0% found this document useful (0 votes)
322 views

2nd PT AP

Ang dokumento ay tungkol sa isang pagsusulit sa Araling Panlipunan 3. Naglalaman ito ng 34 tanong na piliin ang tamang sagot mula sa ibinigay na mga opsyon. Ang mga tanong ay tungkol sa heograpiya, kultura at kasaysayan ng iba't ibang lalawigan sa rehiyon ng MIMAROPA.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
322 views

2nd PT AP

Ang dokumento ay tungkol sa isang pagsusulit sa Araling Panlipunan 3. Naglalaman ito ng 34 tanong na piliin ang tamang sagot mula sa ibinigay na mga opsyon. Ang mga tanong ay tungkol sa heograpiya, kultura at kasaysayan ng iba't ibang lalawigan sa rehiyon ng MIMAROPA.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

Republic of the Philippines

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Ministry of Basic, Higher and Technical Education
DIVISION OF LANAO DEL SUR 1
TAMPARAN DISTRICT 1
TAMPARAN CENTRAL PILOT ELEMENTARY SCHOOL
SY: 2023-2024

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 3
PANGALAN:________________________________________ISKOR____________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

_____1. Ano ang pangalan ng rehiyong kinabibilangan ng Palawan?

A. CALABARZON B. MIMAROPA C. NCR D. CAR

_____2. Kailan muling itinatag ang Romblon bilang isang hiwalay na lalawigan? A. Philippine Act No. 2724
C. Republic Act No. 2724

B. Philippine Act No. 3724 D. Republic Act No. 242

_____3. Alin sa mga salitang ito ang nagmula sa Tsino na sinasabing pinagmulan ng salitang Palawan?

A. Palwa B. Palawans C. Pa-Lao-Yu D. Paragua

_____4. Bakit ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas ang Batas 2280 noong Pebrero 21, 1920?

A. Para maging tanyag ang lalawigan ng Marinduque.

B. Para umunlad ang kanilang kabuhayan.

C. Upang pagsamahin ang dalawang lalawigan.

D. Upang muling itatag ang Marinduque bilang isang hiwalay na lalawigan. _____5. Paano nila napatunayan na ang
Kasaysayan ng Palawan ay 22,000 taon na ang lumipas?

A. Buhat ng matuklasan ang mga fossil nang mga Tabon sa Quezon.

B. Mula nang dumating ang mga Kastila sa Palawan.

C. Dahil ang Palawan ay isang tanyag na lalawigan.

D. Dahil maraming mga turista ang pumupunta dito.

_____6. Ano-ano ang bagay na nagbago sa lalawigan?

A. marami sa mga gusali ang nagkaroon ng maraming palapag.

B. dumami ang mga dumarayo

C. Ang libangan ng mga bata ngayon ay maglaro ng kompyuter

D. lahat ngnabanggit

_____7. Ano ang tawag sa bilang ng mga taong naninirahan sa isang lugar?
A. populasyon B. polusyon C. pananampalataya D. pagsisimba

_____8. Bakit ginagawa ng mag-anak na sama-samang magsimba kasama ang buong pamilya?

A. upang maisabuhay ang sariling pananamalataya at ispiritual na buhay

B. upang maipadama ang pagmamahal ng pamilya sa isa’t- isa

C. upang sama- samang manalangin

D. lahat ngnabanggit

_____9. Bakit nakabubuti ang mga pagbabagong nangyari tulad ng istruktura at kapaligiran sa iyong lalawigan?

A. dahil umuunlad ang lalawigan.

B. dahil hirap ang mga mamamayan.

C. dahil malungkot ang mga naninirahan.

D. dahil tamad ang mga tao.

_____10. Ano ang iyong nararamdaman kung nakikita ninyong nagbago ang mga gusali, lansangan, at istrukturasainyong
lalawigan?

A. malungkot B.masaya C. natatakot D. nagagalit

_____11. Ito ang makasaysayang labanan na naganap sa Marinduque noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

A. Labanan sa Sibuyan C. Labanan sa Mariveles

B. Labanan sa Pulang Lupa D. Labanan sa Boac

_____12. Sa kasalukuyan, paano nakatutulong sa mga mamamayan ng San Jose, Occidental Mindoro ang makasaysayang
paliparan na ginawa ng mga sundalong Amerikano bilang panlaban sa mga Hapones?

