Pagbasa Isang Prosesong Interaktib at Konstraktib - 053608

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

FIL. 202 PAGTUTURO AT PAGTATAYA


SA MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA

MODYUL 1 – ARALIN 5
PAGBASA: ISANG PROSESONG INTERAKTIB AT KONSTRAKTIB

INTRODUKSYON
Ang pagbasa at isang magandang gawain kung kaya may
maraming naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Hinggil
sa hilig at interes nito, maraming bentahe na makukuha rito.
Ito ay tuwid na instrument upang makuha at makilala ng lubusan
ang mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga
sagisag o letra na nakalimbag sa mg pahina upang maibigkas ito
sa pamamagitan ng pasalita.
Mahalaga ang pagbasa sa buhay ng bawat tao sapagkat ito
ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng
karunungan. Ito ang gintong susi na magbubukas ng pinto sa
daigdig ng karunungan at kasiyahan.
Ang pagbabasa ay isa sa mga kasanayan na siyang
kailangan ng tao para mabuhay tulad kung baga ng isang
pagkain ay hindi mabubuhay ang tao kung walang impormasyon.
Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng
may-akda sa babasahing kanyang isinulat. Ito ay bahagi ng din
ng komunikasyon. Sa madaling sabi, ang pagbasa ay sumasaklaw
sa pag-unawa sa mensaheng nakapaloob sa teksto sa tulong ng
dating kaalaman at karanasan ng bumabasa.
Sa araling ito, rito mo mapag-aaralan ang tungkol sa
pagbasa bilang isa sa makrong kasanayang pangwika. Tatalakayin
dito ang tungkol sa kahulugan, proseso, layunin sa pagtuturo
at mga yugto sa pagbasa.

Mga Bunga ng Pagkatuto

1. Nakapaglahad at nakapag-isa-isa sa mga pagpapakahulugan,


proseso, layunin at mga yugto ng pagbasa sa pamamagitan ng
paglagom na pasulat.
2. Nakapagsagot nang may kalinawan sa mga katanungan hinggil sa
paksa.
3. Nabigyang halaga ang paksang inilahad sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagawa sa karagdagang gawain.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

NILALAMAN

Pagbasa: Isang Prosesong Interaktib at Konstraktib

Ano ang Pagbasa?

Bigyan-laya natin ang ating diwa at papasukin natin sa


ating isipan ang isang tipikal na klase sa pagbasa. Obserbahan
natin na nagbabasa ang buong klase. Nakabibingi ang
katahimikan. Tahimik ding nakamasid ang guro sa mga gawi at
kilos ng bawat mag-aaral. Bawal ang mag-ingay. Pagkatapos ng
itinakdang oras sa pagbabasa, ipasasara ang aklat. Ipasasagot
ang mga inihandang mga tanong, magkakaroon ng maikling
talakayan at tatapusin ang klase sa isang maikling pagsusulit
at ibibigay pagkatapos ang takda sa susunod na araw. Ano ang
ipinahihiwatig ng ganitong sistema ng pagkaklse sa pagbasa?
Anong impresyon ang mabubuo mo sa ganitong uri ng pagtuturo?

Isa sa maaaring tugon ay ang pagbasa ay isang pasibong gawain


(passive) at walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mag-
aaral at teksto, o sa guro at kapwa mag-aaral. Ikalawa,
nakatuon lamang ang pansin sa pag-alam kung may natatandaan
ang mga mag-aaral sa mga detalyeng tinalakay sa akda. Sa mga
mag-aaral nama’y maaring mabuo sa kanilang isipan na ang
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

pagbasa ay pagsasaulo ng mga tauhan, tagpuan, banghay at iba


pang element ng akda.

Ang pagbasa ay isang malawak na proseso na may kinalaman sa


pagkilala, pagpapahalaga at pag-unawa sa mga salita. Ang pagbasa
ay ang pagbibigay katuturan sa kahulugan at diwa ng isang limbag
na kaisipan. Ito ay kakambal na ng pamumuhay ng bawat tao. Ito’y
tiyak at maayos na pagkilala at pagsasama-sama ng mga salita
upang makabuo ng kahulugan at kaisipan. Masasabi rin na ang
pagbasa ay paraan ng pagtukoy sa ideya at kahulugan ng mga
nalimbag na babasahin o sulatin.

