Lesson Plan Sa Tula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Mallig Plains Collges, Inc.

Pamantayang Pagganap: Nalalaman ang kahalagan at layunin ng tula bilang isang uri ng akdang
pampanitikan.

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan at nasusuri ang elemento ng tula

Kasanayang Pampagkatuto: Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t-ibang paraan at


pahayag (F9WG-Ie-43)

LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. nauunawaan at nalalaman ang mga elemento ng tula;


B. nasusuri ang mga elemento ng tula;at
C. nakasasagawa ng ibat-ibang gawain gamit ang natutunan sa paksang tinalakay.
I. PAKSANG-ARALIN:
A. Paksa: Ang tula at ang mga Elemento Nito
B. Sanggunian: www.nonstopteaching
C. Materyales: Powerpoint Presentation, telebisyon at iba pang kagamitang biswal
D. Metodolohiya: Malayang talakayan
E. Pagpapahalaga: Upang lubos na maunawaan at mapahalagan ang tula at elemento nito
ngayon at maging sa susunod na henerasyon.

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
Magandang umaga klas! Magandang umaga po guro!

2. Panalangin
Ama, Maraming salamat po sa inyong
Bago natin simulan ang pagtatalakay
binigay na panibagong araw sa amin. Isang
ngayong araw, maaari mo bang pangunahan araw na puno ng biyaya at umaapaw na
kasiglahan sa bawat isa na naririto sa klase
ang ating panalangin Leo?
na ito. Bigyan niyo po kami ng karunungang
nagmumula sa iyo ng upang sa ganoon
maunawaan naming mabuti ang mga
tatalakayin naming sa araw na ito.

Amen.
3. Pagpuna ng kaayusan
Bago kayo umupo ay maari bang pulutin
ang inyong mga kalat at paki-ayos ang
inyong mga upuan.

4. Pagtala ng liban
Maaari ko bang malaman kung mayroong
lumiban sa ating klase ngayon? Wala po Guro!
Mabuti naman kung ganun!

Upang maging organisado at maayos ang ating


talakayan sa araw na ito ay mayroon akong mga
inihandang alituntunin.

Pakibasa,_______. Mga Alituntunin sa loob ng klase:


1. Makinig na mabuti sa guro
2. Itaas lamang ang kamay kung may
katanungan
3. Makilahok sa talakayan
4. Panatilihin ang respeto sa bawat-isa.
Naunawaan ba ang ating mga alituntunin klas?

Inaasahan ko na ito ay masunod hanggang


Opo guro!
matapos ang ating talakayan.

A. PANGLINANG NA GAWAIN
Bago tayo dumako sa ating aralin ay mayroon
muna akong ipapanuod sa inyong video.
Making nang mabuti sapagkat ito ay may
kinalaman sa ating tatalakayin sa araw na ito. “ OKS LANG AKO”

Maliwanag ba klas?
Opo guro!
B. PAGLALAHAD NG ARALIN
Mula sa inyong napanood klas batid na ba ninyo
ang ating tatalakayin sa araw na ito?
Maaaring ang ating tatalakayin sa araw na ito
ay patungkol sa pagtula o tula po.

Mahusay!
Ang ating tatalakayin sa umagang ito ay ang Tula
at ang mga elemento nito.
C. PAGTATALAKAY
Sa inyong palagay ano kaya ang tula? Ma’am sa aking sariling ideya ang tula po ay
nakakatulong upang maipahayag po natin
ang ating nararamdaman.
Mahusay klas!
Maaaring tama at may kauganayan ang iyong
kasagutan. Ngunit ano nga ba ang tula?
Pakibasa ang katuturan nito________.
Ang tula o panulaam ay isang masining na
anyo ng panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin ng makata o
manunulat nito. Kilala ito sa malayang
paggamit ng wika sa iba’t-ibang anyo at
estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at
magagandang kaisipan gamit ang maririkit na
salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang
ginagamitan ng tayutay.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang
mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.
Batay sa inyong binasa, ano na sa inyo ang tula?
Sa aking sariling pag-unawa ang tula po
isang anyo ng panitikan kung saan malaya
nating ipahayag ang ating nararamdaman.
Karagdagan lamang kapag tayo ay susulat nang
tula kinakailangan na mayroon tayong malawak
na kaalaman sa ating isinulat dahil may malaking
epekto nito sa ating susulating tula.
Maliwanag ba klas? Opo guro!

