Masining Na Pagpapahayag Midterm Reviewer

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MIDTERM REVIEWER SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO

DISKURSONG PASALITA- ito ang uri ng Pagpapahayag ng anumang ideya na unang ginamit
ng tao mula sa Pagkabata, mula sa pagkaisip ng isang Sanggol na malimit na nagsimula sa
Unang pagtayo niya. Dito kalimitang Napapansin ang pagbanggit ng sanggol na mga pilipino ng
tunog na mama, nana, tata, dada. Hanggang magsimula na siyang Manggaya ng mga salitang
naririnig mula Sa mga kasama sa bahay.

PAANO AT SAAN GALING ANG PAGKATUTO NIYA?

1. Pakikisalamuha sa kapaligiran
2. Reaksyon buhat sa mga nakakausap
3. Mga nakikita, hanggang sa matuto na siyang magkwento.
KAYA ANG RESULTA ANG WIKANG PASALITA AY NAGKAKAROON NA NG MGA
ANTAS AT NAHAHATI SA MGA SUMUSUNOD:

1. WIKA SA PANAHON NG PANGGAGAYA - ito ang panahon ng unti unting pagkamulat ng


bata sa kanyang kapaligiran. Ito ang panahon na ginagaya nila ang lahat ng naririnig sa kasama
sa bahay, unti unti natatanim sa isip nila ang mga tunog natumutugon sa kani kanilang
pangangailangan.

Halimbawa: “Pag naiihi-Wiwi”


“Pag nagugutom- papa, ain na, utom”

2. WIKA SA PANAHON NG PAGKABATA - sa panahong ito lumalawak ang lugar na


ginagalawan ng isang bata, medyo lumalayo na siya sa bahay, hanggang makarating na ng
paaralan, unti-unti, natututo na siyang makihalubilo, makipaglaro, makipag usap at unti unti
natututo ng kumilala ng mga nakikita sa paligid.

3. WIKA SA PANAHON NG PAGBIBINATA AT PAGDADALAGA- Sa panahong ito dito na


nagkakaroon ng malaking pagbabago
A. Naipapahayag na ang damdamin
B. Natututo ng mangatwiran na salungat sa sinasabi o nakaugalian ng mga magulang o mga lolo
at lola.
C. Nagiging malikhain pati bokabularyo lumalawak na din.

4. WIKA SA PANAHON NG PAG AARAL SA KOLEHIYO - dito na tumitindi ang pakikipag


ugnayan ng tao sa buong daigdig. Sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa.

DISKURSONG PASULAT
Ito ang kasanayang pangwika na karaniwang natututuhan sa pag aaral nang formal sa
paaralan. Maaari rin namang sa tahanan. Sa paraang pasulat kailangan din ang kasanayan sa
pakikinig sa guro. Hindi magiging matagumpay ang pag-aaral ng pagsulat kung hindi marunong
makinig at magbasa ang isang mag aaral.

1
MIDTERM REVIEWER SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ANO ANG INYONG NATATANDAAN? PAANO KAYO NATUTONGMAGSULAT?

NATUTUHAN NINYO ANG 28 TUNOG NG ALPABETONG FILIPINO


Kumbinasyon ng mga titik sa pagbuo ng pantig, hanggang makabuo ng salita, parirala,
hanggang makabuo ng isang pangungusap at buhat sa pangungusap ay nakakabuo ng isang
talata. At sa talata nanggagaling ang mga sanaysay, kwento, nobela at ibat ibang lathalain, ibat
ibang uri ng pagpapahayag gaya ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad, pakikipagtalo,
editoryal, pagsusuring pampelikula, pag aaral ng pagsulat ng liham pantanggapan at iba pa.

Ayon kay LOPE K. SANTOS, ang pagsulat at pagbasa ay dalawang bagay na mistulang
magkapatid, na hindi mapag aaralang mabuti nang magkahiwalay sapagkat ang isa ay laan sa isat
isa at ang dalawa’y magkapunuan ng tungkulin o layunin.

Katulad ng pangyayari sa alinmang nag uusap, na may nagsasalita at may nakikinig, sa


pagsulat ay laging dapat alalahaning kaya may manunulat ay sapagkat may mambabasa.

LAYUNIN NG MANUNULAT:

Mapadali sa babasa ang pag-unawa sa mensaheng kanyang nais ipahatid sa kanyang mga
mambabasa.
ANG TANONG AY BAKIT?
1. Dahil kung hindi ninyo mauunawaan ang inyong binabasa, sino ang inyong tatanungin?

2. Sa pasalita, kaharap ninyo ang inyong kausap.

NAHAHATI ANG WIKANG PASULAT SA MGA SUMUSUNOD:

1. Panahon ng pagkilala sa mga tunog ng mga titik o letra ng alpabetong filipino. 5 patinig at 23
katinig

* pagtatambal ng titik upang makabuo ng pantig

* pag uugnay ng pantig upang makabuo ng salita, parirala at sugnay.