A. Nagkaroon ng regular na biyahe ng eroplano mula San Jose patungong Maynila.

B. Naisara ang mga daungan dahil iilan na lamang ang sumasakay sa barko patungong Maynila.

C. Maraming eroplanong pandigma ang nakahimpil sa paliparan upang ipagtanggol ang lalawigan.

D. Naging kaunti na lamang ang bumibiyaheng mamamayan patungo sa ibang lalawigan.

_____13. Ano ang naitulong sa mga mamamayan ng Romblon nang makamit nito ang pagiging lalawigan noong taong
1947?

A. Umunlad ang turismo sa pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista.

B. Nabigyang-pagkakataon ang mga mamamayang pamunuan ang lalawigan kaya mabilis na napaunlad ang ekonomiya at
impraestruktura sa lugar.

C. Nagkaroon ng maraming dayuhan na naging sanhi ng masikip na pook-pasyalan.

D. Naging suliranin ang pamamahala sa lalawigan dulot ng malaking populasyon.

_____14. Ang mga makasaysayang pook ng Kuta ng Sta. Isabel ay dinarayo ng mga turista lokal man o banyaga dahil ito ay
naging tanghalan ng taunang “Pasinggatan Festival”. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng makasaysayang
pook sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao sa naturang lugar?
A. Naipakikita ng mga mamamayan ang pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng bayan.

B. Nagagamit ng mga mamamayan ang lugar sa lahat ng pagkakataon.

C. Napababayaan ang ilang pook-pasyalan sa lugar.

D. Naging tanyag sa buong lalawigan ang nagsisitanghal sa pagdiriwang.

_____15. Bilang isang mag-aaral at mamamayan, sa paanong paraan mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga
makasaysayang pook sa inyong bayan o lalawigan?

A. Gumupit ng larawan ng makasaysayang pook mula sa aklat at ipaskil ito sa matataong lugar.

B. Ipagkatiwala na lamang sa mga kawani ng turismo ang pangangalaga rito. C. Magbabasa ng mga lathalain tungkol sa
mga makasaysayang pook ng ibang bansa.

D. Pag-iwas sa pagkakakalat, pagdudumi, pagsusulat sa mga dingding, at pagsira sa anumang bahagi ng mga lugar,
bantayog, o monumento.

_____16. Ano ang kahalagahang dulot ng pagkakaroon ng opisyal na simbolo ng iyong lalawigan?

A. Ito ay nagpapakita ng tradisyon at kaugalian ng lalawigan.

B. Ito ay nagpapahayag ng katangian at pagkakakilanlan ng lalawigan.

C. Ito ay nagpapakita ng pagiging masayahin at magiliw ng mga lalawigan.

D. Ito ay nagpapakita ng katapangan at kasipagan ng lalawigan.

_____17. Anong lalawigan sa rehiyong MIMAROPA ang may simbolo na tinatawag nilang Putong o Tubong Ceremony na
nagpapakilala ng kanilang tradisyonal na rituwal sa kanilang mainit na pagtanggap sa mga bisita?

A. Romblon B. Oriental Mindoro C. Marinduque D. Palawan

_____18. Ano ang sumasalamin sa natatanging katangian, pagkakakilanlan, at pinahahalagahan ng isang lalawigan?

A. kultura ng lalawigan

B. sagisag o simbolo ng lalawigan

C. tradisyon ng lalawigan

D. wika ng lalawigan

_____19. Alin sa sumusunod ang simbolo o sagisag ng lalawigan ng Palawan?

_____20. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan sa mga taga-Mindoro sapagkat tanging sa lalawigan lamang makikita ang uri
ng ganitong hayop.

a. tamaraw b. isda c. kalapati d. aso

_____21. Ito ay kumakatawan sa pagiging mapagmahal sa kapayapaan ng mga mamamayan ng Marinduque.

a. tamaraw b. isda c. kalapati d. aso

_____22. Ito ay sumisimbolo sa 15 bayan na bumubuo sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

a. bilog b. tuldok c. tala d. kulay pula


_____23. Ito ay sumasagisag sa proteksyon ng mga Marinduqueño.

a. kalasag b. korona c. bakal d. tamaraw

_____24. Ang ulo ng _____________ ay nagsisilbing pagkakakilanlan sa mga taga-Mindoro sapagkat tanging sa lalawigang
ito lamang makikita ang uri ng ganitong hayop.