Ang pagbasa ay isang gawaing hindi maihihiwalay sa buhay ng tao.


Paggising pa lamang sa umaga, ang tao ay magsisimula na ng
gawaing pagbabasa. Babasahin niya ang oras, ang mga kailanagn
niya sa paghahanda ng kanyang ikabubuhay. Ang katotohanan, sa
maraming sandali at oras ay kailangan nating magbasa.

Ang tagumpay o kabiguan ng mga mag-aaral sa pagbasa ay


repleksyon ng kanilang mga istartehiya; ang mga istratehiyang
ito ay repleksyon naman ng kanilang ganap na pagunawa kung ano
ang pagbasa; ang depinisyon naman nila sa pagbasa ay karaniwan
nang sumasalamin kung paano ito itinuturo at ang paraan sa
pagtuturo ay repleksyon naman ng depinisyon sa pagbasa na
pinaniniwalaan o pinanghahawakan ng guro.

Ayon kay Lord Chesterfield, kanyang nabanggit ang kasabihang


<The man who reads, is the man who leads=. Kung ang isang tao ay
may maraming gabundok na kaalaman sa kanyang isipan, madali
lamang para sa kanya ang paghahanap ng solusyon sa mga umiiral
na suliranin na pumapalibot sa lipunan na ginagalawan ng tao.
Madaling makapanghimok sa iba ang isang taong maalam.
Samakatuwid, napakaraming mabuting maidudulot ng gawaing pagbasa
sa buhay ng bawat isa.

KAHULUGAN NG PAGBASA

1. Ayon kay McWhorter (sa Mabilin et, al; 2012:8), ang pagbasa
ay susi sa tagumpay ng isang tao lalung-lalo na sa laranga ng
pangka-akademiko. Ang pagbasa rin ay ang pangunahing kailangan
ng tao upang marating ang kanyang mga pangarap o mga miniminthi
sa buhay.
2. Ayon kay Goodman (sa Bernales, et al; 2010), ang pagbasa ay
isang psycholinguistic guessing game. Nakapaloob sa gawaing ito
ang panghula at pagbuo ng iskina habang nagbabasa ang tao.
3. Ayon kay Coady (sa Bernales et al, 2010), na nagbigay ng
elaborasyon sa kaisipan ni Goodman a pagbasa. Upang lubusan ang
pag-unawa sa teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa
ay maiugnay sa niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga
impormasyong masasalamin sa teksto.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ayon kay Coady, ang kakayahang pangkaisipan ay ang


panlahat na kakayahang intelektwal ng isang tagabasa. Ang mga
istratehiya sa pagpoproseso ng impormasyon ay iyong may
kinalaman sa paggising ng mga impormasyong nasa isipan ng
tagabasa gaya ng kaalamang semantika (impormasyon tungkol sa
daigdig, halimbawa mga konsepto, ideya, karanasan atbp.)
kaalamang sintaktik( impormasyon tungkol sa wika, halimbawa,
ang pagbuo ng pangungusap at ang batayang hulwaran) at
kaalaman sa ugnayang graphophonic ( halimbawa: pormasyon ng
pantig, pagbaybay, atbp.). Ang dating kaalaman ay binubuo ng
lahat ng karanasan at impormasyong nasa isipan ng tagabasa na
maaaring gamitin bilang pantulong kung sakaling may kahinaan
ang tagabasa sa kaalamang sintaktik.
4. Ang pagbasa ay isang interaktibong gawain dahil hindi lamang
tumatanggap ng mga bagong pilosopiya, konsepto at pananaw ang
mambabasa ngunit nagbibigay at naglalahad din siya ng kanyang
kaalaman at saloobin bilang tugon sa kanyang binabasa.

4. Ayon kina Urguhart at Weir (sa Arrogante, et al; 2007), ang


pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga
impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag
na midyum.
5.

