Esp 4TH Periodical Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

Division of City Schools Manila


TOMAS EARNSHAW ELEMENTARY SCHOOL
A. Bautista St., Punta, Sta. Ana, Manila

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Pangalan: _______________________________________________________________Iskor: __________

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng tamang pangangalaga sa sarili?


A. Kumain ng sapat at tamang pagkain.
B. Pag-eehersisyo minsan sa isang linggo.
C. Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil nakasisira ito ng tiyan.
D. Natutulog nang tatlo hanggang limang oras bawat araw.
2. Bakit kailangang pahalagahan natin ang ating buhay?
A. Dahil masayang mabuhay
B. Dahil kailangan tayo sa mundong ibabaw.
C. Dahil ipinanganak ka ng nanay mo kaya kailangan mong mabuhay.
D. Dahil ang buhay ay kaloob ng Diyos at kailangan natin itong alaagaan.
3. Alin sa mga sumusunod ang tama at dapat sundin?
A. Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay mayaman.
B. Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay malusog.
C. Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay walang kaibigan.
D. Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay maraming pera pagpasok sa paaralan.
4. Si Lian ay laging kumakain ng tocino, fried chicken, at hotdog. Ano ang maaaring mangyari sa kanyang
kalusugan?
A. Magiging masigla
B. Magiging maliksi
C. Magiging mahina
D. Magiging maganda
5. Alam mong masustansya ang gulay ngunit ayaw mong kumain nito. Inimbitahan ka ng kaibigan mo ngunit ang
ulam nila ay gulay. Ano ang iyong gagawin?
A. Susubukan kong kainin ang gulay.
B. Itatabi ko sa gilid ng plato ko ang gulay.
C. Uuwi na lang ako sa amin at doon ako kakain.
D. Ipapakain ko sa aso ang gulay na hindi nila nakikita.
6. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapamalas ng pagpapahalaga sa kapwa?
A. Pagbabahagi ng pagkain sa walang makain.
B. Umaakay sa mga matatandang tumatawid sa lansangan.
C. Pipillin ang bibigyan ng tulong sa nasalanta ng bagyo.
D. Pinakikitunguhan ang mga taong may kapansanan tulad ng pakikitungo ko sa iba.
7. Buuin ang kasabihang, “Nilikha ng Diyos ang kapwa upang ating maging_____________”?
A. Alila
B. Katiwala
C. Kaaway
D. Katuwang
8. Alin sa sumusunod ang hindi tamang gawi sa pakikipag-kapwa?
A. Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati ang pagsisimba.
B. Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati sa pagliban sa klase.
C. Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati sa pagagawa ng takdang aralin.
D. Pagsunod sa lahat ng nais gawin pati sa pagtulong sa gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng plato.
9. Ang pagtulong sa kapwa sa panahon ng kahirapan, kaguluhan at malnutrisyon ay tanda ng ________?
A. Pagmamahal
B. Pagdadamutan
C. Pag-aaway
D. Pagsasakripisyo
10. Si Lola Amanda na 78 taong gulang ay mag-isang naninirahan sa kanyang bahay sa Brgy. San Pedro, Vigan City
at malayo sa kanyang pamilya. Napansin mong lagi siyang malungkot. Ano ang maaari mong gawin para sa
kanya?
A. Hindi papansinin at iiwasan na lang.
B. Hindi ko siya kakausapin.
C. Maglalaro sa harap ng kanyang bahay kasama ang mga kalaro.
D. Pupuntahan ko siya sa kanyang bahay at makikipagkwentuhan o di kayay aliwin siya.
11. Apat kayong magkakapatid at kulang na ang kinikita ng iyong tatay para sa inyong magkakapatid, sa hindi
inaasahang pangyayari ay nabuntis ang iyong nanay at pagkalipas ng siyam na buwan ay nanganak na may
diperensya sa paa. Ano ang iyong gagawin bilang panganay na anak?
A. Pababayaan ko ang aking kapatid kapag wala ang aking mga magulang.
B. Paaalagaan ko ang aking kapatid sa mas nakababata sa akin.
C. Tatanggapin ko ng maluwag sa aking kalooban ang aking kapatid na may kapansanan.
D. Tatanggapin ko ang aking kapatid na may kapansanan pero sa harap lamang ng aking mga magulang.
12. Nakita mong basang-basa ng pawis ang damit ng iyong kapatid dahil naglinis siya sa bakuran at nagdilig ng mga
halaman. Gusto na niyang maligo agad. Ano ang sasabihin mo?
A. Magpahinga ka muna at patuyuin natin ang iyong pawis sa likod bago ka maligo.
B. Sige maligo ka na agad ng mabilis at ikukuha kita ng sabon at tuwalya para makapagpunas ka agad.
C. Sige sasabayan na kitang maligo at maglaro tayo ng habulan habang tayo ay naliligo sa bakuran.
D. Halika maligo na tayo sa bakuran. Hayaan mo ng basa ang iyong likod ng pawis mababasa ka rin naman pag
naligo.
13. Niyaya ka ng iyong tatay sa paghingi ng binhing itatanim ngunit niyaya ka rin ng iyong kaklase na maglaro sa
plasa. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama ako sa aking kaklase para maglaro.
B. Sasama ako sa aking tatay at paghihintayin ko ang aking kaklase.
C. Hindi ako sasama sa aking tatay sasabihin kong maglalaro kami ng aking kaklase.
D. Hindi ako sasama sa aking kaklase sasabihin kong may pupuntahan kami ng aking tatay sa susunod na lang
kami maglaro.
14. Tayo ay nilikha upang ipahayag o ipakilala ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng______?
A. Kalokohan sa kapwa.
B. Kabutihan sa kapwa.
C. Kasamaan sa kapwa.
D. Kamuhian ang kapwa.
