Reviewer
Reviewer
Reviewer
Kapag nabigyan ng
kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang mahalagang
epekto nito sa tao kapag ito ay natugunan?
a. Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip. b. Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
c. Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa. d. Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng
Si Carol ay mahilig kumain ng junk foods subalit nang nagkaroon siya ng karamdaman, naging maingat na siya sa pagpili ng
kaniyang kinakain kahit gustong-gusto pa niya ito.
2. Batay sa sitwasyon, anong kamalayan mayroon si Carol na kayang pigilan ang damdamin?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili. b. Ang tao ay may kakayahang mangatwiran.
c. Ang tao ay may kakayahan sa abstraksiyon. d. Ang tao ay may kakayahamg pumili o hindi pumili.
3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao na magpasiya sa sitwsyon na nabanggit sa itaas?
A. Kailangan na maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upangb maiwasan ang pagkakasakit.
B. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarii at walang ibang makapagdidikta ng kailangan niyang gawin.
C. Magagawa ng tao na kontrolin ang emosyon upang ilagay ang paggamit nito sa tamang direksyon.
D. Hindi mapapantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao dahil siya ay natatangi.
4. Ipinagpaliban ang pagbili ng kotse upang bigyang daan ang pangtustos ng pag-aaral para sa mga anak. Anong prinsipyo ng
Likas na Batas Moral ang ipinapakita ukol dito?
a. Pangalagaan ang buhay b. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
c. Alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. d. Pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
5. Mag-isang itinataguyod ni Nanay Fe ang kanyang tatlong anak simula nang namatay ang kaniyang asawa. Kulang ang kinikita
niya sa kaniyang pagtitinda online para matugunan ang kanilang pangagailangan. Upang madagdagan ang kaniyang kinikita,
naisip niyang gawing doble ang orihinal na presyo ng kaniyang mga paninda. Subalit sa bawat mamimili na kaniyang dinadaya ay
nakakaramdam siya ng pagkabagabag kaya minabuti niyang itigil ang pagmamalabis sa pagpresyo ng kaniyang mga paninda.
Anong prinsipyo ng likas na batas moral ang ipinapakita sa sitwasyon?
a. Likas tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
b. Likas sa tao ang pagiging rasyonal. C. Likas sa tao ang pagiging mabuti at iwasan angb masama.
d. Likas sa tao ang pagkalooban siya ng karapatan na pangalagaan ang kaniyang buhay.
6. Alin sa sumusunod ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
a. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama. b. Katulad ng hayop, likas sa tao ang pagpaparami.
c. Kalikasan ng tao ang pag-aalam sa katotohanan. d. Bilang may buhay kailangan ng tao ang pangalagaan ang kanyang buhay.
7. Ang kilos-loob ay ang pagsasakatuparan ng nabuong pasya ng isip. Para sa iyo, ano ang itinuturing na kakayahan ng iyong
kilos-loob?
A. Makaunawa. B. Magnilay o magmuni-muni.
c. Makabuo ng kahulugan sa isang bagay. D. Kakayahang pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili.
8. “Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob”. Ano ang kahulugan nito?
A. walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
D. hindi maaaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil magkaugnay ang mga ito
9. Ikaw ay inanyayahan na magdiwang ng kaarawan ng kaibigan mo kasama ang iba pa ninyong mga kaibigan at pamilya niya.
Pero naisip mong ipinagbabawal ang pakikipaghalubilo dahil
sa pandemya, kaya magalang kang tumanggi. Anong kakayahan ang pinairal mo?
A. Kakayahan ng isip na nakakaunawa B. Kakayahan ng isip na mag-abstraksiyon
C. Kakayahan ng kilos-loob na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
D. Kakayahan ng kilos-loob na pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili.
10. Hindi nagawa ng matalik mong kaibigan na si Abel ang inyong takdang aralin sa Math. Nais niyang kopyahin ang iyong
gawain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Payuhan siya mangopya nalng sa iba ninyong mga kaklase.