Ilang Pagtingin sa Kalikasan ng Pagbasa

Maraming tao, kasama na ang ilang guro, ang naniniwala na


ang pagbasa ay ang kakayahan ng isang tao na maisa-isang
basahin ang mga salitang nakalimbag maging ito’y sa isang
pahayagan o aklat. Mahalagang mabatid na ang pagbasa ay hindi
ganitong kadali. Ang kaalaman at ang pag-unawa sa mga
kasanayang itinuturo at kung paano ituturo ang mga kasanayang
ito’y malaki ang impluwensya sa kung ano at paano ka magturo.
Kaya siguro, mas maganda kung maglaan tayo ng kaunting panahon
para alamin at unawain ang mga salik na may kinalaman sa
pagbasa bago natin pagtuunan ng pansin ang pagtuturo nito.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Balik-tanaw sa mga Sariling Karanasan sa Pagbasa

1. Alin sa mga teksto sa ibaba ang kaya mong basahin?


Bakit hindi mo mabasa ang iba?

Ilang Kabatiran sa mga Layunin at Proseso sa Pagbasa


Ang ilalahad sa ibaba ay ilang kabatirang dapat taglayin
pagkatapos talakayin ang ilang isyu sa pagbasa na inilahad sa
panimula ng araling ito.

1. Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na


kalakaran/kombensyon sa pagsulat.

a.Ang hangod ng mata sa pagbasa ay magkakaiba-iba sa


iba’t ibang wika.Halimbawa, ang mga teksto sa Filipino ay
binabasa mula sa kaliwa pakanan, samantalang ang tekstong Intsik
ay binabasa mula itaas-pababa mula sag awing kanan ng pahina.

b.Nagkakaiba-iba rin ang paraan ng paglalahad ng


ideya o kaisipan sa iba’t ibang wika. Ang Filipino at Ingles
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

ay may alpabeto kung saan ang bawat letra at kumbinasyon ng


mga letra ay may tunog at ang isang salita ay maaaring buuin
sa pagsasama ng mga letra na sa pagbasa ay nakabubuo ng tunog
ng salita.

c.Kahit na may mga wikang gumagamit ng parehong


alpabeto, ang letra-tunog na korespondensya ay hindi palaging
magkatulad. Hal. Ang karaniwang tunog ng /a/ sa Ingles ay /ae/
gaya ng Apple. Sa Filipino, ang tunog ng /a/ ay /a:/ gaya ng
ama. Maaaring pag-ugatan ito ng pagkalito kapag parehong
pinag-aaralan ang dalawang wika.

2. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe na


nakapaloob sa isang teksto. Ang pagpapatunog ng mga salita
ay isang bahagi lamang ng proseso sa pagbasa.

Kung ang isang pitong taong gulang na bata ay


nakababasa nan g Filipino, magagawa niyang basahin ang
teksto A ngunit maaaring hindi niya ito mauunawaan dahil
kulang pa siya sa mga kaalaman na mahalaga sa pag-unawa ng
teksto.

3. Bahagi ng pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wika kung


saan ito nasusulat.

Ang kaalaman sa wika kung saan nakasulat ang isang teksto


ang pangunahing kailanganin sa pagbasa. Hindi sapat na
nabibigkas ng tao ang anumang nakalimbag sa teksto. Kailangan
mayroon siyang dating kaalaman (prior knowledge) sa wika kung
saan ito nakasulat upang mabigyang kahulugan niya ito.

4. Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam ( tungkol


sa daigdig, sa kultura, sa paksang tinatalakay, mga
kalakaran at iba pa).

Isang panuntunan na maaaring gamitin sa pagpili ng


tekstong babasahin ay dapat itong makatulong sa pagpapalawak n
gating kaalaman o kasanayan; nakapagbbigay ng bagong
perspektibo hinggil sa dating kaalaman, naglalaman ng bagong
impormasyon, nagbibigay ng pagkakataon para sa intelektwal,
emosyon at ispiritwal na debelopment, at iba pa.

5. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip.


Hindi mapag-aalinlangan na ang pag-iisip ay mahalaga sa
pagbasa. Ang pagbasa ay pagtatangka ng isang tagabasa na
maunawaan kung ano ang iniisip o nais pakahulugan ng isang
awtor. Upang maisagawa ito, ang isang tagabasa ay naghihinuha,
nanghuhula, nagbubuo ng kongklusyon.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

6. Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo.