Upang lalo ninyong maunawaan kung ano nga ba


ang tula ay mayroon akong ibabahagi na
halimbawa.
Ito ay pinamagatang “ Sa Aking Mga Kababata”
Sino ang gustong magbasa?
Maraming salamat anak!
Ating susuriin ang tula sa pagpapatuloy ng ating
talakayan.
Dumako naman tayo sa walong (7) elementong
Tula.
Pakibasa ang una_______
1. Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng
bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong.
Halimbawa:
Isda: is/da= ito ay may dalawang pantig
Mayroong apat na uri ng sukat pakibasa ang mga
ito________. Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin
Hal. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin
Hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa nait at muni, sa hatol ay salat.
3. Lalabing-animin
Hal. Sari-saring bungangkahoy, hinog na at
matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa
paligid.
4. Lalabingwaluhin
Hal: tumutubong mga palay, gulay at
maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang
kahoy na malabay

Maliwanag na bas a inyo ang sukat klas? Opo guro!


Kung gayon sino ang gustong pumunta sa Ma’am ang bilang po ng pantig ay labing
harapan at bilangin kung ilang pantig ang nasa
unang saknong ng tula? dalawa (12) kaya ang sukat nito ay
lalabindalawahin.

Napakahusay klas!

Ang pangalawang elemento naman ay


pakibasa_______ 2. Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o maraming linya.
(taludtod).
 2 linya- couplet
 3 linya- tercet
 4 linya- quatrain
 5 linya- quintet
 6 linya- sestet
 7 linya- septet
 8 linya- octave
Ang couplates, tercets at quatrains ang
madalas na ginagamit sa mga tula.
Tandaan lamang natin klas na pag sinabing
saknong ito ay binubuo ng mga linya o
taludtod.

Sino ang sa inyo ang makapagsasabi kung


ilang saknong ang tulang “Sa aking mga
kababata”? Maam para po sa akin ang bilang po ng
saknong sa tula ay lima po.

Maaari ka bang pumunta sa harapan anak at


bilangin mo ang saknong?

1
2
3
4
5

Sino naman ang makapagbibigay ng bilang


ng taludtod o linya sa bawat saknong ng tula? Maam ang bilang po ng taludtod o linya ay
tig apat po o quatrain.

Mahusay klas!
Ngayon dumako naman tayo sa pangatlong
element pakibasa_______ 3. Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin
ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may
tugma ang tula kapag ang huling pantig ng
huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda
sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa
tula ng angkin nitong himig o indayog.
Narito ang mga uri ng tugma
Pakibasa_____ 1. Hindi buong rima(assonance)- paraan ng
pagtutugma ng tunog kung saan ang
salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat
pare-pareho ang patinig sa loob ng isang
saknong o dalawang magkasunodo salitan.
Pakibasa ang halimbawa klas?
At ang pangalawang uri naman ay
pakibasa______ Halimbawa:
aaa aia
aaI aii

2. Kaanyuan (consonance)- paraan ng


pagtutugma ng tunog kung saan ang
salita ay nagtatapos sa katinig.
a. Unang lipon, mga salitang
nagtatapos sa- b, k, d, g, p, s, t

Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. Ikalawang-lipon, mga nagtatapos
sa- I, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noon g kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Naintindihan ba kung ano ang tugma klas? Opo guro

Ang pang-apat naman na element ng tula ay


ang kariktan. Pakibasa ang katuturan
nito_____ 3. Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit
na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at
kawilihan.
Napakahalaga nga klas na ang tula ay may
kariktan dahil hindi magiging epektibo ang
iyong tula kung nagtataglay lamang ng mga
pangkaraniwang salita.
Gaya na lamang sa tula kung ating
mapapansin nagtataglay ito ng mga maririkit
na salita na siyang nagbigay diin sa gustong
ibahagi ni Dr. Jose Rizal.

Sunod namang elemento ay ang Talinhaga. 4. Talinhaga


Pakibasa_____ Kinakailangan dito ang paggamit ng mga
tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.
Sa inyong palagay klas bakit kaya na ang tula Ma’am kinakailangan poi to na magtaglay ng
gagamitan ng matatalinhagang salita? matatalinhagang salita dahil sabi na nga sa
depenisyon ito ay may layuning kunin ang
loob o interest na magbabasa nito.
Napakahusay na pagsagot klas!
5. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula.
Ito ay may apat (4) na anyo
 Malayang taludturan- walang
sinusunod na sukat, tugma o
anyo.
 Tradisyunal- may sukat,
tugma at mga
matatalinhagang salita
 May sukat na walang tugma-
mga tulang may tiyak na
bilang ang pantig ngunit ang
huling pantig ay hindi
magkakasingtunog o hindi
magkatugma.
 Walang sukat na may tugma-
mga tulang walang tiyak na
bilang ang pantig sa bawat
taludtod ngunit ang huling
pantig ay magkakasintunog o
magkakatugma.