2. Panahon ng pagsulat ng pangungusap, talataan at komposisyon - sa panahong ito na


nagsasanay sa pormal na pagsulat ng mga reaksyon ang mga mag aaral tungkol sa nababasa at
nakikita sa kapaligiran.

3. Panahon ng pagdadalisay ng pagsulat sa maganda at masining sa filipino.

2
MIDTERM REVIEWER SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

MGA BATAYANG URI NG DISKURSO

4’KS SA MABISANG PAGSUSULAT

1. KALINAWAN- ang isang sulatin na hindi naghahatid ng malinaw na mensahe ay hindi


maituturing na mabisa. Dapat tandan ng isang manunulat na maging tiyak at
madaling ,maunawaan ang mga gagamitin niyang salita. Kailangan din na maging direct to the
point at maiwasan ang pagiging maligoy sa pagbubuo ng mga kaisipan.
2. KAISAHAN- Tumutukoy ito sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa loob ng isang
pangungusap gayundin ng mga ugnayan ng mga ideya sa loob ng isang pangungusap gayundin
ng mga ugnayan ng mga ideya sa loob ng pahayag. Ang isang epektibong sulatin ay nararapat na
may kaisahan.
3. KAIKLIAN– hindi na kinakailangan pa na masyadong mahaba ang sulatin. Sabi nga sa
naunang talakay na kailangang hindi maging maligoy ang paglalahad ng mga impormasyon at
ideya. Ang nararapat lamang na taglayin nito ay ang mahahalagang datos na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay.
4. KAWASTUAN– ang naisulat na ay mahirap nang baguhin pa kayat ang nararapat lamang na
ilaman ng isang sulatin ay ang mga tunay na detalye at impormasyon.

PAANO MAKABUBUO NG MAHUSAY NA KASANAYAN SA PAGSUSULAT.


1. Gawing kawili wili ang pagsusulat.
2.Magsulat nang magsulat.
3.Ibahagi ang mga mahuhusay na naisulat.

MGA DAPAT ISAALANG ALANG SA PAGSUSULAT


1. Maging malinaw sa mga layunin at ilahad it0.
2. Ipaliwanag kung ano ang nais maging tugon sa mambabasa.
3. Sikaping magtaglay ng kredibilidad ang sulatin at nagpapakita ng
pagkamagalang sa mga mambabasa.
4. Gumamit ng angkop na pamamaraan ng komunikasyon.

MGA DAPAT ISAALANG ALANG SA PAGPAPAHUSAY SA KOMUNIKASYONG


PASALITA
1. Pagsa alang alang sa taga pakinig
2. Paghahanay at pagbubuo ng mga impormasyon.
3. Pagsasa alang alang sa pamamaraan ng masining na pagbigkas.
4. Maayos na pagpili sa mga salitang gagamitin.
5. Bumuo ng dayalogo sa pagitan ng tagapagsalita ng mga tagapakinig.
6. Paggamit ng kilos at kumpas

MGA BATAYANG URI NG DISKURSO

1. NARATIBONG PAGPAPAHAYAG –isang paraan ng pagpapahayag na nag uugnay ng mga


pangyayari at may layuning magkwento. Pinakamatandang anyo ng pagpapahayag. Nagsisimula
ito sa mga alamat, epiko at mga kwentong bayan. Marami ang pinagkukunan ng paksa, tulad ng
sariling karanasan, narinig, nakita, nabalitaan at kathang isip.

3
MIDTERM REVIEWER SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

HALIMBAWA: isang hapon, ako’y nakakita ng isang batang lansangan na natutulog sa


bangketa. Nanghilakbot ako nang makita ang pagkadumi duming katawan ng bata. Inisip ko na
ang batang ito ay pinabayaan ng kanyang mga magulang. Ngunit sa halip na ako’y maawa ang
pumasok sa isip ko’y poot at galit hindi sa bata kundi sa kanyang mga magulang. Sa murang
gulang ng bata, dapat siya ay nasa paaralan at nag-aaral.

2. DESKRIPTIBO O PAGLALARAWAN- ito ang uri ng pahayag na ang layon ay bumuo ng


isang hugis o anyo ng isang tao , pook, pangyayari sa pamamagitan ng mga angkop at piling
piling salita. Maihahalintulad sa isang pintor sapagkat kapwa sila bumubuo ng larawan,
magkaiba nga lamang ng gamit. Gamit ng pintor ang pinsel at pintura samantalang ang
naglalarawan ay ginagamit ang mga akmang salita sa paglalarawan.

DALAWANG URI NG PAGLALARAWAN

A. KARANIWAN O OHEKTIBONG PAGLALARAWAN-kung ang paglalarawan ay di


Kasangkot ang damdamin at opinyon ng manunulat. Ito ay ayon lamang sa
Nakikita ng mata.

B. MASINING-SUBHEKTIBONG PAGLALARAWAN- kung ginagamitan ng mga tayutay na


naglalayong pukawin ang guni guni ng mambabasa o tagapakinig.