Malinaw na may naganap sa isang usapan, hindi ba?
Nakikinig tayo sa sinasabi ng iba. Nakikiayon. Sumasalungat.
Nagtatanong. Sumasagot. Hindi ganitong kalinaw ang interaksyon
ng tagabasa, ngunit naroon ang interaksyon.

7. Ang pagbasa ay isang sistema sa pagtataguyod ng ating buhay.


Kailangang nakababasa tayo ng iba’t ibang uri ng teksto
para sa ating pang-arawaraw na pakikipamuhay. Kailangan natin
ang talatakdaan ng lipad ng mga eroplano o alis at dating ng
bus sa terminal kung tayo ay may pupuntahang malayong lugar.
Kailangan nating basahin ang mga lebel sa botelya ng gamut
upang ,malaman ang tamang dosis ng gamut na iinumin.
Kailangang binabasa rin natin ang mga karatula o babala para
sa sariling kaligtasan, atbp.

8. Gumagamit tayo sa pagbasa ng maraming kasanayan (multiple


skill) at iniaangkop natin ang mga ito sa iba’t ibang uri ng
teksto upang matugunan ang ating layunin sa pagbabasa.
Magkaiba ang paraan ng pagbabasa ng isang direktoryo ng
telepono at pagbabasa ng isang teksbuk. Hindi magkatulad ang
pagtanggap natin sa mga kattotohanang inilalahad sa isang
adbertisment at sa kinalalabasan ng isang pananaliksik na
inlathala sa isang dyornal. Anupa’t mapapatunayan na batay sa
ating mga karanasan, ang paraan ng pagbasa ay iniaangkop natin
sa uri ng tekstong binabasa upang matugunan ang layunin sa
pagbasa nito.

9. Mahalaga ang malawak na karanasan sa pagbabasa ng isang


partikular na teksto para sa tamang pag-unawa nito sa isang
tiyak na pagkakataon.
Kapag may marami kang karanasan, ito’y nagpapatunay lamang
na marami ka ring kaalaman sa anumang bagay sa paligid.

10. Kailangang makuro ng isang tao na ang pagbasa ay


makabuluhan at kawiliwili. Kung hindi, walang mangyayaring
pagbasa sa labas ng silid-aralan.
Ito’y isang patunay lamang sa mga nababasa sa mga
pahayagan sa araw-araw— wala sa pagbabasa ang hilig ng mga
kabataan natin sa kasalukuyan. Bagama’t mataas an gating
literasi rate, ang oras na ginugugol sa pagbabasa ay
napakaikli. Tandaan na hindi natatapos ang tungkulin ng guro
sa pagbasa pagkatapos matutong bumasa ang kanyang mga mag-
aaral. Kailangang linangin din niya sa bawat isa ang
pagkagusto sa pagbabasa.

KAHALAGAHAN AT LAYUNIN NG PAGBASA


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Sa aklat ni Leyson et at. (2007), ipinaliliwanag ang mga layunin


ng tao kung bakit sila’y ay nagbabasa at inilalahad ang mga ito
sa ilustrasyon na ito.
LAYUNIN KAHALAGAHAN
Dahil ito ay nakapagpapalwak PANGKAALAMAN
ng kaalaman at nakapagtatalas
sa isip ng tao.
Dahil malawak ang imahinasyon PAMPAGLALAKBAY-DIWA
ng tao, sa pamamagitan ng
pagbasa para lang din siyang
nakarating sa ibang mundo.
Dahil ang pababasa ay nakapag PANGMORAL
impluwensya ng tamang pag-
uugali at kilos tulad ng mga
aral sa buhay na nararapat na
pamarisan.
Dahil sa pagbasa,naiintindihan PANGKASAYSAYAN
ng tao ang nangyari noon at
ang patuloy na nangyayari
ngayon para sa paghahanda sa
maaari pang mangyayari.
Dahil nakakaalis ng pagkabagot PAMPALIPAS- ORAS
ang pagbabasa. Tulad ng
pagbabasa ng komiks, magasin,
isports at iba pa.
Dahil nakatutulong ito sa PANGKAPAKINABANGAN
pagtuklas ng mga matatayog na
mga kaalaman na maaaring
sandata ng tao para guminhawa
ang buhay.

