PT Esp6 Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV MIMAROPA
Division Of Palawan
Bataraza District 1
BATARAZA CENTRAL SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Understanding
Remembering
Bilang Bilang

Evaluating
Pamantayan sa Pagkatuto ng ng
Bahagdan

Analyzing
Applying

Creating
Araw Aytem

Naipakikita ang kahalagahan 20 60% 25 1,2,3,28, 4,5,6,11, 15,24,25 16,17, 19 45


ng pagiging responsable sa 29 12,21,23 ,38,39 22,42
kapwa: ,26,27,
EsP6P- IIa-c–30 30, 31
Nakapagpapakita ng 20 40% 25 18, 7,8,9,10, 14,40, 43
paggalang sa ideya o 32,33,34 35,36,37 41 49,50 13, 20,
suhestyon ng kapwa ,46,47, 44
EsP6P- IId-i-31 48
TOTAL 40 100% 50 9 21 8 7 4 1
30 15 5

Prepared by: Checked & Verified by:

ROCHELLE B. RESANO AIDA D.


GARCIA
Teacher III Master Teacher
I

Approved by:

LORNA A. REYES PHD


Principal III
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV MIMAROPA
Division Of Palawan
Bataraza District 1
BATARAZA CENTRAL SCHOOL
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: _________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat bago
ang numero.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsible sa kapwa?