B. Pakopyahin siya dahil balang araw ikaw na naman ang mangongopya sa kanya.
C. Pabayaan siya dahil hindi mo naman siya responsibilidad.
D. Payuhan siyang sagutan ang takdang-aralin bilang pagpapahalaga sa mga gawain.
11. Ang konsensiya ay batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ito rin ay subhetibo, personal, at agarang
pamantayan ng moralidad ng tao. Ngunit may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Alin sa sumusunod ang may
pinakamataas na batayan ng kilos?
a. Batas positibo b. Batas ng Diyos c. Likas na Batas Moral d. Ang Sampung Utos ng Diyos
12. Ang sumusunod ay naglalarawan ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa:
A. Katulad ng hayop, likas sa tao ang magparami.
B. Kalikasan ng tao ang pag-aalam sa katotohanan.
C. Bilang may buhay kailangan ng tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.
D. Bilang nilikha na hindi perpekto nagkakamali ang tao at natututo sa kaniyang mga karanasan.
13. Namasyal sa mall si Kyle kasama ang matalik na kaibigan na si Josh. Nahuli ni Kyle si Josh na ninakaw ang cellphone ng
isang mamimili sa mall. Alam niya na parurusahan si Josh sa oras na isumbong ito sa awtoridad. Alin sa sumusunod ang
dapat gawin ni Kyle batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?
a. Gayahin ang ginawa ng kaibigan. b. Ipagkibit balikat na lamang ang ginawa ng kaibigan.
c. Tulungan ang kaibigan na magnakaw ng iba pang gamit.
d. Sabihin ang totoo sa kinauukulan dahil masama ang magsinungaling.
14. Bumili ka ng pagkain sa tindahan, ngunit batid mo na sobra ang sukling naibigay ng tindera sa iyo. Alin sa sumusunod ang
dapat mong gawin batay sa hatol ng iyong konsensiya?
A. Gamiting panlaro na lamang ng computer games ang sobrang sukli.
B. Sabihin agad sa tindera na sobra ang sukli at ibalik ito na walang pag-aalinlangan.
C. Umalis agad sa tindahan at ihulog na lamang sa iyong alkansya ang sobrang sukli.
D. Huwag ng ibalik ang sukli dahil kasalanan naman ito ng tindera.
May suliranin sa pera ang pamilya ni Joel. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang
nakahandang pambayad. Inutusan si Joel ng kaniyang ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang
dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling.
15. Alam ni Joel na dapat sundin ang kanyang ina ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling. Anong yugto ng
konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
A. Unang yugto B. Ikalawang yugto C. Ikatlong yugto D. Ikaapat na yugto
16. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Joel batay sa hatol ng kanyang konsensiya?
a. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
b. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kanyang ina.
c. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
d. Kausapin ang kolektor at pakiusapang bumalik na lamang kung kailan naroon ang ina.
17. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?
A. Kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong nagawa.
B. Kung mas maraming tao ang nakinabang sa kinalabasan ng kilos.
C. Kung hindi kailangang pag-isipan ng maayos ang mga pasiyang ginawa.
D. Kung ang kaisipan at dahilan ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali.
18. Nakagawian ng magbabarkadang James, Sam, Pit, at Jay ang gumawa ng kahit
anong libangan. Isang araw, naisipan nilang gumawa ng prank sa isang delivery guy. Nagpasya silang mag-order ng pagkain gamit
ang ibang pangalan at lugar. Wala silang balak na bayaran. Batid ni James na mali ang kanilang gagawin dahil hindi dapat
gumawa ng masama sa kapwa anuman ang maging intensyon. Paano nabatid ni James ang mali sa kanilang gagawin?
A. Ang konsensyang nahubog kay James ay batay sa likas na batas moral.
B. Ang pagkilos ni James ay kinopya niya sa kaniyang nakita sa social media.
C. Ang pagpapasiya niya ay ayon sa kahusayan niya sa klase.
D. Ang kaniyang pagpapasiya ay batay sa kanyang konsensiya.
19. Si Gigi ay nagtatrabaho bilang isang tindera. Namalayan niyang hindi binibilang ng kaniyang amo ang kinikita araw-araw
sa pagtitinda. Naisipan niyang kupitan ang kita sa tindahan. Ngunit batid niya na mali ito kaya ibinalik niya ang pera. Ano ang
nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos ni Gigi?
