambansa – salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasa-alang-
alang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit din itong wikang panturo sa
mga paaralan at sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan. Nagiging
pambansa ang isang wika kung ito ay opisyal na naisabatas para gamitin
sa buong bansa.

b. Pampanitikan – Dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman,


kariktan at retorika ng wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit
dito ng mga salita. Hindi literal ang kahulugan ng mga salita dahil nakatali
sa hiwaga at sining ang pagpapahayag nito. Nasasalamin sa paggamit nito
ang husay ng gumagamit tulad ng pagsulat ng obrang pampanitikan,
talumpati at maging sa mga talakayan.

2. Di-pormal
a. Lalawiganin – Ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at
lalawigan. Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita.
Ito ay ang dayalekto ng isang wika, may tanging pamamaraan kung paano
binibigkas ang mga salita na nauunawaan ng mga nag-uusap na kabilang
sa isang lugar o lalawigan.

Halimbawa:
guyam - langgam (Tagalog-Batangas)
mabanas - maalinsangan (Tagalog-Cavite)
daga - lupa (Bicol)
inday - magandang babae (Cebuano)
ebon - itlog (Pampanga)

b. Kolokyal – Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impomal, na


karaniwan sa pakikipag-usap sa tahanan, kaibigan at paaralan. Ayon sa
mga lingguwista, may kagaspangan man ang mga salita sa antas na ito,
hindi pa rin maikakaila na isa pa rin itong penomenong pangwikang
nagpapakita ng pagiging malikhain upang mapadulas o mapabilis ang
daloy ng komunikasyon. Kadalasan, napaiikli ang isang salita o hindi
naman kaya’y napaghahalong paggamit ng dalawa o mahigit pang wika.

LU_Q1_KomPan_Module3
Halimbawa: Salita
nasaan - nasa’n
maghintay ka - teka
mayroon - meron
tara na - tena

Pangungusap
I take vitamins pero puyat pa rin ako.
Feel na feel ko ang sariwang hangin.
Magrerelax muna kami bago mag-watch ng TV.

c. Balbal – Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito


ng slang sa Ingles. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang magsilbing
koda sa kanilang pag-uusap. Karaniwan nang maihahanay rito ang salita
ng mga bakla o gay lingo (bekinese) at salita ng mga tambay. Bagaman
itinuturing na impormal, kung ating susuriin, mayroon din itong sariling
sistema ng paglikha.

Halimbawa:
anda – pera
tol – kapatid o kaputol ng pusod
dehins – hindi
chaka – pangit
143 – I love you

Galugarin

Gawain 3: Uriin Mo!


Panuto: Tukuyin mo ang sumusunod na salita/parirala kung ano ang antas nito.
Isulat ang sagot sa mga kahon ng uri nito. Gayahin ang pormat sa sagutang
papel.

Konstitusyon Kamay na
Vakul aysus! promdi
ng bansa bakal
Talahanayan Pumiti na ang
Chorva Apo Lakay penge
ng Pagtatahas uwak
eEoW Sintamis ng Ralagang
Mars pa more Pananaliksik
pFhUeEhsxz asukal Maganra

Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal

LU_Q1_KomPan_Module3
Gawain 4: Saliksik Pa More!
A. Panuto: Magsaliksik ng tiglilimang halimbawa sa bawat antas ng wikang
madalas ginagamit sa social media o ano pa mang pagkakataon at
sitwasyon. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal

B. Panuto: Bigyang kahulugan ang ilan sa sumusunod na Balbal at / o Kolokyal


na salita.
Salita Kahulugan
1. Pabebe
2. Mema
3. Pusakal
4. Paminta
5. GGSS
6. Ghosting
7. Dabarkads
8. Hagardo Versoza
9. Waley
10. Yorme

Palalimin

Gawain 5: kANTAS ng Wika


Panuto: Magsaliksik ng isang awiting OPM na nakasulat sa wikang Filipino, isulat
ang buong liriko nito sa iyong sagutang papel o kaya’y maaaring i-print at idikit.
Tumukoy ng sampung (10) mga salitang nakauri sa di-pormal na antas ng wika sa
pamamagitan ng pagsalungguhit dito at bilugan naman ang limang (5) mga salitang
nakauri sa pormal na antas ng wika. Gawing masining ang awtput at isaalang-alang
ang rubrik sa pagtataya.

LU_Q1_KomPan_Module3
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangailangan


(10) (8) (6) (4) ng gabay (2)
Nilalaman Natukoy nang Natukoy nang Nakatukoy ng Nakatukoy ng Nakatukoy ng
buong husay at mahusay ang kulang sa 10 kulang sa 5 kulang sa 2
nang may salita / mga salitang nakauri salitang nakauri salitang nakauri sa
katumpakan ang salitang nakauri sa di-pormal at 4 sa di-pormal at 3 di-pormal at 1
salita / mga sa di-pormal at na salitang nasa salitang nasa salitang nasa
salitang nakauri pormal na antas pormal na antas pormal na antas pormal na antas
sa di-pormal at na may kaunting
pormal na antas kamalian
Kasiningan Napakamasining Masining ang Katamtaman ang Papaunlad ang Hindi masining ang
ng presentasyon presentasyon o kasiningan ng kasiningan ng presentasyon o
o pagkakabuo ng pagkakabuo ng presentasyon o presentasyon o pagkakabuo ng
awtput awtput pagkakabuo ng pagkakabuo ng awtput
awtput awtput
Kakayahang Nakapagsaliksik Nakapagsaliksik Nakapagsaliksik Nakapagsaliksik Nakapagsaliksik
Pampananaliksik nang buong ng awiting akma awitin at awitin ngunit awitin ngunit hindi
husay ng awiting at kakikitaan ng kakikitaan ng kakikitaan ng kakikitaan ng
akma at di-gaanong digaanong kaunting impormal na mga
kakikitaan ng maraming kaunting impormal na mga salita
maraming impormal na mga impormal na mga salita
impormal na mga salita salita
salita

Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. “Ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan.”
Anong kapangyarihan ng wika ang tinutukoy ng pahayag?
A. Ang Kapangyarihan ng Wika ay siya ring kapangyarihan ng
Kulturang nakapaloob dito.
B. Ang Wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan.
C. Ang Wika ay nagdudulot ng Polarisasyon.
D. Ang Wika ay humuhubog ng saloobin

_____ 2. Ang sumusunod ay kahalagahan ng wika maliban sa isa.


A. Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.
B. Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang
damdamin at kaisipan ng tao.
C. Sumasalamin ito sa kultura at panahong kaniyang
kinabibilangan.
D. Ang Wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan.

LU_Q1_KomPan_Module3
_____ 3. Anong antas ng wika ang nilikha ng mga grupo ng tao upang
magsilbing koda sa kanilang pag-uusap?
A. Balbal B. Kolokyal
C. Lalawiganin D. Pambansa

_____ 4. Sa kasalukuyan, sa anong antas ng wika maihahanay ang salitang


“padayon”?
A. Balbal B. Kolokyal
C. Lalawiganin D. Pambansa

_____ 5. Ang Taglish ay maituturing na anong antas ng wika?


A. Balbal B. Kolokyal
C. Lalawiganin D. Pambansa

B. Panuto: Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng salita / mga salita batay sa antas


ng wika saka sumulat ng makabuluhang pangungusap na maiugnay
sa sariling kaalaman, pananaw at karanasan.

1. Pormal – Pambansa
Salita / mga salita _________________________________________________________
Pangungusap ______________________________________________________________

2. Pormal – Pampanitikan
Salita / mga salita _________________________________________________________
Pangungusap ______________________________________________________________

3. Di-pormal – Lalawiganin
Salita / mga salita _________________________________________________________
Pangungusap ______________________________________________________________

4. Di-pormal – Kolokyal
Salita / mga salita _________________________________________________________
Pangungusap ______________________________________________________________

5. Di-pormal – Balbal
Salita / mga salita _________________________________________________________
Pangungusap ______________________________________________________________

Ang galing galing mo! Binabati kita sa


ipinakita mong kahusayan at dedikasyon sa
pag-aaral sa modyul na ito. Tiyak kong
marami kang natutuhan tungkol sa
kabuluhan ng wika sa ating lipunan. Maging
masigasig ka pa sa pag-aaral dahil
madadagdagan pa ito. Ihanda mo ang iyong
sarili sa kasunod na modyul – Modyul 4: Mga
Terminong Pangwika.

LU_Q1_KomPan_Module3
LU_Q1_KomPan_Module3
9
ARALIN 3 (Kahalagahan, Kapangyarihan at Antas ng Wika)
SIMULAN
Gawain 1: Wika Ko Ito! Iba-iba ang sagot.
Gawain 2: Wika, Mahalaga Ka! Iba-iba ang sagot.
GALUGARIN
Gawain 3: Uriin Mo!
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal
konstitusyon
kamay na bakal vakul aysus! chorva
ng bansa
talahanayan pumiti na ang
apo lakay promdi mars pa more
ng pagtatahas uwak
sintamis ng ralagang eEoW
pananaliksik penge
asukal maganra pFhUeEhsxz
Gawain 4: Saliksik Pa More!
1. Pabebe – Umaarteng parang baby/bata
2. Mema – Pinaikling salita ng “May masabi lang”
3. Pusakal – Mamamatay Tao
4. Paminta – Umaarteng parang lalaki
5. GGSS – Gandang ganda sa sarili/ guwapong- guwapo sa sarili
6. Ghosting – Biglang hindi pagpaparamdam, pag-iwan sa ere
7. Dabarkads – Barkada, kaibigan
8. Hagardo Versoza – Haggard, Stress
9. Waley – Wala
10. Yorme – Mayor
PALALIMIN
Gawain 5: kANTAS ng Wika Iba-iba ang sagot.
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. C Iba-iba ang sagot
2. D
3. A
4. D
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
P.D.S., Carpio et.al., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
(Malabon City: Jimczyville Publications, 2016).

Anonymous, “Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon,” Tagalog Lang, Hulyo 24,


2020, https://www.tagaloglang.com/potensyal-na-sagabal-sa-komunikasyon.

Karmina Gumpal, “Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong


Komunikasyon,” Slideshare, Hulyo 24, 2020,
https://www.slideshare.net/1777414445/komunikasyo.

Christian Blue, “Mga Sangkap at Proseso Ng Komunikasyon,” Scribd, Hulyo 24,


2020, https://www.scribd.com/document/271188474/Mga-Sangkap-at-Proseso-
Ng-Komunikasyon.

ArJay Bolisay, “Unang wika at Pangalawang wika,” Slideshare, Hulyo 24, 2020,
https://www.slideshare.net/ArJayBolisay/unang-wika-at-pangalawang-wika.

10

LU_Q1_KomPan_Module3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
[email protected]
[email protected]

11

LU_Q1_KomPan_Module3

You might also like