At ang panghuling element pakibasa______ 6. Persona


Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una,
ikalawa o ikatlong panauhan.

Naintindihan bang mabuti ang tula at ang


elemento nito klas! Opo guro!

Palakpakan ninyo ang inyong sarili sapagkat


ang ating talakayan ngayon ay napakaganda
dahil batid kong may kooperasyon ang lahat.

D. PAGPAPAHALAGA
Ma’am pinag-aaralan at inaalam pa rin natin
Ngayon naman mayroon lamang akong isang
katanungan sa inyo. Bakit kaya na pinag- ang tula sapagkat ito ay maituturing nating
aaralan pa rin natin ang tula klas?
yaman sapagkat ito’y pamana ng ating mga
makatang ninuno. Nakakatulong din ito sa
atin bilang mag-aaral sa pagbuo ng
makabuluhang tula at higit sa lahat
makakatulong din sa mga susunod na
henerasyon.

Maraming salamat anak sa siksik at malaman


na iyong kasaguta!

E. PAGLALAHAT
Ngayon muli nga nating isa-isahin ang ating
mga tinalakay.

Ano na nga ulit ang tula klas?


Ang tula o panulaam ay isang masining na
anyo ng panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin ng makata o
manunulat nito.
Magaling!

Ano-ano naman ang mga elemento ng tula


klas?
Ma’am ang mga elemento ng tula ay ang
mga ss:
Sukat, Saknong, Tugma, Kariktan,
Talinhaga, anyo at persona.
Mahusay! Palakpakan ninyo ang inyong
sarili batid ko na lubhang naunawaan na
ninyo ang ating tinalakay.
F. PAGLALAPAT
Upang mapayabong pa ang inyong mga
natutunan sa ating klase. Papangkatin ko
kayo sa apat upang isagawa ang mga gawain
na inyong mabubunot.
Pakibasa ang panuto klas!

RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN


Pamantayan sa Pagmamarka:
5- Napakahusay 2- Di-gaanong mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay
3- Katamtaman
Mga pamantayan Puntos
Masining at mahusay na 5
pagkakagawa sa inatas na
gawain
Epektibong paggamit ng wika at 5
makrong kasanayan sa pag-uulat
o pagpapakita ng pangkatang
gawain
Naipapakita ang pagkakaisa sa 5
loob ng pangkat kung kaya
nakabuo ng malinis at maayos na
gawain
Kabuuang Puntos 15

Panuto: Ang bawat lider ay pupunta sa


Pakibasa ang panuto klas!
harapan upang bumunot nang kanilang
isasagawang gawain.
Unang Pangkat: I-broadcast ninyo
Gumawa ng isang maikling broadcasting
segment na maglalahad ng kahalagahan ng
tula bilang anyo ng panitikan.
Pangalawang Pangkat: Pili Simbolismo
Pumili ng mga bagay na sisimbolo sa tula.
Ipaliwanag kung bakit ito ang inyong napili.
Ikatlong pangkat: Tula-Likha
Sumulat ng isang maikling tula na
nagpapahayag ng inyong pasasalamat sa mga
Makatang Pilipino.
Ikaapat na Pangkat: Kami’y Tutula
Pumili ng 2 saknong ng isang akdang tula at
bigkasin ito batay sa inyong interpretasyon.
IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa patlang ang hinihilang sagot sa bawat bilang.

_______1. Isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o
manunulat nito.

_______2. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

_______3. Anong tawag sa mga salitang ginagamit sa pagbuo ng isang tula na may taglay na kalaliman?

_______4. Ano ang tawag sa paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita sa pagbuo ng isang tula?

_______5. Anong tawag sa grupo ng mga salita na bumubuo ng isang tula?

_______6. Ito ay tumutukoy kung paano isulat ang tula.

_______7. Walang sinu

V. TAKDANG-ARALIN

Saliksikin ang kahulugan, layunin at mga bahagi ng sanaysay. Isulat sa malinis na papel.

Inihanda nina:

Bb. Arlyn L. Bocngel

Bb. Jessica Mae Edralin

You might also like