A. Mga batas ng mga may awtoridad B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
C. Ang kaniyang konsensiyang nahubog sa batas moral
D. Ang kaniyang kaalaman sa mga patakaran sa pagbabantay ng tindahan.
20. Ang magkaibigang Anna at Mona ay mag-eenrol na nga Senior High School sa susunod na araw kung kaya’t saglit na napag-
usapan ng dalawa kung ano ang track na kanilang pipiliin. Subalit nahihirapan ang dalawa sa kug ano ang kanilang pipiliin dahil
hindi nila napalinggan at nadaluhan ang isinagawang “Information Education Campaign” ng kanilangb paaralan. Hindi sila
makapagpasiya kung ano ang nararapat na strand para sa kanila dahilkulang sila sa impormasyon. Ano ang pinakaangkop na
gagawin ng magkaibigan upang makabuo ng maayos at tamang pagpapasiya ukol sa kanilang pipiliin na track o strand?
A. Sumangguni sa Creer Advocate ng paaralan upang matulungan.
B. Gawing batayan ang mga napiling strand ng kanilang mga kaibigan.
C. Piliin nalang ang pagliban sa taong panuruan upang makapag-isip ng mabuti.
D. Humingi ng payo sa mga magulang at guro o kaya’y sa mga kaklase na nakadalo. .
21. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay pagtugon nang may pagmamahal at paglilingkod?
A. Nagagawa ni Patrick ang bumili ng mga bagay na hindi pa niya kailangan.
B. Dahil sa lakas ng loob ni Juan ay kaya niyang sabihin kung ano ang nasa kaniyang saloobin.
C. Dahil sa kadakilaan ng kalooban ni Pedro, siya ay nakakapagbigay ng tulong sa mga taong nasa bahay ampunan.
D. Nakapagbibigay ng tulong si Anna ngunit hangad niyang may maibalik na tulong sa kanya sa pagdating ng
panahon.
22. Nagkatampuhan kayo ng iyong matalik na kaibigan. Lumipas ang mga araw na hindi kayo nagbabatian. Sa ganitong
sitwasyon, ano ang nararapat mong gawin?
A. Hihintayin na ang iyong kaibigan ang gagawa ng unang hakbang.
B. Ipapa-iral ang pagiging mapagmataas sa sarili.
C. Tatanggapin na hindi talaga kami magkasundo dahil hindi kami pareho ng katayuan sa buhay.
D. Hahanap ng paraan na magkabati at iwasan ang pagiging mapagmataas sa sarili.
23. Ang tao ay likha na kawangis ng Diyos at siya ay may dignidad. Para sa iyo, ano ang pakahulugan ng salitang dignidad?
A. Ang dignidad ang nagbigay sa tao na magkaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi nakakasakit o
nakakasama sa ibang tao.
B. Karapat-dapat ang tao sa mga pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapuwa.
C. Ito ay nagbigay sa tao bilang isang pinakamahalagang nilalang sa mundo.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
24. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabibigyan ng kahulugan ang salitang digdidad sa iyong buhay?
A. Papahalagahan ko ang aking kulturang kinagisnan.
B. Igagalang ko ang mga magulang ko at mga nakakatanda sa akin.
C. Kikilos ako nang marangal , may paggalang at mapagmahal sa aking kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
25. Ayon sa isang surbey, mayroong 370 milyon indigenous people at ethnic minorities ang naninirahan sa 90 ka bansa sa buong
mundo. Labing-limang (15) porsiyonto sa kanila ay napabilang sa may mahirap na pamumuhay. Sa iyong palagay, ano ang
dahilan bakit patuloy silang naghihirap sa buhay?
A. Hindi naging maayos ang pagtrato sa kanila kung kaya hindi umaangat ang kanilang kabuhayan.
B. May kakulangan at hindi pantay ang pagbabahagi ng pangunahing serbisyo na angkop sa kanilang
bpangangailangan.