A. Batang nakapulot ng wallet at isinauli sa may-ari
B. Batang itinago ang napulot na pera
C. Batang nakikipag-away sa kapwa
D. Batang nagsisinungaling sa mga magulang.
2. Alin sa mga sumusunod ang batang responsible?
A. Nangungutang ng pera sa mga kaibigan kahit alam na walang pambayad.
B. Nagsasabi ng mga salitang makaaapekto sa mga miyembro ng pamilya.
C. Ginagawa ang lahat upang matupad ang ipinangako.
D. Inaaway ang kaibigan kapag hindi binigay ang iyong gusto.
3. Sino sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting kaibigan?
A. Si Marco na laging humihingi ng baon sa kaibigan kahit may baon naman siya.
B. Si Isabel na laging nagbibigay ng mga regalo kapag Pasko.
C. Si Margie na tinutulungan ka sa mga takdang aralin.
D. Si Noah na humihingi ng tawad kapag may nagawang mali.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad sa pangakong magbabayad ng inutang?
A. Mangungupit ako sa aking nanay.
B. Uutang muna ako sa iba para mabayaran siya.
C. Liliban muna ako sa klase hanggang makabayad.
D.Mangangalap at magtitinda ako ng dyaryo’t bote na di na napapakinabangan sa bahay
para magkaroon ng pambayad sa utang.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
A. Pinagtawanan si Danny ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot.
B. Iniwasan ni Joy ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kaniyang gawa
C. Sumama ang loob ni Carlo nang hindi isinama ang kaniyang idea sa pagbuo ng kanilang
proyekto sa Araling Panlipunan
D. Tinanggap nang maluwag ni Malou na hindi maisasama ang kaniyang idea sa plano ng
kanilang klase
6. Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad sa isang usapan?
A. Sarili mo lang
B. Ang iyong kapwa
C. Walang makikinabang
D. Ikaw at ang iyong kapwa.
7. Alin sa mga sumusunod ang TAMA?
A. Iiyak kapag hindi tinanggap ang iyong ideya
B. Aalis kanit hindi pa tapos ang trabaho
C. Magpasalamat kapag pinuri ka sa maganda mong gawa
D. Sisimangot kapag hindi ka pinapansin sa grup
8. Alin ang nagpapakita ng magandang pakikitungo sa kaibigan?
A. Huwag tumulong kapag may problema siya
B. Magtago kapag kailangan ka
C. Humingi ng madaming regalo sa kanya
D. Tumupad sa mga pangako mo sa kanya
9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa kapwa maliban sa isa. Alin dito ang hindi?
A. Nakikipag-usap siya ng maayos
B. Tinatalikuran niya ang mga kumakausap sa kanya.
C. Binabara niya ang nagsasalita
D. Sumasagot siya ng hindi magagandang salita.
10. Kapag gumawa ka ng pasya, sino sa kanila ang hindi dapat hingan ng suhestiyon?
A. Magulang
B. Tambay na lasing
C. Kaibigan
D. Guro
11. Ang pagbibigay ng opinyon ng ating kapwa ay maaaring makapagdulot ng iba’t ibang damdamin
tulad ng _________?
A. positibong damdamin
B. negatibong damdamin
C. positibo at negatibong damdamin
D. wala sa mga nabanggit
12. Ang paggalang sa kapwa ay ngpapakita ng ________?
A. pagiging iresponsable
B. pagiging bastos
C. pagrespeto
D. wala sa nabanggit
13. Mayroon kang tinatapos na takdang-aralin hanggang hatinggabi. Upang hindi ka antukin, nilakasan
mo ang radyo. Lumabas sa kuwarto ninyo ang bunso mong kapatid at sinabihan ka na hindi siya
makatulog sa lakas ng radyo mo. Sinabi niya na hinaan mo ito ngunit inaantok ka na. Ang malakas na
tunog lang ang nag-aalis ng antok mo. Ano ang gagawin mo?
A. Pagalitan ang kapatid dahil nakikialam siya.
B. Papatayin ang radyo, hindi tatapusin ang takdang aralin at magsusumbong sa nanay na
iniistorbo ka kaya wala kang maibibigay na takdang aralin sa guro.
C. Isara ang radyo.Maghanap na lang ng ibang paraan para hindi antukin
D. Huwag nalang pansinin ang kapatid.
14. Isang kamag- anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang iyong matalik na
kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak.
B. Iimbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon kung
totoo ang isinusumbong tungkol sa kaniya ng kamag-anak.
C. Magagalit sa matalik na kaibigan at hindi na papansinin kailanman.
D. Aawayin siya dahil sa mga pinagsasabi niya tungkol saiyo.
15. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ka ng tamang kaibigan. May mga
pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa
pagpili ng kaibigan?
A. Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan.
B. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa.
C. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.
D. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa
kanilang anak.
16. Paano tinutupad ang isang pangako?
A. May pagpapahalaga at pagtitiis.
B. Walang interes at pagpapakasakit
C. May pagkukulang at pag-aalinlangan.
D. May hinihintay na kapalit na kabayaran.