15. Namasyal sa Manila Zoo Namasyal kayo sa Manila Zoo. May nakapaskil na “Bawal Batuhin ang mga
Hayop”Nakita mong binabato ng isang batang katulad mo ang isang buwaya. Ano ang gagawin mo?
A. Babatuhin ko rin ang buwaya.
B. Pagsasabihan siya ng mabibigat na salita.
C. Isusumbong ko siya sa namamahala sa Zoo.
D. Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa.
16. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa ligaw na hayop maliban sa ________.
A. Pagtirador sa mga Philippine Eagle.
B. Paggawa ng tirahan para silungan ng usa.
C. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop.
D. Panonood ng mga programa tungkol sa mga ligaw na hayop upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga
ito.
17. Si Ben ay gustong-gusto lagi na maging sikat sa kanilang silid-aralan dahil doon gumawa siya ng isang bagay
para siya kainggitan ng kanyang mga kamag-aral. Alin sa sumusunod na gawi ni Ben ang hindi dapat tularan?
A. mayabang
B. may malasakit
C. mabuti
D. maalalahanin
18. Napanood mo sa telebisyon na marami ng mga hayop ang malapit ng maubos dahil sa kapabayaan ng mga tao.
Dahil doon ay gusto mong makatulong para naman manumbalik ang dami ng mga hayop na malapit ng maubos.
Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat tularan?
A. Ang pagbibigay ng damo sa alagang kabayo.
B. Tamang pag-aalaga sa mga alagang hayop o ligaw na hayop.
C. Paninirador ng mga ibong lumilipad sa paligid bahay at dumadapo sa puno.
D. Susuportahan ko ang pagbabawal sa panghuhuli ng mga Philippine Eagle sa aming lugar.
19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalga at pagmamalasakit sa ating kalikasan?
A. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan.
B. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran.
C. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi
D. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.
20. Kompletuhin ang kasabihang “Ang pagiging Luntian ng Kapaligiran ay sumasagisag sa ________”
A. Kalusugan ng ibang bansa
B. Kalusugan ng katawan at isip.
C. Kalusugan ng kalaro
D. Kalusugan ng kapit-bahay
21. Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy upang madagdagan o
mapalitan ang mga nabuwal ng mga puno’t halaman. Ano ang ipinapakita ng tekstong ito?
A. Naipapakita ang pagmamahal sa Poong Maykapal.
B. Naipapakita ang pagmamahal sa ating mga magulang.
C. Naipapakita ang pagmamahal sa ating mga guro sa paaralan.
D. Naipapakita ang mpagmamahal sa aitng mga kamag-aral sa paaralan.
22. Sa kwentong “Tayo na sa Halamanan” Ano ang pangangailangan ng mga halaman ayon sa magkaibigan?
A. Init na sikat ng araw at pataba.
B. Init na sikat ng araw, tubig, pataba.
C. Init na sikat ng araw, tubig, pataba at alisin ang mga damo.
D. Init na sikat ng araw, tubig, pataba at mga damong nakapaligid sa kanila.
23. Bukod sa kagandahan ng ating paligid. Ano pang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng luntiang kapaligiran?
A. Masakit sa mata ang luntian.
B. Nagbibigay dumi sa kapaligiran.
C. Bumubuhay lamang sa hayop.
D. Nagbibigay-buhay sa iba pang nilalang na hayop at tao.
24. Ang Clean and Green ay isang paraan ng pagsasaluntian ng kapaligiran at pagpapanatiling maayos at malinis nito.
Ano ang dapat mong gawin sa nasabing programa?
A. Huwag pansinin
B. Ipagwalang-bahala.
C. Makisali at suportahan ito.
D. Ipakita ang pakikilahok paminsan-minsan.
25. Dahil sa pagpuputol ng mga tao ng mga halaman at puno sa kagubatan nakakalbo na ang ating kabundukan. Ito
ang nagiging dahilan ng pagbaha at landslide. Ano ang maaari mong gawin bilang isang mag-aaral upang
makatulong sa programang ito?
A. Magsasawalang kibo na lamang.
B. Hindi na lamang papansinin dahil bata pa ako wala akong magagawa.
C. Uuumpisahan ang pagtatanim sa sariling tahanan sa mga patapong bagay na pwedeng pagtamnan.
D. Hahayaan ang Kapitan na magkaroon ng programa sa aming barangay na Oplan Balik Tanim.
26. Walang espasyo sa inyong paaralan upang mapagtamnan ng mga halaman ngunit hangad mong tumulong sa
pagkamit ng layunin ng Programang Clean and Green. Ano ang maaari mong gawin bilang isang mag-aaral.
A. Mangongolekta ako ng mga plastik na bote, at gulong at dito ako magtatanim.
B. Hindi ako makikinig ng mga hakbang tungkol sa pagtatanim.
C. Hahayaan ko ang aking magulang.
D. Hahayaan ko na ang aking paaralan.
27. Ang pangulo ng samahan ng mga magulang sa inyong lugar ay nagpatawag ng pulong sa mga kabataang tulad
ninyo para sa ilulunsad na bagong proyektong “Halamang Gamot Para sa Kalusugan”. Papaano mo ibabahagi ang
iyong oras sa proyektong ito?
A. Hindi ako dadalo.
B. Magdadahilan ako na hindi ako pinayagan ng aking magulang.
C. Hindi ako interesado dahil wala akong pakialam sa proyektong ito.
D. Dadalo ako sa pulong dahil naniniwala ako na maganda ang maidudulot ng proyektong ito sa aming lugar.
28. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating kalikasan?
A. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan.
B. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran.
C. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi.
D. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.

