Araling Panlipunan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DEPARTMENT OF EDUCATION

MIMAROPA Region
Schools Division Office of Romblon
District of Santa Fe – San Jose
AGMANIC ELEMENTARY SCHOOL
Agmanic, Santa Fe, Romblon
School I.D. 111444

Unang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 5

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________________


Baitang at Seksyon: ___________________________________ Petsa: __________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang
patlang bago ang bilang.

_________1. Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
a. sa pagitan ng 4˚ at 21˚ hilagang latitude at 116˚ at 127˚ silangang longhitud
b. sa pagitan ng 2˚ at 25˚ hilagang latitude at 161˚ at 172˚ silangang longhitud
c. sa pagitan ng 1˚ at 15˚ hilagang latitude at 131˚ at 151˚ silangang longhitud
d. sa pagitan ng 3˚ at 20˚ hilagang latitude at 116˚ at 127˚ silangang longhitud

_________2. Ito ay isang paraan ng pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas sa mapa o globo
gamit ang mga bansang nakapaligid rito.
a. lokasyong insular c. lokasyong absoluto
b. lokasyong bisinal d. lokasyong di-absoluto

_________3. Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?


a. Karagatang Indian c. Karagatang Pasipiko
b. Karagatang Atlantiko d. Karagatang Arktiko

_________4. Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog
ng kasaysayan MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
b. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
c. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito
d. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas

_________5. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?


a. para maging sikat ang isang bansa
b. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
c. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
d. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura,
ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa
_________6. Ito ay teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa isang malaking masa ng
kalupaan o tinatawag na Pangaea na nagkahiwahiwalay 240 milyong taon na ang nakalipas.
a. teorya ng tulay na lupa c. teorya ng tectonic plate
b. Continental Drift Theory d. Coral Reef Theory

_________7. Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang may
kapangyarihang nilalang na tinatawag na ___________.
a. apoy c. Hangin
b. Diyos d. Tubig

_________8. Alin sa mga sumusunod na Mito ang nagsabing ang kalupaan daw ng Pilipinas ay
nagmula sa sariling libag ng kanilang diyos na si Melu?
a. mito ng mga Bagobo c. mito ng mga taga-Panay
b. mito ng mga Manobo d. mito ng mga Badjao

_________9. Ang paggamit ng isang matibay na ebidensya at masistemang pananaliksik ay


ginagamit ng mga dalubhasa upang malaman ang pinagmulan ng Pilipinas. Anong batayan ang
tinutukoy ng pangungusap?
a. mitolohiya c. relihiyon
b. teorya d. matematika

_________10. Alin sa mga sumusunod ang mga batayan sa pinagmulan ng Pilipinas?


I. teorya
II. lokasyon
III. relihiyon
IV. mitolohiya
V. tsismis

a. I, II at III c. I, III at V
b. I, II at IV d. I, III at IV

_________11. Sinong arkeologong Australian ang nagsabing ang mga Austronesian ang mga ninuno
ng mga Filipino?
a. Wilhelm Solheim II c. Felipe Landa Jocano
b. Peter Bellwood d. Henry Otley Beyer

_________12. Ayon sa mitolohiya ng Luzon, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga
tao sa Pilipinas?
a. Sicalac at Sicavay c. Mag-asawang Mandayan
b. Malakas at Maganda d. Uvigan at Bugan

_________13. Ayon sa aklat ng Genesis, sa anong araw nilikha ng Diyos ang unang tao?
a. Ika-pitong araw c. Ika-anim na araw
b. Ika-tatlong araw d. Unang araw

_________14. Ano ang tawag sa kuwentong pabula o kuwentong bayan na nagpapaliwanag sa


pangyayari at sumasagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
a. mitolohiya
b. alamat
c. relihiyon
d. pabula

_________15. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kaniyang teorya?


a. Ang pagkakatulad ng klima sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
b. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
c. Ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at
Pasipiko
d. Ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya
at sa Pasipiko

_________16. Ito ay ang panahon na kung saan nabuhay ang mga Taong Tabon na naninirahan sa
mga yungib at gumagamit ng magagaspang na bato bilang kasangkapan.
a. Panahon ng Lumang Bato (Paleolitiko)
b. Panahon ng Bagong Bato (Neolitiko)
c. Maagang panahon ng Metal
d. Maunlad na panahon ng Metal
.