A. kalabaw B. tamaraw C. usa D. baka

_____25. Alin sa sumusunod ang pangunahing produktong pangagrikultura ng mga lalawigan sa rehiyon ng MIMAROPA?

A. niyog B. palay C. prutas D. gulay

_____26. Mahalaga bang magkaroon ng opisyal na himno ang isang rehiyon at ang mga lalawigang sakop nito?

A. Hindi, dahil dagdag gawain lang ito ng mga tao.

B. Hindi, dahil wala naman itong maibibigay na pagbabago sa rehiyon.

C. Oo, dahil ito ay nag-uudyok na mahalin ang rehiyon at mga lalawigang kaniyang kinabibilangan.

D. Oo, dahil hindi ito isang paraan upang pukawin ang damdamin nila upang mahalin ang mga karatig rehiyon.

_____27. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa himno ng iyong lalawigan o rehiyon?

A. Awitin ng malakas C. Awitin ng dahan dahan

B. Awitin ng may paggalang D. Awitin ng may kasamang galaw

_____28. Alin sa sumusunod na lalawigan sa rehiyon ng MIMAROPA ang may himno na naglalaman ng mensahe tungkol
sa pagiging magiliw sa panauhin?

A. Romblon C. Palawan

B. Marinduque D. Oriental Mindoro

_____29. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa sining ng lalawigan?

A. ipagmamalaki ang sining ng lalawigan

B. tumulong sa pangangalaga ng sining

C. iingatan ang mga sining ng lalawigan

D. pag-iwas sa pakikinig at pag-awit ng opisyal na himno

_____30. Bakit ang mga lalawigan ay may sariling opisyal na himno?

A. Upang maging magaling na mang-aawit ang lahat ng mga mamamayan sa lalawigan

B. Naglalayon itong pukawin ang damdamin ng mga taga – lalawigan upang mahalin ang sariling lalawigan upang lalo
itong umunlad.

C. Upang makilala ang mga mang-aawit ng lalawigan.

D. Upang mayroong maipagmamalaking sariling awit sa ibang lalawigan.

_____31. Sino sa sumusunod ang kinikilalang bayani ng Palawan?

A. Lt. Col.Maximo Abad C. Dr. Higinio A. Mendoza, Sr.


B. Lt. Jose Gozar D. Macario G. Adriatico

_____32. Sinong bayani ang nakatanggap ng parangal sa kaniyang nagawang pagpapabagsak sa dalawang sundalong
piloto noong panahon ng digmaan?

A. Marcario Adriatico C. Lt. Jose P. Gozar

B. Dr. Higinio Mendoza D. LT.Col. Maximo Abad

_____33. Saan naganap ang labanan ng Pulang Lupa sa pamumuno ni Col. Maximo Abad?

A. Mindoro C. Marinduque

B. Romblon D. Palawan

_____34. Ano pa ang ibang katangian ng isang bayani bukod sa pagiging matapang?

A. naglalaan ng oras sa mga kabataan

B. handang ipaglaban ang mga dayuhan

C. handang ibahagi ang kasanayan sa iba

D. nagpapakita ng interes sa pamamahala

_____35. Paano natin ginugunita ang araw ng pagkamatay ng ating kinikilalang mga bayani?

A. pagsasaulo sa kanilang talambuhay

B. pagpapakita ng sigla sa pakikipanayam

C. pagbibigay ng regalo sa mga mahihirap

D. pag-aalay ng bulaklak sa kanilang dambana

_____36. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng taga-Marinduque na kung saan nakasuot ng maskara ang mga kalahok at
ipinapalabas tuwing Mahal na Araw?

A. Subaraw Festival C. Moriones Festival

B. Baragatan Festival D. Balayong Festival

_____37. Anong Lalawigan ang kilala bilang “Marble Capital ng Pilipinas”?

A. Mindoro C. Marinduque

B. Romblon D. Palawan

_____38. Ang mga produkto sa lalawigan ng Romblon ay palay, isda, kopra at __________.

A. Kamote at balinghoy B. Kopra C. Lato D. Marmol

_____39. Kung ang pagdiriwang sa Mindoro ay Mazurka Mindoreña, ano naman ang pagdiriwang sa Romblon?

A. Kanidugan Festival C. Morions Festival

B. Baragatan Festival D. Mazurka Mindoreño

_____40. Saan makikita ang sining ng Simbahang Bato?


A. Mindoro B. Romblon C. Marinduque D. Palawan

You might also like