II. Isulat ang T kung tama kung pangungusap at nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan at isulat ang M kung
mali.

_____29. Pagsuporta sa mga illegal loggers tungkol sa pagputol ng mga punongkahoy sa kapaligiran.
_____30. Pagsama sa pagtatanim ng mga puno sa aming lugar.
_____31. Pagtatapon ng mga tuyong dahoon sa compost pit para gawing pataba sa mga halaman.
_____32. Kumakain ka ng kasoy. Nang maubos mo ito, napagpasiyahan mong huwag itapon ang buto nito at
maaari mo itong itanim.
_____33. Itinatapon ko ang aming basura sa tabi ng ilog kung gabi.
_____34. Nililinis ko ang daluyan ng tubig sa kanal isang beses isang lingo.
_____35. Itinatapon ko ang patay na hayop sa ilog.

III. Iguhit ang masayang mukha kung tama at nagpapakita ng pangangalaga sa mga material na bagay na o
kagamitan at malungkot na mukha kung hindi nagpapakita.

______36. Itinago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kagamitan sa hindi ko na ginagamit.
______37. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at tinidor na ginamit ko sa pagkain
______38. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay upang
hindi masira.
______39. Hinihikayat ko ang aking mga kamag-aral na punitin ang likod ng mga papel at kwaderno na wala
pang sulat.
______40. Gumagamit ako ng baso kung ako ay nagsesepilyo upang hindi masayang ang tubig.
Department of Education
Division of City Schools Manila
TOMAS EARNSHAW ELEMENTARY SCHOOL
A. Bautista St., Punta, Sta. Ana, Manila

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP IV 2022-2023


SUSI SA PAGWAWASTO

1. A
2. D
3. B
4. C
5. A
6. C
7. D
8. B
9. A
10. D
11. C
12. A
13. D
14. B
15. D
16. A
17. A
18. C
19. D
20. B
21. A
22. C
23. D
24. C
25. C
26. A
27. D
28. D
29. M
30. T
31. T
32. T
33. M
34. T
35. M
36. MASAYANG MUKHA
37. MALUNGKOT NA MUKHA
38. MASAYANG MUKHA
39. MALUNGKOT NA MUKHA
40. MASAYANG MUKHA

You might also like