_________17. Ito ang panahon na kung saan ay nilisan na ng mga sinaunang tao ang yungib at
nagsimulang paunlarin ang kanilang pamumuhay.
a. Panahon ng Lumang Bato (Paleolitiko)
b. Panahon ng Bagong Bato (Neolitiko)
c. Maagang panahon ng Metal
d. Maunlad na panahon ng Metal

_________18. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring naganap noong panahon ng metal?
a. paggamit ng sibat sa pangangaso gamit ang pinakinis na bato
b. paggamit ng kutsilyo, gulok at sibat sa kanilang pamumuhay
c. paggawa ng banga at palayok
d. paghahabi at paggawa ng bangka

_________19. Noong unang panahon, kung ikaw ay nagtataglay ng mga karapatang hindi
tinatamasa ng ibang pangkat gaya ng di pagbabayad ng buwis, pagmamay-ari ng lupa, at iba pang
ari-arian at pagkakaroon ng alipin, nasa anong antas ka ng lipunan napapabilang?
a. maharlika
b. timawa
c. alipin o oripun
d. malaya

_________20. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay mga dahilan ng pagkakaalipin ng mga Pilipino
MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. Maaaring maging alipin ang isang tao bilang kaparusahan sa krimen at kawalan ng
bayad as nagawang krimen.
b. Nagiging alipin ang mga tao kapag nahuling pumasok sa teritoryo ng datu.
c. Nagiging alipin ang mga tao bilang pantubos sa pagkakautang o krimen.
d. Nagiging alipin ang mga tao kung hindi niya nagawa ng maayos ang kaniyang
tungkulin.

________21. Ito ang tawag sa mga inukitang gintong barya na ginamit ng mga sinaunang Filipino sa
pakikipagkalakalan.
a. medrinaque c. piloncitos
b. barter d. abaloryo

________22. Ang paggamit ng medrinaque o hibla mula sa saging at abaka ay isang halimbawa ng
pamumuhay ng sinaunang Filipino na tinatawag na __________.
a. pangingisda c. paghahabi
b. pangangaso d. pagsasaka

________23. Sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Filipino, anong sistema ang kanilang


ginagamit na kung saan nakikipagpalitan sila ng produkto sa mga mangangalakal?
a. medrinaque c. piloncitos
b. barter d. abaloryo

________24. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kabuhayang agrikultural ?ng
mga sinaunang Filipino?
a. Ang mga Filipino ay gumagamit ng paraang pagkakaingin sa pagsasaka.
b. Ang pagsasaka ang naging pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang Filipino.
c. Pagsasaka sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa gamit ang mga kalabaw o
baka ang ginagawa ng sinaunang Filipino.
d. lahat ng nabanggit

________25. Magkatulad ba ang uri ng pamumuhay ng sinaunang Filipino at sa ngayon?


a. Oo, dahil pareho lang ang kagamitan o ang teknolohiya noon at ngayon.
b. Oo, dahil pareho lang ang antas ng pamumuhay noon at ngayon.
c. Hindi, kasi mas maunlad noon ang pamumuhay kaysa ngayon.
d. Hindi, kasi mas maunlad at makabagong teknolohiya na ang ginagamit sa
pangkabuhayan ngayon kumpara noon.