PROSESO NG PAGBASA

Ang gawaing pagbasa ay gaya lang din ito ng isang pagpapatala


para makapag-aral na kailangang sumusunod sa tamang hakbang kung
alin ang mauna mauna at alin ang mahuhuli. Sa pagpasok sa
paaralan, unang hakbang sapagaaral ay ang pagpapatal sa Kinder 1
hanggang sa ikaaapat o ikalimang antas sa kolehiyo. Hindi
pwedeng mauna sa kolehiyo bago mag-kinder. Upang higit na
maging mabisa ang alinmang pagbasa, nangangailangan ito ng
wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagkakamit ng
inaasahang bunga. Tinatawag itong pamaraan pagka’t ang mga ito
ang karaniwan at ideyal na proseso ng pagbasa.

Teksto Pagkilala/Persepsyon Pag-unawa/Komprehensyon

Pagsanid, Asimilasyon, o
Integrasyon
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Pagtugon/Reaksyon

1. Pagkilala/Persepsyon- unang hakbang na nagagawa ng mga


mambabbasa. Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag
na simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga
simbulong nababasa. Iba ang nagbabasa lamang sa tunay na
nakaunawa sa kanyang binasa.

2. Pag-unawa/Komprehensyon- ang ikalawang hakbang ng pagbasa.


Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. Ang
pagpoprosesong ito ay nagaganap sa isipan. Dito din
pumapasok ang komprehensyon o pagunawa ng mambabasa sa
mensahe ng awtor.

3. Pagtugon o Reaksyon- ang ikatlong hakbang ng pagbasa. Sa


hakbang na ito,hinahatulan o pinapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalagang isang tekstong binasa. Ayon
kina Aban at Cruz, may dalawang paraan ang pagsasagawa ng
reaksyon: INTELEKTWAL kung tuwirang nasaling ang kaniyang
pag-iisip na humantong sa pagpapasya sa kawastuhan at
lohika ng binasa. EMOSYONAL kung higit sa paghanga sa
istilo at nilalaman ang reaksyon niya.

4. Pagsanib, Asimilasyon o Integrasyon- Para sa mga


mambabasang may malawak nang kaalaman ang ikaapat. Gayunman,
maaari rin itong makamit ng mga taong kahit hindi palabasa
ay may sapat nang karanasan, ito ang INTEGRASYON o
ASIMILASYON sa hakbang namang ito, isinasama at iniuugnay
ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o
karanasan.

MGA TEORYA NG PAGBASA

Mayroong apat na teorya ng pagbasa. Tatlo sa mga modelong ito


ang binigyang linaw ng Summer Institute of Linguistics
International. Ang mga ito ay ang modelong bottom-up, modelong
top-down at modelong interaktibo. Ang modelong iskema naman ay
ipankilala ni Karl Pearson bilang pang-apat na modelo.

1. Teoryang <Bottom-Up=- ang pagbasa ay ang pagkilala


ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo (stimulus)
upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response).
Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga


titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa
man ang pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000).

Ang proseso ng pag-unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula


sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag
itong <bottom- up=.

Pagbasa ng Letra Pagbasa ng Salita Pagbasa sa mga


Pangungusap

Komprehensyon ng Pagbasa sa mga


Teksto Talata

2. Teoryang <Top-Down=- Bilang reaksyon sa naunang


teorya, isinilang ang teoryang <topdown=. Napatunayan
kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top) tungo
sa teksto (down). Ang pananaw na ito ay impluwensya
ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa
ay isang prosesong holistik.Ayon sa mga proponent nito, ang
mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng
pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior
knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling
kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang
ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa
pamamagitan ng teksto (Badayos,2000).

Mga Kaalaman at Mga Layunin sa Komprehensyon ng


Karanasan Pagbasa Teksto

3. Teoryang Interaktiv- ang teksto ay kumakatawan sa


wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang
isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa
wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor- mambabasa at
mambabasaawtor. Itoy may dalawang direksyon obi-
directional.