17. Ang paggalang sa kapwa sa pamamagitan ng pagrespeto sa kanilang karapatang magbahagi ng
kanilang idea, o paghingi ng suhestiyon patungkol sa anumang suliraning kinahaharap o proyektong
binabalak ay susi sa pagkakaroon ng _____________?
A. hindi pagkakaintindihan
B. pagkaka-inggitan
C. pag-aaway
D. magandang ugnayan at pagkakaisa
18. Ang pagtupad sa mga pangakong binitawan sa isang tao ay mahalaga dahil _____________?
A. Nakakadagdag kagandahan/kagwapuhan ito.
B. Binibigyan ka ng premyo kapag natupad ito.
C. Nagpapatunay na ikaw ay mapagkakatiwalaan.
D. Wala ang sagot sa mga nabanggit.
19. Ang mga sumusunod na ay mga salitang nagpapakita ng paggalang. Alin dito ang HINDI?
A. “ Iyan ang gusto ko sa iyo, sinisikap mo na mapaghusay ang iyong
mga gawain kahit na mahirap ang ilan sa mga ito.”
B. “Ano ba yan! Akala ko naman magaling ka. Ayaw na kitang kasama sa pangkat.”
C. “Ang ganda-ganda naman ng painting mo. Puwede mo ba akong turuan na magpinta?”
D. “Yehey! Ang taas ng nakuha nating marka. Sabi ko na nga ba, dapat magsipag lang tayo.
Kaya naman natin, di ba?
20. “Maging totoo at maging tapat. Tanggapin ang anumang nagawangkasalanan. Pairalin palagi ang
katapatan kaysa kasinungalingan” no ang ibig sabihin ng mga katagang ito?
A. Paminsan-minsan kailangang magsinungaling kung para sa ikabubuti.
B. Sa anumang gawin kailangang maging matapat dahil walang naidudulot na mabuti ang
pagsisinungaling.
C. Kapag nakagawa ng kasalanan, dapat ipangtanggol ang sarili.
D. Ilihim ang mga hindi mabuting nagawa.
21. Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kung pakokopyahin ka niya sa
pagsusulit. Tama ba ito?
A. Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
B. Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
C. Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
D. Wala sa nabanggit.
22. Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya na agtatapos siya ng pag-aaral
kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok na kaniyang haharapin. Kung ikaw si Juan, ano ang
gagawin mo para maabot ang iyong mga pangarap?
A. Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
B. Ipapangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
C. Ipapangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
23. Paano mo tutuparin ang isang pangako mo sa iyong kaibigan?
A. Tutuparin ito na buo ang loob.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban.
C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
D. Ang titik A at B ay tama.
24. Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?
A. Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
B. Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
C. Gawin itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
25. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya sa iyo?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niya natupad ang kaniyang
pangako.
C. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niya natupad ang kaniyang pangako.
D. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya
26. Sino sa mga batang ito ang matapat?
A. Si Lino na sinabing ang nakakabatang kapatid ang nakabasag ng kahit siya naman.
B. Si Dina na tumakbo at nagtago pagkatapos niyang masira ang halaman.
C. Si Abby na inamin ang pagkakamali sa kanyang nanay.
D. Si Aizen na itinuro ang kaklase na nagkalat ng basura kahit hindi niya nakita.
27. Sino sakanila ang isang mabuting kaibigan?
A. Binigyan ni Lisa ng meryenda si Marie dahil naiwan nito ang kanyang baon.
B. Itinago ni Daniel ang kanyang laruan ng dumating ang kaibigan niya.
C. Hindi tinupad ni Kaycee ang kanyang ipinangako kay Mae.
D. Ayaw ipahiram ni Jeff ang kanyang lapis kay Paul.
28. Ang ay dapat tinutupad at binibigyang halaga dahil ito ay mga salitang binitawan mo na dapat
mong isakatuparan para sa isang tao?
A. pagkakasala
B. kasinungalingan
C. gawain
D. pangako
29. Ang pagiging ay ugaling dapat ipagmamalaki dahil ito ay nagpapatunay na ikaw ay
mapagkakatiwalaan.
A. masipag B. tamad C. matapat D.masinop
30. Anong mabuting pag-uugali ang makikita sa larawan?
A. Pagiging matapat
B. Pagiging masayahin
C. Pagiging matulungin
D. Pagiging masipag
31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsible sa kapwa?
A. Batang itinago ang napulot na pera.
B. Batang inaaway lagi ang katabi sa klase.
C. Batang isinauli ang napulot na wallet sa may-ari.
D. Batang hindi tinupad ang pangako sa kaibigan.
32. Ito ay kagandahang asal na nararamdaman o ipinapakita sa pamamagitan ng
mataas na pagkilala o pagtingin. Ano ito?
A. suhestiyon B. karapatan C. bullying D. paggalang
33. Ito ay madalas na ginagamit ng mga mag-aaral bilang pang-asar o panloloko. Ano ito?