________26. Siya ang kinikilalang pinakamalakas, pinakamatapang, at pinakamayamang lalaki sa


pamahalaang barangay noong unang panahon.
a. datu c. sultan
b. lupon ng matatanda d. ruma bichara

________27. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing tagapayo na binubuo ng mga


makapangyarihan at mayayamang pinuno sa mga pamayanang nasasakupan ng sultanato?
a. datu c. sultan
b. lupon ng matatanda d. ruma bichara

________28. Ang mga bagani at timawa ay nasa anong antas ng lipunan napapabilang?
a. maharlika c. aliping namamahay
b. maginoo d. aliping saguiguilid
________29. Ang mga sumusunod ay ang mga kaugalian sa pananamit at palamuti ng sinaunang
Filipino MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. Ang mga kalalakihang Filipino ay nagsuot ng pantaas na damit na tinawag na
kanggan o kangan.
b. Sa kababaihan, ang pang-itaas na kasuotan ay ang baro at ang maluwag na palda
na tinatawag na palda at patadyong.
c. Gumagamit ng alahas na pomaras na hugis rosas ang mga sinaunang Filipino.
d. Ang mga kriminal lamang ang may karapatang magpalagay ng tato sa katawan.

________30. Ano ang tamang proseso o hakbang ng paglilibing ng sinaunang Filipino?

I. Inilililibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan.
II. Pinababaunan nila ang mga yumao ng mga kasangkapan tulad ng
seramika at mga palamuti upang may magamit ito sa kabilang buhay.
III. Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango ito mula sa libingan at
isinisilid sa loob ng banga.
IV. Inihahanda ang yumao para sa kabilang buhay sa pamamagitan ng
paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan sa bangkay.

a. I – II – III – IV c. IV – II – I – III
b. IV – I – III – II d. I – II – IV – III

________31. Ano ang tawag sa relihiyon ng mga muslim?


a. Islam c. Kristiyano
b. Budhismo d. Animismo

________32. Ito ay isa sa limang haligi ng relihiyong Islam na kung saan ang mga muslim ay nag-
aayuno tuwing panahon ng Ramadan.
a. Shahada c. Saum
b. Salat d. Hajj

________33. Ang relihiyong Islam ay itinatag ng pinakahuling propeta ni Allah na si _________.


a. Allah c. Abu Bakr
b. Muhhamed d. Rajah Baguinda

________34. Paano pinagtitibay ng limang haligi ng Islam ang pagiging isang Muslim?
a. Napapatibay nila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang Diyos sa
pamamagitan ng pagdarasal ng limang ulit sa isang araw.
b. Napapatibay nila ang kanilang pagsamba sa pamamagitan ng pag-aayuno sa
panahon ng Ramadan.
c. Napapatibay nila ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng pagtulong sa mga
mahihirap na kapatid na mga Muslim.
d. Lahat ng nabanggit

________35. Batay sa katangian ng Islam, ano ang iyong masasabi sa pananampalatayang ito?
a. Sa tingin ko, mali ang kanilang relihiyon sapagkat hindi totoo ang kanilang Diyos.
b. Sa palagay ko, kailangan nating igalang ang kanilang kakaibang uri ng pagsamba.
c. Hindi ako pabor sa kanilang relihiyon sapagkat mali ang mag-asawa ng marami.
d. Tutol ako na naging Islam ang relihiyon ng sinaunang Pilipino sapagkat matatapang
sila.

________36. Ito ang tawag sa alpabeto noong unang panahon.


a. baybayin c. romano
b. letra d. hindu

________37. Ano ang tawag sa paraan ng paglusaw at paghubog ng mga ginto na nagpapatunay na
ang sinaunang Pilipino ay malikahain at maparaan.?
a. ponseras c. pagpapatattoo
b. ganbanes d. metallurgy

________38. Kung ikaw ay ipinanganak na may angking kagandahan noong unang panahon, ano
ang ipapangalan sa iyo ng iyong ina?
a. Darna c. Ganda
b. Marian d. Lakas

________39. Saan kadalasan naninirahan ang mga sinaunang Filipino?


a. Ang mga sinaunang Pilipino ay nakatira sa bahay na gawa sa semento.
b. Ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan sa ilog.
c. Ang mga sinaunang Pilipino ay nakatira sa yungib at mabatong gilid ng bundok.
d. Ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan sa dagat.

________40. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama?


a. Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng tao.
b. Babaylan ang tawag sa alpabetong ng sinaunang Filipino.
c. Pormal ang edukasyon noong unang panahon.
d. Islam ang dalang relihiyon ng mga Chinese sa ating bansa.

You might also like