4. Teoryang Iskema- Bawat bagong impormasyong nakukuha sa


pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima, ayon sa teoryang
ito. Samakatuwid, bago paman basahin ng isang mambabasa ang
isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng
teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Mga Yugto sa Pagbasa


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ang mga bata ay pumapasok sa paaralan dahil umaasa sila


na maraming matutuhan ditto lalo na sa pagbasa at pagsulat.
Kung gagawa tayo ng isang sarbey at tatanungin ang mga batang
naghahanda na sa pagpasok, malamang na ang una nilang
sasabihin kung bakit gusto nilang pumasok ay upang “matutong
bumasa”. Taglay ng mga bata sa kindergarten ang isang malawak
na hanguan ng mga kaalaman tungkol sa wika at literasi na
kanilang magagamit sa pag-aaral ng pagbasa at pagsulat. Ang
mga bata ay likas na mausisa sa mga bagay na nakikita nila sa
araw-araw. Palagi silang may tanong at nakamasid sa paligid.
Anupa’t bawat kilos, galaw, tunog na mararamdaman nila sa
paligid ay magiging bahagi ng kanilang proseso sa pagkatuto.
Sa kabuuan ng prosesong ito, ang kanilang kaalaman tungkol sa
wika’t literasi ay lumalago at mabilis na nagbabago. Ang
interaksyong nagaganap habang sila’y nakikihalubilo sa iba’t
ibang tao sa maraming pagkakataon ang magbubunsod sa kanila sa
pagbuo ng sariling konsepto tungkol sa literasi at vsa
kahalagahan ng pagiging marunong bumasa at sumuslat. Sa
katunayan, maraming mga bata ang umaasa na matututo na silang
bumasa at sumulat sa unang araw pa lamang nila sa paaralan.

Ang mga kasanayan at istratehiya sa pagbasa at pagsulat


ay hindi matatamo sa isang iglap lamang. Ang pagkatuto nito ay
isang prosesong debelopmental. Ang mga kasanayan at
istratehiya sa pagbasa ay gradwal na nalilinang sa loob ng
apat na panahon o yugto sa pagbasa-ang kahandaan sa pagbasa,
ang panimulang pagbasa, ang pagbasang debelopmental, at
malawakang pagbasa. Ang unang tatlong yugto at tinatawag na
mga yugto para matutong bumasa at ang huling yugto ay
tinatanaw bilang yugto ng pagbasa para matuto.

Yugto ng Kahandaan sa Pagbasa

Ang yugtong ito sa pagbasa ay nararanasan ng mga bata sa


iba-ibang edad. May mga bata na maagang nalilinang ang
kahandaan sa pagbasa (mga 4 na taon hanggang 6 ½ taon; may mga
batang huli ang pagkalinang nito). Ang kahandaan sa pagbasa at
depende rin sa kapaligirang nilakhan ng bata, sa pagkakalantad
niya sa iba-ibang babasahin at sa mayamang karanasan niya sa
araw-araw. Ang kahandaan sa pagbasa ay isang yugto sa
debelopment ng bata. Ito’y isang pagbabagong kalagayan na
maaaring tumagal nang maraming buwan. Sa yugtong ito,
kakikitaan nang unti-unting pagbabago ang bata mula sa hindi
pa marunong bumasa hanggang sa makakilala at makabasa na siya
ng mga nakalimbag na teksto.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Yugto ng Panimulang Pagbasa

Ito ang yugto kung nagsisimula ang bata sa pormal na


pagbasa na kadalasa’y sa mga aklat na pre-primer o primer.
Dito nagsisimula ang proseso sa pagkatuto ng pagkilala sa
salita at mga simbolo, pag-alam sa kahulugan ng salita o sa
kahulugan ng parirala at pangungusap. Ang mga talasalitaang
ginagamit sa mga babasahin ay kontrolado. Ang yugtong ito ng
panimulang pagbasa ay gaganap sa unang baiting o sa edad 6 ½
taon hanggang 7 taon.

Yugto ng Debelopmental na Pagbasa

Ito ang yugto sa programa ng pagbasa na nagpapatibay at


nagpapalawak ng mga kanais-nais na mga kasanayan sa pagbasa at
mga pagpapahalagang natamo ng mga nagdaang taon at
pagdedebelop pa ng mga bagong kasanayan at pagpapahalaga na
kakailanganin sa ag-unawa at pagkalugod sa mga kompleks na
nakasulat/ nakalimbag na teksto. Ito ang yugto na nalilinang
ang kasanayan sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binasa.