C. Sila ay nakaranas nang pang-aapi at hindi kasali sa pangkalahatang pagpapasiya ng bansa.
D. Walang kakayahang gumawa o magtrabaho ang mga ito kaya patuloy ang kanilangb paghihirap sa buhay.
26 Ang pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga makabuluhang batas na naglalayon na itampok angb kahalagahan ng
pangkat ng mga Indigenous People sa ating lipunan. Ang mga sumusunod ay HADLANG upang makamit ang layunin na ito,
maliban sa:
A. Nagkakaroon ng hindi pantay na pagbabahagi ng yaman ng bansa.
B. Ang manipulahin ang hanay ng namumuno ng mga Indigenous People.
C. Pagsusumikapan ng pamahalaan na manatiling buahy ang kultura at tradisyon ng mga IP’s.
D. Ang imulat sila sa konsepto ng modernisasyon bilang karaniwang daloy sa buhay ng tao.
27. Ang tao ay nilikhang bukod tangi at kawangis ng Diyos. Paano mo ito napatutunayan sa pang-araw na pamumuhay?
A. Sa pagtulong sa kapwa kapag may nanagngailangan.
B. Sa pagsunod ng kagustuhan ng mga magulang.
C. Sa pagsaalang-alang ng kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
D. Sa pagbuo ng pasiya nang naaayon sa sariling kagustuhan.
28. Ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kaniyang pagkabukod-tangi.Ang tao ay may isip at kalooban. Paano maipakikita ang
pagkilala at pagpapahalaga ng dignidad ng tao?
A. Tulungan ang kapuwa kahit hindi mo siya kakilala
B. Maging tapat at maayos na pakikitungo sa iyong kapuwa.
C. Iparamdam sa kapuwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
D.Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay may buhay.
29. Ang pagkitil sa kaniyang sariling buhay ay sumagi sa isip ng iyong matalik na kaibigan, dahil ayon sa kaniya ang kaniyang
kapansanan ang pumipigil sa kniya upang maging produktibo at maging kapakipakinabang sa lipunan. Paano mo siya sa pagbuo
ng makatarungang pasiya.
A. Ipadama ang pagmamahal at paglilingkod sa kaniya.
B. Sabihan siya na ang buhay ay biyaya at siya’y may taglay na dignidad.
C. Sabihan na huwag susuko sa buhay, hangga’t may buhay may pag-asa.
D. Lahat ng nabanggit.
30. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ng isang mag-aaral na tulad mo ang maipakita sa kapuwa na siya ay bukod tangi at may
taglay na dignidad bilang tao?
A. Igalang ang sariling buhay. B. Suriin ang angking kakayahan
C, Pahalagahan ang tao bilang tao. D. Tanggapin kung ano siya bilang tao.
31. Ang magkaibigang Anna at Mona ay mag-eenrol na nga Senior High School sa susunod na araw kung kaya’t saglit na napag-
usapan ng dalawa kung ano ang track na kanilang pipiliin. Subalit nahihirapan ang dalawa sa kug ano ang kanilang pipiliin dahil
hindi nila napalinggan at nadaluhan ang isinagawang “Information Education Campaign” ng kanilangb paaralan. Hindi sila
makapagpasiya kung ano ang nararapat na strand para sa kanila dahilkulang sila sa impormasyon. Ano ang pinakaangkop na
gagawin ng magkaibigan upang makabuo ng maayos at tamang pagpapasiya ukol sa kanilang pipiliin na track o strand?
A. Sumangguni sa Creer Advocate ng paaralan upang matulungan.
B. Gawing batayan ang mga napiling strand ng kanilang mga kaibigan.
C. Piliin nalang ang pagliban sa taong panuruan upang makapag-isip ng mabuti.
D. Humingi ng payo sa mga magulang at guro o kaya’y sa mga kaklase na nakadalo. .
32. Maagang nabuntis si Miah at napatigil sa pag-aaral. Ngayon, nais ni Miah na magpatuloy. Ano ang pinakamainam na gawin
ni Miah sa kaniyang sitwasyon?
A. Humingi ng tulong sa mga magulang na alagaan ang anak habang magpapatuloy sa pag-aaral.
B. Maghanap ng trabaho muna upang may pantustos sa anak at makaipon para sa pag-aaral.
C. Pagtuonan ng pansin ang pagpapalaki ng anak at maghanap buhay.
D. Ipagpatuloy ang pag-aaral sapagkat ito ay kayamanang hindi mananakaw.
33. Nakakaabala na sa mga tao ang mga tanim na puno ni Aling Nora kung kaya nais niyang ipaputol ang mga ito. Ngunit,
nanghihinayang siya sa magandang dulot ng pagkakaroon ng puno sa kapaligiran. Ano ang maaari niyang gawin?