A. suhestiyon B. karapatan C. bullying D. paggalang
34. Ito ay anumang dapat tamasahin ng isang tao. Ano ito?
A. suhestiyon B. Karapatan C. bullying D. paggalang
35. Ang pagsauli sa napulot na bagay sa may-ari ay nagpapakita ng __________?
A. pagrespeto B. pagkamatapat C. paggalang D. pagtupad ng pangako
36. Ang paggalang sa suhestiyon ng kaibigan kahit hindi masyadong maganda
ay nagdudulot ng________________?
A. maayos na pakikitungo sa kaibigan
B. magulong pakikipagkapwa
C. matibay na pakikipagkaibigan
D. maling pakikitung
37. Ang pagtupad sa ay nakapagbibigay ng tiwala sa iyong kapwa.
A. suhestiyon B. ginawa C. pangako D. kasalanan
38. Nakita mo ang kaibigan mo na nangungupit ng pera sa bag ng inyong guro. Gutom na gutom
siya dahil walang maibigay na pambaon ang kaniyang mga magulang. Nakita ka niya at
sinabihan ka na tumahimik na lamang at huwag mo siyang isumbong. Ano ang magiging reaksiyon
mo?
A. Tatahimik na lang dahil kawawa naman siya.
B. Kakausapin ko siya at sabihin na isauli ang pera.
C. Hayaan na lamang siya sa gusto niya.
D. Wala sa nabanggit.
39. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa plaza. Nakatakda
kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi
dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa plasa. Ano ang magiging
reaksiyon mo?
A. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong
pagkatao.
C. Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman.
D. Maghahanap ka nalang ng ibang mga kaibigan.
40. Napagalitan ka sa bahay niyo sa kasalanang ang kapatid mo pala ang may gawa. Ano ang
gagawin at sasabihin mo sa iyong kapatid?
A. Aawayin ko siya dahil sakanya ikaw ay napagalitan.
B. Sasagutin mo ang iyong magulang at sasabihing hindi naman ikaw ang may gawa.
C. Kakausapin ng maayos ang kapatuid at sabihing aminin sa mga magulang ang nagawa
niyang kasalanan.
D. Iiyak nalang at maglalayas sa bahay.
41. May ginagawa kayong proyekto at nagsuhestiyon ang iyong kaklase sa gusto niyang mangyari
sa inyong ginagawa. Tatanggapin mo ba ito?
A. Hindi, dahil mas maganda ang naisip mong ideya.
B. Oo, para hindi ka na mag-iisip pa kung ano ang gagawin.
C. Hindi, dahil ikaw lang ang dapat masunod.
D. Oo, igagalang mo ang suhestiyon niya dahil makadaragdag ito sa ikagaganda ng
inyong proyekto.
44. Ang pangakong binitawan ay kailangang tuparin dahil _____________?
A. hindi ka nila maiintindihan kong hindi mo ito natupad
B. aawayin ka kapag hindi mo ito nagawa
C. nakadaragdag ito ng kagandahan
D. dito nagsisimula ang pagtitiwala
43. Ang pagrespeto sa idea ng kapwa ay nagdudulot ng magandang pakikipagkapwa dahil
___________?
A. Ang ating ideya ay kailangang masunod.
B. Ang gusto natin ay palaging tama.
C. Karapatan nating mapakinggan.
D. Wala ang sagot sa mga nabanggit.
44. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng iba?
A. Si Maria na sinabing magandang ang ideya ni Romer para sa ginagawa nilang proyekto.
B. Si Eli na pinili ang iminungkahi ni Vanesa kahit mas maganda ang opinion ni Danny.
C. Si Reden na sinigawan si Irene ng sabihin nito ang kanyang suhesyon.
D. Si Allen na parang walang naririnig nang sabihin ni Ella ang kanyang suhestiyon.
45. “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos binibiyayaan.” Alin ang wastong
pagpapaliwanag dito?
A. Kilalulugdan ng marami ang batang magalang at maalalahanin.
B. Kinaiinggitan ang batang maraming pera o mayaman.
C. Ipinagtataboy ang batang masama ang ginagawa.
D. Maraming natatanggap na biyaya ang batang nagsasauli ng mga bagay na hindi kanya.
46. Ang __________ ay hango sa salitang Latin na “respectus” o paglingon muli.”
A. paggalang C. opinyon
B. makasasakit D. pagbibigay ng halaga
47. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng __________ sa ideya opinyon ng iba.
A. paggalang
B. makasasakit
C. opinyon
D. pagbibigay ng halaga
48. Dapat tayong maging bukas sa __________ ng iba.
A. paggalang
B. makasasakit
C. opinyon
D. pagbibigay ng halaga
49. Dapat maging __________ kung hindi mo gusto ang opinyon ng iba.
A. paggalang
B. mahinahon
C. opinyon
D. pagbibigay ng halaga
50. Iwasang magbigay ng mungkahi na __________ sa damdamin ng iba.
A. paggalang
B. makasasakit
C. opinyon
D. pagbibigay ng halaga
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF _____________
_________ ELEMENTARY SCHOOL
________ District

SECOND PERIODICAL TEST


IN AP
ANSWER KEY

1. A 26 C
2. C 27 A
3. A 28 D
4. D 29 C
5. D 30 A
6. D 31 C
7. C 32 D
8. D 33 C
9. A 34 B
10. B 35 B
11. C 36 A
12. C 37 C
13. C 38 B
14. B 39 C
15. D 40 C
16. A 41 D
17. D 42 D
18. C 43 C
19. B 44 A
20. B 45 D
21. B 46 A
22. D 47 D
23. D 48 C
24. D 49 B
25. B 50 B

You might also like