Yugto ng Malawakang Pagbasa

Ang yugto ng malawakang pagbasa ay ang panahon ng


pagpapapino at pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pagbasa. Ang
pagbasa n aisang kasanayang angkin nan g mag-aaral ay isang
kasanayan para sa pagtuklas ng lalong marami at malawak na
impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan o interpretasyon.
Sa yugtong ito’y patuloy na nalilinang ang iba-ibang
kasanayan gaya ng komprehensyon, organisasyon, bokabularyo,
interpretasyon at iba pa.

Kahandaan sa Pagbasa

Ang kahandaan sa pagbasa ay isang mahalagang katangian na


dapat ay taglay nan g isang bata sa kindergarten o sa unang
baitang ng paaralang elementarya. Sa yugtong ito ng pag-aaral
na pagbasa, maaaring magpakita ang isang bata ng kahinaan sa
gawaing pagbasa dahil ang pagiging handa ay nababatay sa
kalikasan ng mag-aaral.Ito ay itinatadhana nang ayon sa
maraming salik at ang mga ito ay dapat pahalagahan ng bawat
gurong may pananagutan sa mga unang araw pa lamang ng mga bata
sa paaralan. Maraming salik ang maaaring makaimpluwensya sa
kahandaan ng bata sa pagbasa at kailangang maisaalangalang ang
mga ito para sa isang matagumpay na pagkatuto. Ang mga
naturang salik ay ang mga sumusunod:
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

1. Kagulangang Pisikal (Physical Maturity). Ang


kagustuhan ng isip at ang pangkalahatang kalusugan ng
bata ay mahalaga. Malinaw niyang nakikita ang anyo at
hugis; naririnig nang wasto at maliwanag ang bigkas ng
salita at nauulit ang naririnig na salita kung wala
siyang depekto sa paningin, pandinig at pagsasalita.

2. Kagulangang Mental (Mental Maturity). Ang salik sa


pangkaisipan o mental ay mahalaga sa pagkilala ng
salita at mga simbolo at pagpapakahulugan sa mga
simbolo; at sa kakayahang Makita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga simbolo at salita. Kailangan din ang
talas ng pananda o memori.

3. Kagulangang Sosyal at Emosyunal (Social and Emotional


Maturity). Magkakaibaiba ang lawak at saklaw ng
panlipunang pinagmulan ng mga bata. Iyong mga likas na
matatalino ay malamang na galling sa masayang tahanan
at maaaring makadama ng katiwasayan at kasiyahang
lumahok sa mga gawaing pangklase at sa pagsasagawa ng
mga payak na gawain. Sa isang kapaligirang ang mag-
aaral ay hindi nagkakaroon ng mga suliranin ay higit
na magiging mabilis ang pagkakalinang ng kahandaan sa
pagbasa.

4. Personalidad at Karanasan ( Personality and Experience


Factors). Ang mga unang karanasan sa tahanan at sa
kapaligiran ay nakaaapekto sa personalidad ng magaaral
at nakaaapekto rin naman sa kakayahan sa pagbasa at
maging sa iba pang gawain sa pagkatuto. May mga batang
lumaki sa tahanan o kapaligirang marahas, malupit at
may lumaki sa isang kaiga-igayang kapaligiran. May mga
batang pagkapanganak pa lamang ay nalantad na sa iba-
ibang aklat at mga babasahin. Ito’y mga salik na may
malaking kaugnayan sa maagang pagkakaroon ng kahandaan
sa pagbasa.

5. Wika (Language Factor). Pagtuntong ng isang bata sa


paaralan, tinatayang mayroon na siyang ganap na
pagkontrol sa palatunugan, morpolohiya at sintaks ng
wikang una niyang natutuhan. Mayroon na rinsiyang
sapat na talasalitaan na magagamit niya sa pakikipag-
ugnayan sab ago niyang kapaligiran. Ang ganitong mga
kakayahan ay nakatutulong nang malaki sa mabilis na
pagkalinang ng kahandaan sa pagbasa.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Sanggunian
Badayos, Paquito. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto
ng Filipino: Mga Teorya, Simulain at Estratehiya. Mutya
Publishing House, Inc. Malabon City.
COR 8- PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK, MODYUL 1, MALAYAN COLLEGES MINDANAO, A MAPUA
SCHOOL

You might also like