HALIMBAWA NG MASINING NA PAGLALARAWAN: Si elizabeth ay larawan ng tunay na


kagandahan. Ang kanyang mga mata ay nakikipagpaligsahan sa lamlam ng isang dapit
hapon. Ang kanyang pisngi ay mala rosas lalo na at sinisikatan ng mainit na araw. Ang
kanyang mga daliri ay hubog kandila at ang mga palad ay sinlambot ng bulak. Ito ang
kanyang mga katangian na labis na hinahangaan ng lahat.

HALIMBAWA NG KARANIWANG PAGLALARAWAN: Isa sa napakahalaga at napakagandang


tanawin ay ang kasalan sa nayon…isang pagdiriwang na dinadaluhan halos ng lahat ng mga
naninirahan dito. Bisperas pa lamang ay naghahanda na ang lahat. At sa huling gabi bago
ang kasalan ay isdang masaganang hapunan ang nagaganap kasama na ang masayang
sayawan.

3. EKSPOSITORI O PAGLALAHAD- ito ay isang anyo ng pagpapahayag na ang layon ay


magbigay kaalaman, magpaliwanag at tumugon sa pangangailangang pangkarunungan.
Kailangan sa isang naglalahad ang higit na kaalaman sa kanyang nilalahad na paksa.
Pinakagamitin sa uring ito ang sanaysay. Dahil sa sanaysay ay malayang naipapahayag ng
isang tao ang kanyang kuru kuro hinggil sa isang paksa.bawat sanaysay ay nagpapahayag ng
ibat ibang kuru kuro o opinyon.

HALIMBAWA: Di-matatawaran ang papel na ginagampanan ng magulang sa kanyang mga


anak. Simula sa pagsilang , inaaruga na nila ito, dinidisiplina para ito ay lumaking may
Magandang katangian.nakasalalay sa isang magulang ang kinabukasan ng kanyang mga
anak. Ito ang tungkulin ng isang magulang sa kanyang mga anak.

4.ARGUMENTATIBO O PANGANGATWIRAN- isang uri ng pahayag na naghaharap ng


Patotoo o ebidensya upang ang isang proposisyon o paniniwala ay maging katanggap
tanggap sa iba. Maselan ang uring ito ng pakikipagtalastasan dahil bawat isa sa atin ay may
kani kanilang paniniwala, paninindigan at kuru kuro na inaakala niyang wasto at

4
MIDTERM REVIEWER SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

makatotohanan. Mahalaga ang pagmamatwid dahil natutuklasan natin na ang ating dating
paniniwala ay mali pala. Subalit dahil sa pakikipag argumento, nahihimok din natin ang iba
na mapaniwala sa ating sinasabi.

HALIMBAWA: Dapat ipagbawal ang pagbili ng sasakyan sa mga taong walang garahe. Mas
responsable ang mga babae kaysa sa mga lalake

MGA KOMPOSISYONG PERSONAL


1. TALAARAWAN
2. AWTOBAYOGRAPIYA

MGA URI NG AKDANG PAMPANITIKAN

1. NOBELA- tinatawag din itong kathambuhay. Mahaba ito kaysa maikling kwento,
kinasasangkutan ng kawili-wili at masalimuot na pangyayaring sumasaklaw sa isang
mahabang panahon. Mayroon din itong tagpuan, tauhan, kasukdulan at katapusan.

2. MAIKLING KWENTO- anyo ng tuluyan na ang mga pangyayri ay payak lamang, may mga
kilos na organisado, may tunggalian din ng mga tauhan, may banghay, may kasukdulan at
may kakalasan o wakas. Natatapos lamang itong basahin sa isang upuan lamang.

3. DULA – isa pa ring akdang pampanitikang tuluyan na naglalarawan ng mga pangyayari sa


buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng entablado. Ang
ibat ibang uri ng dula ay komedya, melodrama, trahedya, parsa at saynete.

4. SANAYSAY- anyo ng panitikang tuluyan na naglalahad at tumatalakay sa isang paksa ayon


sa sariling pananaw at kuru-kuro ng may akda. Isa ito sa pinakamadaling isulat sapagkat
sariling opinyon lamang ito ng manunulat at kahit sino ay maaaring makagawa nito.

5. KOMIKS – itoy isang kwentong isinalarawan na nakakapagpalibang sa mga mambabasa.


Masasabing isang magasin na napapalooban ng mga kwentong iginuhit sa larawang may
salitaan sa iba’t ibang paksain.

6.TULA – ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin sa


pamamagitan ng mga piling salita na maaaring may sukat at tugma, talinghaga at kariktan
at maaari rin namang wala.

7. AWIT- ito ay isang tula na nilapatan ng tamang himig at musika, inawit at pinatanyag ng
isang mang aawit na nagpasalin salin sa mga dumarating na henerasyon.

8. PABULA- mga kwento kung saan ang pangunahing tauhan ay mga hayop.

URI NG PANITIKAN

1. PIKSYON –mga akda mula sa imahinasyon ng manunulat

2. DI-PIKSYON – mga akdang batay sa tunay na pangyayari

You might also like