A. Putulin ang mga puno dahil sagabal ang mga ito.
B. Sunugin ang mga puno dahil karapatan niya ito bilang may-ari.
C. Alagaan ang mga puno bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan.
D. Alagaan ang mga puno bilang pagpapakita ng galit sa mga naaabala.
34. Karapatan ng tao ang makapag-aral. Alin sa mga sitwasiyon na ito ang nagpapakita ng pagiging mapanagutan ng tao sa
kaniyang karapatan?
A. Laging puyat sa paggamit ng cellphone si Tonyo.
B. Nagsisikap si Amor na makakuha ng matataas na marka.
C. Iginugugol ni Pearl ang oras sa paglalaro ng mobile legends.
D. Aktibo si Shaira sa Tiktok ngunit lagi siyang huli sa pagpasa ng mga gawain sa klase.
35. Hindi maunawaan ni Jed ang leksiyon ng kanyang guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan siya ng interes na
makinig. Sinisisi ni Jed ang kanyang guro dahil sa kanyang mababang marka. Sang-ayon ka ba sa kaniyang reaksyon?
A. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
B. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
C. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
D. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.
36. Alin sa mga pasiya at kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan?
A. Gumagawa ng iba’t ibang tsismis si Aling Marites sa kaniyang mga kapitbahay.
B. Ginagamit ng ibang pulitiko ang pondo ng gobyerno para sa kanilang pangangampanya.
C. Hindi sumusunod si Patrick sa utos ng kaniyang mga magulang. Mas nais niyang maglaro ng computer games
maghapon.
D. Sumusunod si Alena sa curfew na pinapatupad ng kanilang lungsod. Kaya naman alas singko pa lang ng hapon ay
umuuwi na siya sa kanilang bahay.
37. Alin sa mga pasiya at kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan?
A. May mga pulitiko na ginagamit ang pondo ng gobyerno para sa kanilang pangangampanya.
B. Mahilig mangapitbahay si Aling Marites at amkikipagkwentuhan kung saan madalas sa kanilang usapin ang mga
kwento ng buhay ng iba.
C. Malaki ang tiwala ng nanay ni Alexia sa kaniya tuwing ngpapaalam na mamasyal kasama ang mga kaibigan dahil
lagi itong tumutunton sa itinakdang oras ng pag-uwi.
D. Madalas nakakalimutan ni James ang oras kung kaya’t madalas itong naabutan ng madaling-araw sa paglalaro
ng Online Games bagaman nasa kalapit lang naman ito na computer shop.
38. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Kathy ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni Riza ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
C. Hindi mahiyain si Alex kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Felix ang kapitbahay na isinugod sa ospital
39. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
A. Para malinang ang pagkatao ng tao at matamo ang layunin ng kanyang buhay sa mundo.
B. Para maging Malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng
sitwasyon.
C. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang
dito.
D. Mahalaga ito para malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti. kaya ibinibigay sa kaniya ang kalayaan.
40. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagkamit ng tunay na kalayaan?
A. Magpasa ng batas sa Kongreso.
B. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate sa paaralan.
C. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyu.
D. Manahimik at maglathala ng mga estorya ng naging biktima ng pang-aapi sa social media.
41. Sa panahon ng krisis tulad ng pandemya, may mga taong sinasamantala ang kahinaan ng ibang tao para lang makuha ang
gusto nila. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuti ng tao.
A. Naghatid ng pagkain sa bahay ampunan si Martha.
B. Namimigay ng ayuda si Corazon dahil malapit na ang eleksiyon.
C. Sumama si Aldrin sa pagkakawang-gawa sa kanilang barangay.
D. Nagtatahi ng face mask si Flora at ipinamimigay sa mga front liners.
1. c
2. a
3. c
4. d
5. b
6. a
7. d
8. c
9. a
10. d
11. c
12. d
13. d
14. b
15. a
16. d
17. d
18. a
19. c
20. d
21. c
22. d
23. d
24. d
25. d
26. c
27. c
28. c
29. d
30. d
31. d
32. b
33. c
34. b
35. c
36. d
37. c
38. d
39. d
40. c
41. b