Kayarian at Ayos NG Pangungusap

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FIL 408

(PALARAWANG LINGGWISTIKA)

YUNIT 5: Sintaksis
(Ayon sa Kayarian at Ayos ng Pangungusap)

Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnayan at langkapan.

1. Payak – ito ang pangungusap na may iisang pinag-uusapan na kumakatawan sa iba’t


ibang anyo. Bagamat payak may inihahatid itong mensahe.

Anyo ng payak na pangungusap

(a) PS-PP – Payak na simuno at Payak na panaguri.


Halimbawa:
Masipag na mag-aaral si Jose.
Matalinong bata si Jay.
(b) PS-TP – payak na simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
Matalino at masipag na mag-aaral si Jose.
Mabait at mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan ko.
(c) TS-PP – tambalang simuno at payak na panaguri.
Halimbawa:
Kapwa matulungin sina Jun at Lito.
Ang karukhaan at kalinisan ng loob ay kailangan ninuman.
(d) TS-TP – tamabalang simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
Mapagkandili at maalalahanin sina Mama at Papa.
Sina Pangulong Arroyo at Estrada ay mga haligi ng bansa at
magulang ng bayan.

2. Tambalan – ito ay pangungusap na may dalawang kaisipan na pinag-uugnay o


pinagdudugtong sa tulong ng pangatnig
Halimbawa:
Si Luis ay mahilig mang-asar samantalang si Loreng ay mapagmahal.
Unang kaisipan: Si Luis ay mahilig mang-asar.
Ikalawang kaisipan: Si Loreng ay mapagmahal.
Pangatnig: Samantalang

3. Hugnayan- ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay


na di makapag-iisa. Ang diwa ng dalawang sugnay ay magkarugtong at pinag-uugnay o
pinagsasama ng pangatnig.
Halimbawa:
Di malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mga mamamayan ay
magtutulong-tulong.
Sugnay na makapag-iisa- Di malayong umunlad ang Pilipinas.
Sugnay na di makapag-iisa- kung ang mga mamamayan ay magtutulong-
tulong.
Pangatnig- kung

4. Langkapan- ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na


makagpag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. Ang dalawang sugnay ay may
magkaugnay na diwa.
Halimbawa:
Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma kung magsisipag sa
pag-aaral at magtitiis ng hirap.
Ang 2 sugnay na makapag-iisa – Makapapasa talaga siya at makatatamo
ng diploma.
Ang 2 sugnay na di makapag-iisa- kung magsisipag sa pag-aaral at
magtitiis ng hirap.

Mga Ayos ng Pangungusap

May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung panaguri


ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang
simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwan
ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di
karaniwang ayos.

A. Karaniwan- nagsisimula sa panaguri at nagtatapos sa simuno kaya’t di litaw


ang “ay”. Ika nga’y P-S ang balangkas ng pangungusap.
Halimbawa:
Bumili ng bagong sasakyang si Elsie.
Ikinagitla ko ang balita sa telebisyon.
B. Di-Karaniwan- nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa panaguri. Kung litawa
o nakalantad ang “ay” sa loob ng pangungusap ang balangkas ay S-P.
Halimbawa:
Ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy na nagbabago.
Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.

Mga Sanggunian:
https://charlenemacaraig.wordpress.com/2016/11/25/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-
kayarian/

http://maestroromano.blogspot.com/2011/01/sintaks-araling-filipino-na-
tumatalakay.html

https://www.slideshare.net/JezreelLindero/pangungusapuri

You might also like