Modyul 14 - Mga Isyung Moral Tungkol Sa Seksuwalidad
Modyul 14 - Mga Isyung Moral Tungkol Sa Seksuwalidad
Modyul 14 - Mga Isyung Moral Tungkol Sa Seksuwalidad
I. Panimula:
1. Kahulugan ng Seksuwalidad
2. Kahalagahan ng Seksuwalidad
Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Ito ay
nangangahulugang magiging ganap kang tao at bukod-tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o
pagkababae. Bagama’t nalalaman ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang kaniyang
pagtanggap at pagganap sa kaniyang seksuwalidad. Ito ay nararapat na naaayon sa tawag ng pagmamahal
at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya - ang pagkakaisa ng katawan at espiritu. Ang seksuwalidad
samakatuwid ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang
kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
Mga iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang kabataan ay
pumapasok sa maagang pakikikapagtalik. Ito ay ang sumusunod:
1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matugunan ang
pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng
kaniyang buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga
gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
Mga dahilan/pananaw kung bakit ang pagtatalik bago ang kasal ay mali
1.Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon
sa katapat na kasarian.
2.Itinuturing ng taong nagsasagawa nito ang kaniyang kapareha bilang isang seksuwal na bagay na tutugon
sa personal at sarili niyang kasiyahan. Kapag hindi na niya kailangan ang kaniyang kapareha, maaari na niya
itong itapon at palitan.
3.Nawawala ang komitment sa kaniyang kapareha at sa pamilya nito.
4.Nakasisira ito hindi lamang sa kanilang dalawa kundi maging sa komunidad.
5. Sa pakikipagtalik na walang kasal, napaglalaruan ng kabataan ang kanilang seksuwalidad. Sinasaliksik
nila ito bunga ng kuryosidad at kasiyahan at hindi isinasaalang-alang ang maaaring maging bunga nito sa
kanila. Dahil dito, napabababa nila ang kanilang pagkatao dahil sa kanilang pagtatalik.
6. Ang sarili nila ay maaaring maging mga bagay lamang na tutugon sa kanilang makalupang pagnanasa.
7. Ang seksuwalidad sa ganitong konteksto ay nagiging kasangkapan at hindi nadadala sa nararapat nitong
kaganapan.
B. Pornograpiya
Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may kahulugang
prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o
palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
Epekto ng pornograpiya
1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o
paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalonglalo na ang panghahalay.
2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang
magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa. Nakararanas sila ng seksuwal na
kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na
pakikipagtalik.
3. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin.
Ang mga mahahalay na eksenang ipinakikita ng pornograpiya ay pumupukaw ng mga damdaming
seksuwal ng kabataang wala pang kahandaan para rito. Nagdudulot ito nang labis na pagkalito sa kanilang
murang edad.
Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga seksuwal na damdamin na
ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa. Ayon kay
Immanuel Kant, nauuwi sa kawalangdangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong
pagnanasa.
Pornograpiya at sining
Ang sining ay nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng kagandahan ay nakapagbibigay
ng kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang nagawa. Ito rin ay humihikayat na makalinang
ng mga kilos at kalooban patungo sa kung anong ipinapakahulugan sa ipinakikita. Isang halimbawa nito ay
ang estatwa ng “oblation” na nasa bungad ng Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman. Ang estatwang hubad ay
sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng sarili sa Diyos, hindi nagsasaalang-alang sa anupamang mga bagay
at kahubarang nagnanais na mabihisan ng kaalaman. Ilan pang halimbawa ng sining na nagpapakita ng
kahubaran ay ang estatwa ni Venus de Milo at ni Haring David na pawang mga nilikha ni Michaelangelo.
Maaari kaya natin itong uriin bilang halimbawa ng pornograpiya? Dapat nating tandaan na hindi lahat ng
hubad na larawan ay halimbawa ng pornograpiya.
D. Prostitusyon
Kahulugan ng prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng
panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay
makadama ng kasiyahang seksuwal.
Epekto ng prostitusyon
A. Ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga o ang prostitusyon ay isang pang-aabusong seksuwal
na nakapagpapababa sa pagkatao ng taong sangkot dito. Ang bumibili at nagpapabili ng aliw, ay
nawawalan ng paggalang sa pagkatao ng tao. Naituturing ang taong gumagawa nito (na kadalasan
ay babae), na isang bagay na lamang kung tratuhin at hindi napakikitaan ng halaga bilang isang tao.
B. Sinasamantala ng mga taong “bumibili” ang kahinaan ng babae o lalaking sangkot dito. Nagsisilbi
ang babae o lalaki sa pamamagitan ng paggamit sa kanila bilang isang kasangkapan na magbibigay
ng kasiyahang seksuwal. Ang prostitusyon ay nagiging pugad ng pamumuwersa at pananamantala.
C. Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad. Sa prostitusyon,
ang kaligayahan ay nadarama at ipinadarama dahil sa perang ibinabayad at tinatanggap.
III. Pagbubuo
A. Mga katotohanang sinasalungat ng mga isyu tungkol sa Seksuwalidad
1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang pagtungo sa
kaganapang ito ay malaya at may kamalayan.
2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materya) na kumikilos na magkatugma
tungo sa isang telos o layunin.
3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang isip at kilos-
loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti o masama.
B. Kahalagahan ng Seksuwalidad
Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin sa
layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit nilalang tayo
ng Diyos. Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal kabilang na ang katawan bilang ekspresyon ng
pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong gawin sa tamang panahon. Ang mga seksuwal na faculdad
o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa dala wang layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na
pinagbuklod ng kasal. Ito ay tumutugon sa layuning magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa (unitive).
C. Posisyon o pagpapasiyang dapat gawin ng mga kabataan tungkol sa mga isyu sa Seksuwalidad
Sa pagsasagawa ng mga isyung seksuwal na nabanggit, marapat ding alamin ng tao lalo na ng
kabataan kung ano ang layunin nila sa pagsasagawa nito:
1. -Ang layunin ba nila ay mabuti?
2. -Paano naman ang kanilang paraan?
3. -Ang paraan ba ay mabuti?
Upang magbunga ng mabuti ang iyong pagpapasiya, dapat na maging bukas ang isang kabataang
katulad mo tungkol sa pinagdaraanan mo. Huwag mo itong itago o ilihim. Maghanap at paligiran mo ang
iyong sarili ng mga kapamilya at kaibigang iyong mapagkakatiwalaan. Magbibigay sila sa iyo ng suporta at
magkakaloob sa iyo ng lakas na labanan ang mga tukso. Maaari ka ring maghanap ng propesyonal na tulong
kung sakaling ikaw ay lulong na sa mga pang-aabusong ito.